Chapter 21

2474 Words
"A million words would not bring you back, I know because I've tried. Neither would a million tears I Know because I've cried." . . . ............. ............. ............. ............. . . Malaya akung nakakagalaw sa loob at labas ng aming bahay. Wala akung kasamang magbibigay stress sa akin. Mamaya sasamahan ako ni Natalie sa isang OB gyne para masiguro ko kung safe kami ng baby ko para sa gagawin kung paglisan. Ayun kay Atty. three to four hour ang biyahe depende sa traffic situation papunta sa lugar, kung saan pinili kung mamalagi pansamantala para maalagaan kung mabuti ang aking sarili, at ang sanggol sa sinapupunan ko. Sa lugar na alam kung walang makakakilala sa akin. "Manong ito po ang address ng pagdadalhan niyo ng mga halaman." aniko sa driver na kilala ni Natalie, nagbigay din ako ng maikling note para kay Yaya Sonya. Lahat ng paboritong mga halaman nila Mama ipinahatid ko na sa bahay namin alam kung aalagan ng mga kasambahay namin ang mga halaman. Matapos kaming makapag-usap at magkasundo sa dapat gawin ni Natalie. Pinahahakot ko na sa kanya ang mga halaman at gamit ko sa paghahalaman para may panimula siya para hindi habang panahon katulong lang siya. Iaangat ko siya sa kinalalagyan niya. "Sigurado ka na ba sa disisyon mo?" Nag-aalangan niyang tanong sa akin. "Pag may problema tawagan mo lang ako." Dagdag pa niya. "Matagal ko ng pinag-isipan ito. At ito na ang tamang oras para sa sarili ko. At para sa ikabubuti ng lahat, para rin sa magiging anak ko." tugon ko sa kanya. Gusto kung ipagpatuloy niya ang nasimulan namin. Siya ang magpapatuloy sa negosyo namin. Mamayang hapon hahakutin na daw nila ang mga halaman. Kaunti nalang ang matitira, karamihan yung mga nakatanim na lang sa lupa. "Aayusin ko nalang lahat ng matitira dito." saad ko kay Natalie. "Tutulongan nalang kita at baka makasama pa sa iyo, kung mapaano pa ang inaanak ko." usal niya. "Total wala naman ang mga amo mo." Dagdag pa niya dahil hanggang ngayon hindi ko pa sinasabi sa kanya ang totoo. Gusto ko man sabihin pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya ang totoo. Dahil alam kung magagalit siya pagnalaman niya ang katotohanan. Hindi pa napapanahon para makilala niya kung sino talaga ako at kung anung kaugnayan ko sa taong inaakala niyang amo ko. "Anong oras kita ihahatid sa bus terminal bukas?" Tanong niyang may lungkot sa mga mata. "Kung may magagawa lang ako hindi kita papayagang umalis." Dagdag pa niyang maluha-luha. "Gusto ko mga alas seyete ng umaga, kung free ka." Tugon ko sa kanya. "Basta para sayo libre ako, nagsabi na ako sa amo ko." Saad niya. Napakabuti niyang kaibigan hindi ka niya iiwan sa oras ng kagipitan. Napakaswerte ko sa kanya at nakatagpo ako ng tulad niya. Matapos akung ihatid sa terminal ni Natalie, umalis din ako, pagka-alis niya at sumakay sa pampublikong jeep. Kaya naninibago pa ako. Hindi naman ito ang una kung sakay sa ganito, nuong college ako madalas din kaming sumakay sa ganito ng mga klasmate ko pag gusto naming gumala. Pero ngayon parang ito ang una kung sakay dahil sa tagal ng panahong hindi ako nakalabas ng hawla ko. Para akung bagong salta sa lungsod dahil palinga-linga ako at tinitingala ang nagtatayugang mga gusali. Sa ilang taon kung pagkakakulong sa bahay namin marami ng nabago. Maging ang pamasahe nadoble na. Maging yata ang hitsura ng perang papel at coins nagiba narin. Kailangan kung puntahan ang talyer na pinagdalhan ng aking kotse. Para may magamit akung papunta sa haciendang pinabili ko kay Atty. upang magsimula ng bagong buhay kasama ang aking angel. Kapit ka lang baby, ilang oras nalang malayang-malaya na tayo, malayo sa mga taong mapanakit ng kapwa nila. Maibibigay ko na sayo lahat ng kailangan mo, kaya magpalakas ka d'yan." Bulong ko sa hangin at hinimas himas pa impis kung tiyan. Matapos kung nailabas sa talyer ang aking kotse. Sa mall naman ang tungo ko, kailangan ko naman mamili ng personal kung mga gamit. Dahil wala akung dinala kahit isang damit ko. Alam kung pag isinuot ko pa ang mga 'yun magmumukha na akung kawawa. Kailangan ko rin bumili ng vitamins para sa anak ko. May mga pera naman ako, malaki-laki rin ang napagbilhan namin ng mga halaman. Ilang oras din ang ginugol ko sa pamimili, lahat na yata ng kailangan ko nabili ko na. At kung may kulang man ipabibili ko nalang sa kung sino mang pwede kung utusan. Kailangan ko rin gumawa ng pwedeng pagkakitaan. Ayaw kung tatanga lang ako maghapon at maghihintay ng paglubog ng araw. Kailangan kung pag-aralan kung anung pwedeng gawin sa hacienda, bilang panimula ko, namin ng aking anak. Pagsasaka at bakahan daw meron sa hacienda ayun kay Attorney. Babangon akung mag-isa, at sisiguruhin kung sa pagbabalik ko ibang Arabella Leia de Marco na ang makikita nila. Buburahin ko sa landas ko ang mga Thompson. "Sorry Papa, Mama pero kailangan kung gawin ito. Alang-alang sa apo niyo at sa sarili ko. Please guide us." Bulong ko sa hangin ng paulit-ulit. Kailangan ko ng tibay at lakas ng loob ngayong ako nalang mag-isang makikibaka sa hamon ng buhay, para sa anak ko kakayanin kung lahat ng ito. **** Paglabas ko ng airport lakad, takbo ang ginawa ko para marating ko ang aking sasakyan, malakas din ang kabog ng aking dibdib na parang bang may mangyayaring hindi maganda. Agad akung sumakay sa kotse ko, at iminaniubra ito. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ang tanging nasa isip ko ang maamong mukha ng aking asawa. Pero mas madalas sumagi sa isip ko ang umiiyak niyang mukhang nagmamakaawa sakin. Humihingi ng tulong, kumakain ng walang lasa. Ang yayat niyang katawan na parang sa isang sakitin na ako ang dahilan. Halos paliparin ko ang aking sasakyan, para makauwi na sa bahay, gustong-gusto ko ng makita ang asawa ko. Matapos kung maisara ang gate sa bahay namin. Nagmamadali akung pumasok at dire-diretsong nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay namin. Nagdadalawang isip pa ako kung kakatok ba ako sa pinto ng kwarto niya, alam kung sa oras na ito natutulog na siya, at hindi rin niya ako pagbubuksan. Alas dos y medya palang ng umaga. Lakad paikot-ikot lang ginagawa ko dito sa harap ng kwarto niya, hindi rin ako gumagawa ng ingay at baka magising ko siya. Kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Buti nalang wala si Lavena, malamang nasa mga kaibigan niya ito na hindi ko naman mga kilala at kung saan-saan sila nagpupunta. Naalimpungat ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw kaya agad akung bumangon. Tinanghali na ako ng gising kaya agad akung tumayo at sumilip sa bintana, alam kung sa mga oras na ito nasa gitna na siya ng mga halaman niya kung saan ko siya nakikita tuwing umaga na parang diyosang naglalakad sa gitna ng paraiso. Kahit luma at kupasin ang kanyang suot na bistida, lalo na pagtinatangay ito ng mabining hangin, napakaganda pa rin niya. Isang oras na akung nakatayo dito pero hindi po pa siya nakikita, pansin ko rin parang nabawas ang mga halaman, mukhang numipis ang mga ito. Kaya inilibut ko pa ang aking paningin may kakaiba nga sa paligid. Kaya sinalakay ng matinding kaba ang aking dibdib at lumabas ng kwarto. Itataas ko palang ang akin kamay para sana katukin ang pinto ng kwarto niya ng mapansin kung hindi masyadong nakalapat ito, kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Dahan-dahan kung itinulak ng isang daliri ko ang dahon ng pinto ng kwarto niya. Laking gulat ko ng walang bakas na may natulog sa higaan niyang maliit. Kaya halos pangapusan ako ng hininga ng makapasok ako sa loob. Malinis ang paligid pero lahat ng makita ko puro lumang gamit, maging ang bed sheets, kupas na kupas, meron din mga punit, ang punda ng unan ganuon din maging ang kumot niya. Nanghihina akung napaluhod ng makita ko ang kapaligiran, ito ang ibinigay kung kwarto niya. Isang bodega na nilagyan ng makitid na papag ng laborer. Dito natutulog ang dating nagbabantay dito bago ko inuwi ang aking asawa dito. Itinago ko lahat ng gamit namin. Nakapaluhod akung gumahagulgol ng iyak at sinasambit ang pangalan niya, na puno ng pagsisisi. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, saan ko ba siya pwedeng puntahan? Saan ko siya hahanapin, wala akung kilalang mga kaibigan niya, hindi naman siya lumalabas ng bahay simula ng iuwi ko siya dito. Alam kung wala siya kahit piso, kaya wala siyang pambili ng kahit anong makakain niya, wala rin siyang pamasahe para makalayo. Saan siya nagpunta? Kailan pa siya umalis? Mga katanungan gumugulo sa isipan ko. Tumayo ako at tinungo ang nag-iisang lumang aparador na ginagamit niya, kumpleto ang mga damit niyang puro luma at kupas, may mga undergarments din siyang puro luma at may mga punit pa, maluluwang na rin ang mga garter ng mga ito. Niyakap ko ang mga itong isa-isa habang tumatangis, at umusal ng paghingi ng tawad. Pero hindi na niya ako maririnig. Isang kulay lilang kaheta rin ang nakaagaw ng pansin ko, at alam na alam ko ito. Nanginginig aking kamay na kinuha ito at binuksan tama nga ako, dalawang singsing ang nasa loob. Isang may mga diamond, ang aming engagement ring at ang aming wedding ring. Hinugot ko ang kwintas na suot ko at pinagtabi sila. Dahil hindi ko naman inalis saking katawan ang aming wedding ring, ginawa ko lang siyang pendant ng kwintas na regalo niya saking nuon seventeen years old ako. Ini-unlock ko ang kwintas ko at pinagsama silang tatlon. Isusuot ko ulit ito sa mga daliri mo. Piping bulong ko at hinalikan ang mga singsing bago ko ipinaloob sa akin damit. Halos maghapon ako dito sa loob ng kwarto niya, ni hindi ako nakaramdam ng gutom. Nanalanging na sana bumalik na siya. Para makapag simula kami ng bagong buhay. Madilim na ang kapaligiran ng lumabas ako ng kwarto niya at diretsong tinungo ng halaman ng aking asawa, at mataman kung pinagmasdan ang mga ito. Tama nga, wala na ang mga halaman lalo na ang bonsai na madalas kung pinagmamasdan, ang mga desert roses na may mga bulaklak na iba't ibang kulay, maging ang mga namumulaklak niyang mga orchids. Lahat ng magagandang halaman niya wala na. Ilang nalang natira. Marami pa rin natirang halaman sa paligid na nakatanin sa lupa at nakaayus mabuti. Malinis na rin ang likod bahay. Bata palang kami positibo na siya kung mag-isip, masayahin at lagi may nakahadang ngiti sa mga labi. Laging siyang pinagtatagol ng kapatid kong si Harold lalo pag-inaasar ko ito, kaya mas naging-closed sila. Lagi din niya sinasabi sa aking paglaki namin liligawan niya si Arabella, na ikiiinis ko naman. Pero lagi din sinasabi ng mga magulang namin bagay daw kami, na ikinagagalit naman ni Harold kaya umiiwas nalang ako sa kanila. Hanggang nag-college kami lagi siyang nakabuntot dito, kahit maraming kasamang mga lalaki ito, na puro kalaban team namin sa basketball. Marami rin nagsasabing papalit-palit ito ng boyfriend at kung saan-saan nagpupunta. Pero kahit ano pang mga kwento ang kumakalat mahal na mahal pa rin ito ni Harod. Kaya sa sama ng loob ko lumipat ako ng ibang university. Hanggang maaksidente si Harold. Ako rin ang sinisisi nila sa nagyaring pagkabulag ng aking kapatid. Kaya lalong lumayo ang loob ko sa kanila, halos ayaw ko ng umuwi ng bahay namin. Nag ako na ang pumalit na CEO mas lalong lumayo ang loob sakin ng aking pakatid, hanggang isang araw inalok ako ni Mommy na pakasalan ko raw si Belle, walang pagdadalawang isip na agad akung sumang-ayun, at pinahanda agad ang aming kasal. Kita ko naman may mga luhang umagos sa pisngi ng aking kapatid at pakapa-kapa siyang lumisan sa harap namin, buhat nuon ayaw na niya akung kausapin ni hindi niya ako binati at mas lalong sumama ang loob ko ng hindi siya dumalo sa kasal namin. Naihilamos ko nalang ang aking mga palad saking mukhang basa ng luha sa pagbabalik ala-ala ko sa mga nakaraan. Kailan ba siya uuwi. Alam kung wala siya sa bahay nila dahil madalas akung tumambay sa labas ng gate nila. Alam ko rin hindi siya pupunta sa bahay namin. Ilang buwan narin akun ganito laging umasang uuwi pa ang aking asawa, madalas sa kwarto na niya ako natutulog, yakap ko ang lumang unan at kumot niya. Lagi na rin kaming mag-away ni Lavena, dahil hindi ko siya tinatabihan sa pagtulog. Naka-freeze narin ang mga cards na kinuha niya sakin. Kaya limitado nalang pwede niyang gastusin. Halos araw-araw maaga akung umuuwi umaasang madadatnan ko ang aking asawa pag-dating ko ng bahay. At bago ako pumasok sa opisina nililis at dinidiligan ko ang mga alaga niyang mga halaman. Naging libangan ko naring ang mga ito, na nagbibigay ala-ala sa aking asawa. Hindi ko na alam kung anung gagawin ko at kung saan ba hahanapin ang aking asawa. Kaya umuwi nalang ako dito sa condo unit ko na walang nakakaalam na meron ako nito. Dito rin ako naglalagi nuon binata pa ako pag-ayaw kung umuwi samin. Dito rin ako natutulog kapag nasasaktan ko ang aking asawa, kapag hindi ko nakakayanang nakikita siyang nahihirapan dahil sa kagaguhan ko. Lahat ng mga wedding pictures namin dito naka-display. Dito ko rin tinatago lahat ng may kaugnayan sa asawa ko. Maging ang original copy ng aming married certificate dito sa cabinet ko tinatago dahil napakahalaga nito para sakin. Andito rin lahat regalo ng ikinasal kami, na kahit isa wala pa akung binubuksan, ni hindi ko nga pinakikialaman ang mga ito dahil karamihan dito pangalan lang niya nakalagay, meron din mga pulang sobre na alam ko kung anung laman. Nawawalan na ako ng pag-asang babalik pa siya sa akin, hindi naman siya makakalayu dahil wala siyang pera. Ngayon ko naiisip ang kahalagahan niya kung kailan iniwan na niya ako. Ngayon ko naisip na wala akung ibinibigay sa kanya kahit isang pirasong damit. Marami din akung binitawang mga salita ng panlalait sa kanya, mga salitang alam kung halos pumatay sa kanya sa sama loob. Hanggang kailan ba ako maghihintay sa pagbabalik ng aking asawa sana lang nasa matino pa akung pag-iisip. Dahil pakiramdam ko bibigay na ako. Hindi ko na kakayanin pang maghintay ng matagal. Dahil sa tuwing maaalala ko siya nagsisikip ang aking dibdib, nanghihina ang aking katawang lupa. "Belle please come home. Come back to me baby, promise magbabago na ako. Aalagaan na kita at mamahalin. Lahat gagawin ko para sayo, lahat ng makakasaya sayo gagawin ko. Bumalik ka lang sa piling ko. At ibang Hammer na makikita mo pangako. Bubuo tayo ng isang masayang pamilya, tutuparin ko ang mga pangarap mo nuon bata pa tayo." Bulong kung paluit-ulit na parang baliw. At kahit mag-isa lang ako nagsasalita ako na parang nasa tabi ko lang siya at nakikinig sa akin. . . . . ......................................................... ...please follow my account and ... add my stories in your library. .............."Lady Lhee"............ ......thanksguys.....loveu.....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD