"Letting go means to come to the Realization that some people are a part of your history but not a part of your Destiny." . . ...... ....... ....... ....... ...... . . Halos gabi-gabi niya akung dinadalaw dito sa bahay, may dala rin siyang mga bulaklak at prutas para daw sa magiging anak ko. Mayat-maya rin ang paalala niya. Madalas ko tuloy matanong sa isipan ko kung ganito ba talaga ang doctor. "Maraming salamat sa pag-dalaw at pag-alala mo Grant pero hindi ko matatanggap ang alok mo sa akin ngayon. Ang isa o dalawang pagkakamali ay hindi na maitutuwid ng isa pang pagkakamali. Gusto ko munang lumayo at mag-isip. Hayaan mo muna akong mag-isang pasanin ang aking pagkakamali. Hindi ka mahirap mahalin at alam kung may nakalaan babae para sa iyo hindi ang tulad kong na

