"One of the most Courageous decisions you'll ever make is to finally let go of what is hurting your Heart and Soul." . ...... ...... ...... ...... ...... ...... . Isang bahay pa ang pwede niyang puntahan. At magbabakasakaling dun naglalagi ang dalaga. Maliban dun wala na siyang alam na pwede nitong pagtaguan. Wala rin siyang alam sa iba pa nitong kaibigan at kamag-anak. "Ihinto mo nalang dyan sa tabi at ako nalang bababa, hintayin mo nalang ako dito." Saad niya sa driver niya. Binuksan ang pinto at kaagad bumaba. Kabisado na niya ang lugar at hindi na mabilang kung ilang beses na siyang nagputa dito. Madalas kasama niya si Bella. "Matteo!" Hindik niyang usal ng makita ako. "Bakit andito ka? Hindi ka pa lubusan magaling nagpunta ka na dito. Hindi pa nga nata

