MONTECIA SIBLINGS
Ilan taon na ang nakalipas ng makagraduate sila ng high school at ng college, iba't ibang kurso man ang kinuha nila ay nanatili pa rin silang magkakasama, ang mga high school sweetheart nila ay naging asawa na din nila at biniyayaan sila ng mga anak.
Ang mga anak nila na naging magkakaibigan din nang lumaki ang mga ito, para silang mga magulang nila noong mga bata pa ito.
Isang masaya, tahimik at simple ang pamumuhay nila, kahit sobrang busy sa kani-kanilang sariling buhay ay nagkikita kita pa rin silang lahat kahit paminsan minsan.
.
.
.
.
Two months ago.....
Sa hacienda Monte Mayor sa probinsya ng Nueva Ecija, magkakasama ang buong angkan ng Garcia. Ilang linggo na lang kasi pasukan na sa eskwela kaya naman sinusulit na nila ang bakasyon kasama ang buong pamilya.
Hapon sa likod ng luma pero malaking bahay na kahoy magkakasama ngayon ang pamilyang garcia, hindi na ganoong kainit kaya nakatambay silang lahat sa likod bahay.
Ilang oras na silang nakatambay ng magkayayaan ang mga bata ng maglaro ng basketball.
"Lolo P laro po tayo ng basketball, pwede ka po ba?" pagyayaya ni jossel sa lolo nila
"Okay sige pero sino ang magiging kakampi ni Lolo P?" nakangiting tanong ni lolo pedro sa mga apo
May katandaan na din si lolo pedro pero malakas pa rin ito at masigla, siguro dahil sa dati nyang trabaho kaya malakas pa ang katawan nya.
"Me!/ Ako!/ Kami po!" sabay sabay pang sagot nina kael, jameson at jossel na nakataas pa ang isang kamay
Natawa naman ang lolo nila dahil lagi na lang silang magkakampi at alam na nya kung sino ang makakalaban nila pero nagtanong pa rin ito.
"Kung ganun sino ang kalaban natin kung magkakakampi tayo?"
"The ugly grandson hahahaha, It's Tito daddy Michael, Tito Renz, Tito Raymond, Tito Vincent and Tito Jeremy" tatawa tawang sagot naman ni kael sa lolo nya
Nagtawanan din ang iba at masama naman ang tingin ng mga tito nya sa kanya.
"Si Kuya Ace din po kakampi natin lolo dahil gwapo po sya.... Diba po kuya?" pang-aasar din ni jameson sa mga tito nya na hindi na maipinta ang mga mukha
"Ofcourse sa inyo ako kakampi hindi sa ugly grandson"
Pagsali din ni ace sa pang-aasar sa daddy at mga tito nya
"Hindi kami panget!.... Baka kayo ang panget! Mga panget!" inis na sagot naman ni vincent sa mga pamangkin
"Eto naman pinatulan ang mga bata, masyado kang asar talo sa mga pamangkin mo hahahaha" natatawang saway naman ni rain sa pinsan
Tumatawa lang naman ang iba habang nakikinig sa asaran ng pamilya.
"Kung panget kami, edi panget din kayo kasi samin kayo nagmana" syempre hindi naman magpapatalo si renz sa mga pamangkin nya
"Hindi din po, kasi kay daddy po ako nagmana hindi naman po sya panget" bwelta agad ni jameson sa sinabi ng tito nya sabay ngisi sa mga ito
"Ako din po kay didi at kay mimi nagmana, hindi naman po sya kasama sa ugly grandson" ganun din si kael na patuloy pa rin inaasar ang mga tiyuhin
"Basta ako kay mommy nagmana" yumakap pa si jossel sa mommy nya na tumatawa lang sa kanila
"Ako din kay mommy nagmana kaya hindi po ako panget kayo lang po" ganun din si ace na inakbayan pa ang ina na tumatawa rin
"Grabe itinatanggi kayo ng mga anak nyo hahahaha" pang-aasar din ni red sa mga ito na hindi mapigilan ang pagtawa
"Ang sakit nun tol!" ganun din si andrei at nakisali pa sa pang-aasar sa mga ito
Tawanan sila ng tawanan tapos hindi na maipinta ang mga mukha ng magpipinsang lalaki.
"Inaasar nyo na naman ang mga daddy at tito nyo baka lalo silang pumanget nyan" pagsali din ni lolo pedro sa asaran ng mga apo
"Lolo naman! Dati po sabi nyo mga gwapo kami" patuloy na reklamo ni vincent
"Dati na yun dahil mas gwapo itong mga ito sa inyo ngayon" pagmamalaki ni lolo pedro sa mga apo sa tuhod
Sabay sabay naman dumila sila jameson sa mga tiyuhin at daddy nila.
"Sorry boys napaglumaan na daw kasi kayo" pagbibiro naman ni mika sa mga pinsan at kapatid na lalaki
"Daanin na lang natin sa basketball ang matalo sya ang panget" pakikipagkasundo ni raymond sa anak at mga pamangkin na parang bata lang
"Game!" sabay sabay na sagot ng mga pamangkin nila
"Go mga kuya and lolo!" pagsuporta naman ni miguel sa mga pinsan
"Galingan nyo po lolo!" ganun din si railon
"Go team gwapo!" pagchi-cheer naman ni jeya sa mga nakakatanda nyang pinsan
"Ay wala, kahit isa wala man lang sumoporta sa inyo" pang-aasar naman ni reiley sa mga kaibigan
"Hon suportahan mo naman ako" pagpapaawa naman ni jeremy sa asawa nya
"Malalaki na kayo, kaya nyo na yan. Go mga pamangkin!" lalo pang napasimangot si jeremy sa sinabi ng asawa nyang si cristel
Nagtawanan naman ang lahat sa asaran ng mga ito.
Nagpunta na sila sa may court maliban sa mga asawa nila, nagpaiwan ang mga ito para asikasuhin ang hapunan nila, sigurado kasing pagbalik ng mga naglaro ay gutom na ang mga ito.
Habang naglalaro puro asaran at tawanan ang ginagawa nila, hindi seryoso ang laro nila parang nagpapapawis lang sila. Marami ang nanonood sa kanilang mga taga roon, hindi lang nanonood kundi hinahangaan pa sila sa galing maglaro at sa kanilang kagwapuhan.
Tuwing umuuwi sila ng probinsya pinagkakaguluhan talaga sila ng mga taga rito, na para bang mga artista sila dahil sa ganda ng itsura at lahi nila tsaka sila ang nakakaangat sa buhay kumpara sa mga taong taga rito.
Lumipas ang oras bumalik na sila sa lumang bahay, sa likod bahay ulit sila dumeretso para makapagpahinga. Binigyan naman sila ng meryenda ng mga naiwan kanina sa bahay.
"Kamusta ang laro mga apo? Sino ang nanalo?" nakangiting tanong ni lola adel sa mga apo pagkaupo sa tabi ni lolo pedro
"Lola halata naman po sa mga itsura namin kung sino ang nanalo" tatawa tawang sagot ni ace habang nagpupunas ng kanyang pawis
Nakasimangot kasi ang mga tiyuhin at daddy nila samantalang ngiting ngiti naman sila matapos manalo sa laro nila kanina.
"So hindi nyo na ikakaila na mga panget talaga kayo" lalo na pasimangot sila renz sa sinabi ng kapatid nyang si rain
"Nakipagsundo pa kasi kayo sa anak at mga pamangkin nyo, alam nyo naman na magagaling ang mga yan sa basketball lalo na kung magkakasama sila" natatawang paliwanag ni mika habang pinupunasan ng pawis ang anak na sobra ang pagkakangiti ngayon
"Mga panget" jossel
"Hindi kami mga panget" vincent
"Natalo po kayo ibig sabihin panget po kayo" jameson
"Hindi nga kami panget" renz
"Panget bleh" kael
"Hindi namin kayo reregaluhan sa pasko" jeremy
Pakikipag-asaran nila kael sa mga tiyuhin nila na ayaw magpatalo, tawa lang naman ng tawa ang iba habang pinapanood silang mag-asaran.
"Tama na yan, tsaka alam nyo naman na wala akong apong panget" pagsaway sa kanila ni lola adel
"La baka hindi nyo po talaga sila apo" pang-aasar muli ni ace sa daddy at tito nya
"Aba loko kang bata ka!" mahinang binatukan ni raymond ang anak
"Raymond wag mong saktan ang bata" birong paninita ni lolo pedro sa kanya
"Sorry Lo" nagtago si raymond sa likuran ng daddy nya
Nagtawanan naman ang lahat.
"Sige na nga po wala na pong panget satin, pero mas gwapo po kami kila daddy" nakangiting tumingin si jossel sa daddy nya sabay ngisi
"Hindi na ako papalag dahil totoo naman yun, kahit kami mas gwapo kila daddy"pangdadamay ni renz sa daddy nya sa asaran nila
"Agree ako sayo Renz" natatawang sagot namaj ni raymond at nakipag-apir pa sa kanya
"Aba naman nang damay ka pang bata ka" reklamo naman agad ni nick
"Nananahimik na nga lang kami dito, sinasali nyo pa kami dyan sa asaran nyo" reklamo din ni raymundo na nakasimangot na dahil sa sinabi ng anak nya
Nagtawanan na naman ang lahat sa kalokohan nila renz.
Hindi na talaga mawawala ang asaran at tawanan nila tuwing buo sila at magkakamasama, ibang iba ang katauhan nila tuwing nagsasama sama sila. Iba kasi ang mga ugali nila pag ibang tao na ang nakakasama nila lalo na ang mga taong hindi nila kakilala.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pauwe na si mikaela galing sa opisina nya nang makatanggap sya ng text message galing sa ina.
~
From: Mommy
Anak dumaan ka muna dito sa bahay ngayon.
~
Pagkabasa nya ng mensahe, dumeretso na agad sya sa bahay ng magulang nya.
Pagpasok nagulat pa sya sa dami ng tao sa bahay nila, kaya pala madaming nakapark na kotse sa labas ng bahay nila, akala nya sa kapit bahay ang mga kotseng iyo.
"Good evening po!" nakangiting bati ni mika sa lahat at hinalikan ang magulang at lahat ng taong nandun
Nagtaka sya kung bakit nasa bahay ng magulang nya ang lahat ng kamag-anak nila, may nakalimutan ba kong okasyon? yan ang tanong sa sarili nya.
Kahit nagtataka naupo pa rin sya sa tabi ng kuya nya malapit sa pinsan nyang si rain, tinignan nya muna ang mga kasama bago muling magsalita.
"Parang reunion po natin hahahaha, sila lolo at lola na lang po ang kulang" natatawang sabi nya pa sa lahat
Buong angkan kasi nila sa side ng mommy nya ang nasa bahay nila ngayon, ang kanyang lolo at lola lang nya ang wala.
Ngunit napansin nya na nalungkot ang lahat sa sinabi nya, kaya kinabahan sya.
May problema ba?
May mali ba sa sinabi nya?
May nangyare bang hindi maganda?
Ano ang nangyayare?
Mga tanong sa kanyang sarili, may nararamdaman kasi syang mali sa nangyayare ngayon.
"Ano pong meron?" kinakabahang tanong nya sa buong pamilya
Nag-iwas ng tingin ang iba sa kanya na mas napakaba pa sa kanya.
Napalingon sya sa daddy nya ng magtanong ito.
"Kamusta naman ang trabaho Mika?"
Sanay na sya sa ganyang tanong ng daddy nya dahil mula noon ay ganyan na sila.
"Okay naman po daddy. Ganun pa din po madaming inaayos na schedule ng mga event"
"Mabuti naman kung ganun... Ikaw kamusta ka naman anak?" tanong ulit ng daddy nya sa kanya
Nahalata nya ang lungkot sa boses ng daddy nya na mas nagpakaba sa kanya.
"Okay naman po ako, kahapon nandito po ako kasama ng mga bata ah"
Nagdududa na sya sa mga kilos ng pamilya nya, tahimik lang ang mga ito at iniiwasan ang tingin nya tapos ang daddy naman nya ay nagtatanong ng tinanong na sa kanya kahapon.
"Ang anak mo kam----"
Hindi na natuloy ng daddy nya ang sassabin nito ng magsalita ulit sya.
"Daddy pinapunta nyo lang po ba ako dito para kamustahin?" tumingin sya sa lahat pero nakaiwas ang tingin ng mga ito sa kanya "Pero sa tingin ko po ay hindi, may ibang pakay pa po kayo dahil nandito ang buong pamilyang Garcia" straight to the point na saad nya, may iba kasi syang pakiramdam kaya sila nandito lahat
"Sabihin na natin kay Mika ang balita para makapag-usap na ang lahat"
Naramdaman nya ang lungkot sa boses ng tiyuhin nya ang daddy nila jeremy.
"Ano pong balita?.... Bakit ano po ba talagang meron?"
Naguguluhan na sya sa mga sinasabi ng pamilya nya sa kanya dahil dito sigurado na syang may mali.
"Mika kalma ka lang, okay? Relax lang malalaman mo din" pagpapakalma naman sa kanya ng kuya nya at tumango lang sya bilang sagot
"Mika wag kang mabibigla at wag kang magpapanic sa sasabihin namin" paliwanag ng daddy nya sa kanya dahil ayaw nito magbreak down bigla ang anak
"Natatakot po ako sa sasabihin nyo"
Takot at kaba ang nararamdaman nya ngayon dahil may kakaiba talaga na hindi nya maipaliwanag na nangyayare
Nilapitan naman sya ni rain sabay yakap sa kanya, nakita nya ang lungkot sa mga mata nito, may nangyare nga talaga na hindi maganda yan ang iniisip nya.
"Ate Rain may problema po ba? Sabihin mo na po sakin" namasa na ang mga mata ni mika, pinipigilan nya ang maiyak
Hindi naman sumagot sa kanya si rain at tumingin lang ito sa magulang nya kaya napatingin na din sya dito.
Ilang minuto din naging tahimik ang paligid nila, nakita nya na napabuntong ang tito nick nila matagal din bago magsalita ito.
"Mika ang lolo at lola mo ay..." tuminginin ito sa kanya pero umiwas din agad "N-nawawala" sabay yuko nito
"WHAT!?" biglang sigaw nya "W-wait! What do you mean nawawala?" naguguluhang tanong nya sa lahat, hindi nya kasi alam ang mararamdaman nya
"May kumuha sa kanila, kinidnap sila Mika..... May k-kumidnap sa kanila" malungkot na sagot ng kuya nya, na kinabigla nya at hindi nya alam ang sasabihin
Parang kailan lang ay magkakasama pa sila ng lolo at lola nya, ang saya saya pa nga nila nung mga araw na yun, kasama ang mga pinsan nya tapos ngayon sasabihin sa kanya na nawawala ang mga ito at may kumidnap.
Ilang minuto rin sya tahimik na nakayuko iniintindi nya ang sinabi ng pamilya nya sa kanya, nakatingin lang naman ang lahat sa kanya at hinihintay ang reaksyon nya.
"S-sigurado po b-ba kayo?" umangat ang tingin nya sa mga magulang nya "Baka ano--- baka may p-pinuntahan lang sila o b-baka nagbakasyon" nag-unahan ng tumulo ang mga luha nya "T-totoo po b-ba ito?" nakita na nyang umiiyak ang mommy, mga tita at mga pinsan nyang babae "Nooooo!... H-hindi ito totoo!" humarap sya sa pinsan nya "Ate Rain nooo!..... H-hindi sila pwedeng m-mawala.... Hindi!" humagulgol na sya habang nakayakap sa pinsan nyang lumuluha din
"Sana nga Mika, pero t-totoo ang lahat, t-totoo ito" lumuluhang sagot ni rain sa kanya habang hinahagod ang likod nya
"H-hanapin na po n-natin sila, n-nagreport na po ba k-kayo sa mga pulis?..... Ate Rain h-hanapin natin sila please" pagmamakaawa nya sa pinsan at mas humagulgol pa ito
Naawa naman silang lahat kay mika dahil alam naman nila na sya ang pinakama-a-apektuhan sa nangyare, malapit ang lahat sa mga apuhan lalo na ang mga anak nitong babae at ang mga apo pero mas malapit talaga si mika, sumunod si rain.
"Mika anak kumalma ka muna. Kami na ang bahala sa paghahanap kina mama at papa" pagpapakalma ng daddy nya sa kanya habang yakap yakap ang mommy nyang lumuluha din
"Pero g-gusto ko pong t-tumulong, gusto k-ko din pong m-maghanap sa k-kanila" patuloy pa rin sya sa pag-iyak
Gusto nya na mahanap agad ang lolo at lola nya, hindi nya kayang isipin na wala ang mga ito at hindi mapuntahan oras na mamiss nya ang mga ito.
"Kumalma ka muna Mika, lahat tayo gustong tumulong pero kailangan muna natin kumalma para makapag-isip ng maayos" malungkot na paliwanag naman ni michael sa kapatid nya habang hawak ang kamay nito
Kumalma naman si mika at nagpunas ng kanyang luha, ganun din ang ginawa ng lahat.
"P-pero paano po ito nangyare? Kelan pa po sila nawawala?" humihikbing tanong nya sa mga nakakatanda
"Kahapon umuwi kami ng tito mo sa probinsya, pagdating namin sa bahay nakabukas ang gate pati ang pintuan ng bahay, pag-akyat namin ang g**o g**o ng bahay kaya hinanap namin agad sila mama at papa pero hindi namin sila makita. Ilang ulit namin sila hinanap sa buong bahay at nag-antay pa kami hanggang kaninang umaga na baka may pinuntahan lang at babalik din sila, pero walang dumating kahit anino wala at nakita namin ang sulat na ito"
Binigay ni rainelyn ang papel sa kanya pagkatapos nito magkwento.
"Nang mabasa namin yan, agad agad kaming bumalik dito sa Manila, dito na agad kami sa inyo dumeretso at pinatawag namin ang lahat" dugtong na kwento naman ni dominick sa kanya
Binasa ni mika ang sulat na inabot sa kanya at nakibasa na rin ang iba pa nyang mga pinsan.
~
Kamusta Montecia siblings! Hawak na nga pala namin ang magulang ninyo. Nagulat ba kayo? Akala nyo tapos na ang laban, nagkakamali kayo umpisa pa lang ito. Hintayin nyo pa ang susunod na mangyayari sa buhay nyo.
-ALCR
~
"Montecia siblings?" patanong na basa nya sa sulat at tumingin sila magpipinsan sa mga magulang nila
"Montemayor at Garcia in short Montecia...... Montecia siblings ang tawag samin magkakapatid simula pa noon" paliwanag naman ni rainelyn sa kanilang magpipinsan
Alam nila ang ibig sabihin ng montecia pero hindi nila alam na may bansag pala sa mga magulang nila yun nga ang montecia siblings.
"Pero ano pong laban ang sinasabi sa sulat?" pagtataka ni renz sa ina na tumingin ulit sa sulat tapos tumingin na ulit sa ina
"Oo nga po may naka-away po ba kayo dati?" naguguluhang dugtong na tanong naman ni jeremy
"May atraso po ba sila lolo at ang pamilya natin sa kanila?"
Alam kasi nya na mabait naman ang pamilya nila kaya wala syang ideya na may kaaway ang mga ito.
Nagtinginan naman ang Montecia Siblings at sa mata sila nag-uusap usap sa pamamagitan nito ay nagkaka-intindihan sila, parang sasabihin-na-ba-natin-sakanila-look ganun ang pahiwatig nila sa isa't isa.
Sabay sabay naman sila tumango sa bawat isa, simpleng gesture ay nagkaka-intindihan na ang Montecia Siblings yan ang kakaiba sa magkakapatid.
"Lahat tayo ay uuwi ng probinsya bukas ng gabi kaya lahat ng kailangan nyong gawin tapusin nyo na at ang mga maiiwan nyong trabaho, ipaubaya nyo muna sa most trusted na tauhan ninyo" paliwanag ni rainelyn sa magpipinsan na seryosong seryoso ang datingan
"Sigurado na ba kayo dito?" pagdadalawang isip ni domick sa desisyon ng asawa nya
"Oo nga kailangan ba talagang lahat sila kasama pwede naman tayo na lang" tanong din ni michelle sa kapatid nya
"It's Time!" simpleng sagot ng nakakatandang kapatid nila
"Wait tito! Anong it's time?" nalilitong tanong naman ni mika sa tiyuhin
"Naguguluhan po kaming lahat sa sinasabi nyo, wala kaming maintindihan" gulong g**o na si rain sa mga naririnig, ano nga ba ang sinasabi ng mga magulang nila sa kanila
"Tsaka hindi nyo pa po nasasagot ang mga tanong namin" reklamo naman ni jeremy sa mga ito
"Alam namin na naguguluhan kayo, pero sumunod na lang muna kayo samin..... Lahat ng tanong nyo ay sa probinsya na namin sasagutin" seryosong paliwanag ng nakakatanda sa Montecia siblings
"Bakit hindi na lang po ngayon nyo sagutin at bakit sa probinsya pa po?" tanong naman ni vincent na nagtataka at naguguluhan na din at wala din maintindihan
"Wag ng maraming tanong basta sumunod na lang kayo" maotoridad na sagot ng ina ni vincent sa kanya
"Kasama din po ba ang mga asawa at anak namin?" pag-aalinlangan ni michael "Paano po ang trabaho nila at ang pag-aaral ng mga bata?" nag-aalala kasi sya para sa pamilya nya
"Hindi na muna sila makakasama. Pag-usapan natin ang lahat ng iyan pagdating natin sa probinsya" paliwanag naman ni michelle sa anak hanggat maaari sila munang pamilya ang makakaalam nito
"At wag nyo muna ipaalam sa kanila ang tungkol dito, lalo na sa mga bata siguradong malulungkot sila" utos agad ni rainelyn sa magpipinsan
"Bakit po ba lahat na lang kailangan sa probinsya pa namin malaman?" nainis si mika dahil wala man lang syang nakuhang sagot kahit isa, kung ano ano na tuloy ang naiisip nya
"Dahil lahat ng sagot ay nasa probinsya Mika. Alam namin naiinis kayo dahil malalayo kayo sa mga mahal nyo sa buhay pero kailangan namin gawin ito para sa kaligtasan ninyo at kaligtasan ng pamilya nyo" paliwanag agad ng mommy nya sa kanya pero wala naman sa sinabi nito nagpawala ng inis nilang magpipinsan
"Uunahan ko na kayo wag ng maraming tanong basta lahat ng sinabi namin sundin nyo na lang"
Inunahan na ni rainelyn ang magpipinsan nakita nya kasi na magsasalita sana ang anak nyang panganay.
"Tama na muna yan, tara na sa kusina at kumain na muna tayo" pag-awat ni mike sa lahat at nauna nang tumayo para pumunta sa kusina
Sumunod naman ang mga nakakatanda sa kanya. Napailing at napabuntong hininga na lang ang magpipinsan dahil wala talaga silang makukuhang sagot ngayong araw kaya sumunod na lang sila sa mga ito.
Nagpunta na sila sa kusina at nagkanya kanya na sila ng pwesto, naghain na ang mag-asawang reyes at kumain sila ng sabay sabay.
Habang kumakain walang nagpapansinan sa kanila, lahat tahimik at may kanya kanyang iniisip lalo na ang magpipinsan, kung dati ay sila ang pinakamaingay sa hapagkainan pag magkakasama pero ngayon sobrang tahimik nila at sa plato lang sila nakatingin.
Pagtapos nilang kumain naiwan sa kusina ang mga magulang nila at nagpunta naman sila sa garden magpipinsan, ilang minuto pa sila naging tahimik bago nag-usap usap.
"May napapansin ako parang may hindi sila sinasabi sa atin na dapat natin malaman" pangbabasag ni vincent sa katahimikan nila, halatang pinagdududahan nya ang mga magulang nila
"At parang may tinatago sila sa atin na tungkol sa pamilya natin" pagsang-ayon ni alexis sa pinsan, kagaya ni vincent nagdududa din sya
"Mika okay ka lang ba?" tanong ni rain sa pinsan na kanina pang tahimik sa tabi nya
Matagal bago sumagot si mika at napabuntong hininga pa sya.
"Hindi lang po ako makapaniwala sa nangyare" malungkot na sagot nya na nakatingin sa malayo
"Lahat naman tayo ay nagulat sa nalaman natin kanina. May mga pangyayare talagang hindi natin inaasahan na mangyayare" malungkot na paliwanag naman ni rain sa kanya
Masakit at mahirap sa kanilang magpipinsan ang nangyare lalo na sa mga babae.
"Bakit kaya nangyare sa atin ito?" naguguluhang tanong ni alexis habang nakayuko, hindi nya lubusan maisip na pwedeng mangyare ang ganito sa kanila
"Bakit sila lolo at lola pa!" inis na saad naman ni vincent habang nakatingin sa mga kamay, naiinis sya dahil wala man lang sya nagawa para hindi makuha ang apuhan nila
Natahimik na silang magpipinsan lahat ay may kanya kanyang iniisip tungkol sa nangyare sa apuhan nila pero isa lang ang tumatakbo sa isip nila.
Ano ba ang meron sa pamilya namin?
Maya maya pa'y dumating na ang mga magulang nila na hindi nila agad napansin dahil sa sobrang lalim ng mga iniisip nila.
"Kids you need to go home to your family and take a rest" sabay sabay naman sila napatingin sa mga ito "May mga trabaho pa kayo bukas, magkita kita na lang muli tayo dito bukas ng gabi" malumanay na utos ni rainelyn sa kanila
"Kailangan nyo din magpaalam sa mga asawa at anak nyo, kaya sige na magsi-uwian na muna kayo" paalala naman ni michelle sa kanila
Nasasaktan sya sa nakikita nya sa mga bata kaya nag-iwas agad sya ng tingin.
"Yes tita!/ Yes mommy!" malungkot na sagot ng magpipinsan at sabay sabay nagtayuan
Nagkanya kanya na silang labas ng bahay at sakay ng kotse nila na walang paalam paalam sa mga magulang.
Malungkot naman sila pinanood ng magulang nila ng isa isa na silang mag-alisan, naaawa sila sa mga anak nila dahil sa nangyare at pinapagawa nila sa mga ito.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
End of Chapter One:
Meet Montecia Family and Montecia Siblings!
Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!