MONTECIA FAMILY
Isang araw masaya at buo ang pamilyang montecia pero sa isang iglap lang malungkot, matamlay at kulang na ang pamilya nila. Kulang hindi dahil may umalis o namayapa, kundi kulang dahil may nawala, kinuha ng hindi nila namamalayan.
PAGKA-UWE nila mika galing sa kanilang mga trabaho, nagkanya kanya na silang diskarte kung paano sila magpapaalam sa kanilang mga pamilya na hindi ito nalulungkot at hindi nalalaman ang problema nila.
Jeremy POV.....
Nasa kwarto ako ngayon, inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa pag-uwe namin ng probinsya ngayong gabi. Sa dami ng dahilan para magsama sama ulit kaming lahat, sa kadahilanan pa na nawawala ang lolo at lola namin, na wala kaming kamalay malay.
Napabuntong hininga na lang ako, wala pa rin ako naiisip na dahilan para kuhain ng kung sinoman sila lolo. Haaay!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, hindi man ako lumingon alam kong si cristel ang pumasok dahil na amoy ko ang pabango nya. Naramdaman ko ang pag-upo nya sa kama at pinanood ang ginagawa ko. Bago pa sya makapagtanong inunahan ko na sya.
"Hon kailangan namin umuwi sa probinsya after dinner" paalam ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag-aayos
"Ha? Bakit, anong meron?" pagtataka naman nya habang nakatingin lang sa'kin
"May problema na kailangan namin ayusin at sabi nila mommy wag na daw kayo isama dahil may pag-uusapan lang naman daw"
Ang hirap ng may tinatago ka sa asawa mo pero kailangan gawin dahil yung ang bilin ng mga magulang namin sa'min. Hindi tuloy ako makatingin kay cristel baka makahalata sya na malaki ang problema namin.
"Okay sige mag-iingat kayo dun, balitaan mo na lang ako" tumayo sya at tinulungan ako maglagay ng gamit sa bag
"Salamat hon. Ikaw na muna bahala sa mga bata. Mami-miss ko kayo" hinalikan ko sya sa gilid ng ulo nya at niyakap sya
"Mami-miss ka din namin Hon" yumakap naman sya sakin ng mahigpit, isa ito ang mamimiss ko kung sakaling magtagal kami sa probinsya
Napatingin naman kami sa pinto ng bumukas ito, pumasok ang mga anak namin at nakita nila kaming magkayakap.
"Tay where are you going?" tanong sakin ni jeya na nakatingin sa malaking bagpack ko
Crissel Jeya Gonzales Garcia, 11 years old, grade six, ang panganay na anak namin. Mana sya sa mommy nya mata nga lang ata ang nakuha nya sa akin.
"Tatay have out of town work, baby" palusot ko sa kanya, alam ko kasing sasama sya sakin
"Tay pasalubong ko po ah" masayang saad naman ni jc na umakyat pa sa kama at nagtatatalon
Jayson Cris Gonzales Garcia, 6 years old, grade one, ang bunsong anak namin, sya ang mini me ko kaya pati ugali ko nakuha nya din.
"Sure basta alagaan mo si nanay at si ate mo habang wala ako" habilin ko sa kanya at ginulo ang buhok nya
"Yes tay ako po bahala sa kanila" nakangiting sagot ni jc at sumaludo pa sa akin
"Tulungan nyo muna si tatay mag-ayos ng gamit nya" tumango lang ang dalawa tapos humarap na sakin ang asawa ko "Hon magluluto na muna ako para pagtapos mo mag-ayos makakain na tayo" malambing na paalam nya sakin at hinalikan ako sa pisngi
Pagkalabas ni cristel ng kwarto nagpatuloy na ako sa pag-aayos, habang tinutulungan ako ng mga bata hinabilinan ko na din sila.
Pagkatapos namin maayos lahat ng dadalhin ko, bumaba na kami at naabutan ko ang napakaganda kong asawa na naghahain na kaya tinulungan ko na sya tapos kumain na kami.
.
.
.
Alexis POV .....
Kanina pa nakauwe galing hotel si kuya jeremy ang naghatid sa akin dito sa bahay, nagpalit lang ako ng damit pangbahay tapos pumunta na ako sa library ng mga bata.
Pagdating sa kwarto naabutan ko ang mga ito na may kanya kanyang ginagawa, si railon nakaharap sa computer at si alexa naman ay may hawak na libro. Tinawag ko sila sabay pa sila tumingin sakin at ngumiti kaya napangiti na rin ako, naupo ako sa puzzle mat tapos lumapit naman sila sa akin.
Nakakandong sakin si alexa at hinaplos haplos ko ang buhok nya "Mga anak makinig kayo kay mommy, kailangan ko pumunta sa bahay nila Lolo P at Lola A pagtapos natin magdinner" paalam ko sa kanila sabay ngiti ng konti para hindi nila mahalata na may problema
"Mommy sama Alexa" malungkot na saad ni alexa at yumakap sakin
Railene Alexa Garcia Mendez, 6 years old, grade one na sya, ang bunso namin ni reiley. Mas kamukha nya ang daddy nya kesa sa akin pero parehas kami ng mata.
"Ako din mommy sama kila Lolo P" pagsang-ayon ni railon sa kapatid na nakangiti sa akin
Railon Alex Garcia Mendez, 9 years old, grade 4 na sya, ang panganay namin, eto ang kamukha ko pero ang ugali manang mana sa daddy nya.
"Bakit kayo pupunta kila Lolo P?"
Napalingon kami sa pintuan at duon nakatayo si reiley habang niluluwagawan ang necktie nya.
"DADDYYYY!"
Masayang sigaw ng dalawa at patakbong yumakap kay reiley, tumayo na rin ako at lumapit sa kanila.
"Boo kailangan ko pumunta sa probinsya kasama sila mommy may emergency lang pero kaya na namin, ikaw na muna bahala sa mga bata" paalam ko kay reiley tapos humalik ako sa pisngi nya
"Bakit? Sasama na lang kami ng mga bata sayo"
"Hindi na boo may work ka pa at may pasok pa si Railon at Alexa, mabilis lang kami, okay" paliwanag ko sa kanya, tsaka ayaw din nila mommy sabihin sa kanila
Napanguso naman sya dahil wala syang magawa "Okay pero kelan ang alis nyo?"
"Tonight after dinner, ikaw na bahala magpaliwanag sa mga bata" pilit ang mga ngiting ipinakita ko sa kanya
"Okay boo, mag-ingat kayo dun" malambing na sagot nya sabay yakap sa akin
"Salamat boo, sige na magluluto muna ako ng hapunan natin" pinilit ko na magmukhang masaya pero hindi ko nagawa kaya lumabas agad ng kwarto
Noon pag may problema ako yayakapin nya lang ako, magiging okay na ang lahat pero ngayon gustong maiyak sa yakap nya at magsumbong, ngunit hindi pwede dahil ayaw muna ipasabi nila mommy ang tungkol kila lolo, lalo na nasa harapan namin ang mga anak namin.
Hindi ko na namalayan na may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko habang papunta ako sa kusina. Nasaan na kaya sila lolo? Ligtas kaya sila?.... Madami pa akong katanungan pero kailangan ko kalimutan muna sa ngayon, pinunasan ko ang luha ko at sinimulan ko nang maghanda ng hapunan namin.
.
.
.
Vincent POV .....
Maaga akong umuwi kanina galing trabaho, pagkauwe ko nagbihis lang ako tapos nakipaglaro na ako sa mga anak ko, dahil tulad nga na napag-usapan namin kahapon ng pamilya namin kailangan umuwe kaming lahat para pag-usapan ang tungkol kila lolo.
Naglalabas ako ng mga damit galing sa kabinet nang pumasok si cristal kasama ang dalawa naming anak.
"Baby san ka pupunta?" tanong ni cristal sakin at ibinaba ang bunsong anak namin sa kama
Sinulyapan ko sya sandali bago magsalita "Kailangan namin umuwi ng probinsya may kailangan lang pag-usapan at ayusin" pinagpatuloy ko na ang pagkuha ng damit sa cabinet
"Papu sama po ako" malambing na saad ni vins
Cristan Vinson Gonzales Felix, 8 years old, grade three na sya, ang panganay na anak namin ni cristal at ang mini me ko.
"Hindi ka pwede sumama Vins kasi may pasok ka at kailangan mo bantayan si Mamu at Venice" paliwanag ko sa panganay ko tsaka kailangan sya ni cristal para alagaan ang kapatid nya
Crystal Venice Gonzales Felix, 2 years old, ang bunsong anak namin at ang kamukha ni cristal, mata lang ang nakuha nya sa akin kasi ang ugali si cristal na si cristal dahil bata pa lang uma-atittude na.
"Nagpaalam ka na ba kila Kuya Drew na maiiwanan mo ang trabaho mo?" tanong ni cristal sakin habang nilalaro si venice
"Opo baby, nagpaalam po ako kanina. Babalik po agad ako wag ka mag-alala" tinigil ko ang ginagawa ko at lumapit sa kanila "Ikaw muna bahala sa mga bata" tapos hinalikan ko sya sa ulo
"Opo ako na bahala, pero ngayon ikaw muna dahil magluluto na ako ng hapunan natin hahahaha" natawa din ako sa sinabi nya, nahawa na din sya ng kabaliwan ko
Humalik muna sya sa pisngi ko at sa mga bata bago lumabas ng kwarto, ako naman pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng gamit habang binabantay ni vins ang kapatid nya.
.
.
.
Renz POV.....
Tapos na ako mag-impake kasasarado ko lang ng maliit na maleta ng pumasok si joyce at umupo sa kama kaya naman lumapit ako sa kanya para magpaalam.
"Myloves luluwas kami sa probinsya mamaya after dinner may kailangan lang kaming pag-usapan" napalingon agad sya sa akin na nakakunot ang noo
"Oh bakit may problema ba?" pagtataka nya
"Meron pero kaya na namin ayusin yun kasama namin sila mommy. Kaya wag kang mag-alala, ikaw na bahala sa mga bata myloves" paliwanag ko tapos yumakap ako sa kanya
"Mag-iingat kayo dun at sana maayos nyo agad yang problema nyo" pagpapalakas ng loob nya at yumakap din sya sa akin
Nagulat naman ako ng magsalita ang panganay ko "Daddy sama po ako, miss ko na po sila Lolo P" sabay namin sya nilingon ni joyce
Kasama nya ang dalawang nya pang kapatid na hawak nya sa magkabilang kamay nya. Kuyang kuya ang datingan nya parang ako lang nung ganyan ang edad ko noon.
"Me too!" pagsang-ayon naman ni jayda sa kuya nya
Riza Jayda Flores Millares, 11 years old, nasa grade six, ang pangalawang anak namin ni joyce at ang mini me ng asawa ko.
"Ako rin po" sagot din ni renzo na nakangiti at nakataas pa ang isang kamay
Jomiel Renzo Flores Millares, 7 years old, grade two na sya, ang bunso sa magkakapatid, eto naman ay kamukha ko pero ang ugali sa mommy nya.
Lumapit ako sa kanila tapos niluhod ko ang isang tuhod para mapantayan ang laki nila pwera lang kay jossel mataas na kasi ang batang ito.
"Hindi pwede dahil kailangan kayo ni mommy dito at may mga pasok pa kayo. Uuwi agad si daddy promise ko yan" napanguso naman si renzo pero ngumiti din agad
"Okay daddy! I will take care of them" pagpiprisinta ni jossel sabay akbay sa dalawa nyang kapatid kaya napangiti na lang ako
Naramdaman ko naman ang paglapit ni joyce sa likuran ko at humawak sa balikat ko "Tara na sa baba kumain na tayo at may lakad pa si daddy nyo" aya nya sa amin, tumango naman ang mga bata tapos tumayo na ako
Humalik pa sa pisngi ko si joyce bago kami lumabas ng kwarto at sabay sabay na bumaba at pumunta sa kusina para kumain.
.
.
.
Michael POV.....
Nasa hapagkainan na kami ngayon, maaga ako nagluto ng hapunan namin para makapagpaalam na agad ako sa kanila at makapag-impake na.
Katatapos ko lang kamustahin ang mga araw nila, ganito din ang ginagawa nila daddy noon nakagawian na namin kaya hanggang dito sa bahay ginagawa ko at hanggang ngayon pa rin naman ganoon sila tuwing pumupunta kami sa kanila.
"Mahal sabi pala ni mommy kailangan namin umuwi ng probinsya ngayong gabi" paalam ko kay allison sabay inom ng tubig
Nagtatakang lumingon naman sya sa akin sabay baba ng kutsara at tinidor "Bakit anong meron?" tanong nya
"May kailangan lang pag-usapan at ayusin" napansin ko ang pag-aalala nya kaya hinawakan ko ang kamay nya na nasa ibabaw ng lamesa "Kami kami na lang daw ang pupunta para hindi na daw kayo maistorbo sa trabaho nyo at may pasok din ang mga bata" paliwanag ko sa kanya para di na sya masyadong mag-alala
"Dada sama po ako kila Lolo P" pagsingit ni mitch kaya napalingon kami sa mga bata
Mitch Ally Gonzales Reyes, 7 years old, grade two sya, pangalawa sa magkakapatid, ang babaeng version ko. Mabuti na lang ang ugali sa mama nya nakuha hahahaha.
"I miss Lolo P and Lola A" nakangusong saad naman ni alvin na nakatingin sa amin mag-asawa
Mykel Alvin Gonzales Reyes, 6 years old, grade one, ang bunso namin, eto ang mini me ng asawa ko at ang mata nya lang ang naman nya sa akin.
"Dada said may pasok tayo kaya hindi pede sumama" paliwanag naman ni miguel sa mga kapatid nya
Miguel Allen Gonzales Reyes, 10 years old, grade five, ang panganay sa mga anak namin. Eto talaga ang mini me ko pati ugali kuhang kuha kaya minsan mahirap makipagtalo dahil parang sarili ko ang kausap ko.
"Your kuya is right! Sandali lang si dada sa probinsya babalik din ako agad. Kailangan nyo mag-aral at alagaan nyo si mama" paliwanag ko naman sa kanila, sabay g**o ng buhok ni alvin dahil sya ang malapit sa akin
"Okay dada!" sabay sabay na sagot nilang magkakapatid
"Mahal mag-iingat kayo dun at balitaan mo ako palagi" malambing na paalala naman ni allison sa akin
"Opo mahal" hinalikan ko ang kamay nya "Sige na at kumain na ulit tayo" ngumiti ako sa kanila
Pinagmasdan ko muna sila sandali.
Gusto ko man kayo isama hindi pwede dahil yun ang napag-usapan namin. Sa inyo lang ako kumukuha ng lakas ngayong may ganito kaming problema kaya hindi ko kakayanin kung kayo na ang mawawala. Palihim ako bumuga ng hangin bago magpatuloy sa pagkain.
.
.
.
Rain POV.....
Kakauwe ko lang galing sa opisina ni mika, hindi pa rin kasi sya makapaniwala sa nangyare kahit naman ako ganun din. Nag-iyakan kami sa opisina nya habang nag-uusap, dahil nung nakaraang linggo dumalaw pa kami sa lumang bahay masaya pa kami nagkwentuhan nina lolo at lola tapos sa isang iglap lang nawawala na sila.
Naiiyak na naman ako pag naiisip ko na nawawala sila kaya tumingala muna ako para pigilan ang pagbagsak ng luha ko bago pumasok sa bahay. Wala akong naabutang tao sa sala pero may naririnig akong ingay sa kusina pagpasok ko naabutan ko ang asawa ko na nagluluto, lumingon agad sya sa akin na nakangiti.
Gustong tumakbo papunta sa kanya at umiyak sa mga bisig nya pero hindi pwede dahil ayoko na mag-alala sya sa akin at napag-usapan din namin nila mommy na wag muna sabihin sa kanila ang tungkol sa problema ng pamilya namin.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sakin, nginitian ko lang at hinalikan nya ako sa noo. Nagpaalam ako sa kanya na pupuntahan ko muna ang mga bata kailangan ko na makaalis sa harapan nya baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan nya.
Pagdating sa family room kumatok muna ako bago buksan ang pinto, pagpasok ko nakatingin na sila sa'kin na nakangiti, pinilit ko ngumiti dahil ayoko malaman nila na may problema lalo na ang kambal, malakas pa naman ang pakiramdam nila.
Lumapit ako sa kanila, isa isa naman sila bumati at humalik sa pisngi ko, nang makaupo ako sa harap nila kumandog naman si anton sa akin. Pinatigil ko muna ang pinapanood nila bago ko sila hinarap.
"Jameson help daddy to take care of your siblings, and be good boy and good kuya to your sisters and brother" habilin ko sa panganay na anak ko, umiwas agad ako ng tingin sa kanya ng kumunot ang noo nya "And you three listen to your kuya and daddy, and don't be naughty, okay!" baling ko naman tatlo ko pang-anak
"Yes mommy!" sagot naman nilang magkakapatid
Pakiramdam ko kasi matatagal kami sa probinsya kaya kailangan ko sila bilinan na dapat nilang gawin lalo na ang bunso ko eto ang pinakamakulit sa kanilang apat.
"Love san ka pupunta at parang nagpapaalam ka sa mga bata?" pagsingit naman bigla ni red na lumapit sa amin
Hindi na ako nagulat sa pagsulpot nya dahil alam ko naman na susunod sya sa akin. Ganun naman sya palagi pag umuuwe ako ng bahay susunod na agad sya sa akin ganyan yan ka possessive sakin.
Humarap ako sa kanya at yumakap sa bewang nya "Kailangan kasi namin umuwi ng probinsya after dinner, may aayusin lang kami at kasama sila mommy pero wag kang mag-alala kaya na namin yun"
Gusto ko sanang higpitan pa ang yakap ko sa kanya pero pinigilan ko lang ang sarili ko, tulad ng kambal malakas din ang pakiramdam nya, ayoko lang na mag-alala sya at mga bata pag nalaman may problema ako.
Hinapit nya pa ako papalapit sa kanya sabay haplos ng buhok ko "Sasamahan ka na lang namin para madali matapos yang aayusin nyo" tapos hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko
This is what i need right now....
Napalingon naman ako sa mga bata ng magsalita si dana "I want to go with you mommy"
"Me too mommy" sagot din ni jana na nakangiti pa sa akin
Rainbelle Jana Millares Buenavista, 8 years old, grade three na sya, pangalawa sa magkakapatid at kamukha ng daddy nya.
"I miss Lolo P at Lola A" nakangusong sagot naman ni david sakin.
Romnick David Millares Buenavista 6 years old, grade one na, ang bunso sa magkakapatid, sya ang kamukha ko pero kaugali ni red sa kakulitan.
"We miss them mommy, can we come, please?" pangungulit naman ni jameson sa akin
I miss them too!
Pakiramdam ko may ideya na sya pero ayaw nya lang sabihin base sa pagngiti nya ng tipid alam kong may pumapasok na sa isip nya.
"You can't! May mga pasok kayo at may work ka love. Sandali lang naman kami siguro dun, update ko kayo palagi okay" paliwanag ko sa kanila
"Okay!" sagot naman nila dahil wala na silang magagawa
Gusto ko man sila isama pero hindi pwedw yun kasi ang napag-usapan ng pamilya namin, hanggat maaari na wala muna makakaalam ng nangyare para mas makaiwas sa malaking problema.
"Okay! Let's go downstairs and let's eat" pag-aaya ni red sa amin kaya nagtayuan na kami
Naunang lumabas ang mga bata, pagkasarado ni red ng pinto inakbayan nya ako at nginitian parang sinasabi ng ngiti nya magiging okay din ang lahat kaya nginitian ko na lang din sya. Sabay sabay na pumunta sa kusina at nagtulungan maghain pwera lang kay david sa kakulitan nya baka makabasag pa sya.
.
.
.
Mikaela POV.....
Bago ako umuwe nag-usap muna kami ni ate rain sa opisina ko kanina, hindi kasi ako makaiyak sa harap ng sarili kong pamilya kaya sa kanya na lang ako naglabas ng sakit na nararamdaman ko, hindi man ganun kaluwag ang nararamdaman ko atleast nabawasan ang bigat ng pakiramdaman ko.
Pagpasok ko sa bahay walang tao kaya dumeretso na ako sa kwarto namin mag-asawa, naabutan ko na naliligo sya kaya sinimulan ko na muna pag-ayos ng gamit na dadalhin ko sa pag-alis namin mamaya.
Maya maya narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng banyo, hindi ko sya nilingon pero alam kong nakatingin sya sakin. Naglakad sya papunta sa kama at duon nagpunas ng buhok nya, kaya bago pa sya makapag-usisa tungkol sa pag-iimpake ko nagsalita na ako.
"Love kailangan namin umuwi ng probinsya kaya ikaw muna bahala sa mga bata"
Nag-aalalang tumingin sya sa akin "Wait anong meron? Bakit biglaan yata may problema ba?"
"Oo nga biglaan may pag-uusapan lang daw kami, sandali lang naman kami dun" hindi ako tumitingin sa kanya baka lalo pa syang mag-alala pag nakita nyang malungkot ako
"Sasamahan kita love" sagot agad nya
"No love! Kailangan ka ng mga bata dito at may trabaho ka pa. Kaya ko naman at kasama naman sila mommy" pagtanggi ko sa kanya habang patuloy ako sa pag-iimpake ng mga gamit ko
Nakita ko ang paglapit nya pero nagulat ako ng pigilan nya ako sa at ipaharap ako sa kanya
"Pero mas importante ka kesa sa trabaho ko, alam mo yan" malambing na paliwanag nya sa akin at hinaplos pa ang pisngi ko
Ang sarap sa pakiramdam ng sinabi at ginawa nya. Gusto kong maiyak dahil dun pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil baka lalo pa syang mag-alala at hindi nya ako paalisin mag-isa.
Yumakap na lang ako sa kanya para hindi nya makita ang pamamasa ng mata ko "Love alam ko naman yun pero sabi nila mommy kami na lang muna ang mag-uusap, don't worry update kita palagi"
"Okay fine! Update mo ako palagi. Ngayon pa lang namimiss na kita" niyakap nya pa ako ng mahigpit at hinalikan sa gilid ng ulo ko
Mika wag kang iiyak, kailangan mo maging matatag. Pagkausap ko sa sarili at huminga ako ng malalim para hindi matuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.
Sakto naman na may kumatok at sabay pa kami lumingon ni andrei sa may pintuan. Pagbukas ng pinto bumungad samin ang mga anak namin ngumiti sila sa akin pero nawala din agad.
"Where are you going mimi?" tanong ni anton at nakangusong tumingin sa akin
Mike Anton Reyes Gonzales, 6 years old, nasa grade one, ang bunsong anak namin ang nag-iisang kamukha ko sa mga anak ko.
"Are you leaving us, mimi?" naiiyak na tanong naman ni andrea sa akin habang nakatingin sa maliit na maleta ko
Mica Andrea Reyes Gonzales, 8 years old, grade three na, panganay sa kambal na anak namin, kamuka ni andrei pero ang ugali ay sa akin.
Nagtinginan naman kami ni andrei napailing na lang sya na natatawa, umupo kaming dalawa sa kama.
"Come here my babies" malambing na pagtawag ko sa kanila
Lumapit naman agad sila sa akin, kumandong sa akin si anton, si andrea kumandong kay andrei, umupo sa gitna namin si andres tapos si kael tumayo lang sa harapan namin na nakakunot ang noo. Tumingin sya sa mga gamit ko tapos tumingin ulit sya sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya dahil malakas ang pakiramdam ng batang ito.
"Listen to mimi okay" panimula ko at nagtanguhan sila bilang sagot pwera lang kay kael na tahimik pa rin "Mimi will not leave you but I need to go to the province with mommy lola and family" paliwanag ko sa kanila
"Can we come with you, mimi?" malungkot na tanong ni andres sa akin
Mico Andres Reyes Gonzales, 8 years old, grade three, ang bunso sa kambal namin, kamukha sya ng daddy nya pero namana ang pagiging asar talo ko.
"No because you need to go to school and daddy have work. Mimi need to fix some problem but I promise I'll go home as soon as possible"
"Okay po mimi" sabay sabay na sagot nila andrea, andres at anton
Napatingin ako kay kael dahil hanggang ngayon tahimik pa rin sya, pagtama ng mga mata namin ngumiti sya sakin, ngiting magiging okay lang ang lahat. Lumapit sya sa akin at niyakap ako.
"Mimi don't worry, me and didi will take care of them. Ingat ka po dun" malambing na saad nya at naramdaman ko pa ang paghalik nya sa ulo ko
Manang mana talaga sya sa didi nya sya talaga ang little andrei, lahat nakuha sa didi nya pati ang pagiging malambing at maalaga.
"Thank you kuya ko" niyakap ko din sya "My babies mimi will miss you and love you always" tumingin ako sa mga kapatid nya
"We miss you too mimi and we love you" sagot naman nila ng sabay sabay at niyakap nila ako pati si andrei napayakap din sa akin
"When do you leave, mimi?" tanong sakin ni kael
"Tonight after dinner, I'll go to mommy lola's house first and we will meet all there" ngayon pa lang namimiss ko na sila
"Can we drop you off there?" tanong naman ni andres sa akin
"Sure why not. If your didi wants to drive" tumingin ako kay andrei para malaman ang sagot nya
"Ofcourse love, it's my pleasure my queen" nakangiting sagot naman nya sa akin
"Yehey!" masayang saad ng mga bata, ngumiti lang sakin si kael
"For now we will help mimi to pack her things, okay" utos naman ni kael sa mga kapatid nya
"Yes kuya!" masayang sagot naman ng mga kapatid nya sa kanya
Masaya ako dahil kahit hindi ko sila sabihan sumusunod talaga sila sa kuya nya dahil sabi ko nga andrei na andrei ang datingan ni kael tsaka mahirap pag nagalit na sya, pinagsamang galit ko at galit ni andrei ang makikita mo, nakakatakot.
Tinulungan na nila ako lahat kaya napabilis ang pag-iimpake ko pati sa pagluluto tinulungan din nila ako. Nawala panandalian ang lungkot ko dahil sa kanila. Masaya kaming naghapunan na sabay sabay, pagtapos naghanda na kami lahat sa pagpunta sa bahay namin.
.
.
.
.
.
Third person POV....
Nagkita kita na sila sa bahay ng mga reyes kung saan parang may reunion ang mga ito doon sa dami nila, nagulat na nga lang sila dahil kasama din pala ng iba ang sariling pamilya nila pwera lang kay raymond na nasa probinsya na ang pamilya.
Sa sala magkakasama ang lahat, kanya kanya silang pwesto at kwentuhan habang ang mga bata naman magkakasamang naglalaro.
Sa isang mahabang sofa magkakasama sina mika, rain at alexa.
"Sa tingin nyo magtatagal tayo sa lumang bahay?" tanong ni alexis sa dalawang pinsan
"Depende kung maaga matatapos ang pag-uusapan natin" paliwanag naman ni rain sa kanya, wala din naman kasi syang ideya sa pag-uusapan nila
"Pero sa tingin ko magtatagal tayo sa lumang bahay" sagot naman ni mika sa mga pinsan dahil pakiramdam nya madaming tinatago ang mga magulang nila
"Mamimiss ko ang mga bata pag nagtagal tayo dun" malungkot na saad ni alexis
"Lahat naman tayo mamimiss sila, kahit nga hindi pa tayo umaalis namimiss ko na sila" sabay tingin ni mika sa mga bata na naglalaro at yung iba nag-uusap usap
"Kung maaga din ako nagka-anak siguradong palagi din kasama ni Railon ang Kuya Jameson, Kuya Jossel at Kuya Kael nya" natatawang saad ni alexis, mga anak lang talaga nila ang magpapasaya sa kanila
"Sigurado iyon, kahit saan sila magpunta magkakasama ang mga yan" nakangiting saad ni mika na nakatingin pa rin sa mga anak
"Baka magmukha na silang mini F4 hahahaha" biro naman ni rain sa mga pinsan
"F5 kamo dahil kasama pa nila si Miguel" biro din ni alexis
Nagtawanan naman sila. Pag magkakasama sila nawawala talaga ang sandali ang problema nila at nakakayanan nila ito harapin lalo na kung kasama nila ang kani-kanilang pamilya.
Pumasok naman ang mga magulang nila sa sala galing sa kusina kaya napatingin sila sa mga ito.
"Let's go guys magpaalam na kayo sa pamilya nyo at aalis na tayo" anunsyo ni rainelyn sa lahat
Napabuntong hininga naman ang magpipinsan tatlong babae at tumayo na. Nagkanya kanya na sila ng paalam, yakapan at halik na akala mo ay hindi na magkikita kita.
Alas nuebe na sila ng gabi nakaalis sa bahay ng mga reyes sa isang van ay magkakasama ang magpipinsan. Lahat sila tahimik lang at may kanya kanyang pwesto.
Alas dos na ng madaling araw ng makarating sila sa bahay ng lolo nila at hindi na nila napansin ang magulong bahay dahil sa antok nila at dere-deretso lang sila sa kanilang mga kwarto.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
End of Chapter two:
Meet the whole family of Montecia!
Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!