CHAPTER 3

4125 Words
RENZ JOSSEL MILLARES & ANDREI MIKAEL GONZALES One day ago before the k********g news..... Jossel POV I'm Renz Jossel Flores Millares, 17 years old. Panganay sa tatlong magkakapatid. Hindi ganun kayaman pero presidente na ng kompanya nila lolo ang daddy ko, ang mommy ko naman ay nagma-manage ng sariling restaurant namin. Sabi nila nagmana daw ako kay daddy pero sabi ko naman kay mommy dahil mabait naman ako at hindi badboy katulad ni daddy noon. Shhh lang kayo baka mapagalitan ako ni daddy hahahahaha! Nasa klase nga pala ako ngayon, Physics ang subject namin terror ang subject na ito pero eto ako at nakikipagtext sa girlfriend ko na sa probinsya nag-aaral. ~ BABE KO ❤ Kamusta ka na babe? Okay lang, eto wala kaming teacher ngayon. Ikaw kamusta? Okay lang din ako. Miss na miss na kita babe :'( Miss na din kita babe :( Sabi ko naman kasi sayo na dito ka na lang sa Manila mag-aral , nandito naman ang kuya mo para makasama mo. Isang taon na lang naman kasi, sayang din ang pagiging honorable ko kung lilipat pa ako Hays.... Yun nga ang sabi ko, sige mabilis lang naman ang isang taon at ilang oras lang naman ang byahe papunta dyan. Wala ka bang klase? Text ka ng text pagkakaalam ko physics ang subject mo ng ganitong oras Meron pero mas gusto kita kausap, madali lang naman ako makakahabol sa lesson nila. Nako babe hindi porket lola mo ang may ari ng school mo eh pa ganyan ganya ka na lang, mag-aral ka ng mabuti. Mamaya na tayo mag text ~ Mary Iris Villanueva, 16yrs old, nakatira sa nueva ecija at bestfriend ni megan ang pinsan ko. Paano ko sya nakilala? Well apo sya ng kaibigan ni lolo at magkababata kami, nakilala ko sya 9 years old ako, nang ipakilala kami ng lolo namin sa nueva ecija, para kaming mga artista yung araw na iyon pinagkaguluhan at pinagpapansin kami ng mga taga-roon. Simula nun tuwing umuuwi kami ng probinsya lagi kami magkakasama at nagkakalaro kasama pa ang ibang batang taga-roon. Paano nanan ako nagkagusto sa kanya? I think grade 5 ako, wala kasi sya nung nagbakasyon kami tapos yung huling bakasyon ko pa nag-away kami dahil sa isang lalaki alam ko nagselos ako nun pero in-denial lang ako, hindi ako masaya ng bakasyon na iyo at araw araw ko sya hinintay makauwe para aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Pauwi na kami ng makauwi sila kaya laki ng tuwa ko ng makita sya, nagulat pa nga sya ng bigla ko syang yakapin ng mahigpit at yung araw na din yun umamin ako sa kanya at sa harap ng pamilya namin, na gusto ko sya wala naman tumutuloy sa pamilya namin kaya niligawan ko na sya hanggang sa sinagot nya ako nung 1st year na kami. Tama na ang tungkol sa amin. Rereplayan ko na sana sya ng galit na isigaw ng teacher ko ang apelyido ko. "MR. MILLARES!" Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ng wala sa oras bago ako unti unting tumingin kay Ms. Sato sabay ngiti na labas ang mga ngipin. Patay! Sobrang sama ng tingin nya sakin, parang konti na lang uusok na ang magkabilang tenga nya sa inis at galit sa akin. "What are you doing? You're not listening mister" tinuro nya pa ako gamit ang marker "That is disrespectful to your teacher... If you don't want to listen to my class you are free to leave" tapos tinuro nya pa ang pintuan pero sakin sya nakatingin "Text ka ng text dyan kung itext ko kaya ang parents mo at ang lola mo, at sabihin ko ang ginagawa mo sa subject ko ngayon" pananakot nya pa sa akin Palagi na lang mainit ang ulo nya sakin pati na rin sa mga pinsan ko, palibhasa matandang dalaga at hindi nya kami makaya kaya tulad ng ibang estudyante na bigla na lang nya ibabagsak sa quiz, exam at grade pag naiinis sya. Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa sila lawrence sa gilid ko tapos sila jameson at dana deretso lang nakatingin sa board na parang walang pakialam sa paligid nila. Kambal talaga sila! "I'm sorry ma'am" napayuko na lang ako sa hiya Hindi pwedeng malaman nila mommy ang nangyare ngayon kundi malilintikan na naman ako tsaka ayoko magrounded ng isang linggo no car and no gadget pa. "I'll accept your sorry if you can answer my question correctly" napatingin ulit ako kay Ms. Sato at masama pa rin ang tingin nya sakin "What is Physics?... And what are the branches of Physics?" "Physics or Physical Science, is a natural science that studies matter, it's motion and behavior through space and time, and the related entities of energy and forces" sa board lang ako nakatingin habang sumasagot, baka kasi mawala sa isip ko yung isasagot ko pag kay ma'am ako tumingin dahil masama pa rin ang tingin nya sakin "And the branches of Physics are Classical Physics, Modern Physics, Nuclear Physics, Atomic Physics, Geophysics, Biophysics, Mechanical Physics, Acoustics, Optics, Thermodynamics, and lastly Astrophysics" Inirapan nya lang ako pagkatapos ko sumagot, ang laki talaga ng galit nya sakin. "Good.... sit down!" umupo naman ako at nakinig na sa kanya "Now who is the Father of Physics?..... Mr. Buenavista!" Mukhang iisa isahin na naman kami magpipinsan nito ni Ms. Sato, may mga araw talagang puro kami lang magpipinsan ang tinatanong nya ng tinatanong. Napabumuntong hininga na lang si jameson tapos walang kagana-ganang tumayo at tumingin sa harapan. "The Father of Physics are Albert Einstein, Galileo Galilei, and Sir Isaac Newton in western cultured, but the real Father of Physics is Albert Einstein" walang kagana ganang sagot ni jameson at umupo na agad sya Kakaiba talaga sya pagdating sa pag-aaral parang tamad na tamad sya pero matalino, parang may sariling sya libro o kaya google sa utak nya. "Good... Next what are the formulas of newton's law?..... Ms. Buenavista" Sabi ko na nga ba pag-iinitan na naman kami magpipinsan ni Ms. Sato at wala ng bago fun. Nakasanayan na nga namin magpipinsan ang ganung eksena namin sa subject nya. Tumayo si Dana na seryosong seryoso nakatingin sa harapan, nakatingin lang naman kami magkakaibigan sa kanya. "Main formula of newton's law is Force equals to Mass times Acceleration, then Mass equals to Force divided by Accelaration and last Accelaration equals to Force divided by Mass ( f=ma, m=f/a, a=f/m )" Pagtapos sumagot ni dana ay naupo na sya, hindi na nya inantay pa na paupuin sya ni ms. saito katulad ng kakambal nya. "Good!..... Yan ganyan dapat pag tinanong kayo sasagot agad hindi yung pinaghihintay nyo pa ako mga estupido" Sermon ni ms. saito sa aming lahat at nagsulat na sa board ng lesson. Napailing na lang ako ng makita ko na ngayon pa lang nya ituturo yung tinanong nya sa amin. Mahilig kaming magpipinsan na mag-advance reading, kaya minsan bago pa ituro ng mga teacher namin may idea na agad kami sa topic na ituturo nila tsaka nasa pamilya na rin namin ang pagiging matalino. Kaya kahit alam ko na yung tinuturo ni ms. sato, nakinig na lang muna ako dahil ayoko na mapagalitan at mapahiya tsaka baka maka-abot pa kila mommy, malalagot talaga ako. Lesson... Lesson... Lesson... Ilang subject pa ang lumipas bago nag lunch break, nagkanya kanya na kaming ligpit ng mfa gamit at sabay sabay pumunta ng cafeteria. Pagkarating namin sa cafeteria, madami ng tao kaya kami na lang mga lalaki ang umorder at pinauna na namin ang mga babae sa table na madalas namin gamitin. Habang nakapila kami dumating naman sina kael at gab, sinabi na lang nila ang order nila bago puntahan sila dana sa table namin. Pagkaorder pumunta na kami sa pwesto namin, naabutan pa nga namin ang mga babae na nag-uusap usap tapos si kael tahimik lang na isang tabi habang nakasalpak ang airpods sa tenga. My so much quiet cousin hahahaha! Nilapag na namin ang mga inorder namin tsaka kami umupo, nasa tapat ko si jameson at katabi ko si dana. Nagpray muna kami tsaka nagsikainan ang lahat. Fried chicken, rice with fruit salad and orange juice ang order ko. Habang kumakain nagkukwentuhan kami hanggang sa inopen up nila lawrence yung nangyare kanina. "Sino ba kasi ang ka-text mo kanina Jossel? Napag-initan na naman tuloy kayo ni Ms. Sato" seryosong tanong ni bobriel sakin bago isubo ang kinakain nya Bobriel Daniel Cipriano Smith, 17 yrs old, tahimik sya parang sila jameson at ang kuya namin lahat. "Why? What happened?" pagtataka naman ni kael na kunot noong tumingin pa sakin Hindi naman kasi namin sya classmate, mas higher year kami sa kanya, kaya hindi nya alam ang nangyare kanina. "He's caught by our Physics teacher texting in her class. So our teacher got mad at him" paliwanag naman ni dana sabay inom ng juice "Tita Joyce will get mad too, if she finds out that, but who we're you texting to, Kuya Jossel?" parang matanda talaga itong si kael pag nagseryoso sya, manang mana kay tito andrei "Ofcourse my girlfriend. Sya lang naman ang pwede kong makatext, loyal ito noh. Wala kasi silang teacher kaya free sya that time" paliwanag ko naman sa kanila sabay kain ko ng kanin at ulam "Sinamantala mo naman, pwede naman ngayon mo gawin ang pagkikipagtext sa kanya okaya mamayang uwian. Napagalitan ka pa tuloy at nagpag-initan pa kayong magpinsan" iiling iling na sermon sakin ni bobriel Kuya bobriel alert hahahahaha! "Sorry okay, sorry din sa inyo kambal nadamay pa kayo kanina" Kasalanan ko naman kasi ang nangyare kanina at aminado naman ako dun. "No worries. Magtatanong at magtatanong pa rin naman sya kahit na ano pa ang mangyare" walang ganang sagot ni jameson, ganyan naman yan pag hindi nya gusto ang pinag-uusapan napapatagalog sya "Pero kumusta na kayo ng girlfriend mo? Hindi ba kayo nahihirapan sa LDR?" tanong sakin ni gail Abigail Buenavista, 16yrs, pinsan nila jameson sa side ni tito red at girlfriend ni clarken, mataray, masungit at palaban. "Para namang wala kayong komunikasyon ni Iris sa tanong mo" natatawang sagot ko sa kanya tsaka ako uminom Para namang hindi sila nag-uusap ng girlfriend ko sa social media, eh minsan pa nga sila ang mag ka-text, kaya minsan natatagalan magreply si iris sakin. Minsan war freak din yan dahil ilan beses na namin sya inawat sa mga nakaka-away nya, one time nga narining lang nya na pinagbubulungan sya, eh sinugod na nya hahahaha kaya minsan takot sa kanya ang ibang mga babae sa school namin. "Hindi na kami nakakapag-usap nitong mga nakaraang araw, busy kasi ako sa cheerdance practice" isang cheerleader kasi si gail pati rin pala si lia kasama nya Dahlia Mercado, 16yrs old, girlfriend ni jairus, bestfriend ni gail, mataray pero makulit. "Okay naman sya, yung tungkol naman sa LDR kailangan kayanin isang taon na lang naman makakasama ko na rin sya" Wala pa naman kaming napag-uusapan kung saan kami magkokolehiyo pero kung saan nya gusto mag-aral dun rin ako. Alam na din ng parents ko ang tungkol sa plano kong iyon, wala naman daw kasi problema kahit saan ako mag-aral ng college basta ayusin ko lang daw at tapusin. "Hindi halatang patay na patay ka sa imagination girlfriend mo men" panunukso sakin ni lawrence Lawrence Jacob Bartolome Rivero, 16 yrs old pinakamadaldal, makulit at matakaw sa amin. Lagi nya ako inaasar na imagination ko lang daw ang girlfriend ko, palibhasa kasi wala syang jowa eh, tsaka hindi pa kasi nila nakikita si iris kahit sa picture hindi ko pinapakita sa kanila pwera lang kay gail at da mga pinsan ko. Nagtawanan naman sila. Pinagpatuloy na namin ang pagkain... Nang matapos kami kumain, nag-aakyatan na kaming lahat para sa susunod naming mga klase. After class nagkagulo na ang mga classmate namin dahil uwian na. Pinapauna namin ang mga classmate namin na lumabas bago kami lumabas dahil ayaw namin makigulo at makipagsiksikan sa kanila. "Ngayon mo itext si Iris, wala ng magtatanong sayo at magagalit" pang-aasar sakin ni lawrence habang naglalakad kami papuntang parking lot "Sige mang-asar ka lang, palibhasa wala kang maka-text dahil wala kang girlfriend" balik na pang-aasar ko sa kanya Nagtawanan naman yung iba sa sinabi ko. "Oh b-bakit ako lang ba? Si Bobriel at si Jameson din naman wala ah" pandadamay nya sa dalawa na nakataas na ngayon ang tig-isang kila nila na nakatingin kay lawrence Nandamay pa sya ng ibang tao sa pagiging single nya, pagkahinto namin sa tapat ng mga kotse namin humarap sa kanya si jameson. Nako paktay ka ke insan, durog ka dyan. "Yes I don't have a girlfriend but I do have a textmate, so don't compare me to your loneliness in life" bwelta sa kanya ni jameson sabay ngisi "Oh ano mandadamay ka pa ng ibang tao, porket wala ka lang ka-text maliban samin mga kaibigan mo" Patuloy na pang-aasar ko sa kanya, tawa lang naman ng tawa yung mga kaibigan namin sa kanya. Seryoso kami magpipinsan pero minsan grabe kami mang-asar. "Why don't you accept that you are forever lonely..... Do you want me to give you some of the girls number here in campus?" natatawang tanong ni jameson sa kanya Napanguso na lang si lawrence dahil wala syang magawa at masabi. Hindi din naman sya matulungan ng pinsan nya dahil tawa lang ito ng tawa sa kanya. Well kayang humingi ni jameson ng phone number ng mga babae dito sa campus ng walang kahirap hirap. Ganun ka-sikat at ka-gwapo si jameson baka nga kusa pang magbigay ng number ang mga babae dito sa campus. Gwapo naman kaming lahat syempre pwera lang sa apat na babae sa grupo dahil magaganda sila. Kaya nga nagtitilian ang mga girls student pagnakikita kami hindi lang namin pinapansin ngiti lang ang ginaganti namin pwera lang sa dalawa na wala talagang pakialam si jameson at si kael. . . . . . Mikael POV I'm Andrei Mikael Reyes Gonzales, 15 yrs old, I have 3 siblings and I'm the oldest among of us. They said that I'm like a old man and grumpy but that's not true, I'm just a little matured enough to think and to move. After class magkikita kita na ulit kaming magkakaibigan sa parking lot. Kasabay ko si gab na naglalakad, pagdating ng parking lot nakita ko pa na nagtatawanan sila at nakasimangot naman si lawrence, ayaw nilang tinatawag ko silang kuya maliban sa mga pinsan ko. "What happened?" napatingin sila sa'min ni gab "Why are you pouting like a duck Lawrence?" Lalo pa silang natawanan lahat sa tanong ko, may ideya na ako na baka inaasar na naman nila si lawrence. "Nako patay ka na Lawrence, kumpleto na sila magpipinsan" pananakot naman ni clarken sa kanya Shaun Clarken Francisco De Castro, 16 yrs old, kasundo nina lawrence at jairus sa kalokohan, mapang-asar at makulit. Pero asar talo naman samin magpipinsan. "Pinagtutulungan kasi sya nila Jossel at Jameson. Alam mo naman matakaw na asar talo pa ang pinsan kong yan" natatawang paliwanag ni jairus at nagawa nya pang-asarin ang pinsan nya Jairus Franz Natividad Rivero, 16 yrs old, magpinsan sila ni Lawrence, makulit, mapang-asar, madaldal at matakaw, kaya nya ata maubos ang isang kalderong kanin. "You're too bad to your cousin Jairus, why don't you help him instead?" napagalitan tuloy sya ni gab Gabriella Yassy Andrada 15 yrs old, classmate ko simula pa grade 1, tahimik din parang ako, mahiyain at mahinhin. Lalo syang gumaganda pag seryoso sya. Maganda naman sya palagi, tahimik nga lang pero matalino din sya, chinita, maputi mahaba ang buhok nya na nakatali sa magkabilang gilid ng ulo nya at matangos ang ilong. To be honest I have a crush on her but I don't know how to tell her, I'm hidding it a long time ago. "Baka matunaw Mikael, don't stare too much hahahaha" bulong sakin Kaya napatingin ako sa katabi ko, I see ate gail smirking at me. "W-what are you talking about?" kinakabahang tanong ko, hindi ko namalayan naka-titig na pala ako kay gab kanina "Why your voice is shaking?" pang-aasar nya pa sa akin at nagpipigil ng tawa Bakit ba kasi sya nakatingin sa akin, sa dami na pwede nyang tignan at pansinin bakit ako pa. Alam ko naman na may nalalaman na sila tungkol sa pagka-crush ko kay gab sadyang nakakahiya lang talaga na nakita nya ang pagkatitig ko. "Oh kayong dalawa, bakit nagbubulungan kayo dyan?" napatingin ako kay kuya jossel sa tanong nya, nakita ko nakatingin sila sa'min dalawa napatingin tuloy ako kay gab O_o Nakatingin din sya sakin, nakakahiya tuloy kaya napayuko na lang ako. Kanina pa kaya sya nakatingin sakin? Bakit kasi ako ang tinitignan nila. Tsk! "I caught someone staring at a girl hahahaha..... Right Mikael?" Napapikit ako sa sinabi ni ate gail, minsan madaldal din itong pinsan nila ate dana. "Yeah I saw it too" Napatingin ako bigla kay kuya jameson sa sinabi nya, nakakahiya nakita nya rin ba ako? "S-sino ang t-tinutukoy nyo?" utal utal na tanong naman ni kuya bobriel at pinagpawisan na agad sya sa tanong nya "Totoo nga ang kasabihan na sa bibig nahuhuli ang mga isda hahahaha..... Sino ang tinititigan mong babae, Bobriel?" mapanuksong tanong ni clarken at pasimpleng tumingin kay ate dana Nakatitig din kaya sya kay ate dana kanina? Sya kaya yung nakita ni kuya jameson? "Shut up Clarken! Tara na umuwi na tayo kanina pa naghihintay ang mga kapatid natin sa mga sasakyan" seryosong sagot ni kuya bobriel sabay lakad papunta sa kotse nila at sumakay na "Guilty!" nagtawanan naman kami sa sinabi ni lawrence tapos nagsakayan na rin kami sa mga kotse namin Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pala ako yung tinutukoy ni kuya jameson, mabuti na lang hindi ako nag react kanina kundi mahuhuli din nila ako. Nakita ko na isa isa na nag-aalisan ang mga sasakyan nila, habang hinihintay ko na maka-alis silang lahat, napansin ko sa 'di kalayuan ang isang lalaking nakaitim na nakatingin sa amin, pero binalewala ko iyon at sumunod na kami umalis sa kotse nila kuya jameson dahil sila ang huling umalis. Pagkauwe namin ng bahay, nagbihis na agad ako tapos ginawa ko na ang mga dapat na gawin. Bumaba lang ako ng tinawag nila ako para maghapunan. "How's school kids?" tanong samin ni didi habang kumakain Araw araw naman nila kami tinatanong ng ganyan pag kumakain, nakasanayan na rin namin dahil ganyan din sila Daddy Lo noon nung dun pa kami nakatira sa kanila. "I got a star and I got a perfect score in math quiz" pagmamalaki ni anton sa amin at pinakita nya pa yung star sa likod ng kamay nya "Very good bunso! Naalala ko tuloy si Kuya Kael nyo kids nung ganyan pa sya kaliit, ganyang ganyan din sya pagnakakakuha ng stars pero may pagka seryoso sya nun" nakangiting pagku-kwento naman ni mimi sa amin na tumingin pa sa akin Yeah I remember that days, hindi ko pa kilala si didi nun. Hindi ako makapaghintay na ipakita agad kay mimi yung mga stars ko na nakukuha ko sa school, at natatandaan ko din na medyo seryoso ako nung bata hindi katulad nila anton ang ha-hyper nila pati rin ang kambal. "Really kuya?" nakangiting tanong ni bunso sa akin Tumango lang ako sa kanya bilang sagot ko dahil may laman pa ng pag kain ang bibig ko. "Yes he is but he's so serious that days like your didi, serious but" tumingin pa si mimi kay didi "Sweet and loving man" hinalikan naman ni didi yung kamay ni mimi at nag ngitian silang dalawa That's my parents they sweet and clingy everytime and everywhere when they are together, minsan ko lang sila makita nagtatalo pero ni minsan hindi ko sila nakitang mag-away, siguro palihim pero wala akong nakitang pag-aaway nila na umabot sa sakitan at hiwalayan. Takot lang ni didi na iwan sya ni mimi kaya sya na agad ang nakikipag-ayos pag nagtatalo sila. Kaya thankful ako na nagkaroon ako na ganitong mga magulang simula umpisa hanggang ngayon, hindi sila nagbabago tsaka kahit kailan hindi nila kami pinagbuhat ng kamay, yes nagagalit sila samin pero hindi nila kami sinasaktan and I'm thankful and bless to that. "How about our twins? How are you?" baling naman ni didi sa kapatid kong kambal Ang kambal ang palagi kong kasabay umuwi. Si anton kasi ang uwian nya ay lunch time at kami naman ng twins ay three in the afternoon. "Okay lang po kami, boring nga lang po yung mga tinuturo nila lalo na po yung History subject" bored na sagot ni andres Sa aming magkakapatid ang twins ang mahilig magtagalog, si anton kasi english, ako naman taglish. "Sa sobrang kaboringan nya po, hindi na po sya nakikinig kaya napagalitan po sya" pagsusumbong naman ni andrea sa kakambal nya habang patuloy sa pagkain Nakita ko ang pagkunot ng noo nila mimi. Ako naman naalala ko si kuya jossel sa eksenang yun. "At bakit hindi ka nakikinig sa teacher mo Mico Andres?" seryosong tanong ni mimi sa kanya Nako lagot na sya kay mimi buong pangalan na ang tinawag sa kanya at lalo sya malalagot pag hindi maganda ang sagot nya. Nakita ko pa ang ang paglunok nya bago sumagot "K-kasi po mimi alam ko na po yung tinuturo niya, nabasa ko na po sa mga libro sa library, sa notebook ni kuya at naituro nya na po samin yun" Dinamay pa ako nitong batang ito pero maganda naman yung sagot nya, hindi ko nga lang alam kung papasa kay mimi. Mahilig kami mag-advance reading at tinuturuan ko din sila every weekend and vacation. Ang pagkahilig sa libro at pagbabasa ang pagkakapareho namin magkapatid. "Kung ganoong alam mo na, wag mo na lang ipahalata sa teacher mo na hindi ka nakikinig----- I mean kahit alam mo na ay makinig ka pa rin, iba pa rin ang turo ng totoong teacher" sinamaan ng tingin ni mimi si didi kaya biglang nag-iba yung sinasabi nya, minsan talaga may kalokohan din itong si didi "Alam mo man o hindi ang tinuturo dapat nakikinig ka pa rin. Pangbabastos ang hindi pakikinig sa teacher na nasa harapan nyo. Hindi ko naman kayo tinuruan mangbastos diba?" pangaral samin ni mimi, sabay sabay naman kami tumango bilang sagot "Ikaw naman Kuya Kael kumusta pag-aaral? Ang lovelife kum---- Aray naman love" hindi na natuloy ni didi ang sasabibin nya ng hampasin sya ni mimi sa braso "Torpe si kuya kaya wala yan magiging lovelife" natatawang sagot ni andres, dyan sya magaling sa pang-aasar mana kay didi "His lovelife is Ate Gab, I saw them earlier in the school field together, talking to each other and smiling" sabat naman ni anton sabay kain, napatingin naman ako sa kanya "Hey little boy, what do you know about lovelife huh?" binaba ko ang kutsara at tinidor ko at seryosong tumingin sa kanya Ano ba ang alam nya sa pag-ibig, eh ang bata bata nya pa para makisali sa ganung topic. "Nothing but Kuya Andres told me that lovelife is the one you like and love. You like Ate Gab right?" inosenteng sagot naman ni anton sakin Tinignan ko naman ng masama si andres kaya napayuko sya, kung ano ano ang tinuturo nya sa bunso namin. "Wag nyong asarin si kuya, malalagot kayo dyan mamaya at baka ma-ban kayo sa library at sa internet nyan...... Pero kuya gusto ko si Ate Gab para sayo" nakita ko nagpipigil si andres ng tawa sa sinabi ni andrea Okay na sana yung sinabi nya kung hindi na nya dinugtungan pa, nailing na lang ako. I think namana namin magkakapatid kay didi ang pagiging mang-aasar pero mang-aasar din kasi ang pamilya ni mimi kaya hindi ko masabi, ay basta! "Stop talking you three...... I'm fine, my study is fine so don't worry about me" natahimik naman yung tatlo, sumusunod naman sila sakin dahil kung hindi malalagot talaga sila sakin at kila mimi "That's good kuya..... Kayo wag nyong inaasar ang kuya nyo tungkol sa ganyan..... Kumusta na nga ba si Gab, hindi ko na nakikita ang batang yon" Napailing na lang ako kay mimi akala ko pa naman kakampihan nya na ako, yun pala may banat din sa dulo. Ano pa nga ba ang aasahan ko, eh mag-aasar ang buong pamilya namin kahit na yung mga kaibigan nila mimi ay mang-aasar din. "She's fine mimi, maybe next time I'll bring her, here" nginitian nila ako ng mapang-asar "With my friends" nawala din agad yung ngiti nila ng dugtungan ko ang sinabi ko Alam ko naman na tinutukso lang nila ako, alam kasi nila na crush ko si gab kaya madalas nila ako tuksuhin. Samin magkakapatid ako ang nagmana kay didi sabi nga nila ako daw ang little andrei, ang namana ko lang kay mimi ang pagiging tahimik at pagiging matured mag-isip. Si Anton naman ang little mika nagmana naman sya kay mimi pero ang kakulitan at kapilyuhan kay didi. Sa twins naman ang namana ni Andrea kay didi ay ang pagiging seryoso at masungit, kay mimi naman ang pagiging tahimik, mapagkimkim at matured mag-isip. Si Andres naman ang namana nya kay didi ang pagiging pilyo, mapang-asar at pagiging bully, namana naman nya kay mimi ang pagiging asar talo, sya ang kawawa sa amin magkakapatid pag nag-asaran na kami. Lahat naman kami mabait at matalino kaya minsan tinatamad na mag-aral mga kapatid ko dahil minsan alam na nila ang tinuturo ng mga teacher nila. Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin, syempre hindi nila ako tinantanan pero hindi ko na lanh sila pinansin. Nang matapos kami kumain nauna na ako umakyat at tinapos ko na ang mga paperworks ko. *-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* End of Chapter three: Meet Mikael and Jossel Montecia! Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD