THE BUENAVISTA TWINS
ROBERT JAMESON & RAINE DANA
Jameson POV
I'm Prince Robert Jameson Millares Buenavista, 17 years old, my name is too long so everyone calling me Jameson. They said me and kael are look a like, serious, cold and grumpy. Well they are correct, what can we do that is us.
I'm in the school right now at our tambayan, my parent's old tambayan when they are studying here. I'm with my friends and my cousins, taking our lunch break. Sometimes we eat here or in the garden but sometimes we eat at the cafeteria.
"Uy may homework na ba kayo sa math? Hindi pa kasi ako nakakagaw" kamot kamot pa si lawrence sa ulo nya habang nakangusong binubuklat ang notebook nya
Lagi naman syang ganyan pagdating sa math, palaging kakamot kamot sa ulo lalo na pag nagle-lesson at recitation.
"Yes, we are done to that. Go and answer your homework now while you still have time" utos ko sa kanya, i'm the second oldest to them, first is bobriel
"Tulungan nyo naman ako, sige na please!" pagmamakaawa nya pa sa amin, napailing na lang ako sa katamaran nya
"You are really like Tito Jacob, when it comes in math, you are tamad" iiling iling naman na sabi ng kakambal kong si dana, pangatlong sya sa pinakamatanda samin
Naikwento kasi samin nila mommy na mahina si tito jacob sa math pero ang totoo eh ayaw lang talaga ni tito sa math pero marunong naman sya.
"Sige na tutulungan ka na namin, basta sagutin mo muna yung kaya mong sagutin then we will help you with the rest" pakikipagkasundo naman ni jossel sa kanya
Mas okay na yun kesa naman puro kami lang ang sasagot ng homework nya tsaka ayaw namin na kokopyahin na lang nya ang sagot namin dahil wala talaga sya matututunan pag ganon.
"Kasi naman makikinig ka kasi pag nagtuturo si sir sa math hindi yung puro daldal at lamon ka lang" sermon sa kanya ni bobriel, sa lahat sya lagi ang tutok sa pag-aaral dahil malalagot sya kay tita dean pag loloko loko sya
"Madali lang naman yung homework natin Lawrence, tinatamad ka lang talaga magsagot" sermon naman sa kanya ni clarken
Sila ang magkakasundo sa kalokohan pero pagdating sa acads mas angat si clarken sa kanilang tatlo ng pinsan nya, malalagot kasi sya kay tita sheng at lalo na kay tita mina pagtatamad tamad sya.
Well wala naman talagang mahina samin sadyang tamad lang si lawrence sa math pero matatalino naman kaming lahat, halos lahat nga kami may top sa klase.
"If you want Kuya Lawrence, I can answer your homework but you will pay me 100" seryosong paliwanag ni kael at patuloy pa rin sya kumakain
"Sure 100 lang pala, sige deal this is your 100--" hindi na natuloy ni lawrence ang sasabihin nya, nang magsalita ulit si kael
"100..... 100 kuwaiti dinar, so in peso that is.......... Hmmm 16,711.70 pesos in total" sabay ngisi ni kael napitigil si lawrence at napatulala
Grabe na convert nya agad yun, sa totoo lang hindi ko kabisado ang mga equivalent sa peso ng pera sa ibang bansa.
"N-no way!... Kaya ko naman sagutin mag-isa ito, hindi ko na kailangan ng tulong mo" nagsimula na sagutin ni lawrence ang homework nya
Nagtawanan naman kami sa kalokohan ng pinsan ko. Seryoso sya pero maloko din naman well nasa lahi na ata namin ang ganun ugali seryoso pero mahilig mang-alaska.
"Nice one Kael! Sya lang pala katapat mo Lawrence para sagutin mag-isa yang homework mo" tawang tawa naman ito si clarken sa nangyare
"Sus kuripot lang talaga yang si Lawrence, syempre kanino pa ba magmamana edi kay Tito Jacob" pang-aasar naman ni jossel sa kanya, si lawrence talaga ang little jacob sa grupo namin
Lalo kami natawa ng ngumuso sya habang nagsasagot. He's look like Tito jacob talaga. Hahahahahaha!
"How about you Kael, did you finish all of your homeworks?" baling ko naman kay kael
"Ofcourse kuya, I always finish it after class, so I can do whatever I want in the house"
Magkapareho kami, bago umuwi ginagawa na ang mga madadaling homeworks dito sa school. Tsaka alam ko naman na gawa na ang mga homeworks nya sinisigurado ko lang.
"Daig ka pa ng bata Lawrence, puro kasi pagkain ang iniisip mo" natatawang sermon sa kanya ni gail, pinsan ko sya sa side nila daddy
"Matalino lang talaga sya, matatalino lang talaga sila magpipinsan pero mas gwapo naman ako sa kanila" sabay tawa nya, sya lang naman ang natawa sa sinabi nya
Nagkatinginan na lang kami nina jossel at kael, sabay sabay pa kami nagkibit balikat. Paniwalaan nya ang gusto nya paniwalaan!
"Kabahan ka nga sa sinasabi mo Lawrence, tapusin mo na lang yang ginagawa mo wag ka na dumada pa" pagtataray naman ni lia, takot sa kanya si lawrence dahil nakikita nito yung pagtataray ng mommy nya kay lia
Tinapos na nya yung ginagawa nya sakto tapos na yung break time ng matapos sya. Bumalik na kami pare-parehas sa mga klase namin at hinintay ang susunod na subject.
After class nagkita kita kami sa parking lot lahat, pati ang mga nakababatang kapatid namin, kasama na namin.
"Jana you will go home first together with Andrea and Andres today" pagpapauna ko sa kapatid ko na umuwi, kasama ng mga pinsan kong bata pa
"You three will ride in our car, Kuya Jose will drive you home" paliwanag naman ni kael sa kanilang tatlo
Magkakalapit naman kasi ang mga bahay namin nila kael, konting lakad lang mula sa amin ay bahay na nila at mas malapit sila sa may park.
"Ikaw Jayda sumabay ka muna kila Miguel, may pupuntahan pa kasi kami nila Jameson" utos naman ni jossel sa kapatid nyang babae
Magkalapit naman sila ng street sa village nila tito michael, konting lakad lang din bahay na nila bago kila tito michael.
"Saan po ba ang punta ninyo kuya?" tanong ni jayda sa kuya nya na nakataas pa ang isang kilay, mana talaga kay tita joyce
"It's none of your business. Just follow what I said" mariin na utos naman ni jossel sa kapatid, mana kay tito renz hahahaha!
"Whatever kuya! Let's go kids" mataray na sagot ni jayda at sumakay na sila sa mga kotse pati na rin ang iba pa
Sa isang van magkakasama sina Jeya, Shaira, Aira, Samuel, Vinson, Railon at Nathaniel ang mga pinsan ni Kael sa side ni Tito Andrei, then sa kotse ni Tito Andrei sina Jana, Andrea at Andres, sa kotse ni Tito Michael si Jayda, Miguel at Mitch, then sa kotse nina lawrence sina Jacky at Francine, Sa kotse ni bobriel ang dalawa nyang kapatid na sina Daniella at Briana, sa kotse naman ni clarken ay ang kapatid nyang si Claire lang at may kanya kanya silang driver.
Kinausap lang namin ang mga driver nila at hinintay namin sila maka-alis bago ako humarap sa kanila.
"So let's go?" tanong ko sa kanilang lahat
Tumango lang sila bilang sagot, sumakay na kami sa dalawang kotseng naiwan. Sa kotse ko nakasakay sina Dana, Kael, Bobriel at Gab. Sa kotse ni jossel kasama nya sina Clarken, Jairus, Gail, Lia at Lawrence. Nauna akong umalis at nakasunod lang sila jossel sa amin. May pupuntahan kaming lugar na hindi alam ng mga parents namin.
After 1hr narating na namin ang isang malaking building ang MG Training Center, pagkababa namin sa kotse, agad na kami pumasok sa loob at nag log-in sa receptionist.
MG training Center isang training center, iba't ibang training ang ginagawa dito. Taekwondo, Martial Arts, Arnis, Wushu, Boxing, Judo, Jiu-Jitsu, Muay Thai, Karate, Fencing at marami pang iba na tungkol sa self defense at pakikipaglaban.
Sa totoo lang walang nakakaalam na kahit na sino kung ano ang ibig sabihin ng MG sa MG Training Center kahit ang mga staff at coaches ay hindi alam ang meaning nito, nakakacurious pero wala naman kami magagawa para malaman ang tungkol dun.
Pagpasok namin madami ng bumabati sa amin at nakangiti agad samin ang mga tao lalo na ang mga trainor, hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit ganyan sila sa amin. Kahit nung unang punta namin dito magpipinsan ganyan na sila para bang kilala na nila kami at masyado kaming VIP pag nandito kami kahit na Regular class lang ang kinuha namin.
Nalaman ko ito nung first year kami at grade six naman si kael, narinig namin na nag-uusap sila daddy na maganda daw magtraining dito at matagal na nga sila nagte-training dito kaya sinubukan namin kasi gusto namin matutong magmartial arts.
"Welcome back kids! Are you ready for your next training?" nakangiting tanong samin ni coach george, sya ang coach namin dito sa ilan taon namin nagte-training
Sobrang galing nya magturo tsaka kaya nya magpatumba ng sampung tao na hindi gumagawa ng ingay at yun ang gusto kong matutunan. Dati daw syang agent ng NBI tapos nagresign sya at nagturo na lang dito sa MG training center hindi na nya sinabi samin yung dahilan nya.
"Yes coach we are ready!"
Marami na rin kaming natutunan kay coach george, hindi pa nga lang namin nagagamit dahil wala pa naman kami nakaka-away at hindi namin pinapatulan yung grupo nila luis para makipaglaban.
"Okay let's go. Ready yourself because this is very strong and hard training, our training for today is not an ordinary training" paliwanag ni coach george habang naglalakad kami, hindi ko lang alam kung saan ang punta namin
"What do you mean coach?" not ordinary training parang kinabahan ako dun tapos hindi pa kami sa dati naming pinag-eensayuhan pupunta
"This training is specially for you guys. Hindi namin ito tinuturo sa mga ordinaryong taong tinuturuan namin dito. Para sa inyo lang ang training na ito lalo na sa inyong grupo" mahinang paliwanag ni coach tama lang para marinig namin tapos pumasok kami sa isang kwarto
Wala naman special sa kwartong ito, puro sirang gamit, makalat, madaming agiw, parang bodega at medyo madilim.
Dito ba kami magte-training?
"Are we going to train here? It's a mess and dirty" nakatakip ang ilong at bibig ni kael dahil bawal sya sa masyadong maalikabok na lugar
Hindi sumagot si coach at dire-diretso lang sya pumasok, sumunod na lang kami sa kanya, hanggang marating namin ang dulo ng kwarto. Hindi ko inaasahan na may pintuan, nasilaw ako ng biglang lumiwanag kaya napapikit ako, dumilat lang ako ng magsalita si coach.
"This is your new training ground guys! Get ready and we're going to start. Goodluck!"
Hindi nakaligtas sakin ang pag ngisi ni coach, kinabahan ako at napalunok tsaka ko nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng lugar.
This will not gonna be easy!
.
.
.
.
.
Dana POV
I'm Princess Raine Dana Millares Buenavista, 17 yrs old, one of the Buenavista twins and I'm the yougest one, my kuya Jameson is the oldest among of us. Sabi nila mana daw ako kay mommy pero hindi pumapayag si daddy dahil sa kanya daw ako nagmana hahahahaha!
After class pinauna na namin umuwi ang mga kapatid namin at nagpunta kami magkakaibigan sa MGTC para mag-ensayo, sinabi ni coach na hindi daw ordinaryo ang training namin ngayon. Pagpasok namin malawak ang lugar may tulay na kahoy, may mga nakalaylay na tali, may wall climbing, mga trampoline, mga kahoy na pataas na pataas at kung ano ano pang kagamitan pang training namin.
Kinakabahan ako ngayon sa bago naming training, tignan ko pa lang parang nanghihina na ako, lalo pa nung ngumiti ng kakaiba si coach pero wala kaming choice kailangan namin ito gawin.
Nag-umpisa na ang training namin, pinademo muna samin ni coach ang mga natutunan namin sa kanya nung mga nakaraang training namin dito.
Pagtapos makita kung ano ang natutunan namin sa kanya nagturo na sya ng bago, at first parang madali lang pero nung kami na ang gumawa nahirapan na kami.
Unang pinagawa ni coach kung paano kami aatake na isang kamay lang ang gamit at paano kami dedepensa nang isang kamay lang din ang gamit namin.
AFTER TRAINING nagpaalam na kami kay coach na uuwi na kami, habang naglalakad palabas napansin ko na palihim kung tumingin ang mga taong nadadaanan namin, ganyan naman palagi sila pag nandito kami parang pinagmamasdan nila ang mga ginagawa namin.
They are all creepy. Yay!
Nang makalabas, nagpunta na kami sa parking lot. Madilim na kaya napatingin ako sa relo ko, 7pm na patay kami nito kay mommy. Huminto kami sa tapat ng kotse nila kuya at nag-usap usap sandali.
"That one was hard. I can't move my left arm and I feel like it's gone" halatang pagod na pagod na si kael at nahihirap igalaw ang kanyang kaliwang kamay
"Me too! I think I have anesthesia in my arm"
Halos lahat naman kami nahirapan sa training ngayon, mas mahirap nga lang yung pinagawa samin magpipinsan yun ang napansin ko, hindi ko lang alam kung napansin ng iba yun.
"How will we go home if all of us can't move our other arm. Who's gonna drive?"
Napaisip din ako sa sinabi ni kuya, paano kami makakauwi kung hindi sila makakapagdrive, baka mapahamak kami kung magpipilit sila magdrive kahit masakit ang braso nila.
"Hindi kasi natin napaghandaan ang araw na ito at ang training. But that one is cool and amazing" kahit pagod nakangiti pa rin si jossel habang inaalala ang mga bago namin natutunan
"Masasanay din tayo sa one hand attack and defense, training lang ng training. Girls okay pa ba kayo?" pasimpleng tumingin sakin si bobriel bago tumingin kila abigail
Kinakunot ng noo ko ang ginawa nya.What's his problem?
Paminsan minsan talaga nahuhuli ko sya na nakatingin sakin, minsan nahuhuli ko din syang pasimpleng tumitingin sakin at minsan pa nga nakatitig sya sakin hindi ko lang sya nililingon o tinitignan pabalik.
"Okay lang ako pero gusto ko na umuwi at magpahinga" nakabusangot na ang pinsan kong si gail habang nakasandal kay clarken
"Ako din, ang sakit talaga ng braso ko. Buti na lang wala tayong pasok bukas at makakapagpahinga tayo" nakanguso naman si lia sa sobrang pagod at nakahilig na ang ulo kay jairus
"I think we need to go now, it's getting late. I can drive but slowly" paliwanag ni kuya samin na sumuntok suntok pa sa hangin para patunugin ang braso nya
Haaay sa wakas, gusto ko na rin umuwi kahit mabagal okay lang basta makauwe na kami dahil gusto ko na magpahinga tsaka baka mapagalitan pa kami ng mga magulang namin pag mas ginabi pa kami ng uwe.
"Bobriel kaya mo bang magdrive?" tumango lang si bobriel sa tanong ni jossel
"Bakit hindi mo ba kaya magdrive?" tanong naman ni jairus kay jossel na nakasandal sa kotse nito
"Hindi na eh, Bobriel ikaw na muna ang magdrive tapos kila Jameson na lang ako sasabay mas malapit naman ang bahay namin sa kanila. Bukas or sa pasukan mo na lang isauli sakin yung kotse. Salamat!"
Hinagis ni jossel ang susi na agad naman nasalo ni bobriel tapos pumasok na sya sa loob ng kotse ni kuya.
"So let's go guys" humarap si kuya kay bobriel at hinawakan ito sa balikat "Bobriel drive safely and see you all in school. Bye men!"
Nagpaalam na kami sa isa't isa, nakita ko pa na tumingin sakin si bobriel bago pumasok sa driver seat, napailing na lang ako at pumasok na rin sa loob ng kotse ni kuya.
Nauna kaming umalis at nakasunod lang sila sa amin, mabagal lang ang pagpapatakbo ng kotse ni kuya jameson. Ilang minuto din kami naging tahimik bago nagsalita si kael.
"Did you notice that our training earlier was so hard than them?"
Napansin din pala yun ni kael na mas mahirap yung pinapagawa samin kesa sa iba naming mga kaibigan at mas tutok samin si coach george.
"Speak in tagalog guys" sita samin ni jossel na nakapikit
Kaming tatlo talaga nina kael at kuya ang mahilig mag-english samin magkakaibigan, si jossel bihira lang tsaka si gab kasi minsan lang din sya magsalita.
"Oo nahalata ko nga yun, parang mas mahirap yung sa atin, tapos hinati pa tayo sa tatlong grupo at hiniwalay tayong apat sa kanila" sagot ni kuya habang nagmamaneho, at pasimpleng tumitingin sa salamin para makita kami sa likod ni kael
"Baka naman mukhang madali lang yung sa iba pero mahirap din gawin, mahirap man pero nagawa naman natin diba" tama naman si jossel mahirap pero nagawa naman namin, yun lang nakakapagod talaga
"Paano tayo magpapaliwanag ngayon nito sa mga magulang natin dahil ginabi tayo?" pag-iiba ko ng usapan, malalagot kasi talaga kami kila mommy pag nalaman nila ang tungkol sa training namin
"Dating palusot, naniniwala naman sila sa paliwanag natin, wag lang nilang mahalata na nagsisinungaling tayo dahil malalagot talaga tayo lalo na ako"
Kung takot ako mas takot si kuya dahil sya ang mas mapapagalitan saming dalawa, hindi lang pala samin dalawa kundi saming apat.
Natahimik na kaming apat, wala ng nagsalita dahil sa pagod at gutom, hindi ko na nga namalayan na nakaidlip na pala ako, pagtingin ko sa labas ng bintana, kapapasok pa lang namin sa village namin. Unang hinatid si jossel sumunod si kael.
Pagpasok namin sa bahay naabutan namin si daddy na nasa sala, na nakaharap sa laptop nya. Akala namin hindi nya kami nakita dederetso na sana kami sa hagdanan ng magsalita sya.
"Saan kayo galing dalawa? Anong oras na at ngayon lang kayo umuwi?" tanong nya sa amin habang nakatingin pa rin sa laptop nya
Grabe naramdaman nya na pala kami, hindi lang nya kami tinitignan. Lumapit kami ni kuya sa kanya at dun pa lang nya kami tinignan dalawa.
"We're having fun at the Smith Mall" paglalambing ko kay daddy "Sorry we forgot to tell you daddy" hinalik ko sya sa pisngi nya
"We're sorry daddy. Where's mommy?" paglalambing din ni kuya at nagmano kay daddy
"Hindi pa umuuwi nandun sya sa bahay nila Mommy Rainelyn ngayon. Kumain na kayo dyan sigurado naman ako na pati ang pagkain nakalimutan nyo gawin sa mall"
Hinalikan lang kami ni daddy sa ulo at bumalik na ulit sa ginagawa nya. Buti na lang at busy si daddy ngayon hindi nya kami tinanong ng tinanong, kung hindi mabubuking talaga kami.
At mabuti na lang naunahan namin si mommy umuwi dito sa bahay dahil sya palagi ang maraming tanong pag ginagabi kami at pag nale-late kami ng uwi ng hindi nila alam.
"Kumain na rin po ba kayo daddy? Sila Jana at David po?" paghahanap ko sa dalawa kong nakababatang kapatid
"Katatapos lang namin kumain. At yung dalawa ay nanonood na sa family room" tumingin lang samin si daddy saglit tapos naglaptop na ulit
Hays! Kinabahan ako dun!
Pumunta na kami ni kuya sa kusina para kumain kahit hirap sumubo ng pagkain, kumain pa rin kami. Pagtapos kumain pinauna na ako ni kuya umakyat at sya na daw ang bahalang maghugas ng pinggan, humalik lang ako sa pisngi nya bago ako pumunta sa kwarto ko.
Nang matapos ako maglinis ng katawan, pumunta na ako ng family room naabutan ko silang tatlo na nanonood. Infairness ang bilis ni kuya kumilos at naunahan nya pa ako pumunta dito.
Hinalikan ko sa ulo ang dalawa kong nakakabatang kapatid bago umupo sa tabi ni kuya jameson. Lahat kami naka-pajama na, red samin ni jana at blue naman kina kuya at david.
Nakasanayan na namin manonood dito ng sama sama tuwing walang pasok kinabukasan, minsan dito na rin kami natutulog buong pamilya. Ang laman lang naman ng kwartong ito ay isang malaking t.v, malaking kama na kasya kaming buong pamilya at mga estante na puno ng mga certificate, medal at trophy namin buong pamilya.
"Where did you go Ate and Kuya?" tanong samin ni david pero sa tv sya nakatingin
"In the mall, why?"
"Where's my pasalubong?" tumingin na sya samin na nakangiti at nakalahad pa ang dalawang kamay nya sa harapan namin ni kuya
Nagkatingin naman kami ni kuya. Oo nga pala, nakalimutan namin na dapat may pasalubong kami sa kanya kung sakaling pumunta kami sa mall.
"Sorry bunso we forgot but next time we will buy you, promise" napanguso naman si david sa sagot ni kuya jameson sa kanya
Kawawa naman ang bunso namin, pero ang cute nya tignan.
"Come here David" lumapit naman sya sakin at yumakap "Wag ka na malungkot baby, babawi kami sa susunod, okay" nakangiting paliwanag ko habang nakayakap sa kanya
"Yes Ate!" ngumiti na rin sya sakin, napailing na lang si kuya dahil halatang ate's boy si bunso
Lagi nya kasing inaasar si bunso tsaka takot sa kanya ito dahil seryoso nga palagi si kuya kaya mas madalas sakin sumasama si david. Si jana naman malapit samin dalawa ni kuya pero napapansin ko na kuya's girl sya dahil spoiled sya kay kuya. Spoiled naman kaming tatlo kay kuya pero mas spoiled sya.
Pinagpatuloy na namin ang panonood pero hindi ko din natapos dahil nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.
KINABUKASAN nagulat pa ako na pag gising ko nasa kwarto ko na ako, sigurado akong binuhat ako ni daddy papunta dito. Pagtingin ko sa orasan 12:30pm na, grabe ang pagod ko tinanghali na ako ng gising at mas naramdaman ko ngayon yung sakit ng kamay ko.
Ooouch!
Kahit hirap bumangon pa rin ako at naghilamos tapos bumaba na, naabutan ko sila sa sala nanonood pwera lang kay mommy siguro nasa work sya. Binati ko na sila daddy bago dumeretso sa kusina at naabutan ko naman dun si kuya na kumakain mag-isa.
Mukhang kagigising lang din nya pero nakaligo na sya, medyo basa kasi ang medyo may kahabaan nyang buhok.
"Good Morning I mean Good Afternoon Kuya" natatawanang bati ko pa sa kanya bago humalik sa pisngi nya
"Good afternoon too! Saluhan mo na ako dito" bati sakin ni kuya, tumayo sya para asikasuhin yung pagkakainan ko kaya naupo na lang ako katabi ng pwesto nya
He's so gentleman, ganyan nya kami alagaan magkakapatid pati rin ang mga pinsan ko, ginagawa nya talaga ang pagiging kuya nya samin mga kapatid nya at sa mga pinsan ko.
Ang swerte ng magiging girlfriend nya o magiging asawa nya kasi ano pa ang hahanapin nya sa kapatid ko, gwapo, mabait, responsable, gentleman, maalaga, marespeto at mapagmahal yun nga lang may pagkaseryoso.
Alam kong matagal pa yung pag-aasawa nya pero alam ko may nilalaman na ang puso nya, hindi nya lamg sinasabi samin hahahahaha.
"Mukhang kagigising mo lang din kuya, anong oras ka natulog?" nakangiting tanong ko sa kanya habang pinaghahainan nya ako
"Hindi ko din alam... Ang naaalala ko mas nauna kang makatulog sakin pero hindi ko pa din naabutan na umuwi si mommy" umupo na sya sa tabi ko ng matapos nya ako paghainan at sabay na kami kumain
Sobrang late na din pala umuwi si mommy kagabi. Buti na lang nauna talaga kami sa kanya nakauwi dahil masasabon kami ng madaming tanong ni kuya kung nagkataon na nauna syang umuwi sa'min.
Pagtapos kumain niligpit na namin ang pinagkainan namin, mas lalo kong naramdaman yung sakit ng braso ko habang naghuhugas ng plato pero tiniis ko na lang hanggang sa matapos ako maghugas.
Buong hapon ako nagpahinga, nasa loob lang ako ng kwarto, sobrang sakit kasi ng braso ko kapag ginagalaw. Hindi ako pwedeng makita nila daddy na ganito kundi uulanin ako ng tanong at pati na rin si kuya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng pumasok si David sa kwarto at nagyayayang manood sa family room kahit gusto ko pa matulog sumama na ako sa kanya dahil yun ang bonding time namin. Pagdating namin sa family room nandun din si kuya at Jana.
Nagsimula na kaming manood, patapos na ang pangalawang palabas na pinapanood namin nang pumasok si mommy at nagpaalam na pupunta sya ng province kasama sila lola mommy.
Gusto man namin sumama sa kanya ay hindi pwede dahil may mga pasok pa kami tsaka sabi naman ni mommy sandali lang sila kaya hindi na kami nagpumilit pa.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
End of Chapter four:
Meet Jameson and Dana Montecia!
Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!