ACEMOND & MEGAN ARIAH GARCIA
Ace POV
I am Acemond Montemayor Ortiz Garcia 25 years old, I have a younger sister her name is Megan, my mom is Maria Alliah known as Maliah and my dad is Raymond. In the camp where we're working, my mom known as Captain Garcia and my dad as Colonel Garcia.
I'm in the camp crame right now doing my duty of being a Captain of the army. At the age of 25 I'm a Captain now not because my mom is a Captain in navy, my dad is a Colonel and my lolo dad is lieutenant in army, it's because Im doing my best in my work. Yes we are the family of the soldiers except for my younger sister.
Nasa headquarter ako ngayon nag-aayos ng mga papers ng mga trainees na gustong magsundalo ngayong taon, tinitignan ko ang mga profile nila ng pumasok ang kaibigan ko na sundalo rin.
"Bro balita ko, ikaw daw ang hahawak ng mga trainees ngayong taon" tinaas baba nya pa ang mga kilay nya at nakangiting aso
Napakatsismoso talaga nitong kaibigan kong ito, kunwari pa sya eh naghahanap lang sya ng makakalandian sa mga trainees.
"So what's the problem with that?" balik na tanong ko sa kanya at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko ng hindi sya tinitignan
Kahapon pa sinabi sa akin ang tungkol sa mga trainees at kanina ko lang nakuha ang mga papel nila. Baka ngayon nya lang nalaman ang tungkol dun kaya eto sya ngayon nanggugulo.
"Wala naman pero mukhang mahihirapan ang mga trainees ngayon, ang strikto, ang suplado at ang sungit mo kaya pag ikaw ang nagte-training" patuloy sa pagdaldal si shaun, kahit kailan hindi matahimik ang bibig nito
"Ganun naman dapat diba pag nag te-training dapat strikto, pano sila matututo kung basta basta lang ako.... Maigi na yung ganun kesa maging close sa mga trainees pa lang baka isipin nila na may favoritism ako" ayoko lang ng pag nasa training ay pa-petiks petiks lang sila dahil close kami gusto ko focus sila sa training nila
"Kahit nga ngayon ang sungit mo hindi naman ako kasama sa mga trainees mo bro" pagbibiro pa ni shaun sakin, napailing na lang ako puro kalokohan talaga sya
Masungit talaga ako pag dating sa duty gusto ko kasi serious at focus lang ako pag nasa duty. Bilang nga lang ang mga kaibigan ko isa na dun si shaun, samin magkakaibigan sya ang madaldal, halos lahat takot sakin dahil sa mga magulang ko especially mga lolo ko.
Napalingon kami ni shaun sa pintuan ng magbukas ito.
"Nandito lang pala kayong dalawa kanina ko pa kayo hinahanap, pinapatawag tayo ng lolo mo Ace" hinihingal pang saad ni yuan isa din sa mga kaibigan ko
Nagtaka naman ako. Bakit kami pinapatawag ni lolo? May ginawa bang mali ang mga kaibigan ko?
"Okay" sinarado ko na ang folder ng mga trainees tsaka ako tumayo "Tara na baka pagalitan pa tayo pag pinag-antay natin si lolo" nauna na akong maglakad sa kanila at hindi na inintay pa sila, sigurado ako magkukwentuhan pa ang dalawang yun
Pagpunta ko sa unit ni lolo, nagulat pa ako dahil nandun din si daddy. Mas lalo pa akong nagtaka bakit pati si daddy nandito. Sumaludo muna ako sa kanila bago magsalita.
"Anong pong meron?" nagtatakang tanong ko sa kanilang pareho
"Where's your team?" seryosong tanong naman sakin ni lolo, mukhang seryoso ang pag-uusapan namin
"They're coming now sir" sagot ko naman, mababagal talaga kumilos ang mga yon dahil panay ang pag-uusap nila
Sakto dumating na ang mga kaibigan ko at kami ang tinatawag na bravo team. Sumaludo na sila at tumayo sa tabi ko.
"Okay let's start. I'm giving Alpha team and Bravo team a mission, different mission to the two teams......." hindi ko na naintindihan ang iba pang sinasabi ni lolo ng dumaan sa gilid namin ang mga navy at napako ang mata ko sa isang tao
She's so beautiful in her navy uniform. Kahit ano yata isuot nya ay maganda pa rin sya, kelan ko kaya masasabi sa kanya ang nararamdaman ko? Tuwing magkakalapit kasi kami ay tumitigil na ang mundo ko at hindi na makapagsalita pa dahil natutulala ako pag nakikita sya katulad na lang ngayon.
"Captain Garcia!"
"Captain Garcia, are you with us?!!"
"ACEMOND!!!"
Napabalik lang ako sa aking sarili ng sumigaw na si lolo dad kaya napaayos ako ng tayo at tumingin na ako sa harapan.
"Yes s-sir?" kabadong tanong ko kay lolo dad, patay nahuli akong hindi nakikinig sa kanya
"You are spacing out Acemond!... Manang mana ka talaga sa daddy mo, dumaan lang ang mga babae natutulala na!" sermon ni lolo dad, nakakahiya sa mga tao sa paligid namin
Mabuti sana kung papagalitan nya ako tungkol sa trabaho ang isyu pero ibang isyu itong ngayon kaya nakakahiya talaga.
"But she's not just that simple girl" pahina ng pahina na sagot ko baka kasi lalo akong pagalitan may mga ibang tao pa naman kaming kasama
"I know she's not, Tsk!... Dumaan lang sila Maliah at Eliz eh natutulala na kayong mag-ama, mahiya nga kayo, kayo pa man din ang mga leader ng bawat team tapos kayo pa yung hindi nakikinig sakin" sermon muli ni lolo dad samin ni daddy kaya naman napayuko na lang ako sa hiya
Nakita ko sa gilid ng mata ko yung mga mapang-asar na ngiti ng mga ka-team ko kaya tumingin ako sa kanila at sinamaan sila ng tingin kaya napatawa sila.
"What's funny Bravo team?" seryosong tanong ni lolo kaya napaayos naman sila ng tayo dahil sa takot
Napatingin na ako kay lolo at kunot na kunot ang noo nyang nakatinging samin ng team ko.
"Kung sa tingin nyo biro lang ang mission na ito sa inyo, sabihin nyo agad para mapalitan ko kayo, at ang Charlie team ang ipapalit ko sa inyo agad agad" seryosong seryoso talaga si lolo dad, walang pami-pamilya pag dating sa trabaho nya
"We are sorry sir! You may continue sir" magalang na sagot ko, dahil panigurado lagot na naman ako sa kanila pag hindi ako umayos
"The mission will start next week, so you may go home, take a rest and spend more time with your loved ones for a week..... Acemond and Raymond stay here, and that's for now, dissmiss!" mariin na utos ni lolo dad sa amin, makakasama ko na rin ang kapatid ko sa wakas
Sumaludo na kaming lahat tapos nag-alisan na ang mga miyembro ng mga team namin at kami naman ni daddy ay naiwan nakaharap kay lolo dad.
Nako patay na ako nito siguradong pagsasabihan nya kami ni daddy sa inakto namin kanina.
"Kayong dalawa umayos nga kayo lalo na pag nasa harap kayo ng ibang tao. Lalo ka na Ace kung makatitig ka kay Dela Vega ay wagas, maiintindihan ko pa ang daddy mo kung bakit sya titig na titig kay Maliah dahil asawa nya at mommy mo yun, eh ikaw ano mo ba si Dela Vega?" pinangliitan nya ako ng mata at seryosong tumingin sa mata ko "Umamin ka nga samin may gusto ka ba sa kanya?"
Napatigil ako at napatulala, ganun na ba ako kahalata at pati si lolo dad ay napapansin na ang pagtingin ko kay Dela Vega. Nako masama na ito baka kumalat pa sa buong kampo ang tungkol dun, sigurado akong marami akong makakaawat pag nalaman ng lahat. Marami kasing nagkakagusto kay Capt. Dela Vega karamihan mas mataas sa rango ko at matanda na sa amin pero kahit isa walang makaporma.
"Lolo dad ano kasi... H-humahanga lang po ako sa kanya" kinakabahang sagot ko, natatakot ako na malaman nila ang totoo, napakamot pa tuloy ako sa ulo ko
"Humahanga?..... Nako dyan nagsisimula ang lahat Acemond..... Walang Garcia ang mabagal gumalaw kaya kumilos kilos ka na dahil madaming umaaligid sa Dela Vega mo at baka maunahan ka pa" strikto man si lolo dad pero supportive naman sya sa gusto namin, wag nga lang ang masasamang gawain
"Y-yes po lolo dad" nahihiyang sagot ko, masyado na nga akong halata dahil pinayuhan na ako ni lolo dad kung ano ang gagawin
"Uuwi na kami Ace, maiwan ka na namin dito at may duty ka pa. Alam kong bukas pa ang uwi mo sa bahay mag-iingat ka anak" paalam na sa akin ni daddy yumakap na ako sa kanya pati kay lolo dad
Sabay sabay na kami naglakad paalis, sila papuntang parking lot ako nanan papunta sa Bravo team. Malayo pa lang ako nakikita ko na ang mga mapang-asar nilang ngiti sa akin parang alam ko na ang mangyayari.
"Shut-up and don't talk, all of you" mariin na utos ko sa kanila, alam ko naman na naalala nila yung nangyare kanina
"Dela Vega! Dela Vega! Dela Vega! Natutulala si Garcia pag nandyan si Dela Vega" pang-aasar pa ni shaun, hindi talaga nya mapigilan ang bibig nya na hindi magsalita
Nagtawanan naman sila.
"Bro masyado ka ng halata kung noon ay kami lang ang nakakaalam ngayon pati ang lolo at daddy mo na, baka sa susunod alam na ng buong kampo yang pagtingin mo kay Dela Vega" paalala sakin ni yuan na umiiling iling pa pero nakangiti naman
Ano ang magagawa ko kung hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa kanya, dahil nung mga panahon na pinipigilan ko lalo lang ako nahuhulog sa kanya kaya hinayaan ko na lang.
"Galaw galaw Captain, baka maunahan ka ng iba" pananakot pa sa akin ni khalil "Madaming nagkakagusto sa kanya hindi lang ikaw, at isa na si Captain Alcaran dun... Tignan mo" napalingon naman kaming lahat sa tinutukoy nya
Kausap ni alcaran si dela vega, parang tinusok ang puso ko ng makita kong ngumiti sya kay alcaran. Si alcaran nga lang ata ang may lakas ng loob lapitan sya dahil karamihan sa mga kalalakihan sa kampo ilag sa kanya kahit ang mga may pagtingin pa sa kanya.
Naramdaman nya ata na may nakatingin sa kanya, napalingon sya samin at nagtama ang mga mata namin kaya bumilis ang t***k ng puso ko.
DUG! DUG!...
DUG! DUG!...
DUG! DUG!...
Napaiwas naman agad ako ng tingin sa kanya ng kumunot na ang noo nya na nakatingin sakin. Baka nainis sya ng makita nya akong nakatingin sa kanya. Haaays badshot!
Elizabeth Dela Vega, 25 yrs old kabatch ko dito sa kampo, navy at ang matagal ko ng gusto na hindi ko maamin amin sa kanya.
"Sa lahat ng bagay na lang ba ay magiging kalaban mo ang Alcaran na yan. Alam naman natin na hindi ka nya matatalo pagdating sa talino, abilidad at kilos, eh sa pag-ibig kaya? Baka dyan ka nya matalo" paliwanag ni yuan habang inaayos ang mga gamit nya
Natakot ako sa sinabi nya, paano nga kaya kung maunahan nya ako sa babaeng gusto ko parang hindi ko kakayanin mangyare yun.
"Pero sa tingin ko naman ay hindi mananalo si Alcaran dahil mayabang yan, sobrang laki na ng ulo at babaero pa. Siguro si Dela Vega ang target nya ngayong buwan"
Tama naman ang sinabi ni shaun babaero nga si alcaran pero hindi pa rin dapat ako makampante lalo na kung nakakalapit sya sa babaeng gusto ko.
"Hep! Tama na ang daldal tungkol sa kanila marami pa tayong dapat tapusin bago mag-uwian bukas.... Kaya back to your post and back to work!" sumunod naman agad sila
Hindi ko na muna inisip yung tungkol sa pag-ibig na yan, darating naman ako dun at kung para talaga sya sakin edi para sya sakin hindi dapat ako matakot at kabahan.
Naupo na ako sa desk ko at pinagpatuloy ko na ang pagtingin sa mga profile ng mga magiging trainees ko after a month.
KINABUKASAN nakahanda na kaming lahat sa pag-uwe, isang linggo na naman kami hindi magkikita kita ng mga kolokoy na ito.
"See you after a week team! Enjoy your vacation!" sumaludo na ako sa kanila kaya naman sumaludo na rin sila sa akin
"Yes sir! See you Captain!" paalam naman nila, tumango lang ako at nag-alisan na rin sila
Naiwan naman ang tatlong kolokoy kong mga kaibigan.
"Bro mag-happy happy na muna tayo bago mag-uwian sa mga pamilya natin" aya samin ni shaun, hilig talaga nya maglakwatsa
"Pass na muna ako dyan. Malayo pa ang byahe ko, next time na lang ako bro. Mauuna na ako sa inyo" paalam ko agad sa kanilq dahil alam kong mangungulit pa ang mga yun
Sumakay na ako sa kotse ko at umuwi na sa bahay namin sigurado ako nag-aantay na sila sa akin dahil alam nila na ngayon ang uwi ko.
Pagdating sa bahay nadatnan ko sina mommy at megan sa sala nanonood ng teleserye na paborito ng kapatid ko.
"I'm home!" nakangiting saad ko napatingin sila sakin, agad naman tumayo ang kapatid ko at tumakbo papunta sakin
"Kuya I miss you so much!" paglalambing ng kapatid ko habang nayakap sakin
"I miss you too!" hinalikan ko sya sa ulo at niyakap sya ng mahigpit
Dalawang buwan din kami hindi nagkita ng kapatid ko kaya sobra ko syang namiss. Noon kasi kaming dalawa ang palaging magkasama pero ngayon naiiwan na sya mag-isa dito sa bahay minsan naman nandoon sya sa lumang bahay tumitigil.
Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap, lumapit naman ako kay mommy para yumakap at humalik sa pisngi nya. Kasabay nya umuwe kahapon si daddy at lolo dad.
"May naikwento ang daddy mo sa akin Ace. Bakit hindi mo sinasabi sakin ang tungkol don?" mapanuksong tanong ni mommy sakin at nakangiti pa
Madaldal din talaga si daddy minsan hindi lang halata sa itsura nya dahil sa kaseryosohan nya.
Speaking of daddy "Nasan nga po pala si daddy?" dapat kasi nandito din si daddy kasama nila
Tsaka iniba ko lang din talaga ang usapan para hindi ako maipit sa tanong ni mommy, hindi kasi ako sanay pag-usapan ang ganitong bagay kaharap si mommy.
"Nasa Manila kila Tita Rainelyn, may mga pag-uusapan lang daw sila" paliwanag ni mommy, ano naman kaya ang pag-uusapan nila
"Ah ganun po ba. Sige po magpapahinga na po muna ako baba na lang po ako mamayang dinner" paalam ko sa kanila, tinapik lang ni mommy ang balikat ko at pumanik na ako sa kwarto ko
Naglinis lang ako ng katawan bago mahiga sa kama ko. Napatingin ako sa kisame at nakita ko muli ang mukha ni Dela Vega na nakangiti. kung ako kaya ang kaharap mo ngingitian mo din kaya ako ng ganun? kakausapin mo din kaya ako ng normal?. Ilan lang yan sa mga tanong sa isip ko bago makatulog.
.
.
.
.
.
Megan POV
Hi! I'm Megan Ariah Montemayor Ortiz Garcia, 16 yrs old. My family is an army from my lolo to my brother even my mommy. Hindi ko pinangarap magsundalo at okay lang yun sa pamilya ko, gawin ko daw ang gusto kong gawin pero wag lang ang masasamang gawain.
Bilang anak ng sundalo, lagi silang wala dito sa bahay pati na rin si kuya nung pumasok na ito sa pagsusundalo ang madalas ko lang kasama ay si tita Variline ang kababata ni mommy.
Malungkot minsan pero lagi naman sila bumabawi pag magkakasama kami, nandyan din sila sa mga espesyal na ganap sa buhay ko katulad ng pasko, bagong taon, kaarawan, family day at graduation day ko kaya masaya pa rin naman ako kahit na madalas wala sila.
Kahapon ng hapon nagulat pa ako ng makita ko sila mommy at daddy sa labas ng gate ng school para sunduin ako. Ang alam ko kasi ay bukas pa ang uwi nila kaya sobrang saya ko ng makita sila. Pero sandali ko pa lang nakakasama si daddy ng may tumawag sa kanya pagtapos ay nagpaalam na sya sa amin ni mommy na pupunta sa manila may pag-uusapan lang daw sila nila lolo dad.
Naging masaya ulit ako ng dumating si kuya kanina hindi ko din inaasahan na uuwi sya ngayon, sobra ko syang na-miss malapit talaga kami sa isa't isa dahil simula bata pa lang ako sya na ang kasama ko pero nung pumasok na sya sa pagsusundalo naging madalang na lang ang pagkikita namin kaya sobrang saya ko pag nakikita at nakakasama ko sya.
ILANG ARAW na ang dumaan simula ng umuwi ang pamilya ko galing ng kampo at ilang araw na rin si daddy hindi umuuwi galing manila.
Kauuwe ko lang ng bahay galing school naabutan ko sila kuya at mommy sa sala na may kanya kanyang papers na ginagawa.
"Hi mommy! Hi kuya!" bati ko kila mommy sabay halik sa pisngi nila
"Nakauwe na pala ang prinsesa namin, kumusta ang pag-aaral mo?" tanong sakin ni kuya sabay halik sa noo ko
"Okay naman kuya, na-perfect ko yung mga quizes namin kanina" pagmamalaki ko sa nakuha kong marka kanina sa mga quizes ko, pinakita ko pa yung papel ko sa kanya
"Very good manang mana ka talaga sa akin, sya nga pala ano ang kukunin mong kurso sa kolehiyo?" himala ngayon lang ata sakin tinanong ni kuya ang tungkol sa pagkokolehiyo ko
"Medicine, I want to be a doctor like mommy so I can take care of you when your in pain" napapadalas na kasi ang pagkakaroon ng sugat ni kuya tuwing umuuwi sa bahay eh minsan wala si mommy para gamutin sya
"Hmm... That's good! Soon you will be my private doctor. I can't wait for that to happen" nakangiting saad sakin ni kuya, sabay g**o nya sa buhok ko
"Stop it kuya! I will go now, I'll change first" saway ko sa kanya sabay paalam na rin para magpalit ng damit
Umakyat na ako para magbihis at gawin ang mga homeworks ko pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng may tumapik tapik sa pisngi ko, pagdilat ko si mommy pala ngumiti muna ako sa kanya bago napatingin sa orasan nagulat pa ako ng makita kong 10 pm na.
"Hindi ka na namin ginising ng kuya mo kanina para maghapunan dahil mukhang pagod ka" nahalata siguro ni mommy na nagulat ako kung bakit ngayon lang ako nagising
"Okay lang po mommy. Bakit po pala kayo nandito?" pag ganito kasing nakakatulog ako hindi na nila ako ginigising at kinabukasan na ako magigising na nakahiga na sa kama
"Pasensya na kung naistorbo ko ang pagtulog mo. Tumawag kasi sakin ang lolo dad mo para papuntahin tayo ngayon sa lumang bahay nandun daw sila ng daddy mo. Pero bago tayo umalis ay kumain ka na muna bago ka mag-ayos ng gamit mo" nakangiting utos sakin ni mommy may kasama pang paghaplos sa buhok ko na na-miss kong gawin nya
"Yes mommy, sige po bababa na po ako para kumain" humalik muna ako sa kanya bago bumaba sa kusina
Pagtapos ko kumain ay nag-ayos na ako ng gamit ko, konti lang naman ang dinala ko dahil may mga damit naman kami sa lumang bahay. Pagbaba ko nandun na sila mommy at kuya ako na lang pala ang hinihintay nila kaya pagkakita nila sakin, umalis na agad kami.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
End of Chapter five:
Meet Ace and Megan Montecia!
Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!