I MISS MY FAMILY
MAGDADALAWANG LINGGO ng nasa probinsya sila mika, naibalik na din nila sa ayos ang mga gamit na nagkalat nung umuwi sila sa lumang bahay pero hanggang ngayon wala pa ring sinasabi sa kanila ang kanilang mga magulang tungkol sa mga tanong nila.
Nananatiling tahimik ang mga magulang nila sa hindi malamang dahilan at dahil sa sobrang pag galang nila mika sa mga ito, hindi nila makuhang magtanong, iniisip kasi nila na baka hindi pa rin makapaniwala ang mga ito sa nangyare sa pagkawala ng kanilang lolo at lola.
Hindi naman nila maiwasan na hindi ma-miss ang kanilang mga pamilya lalo na ang kanilang mga anak. Hindi rin sila mapalagay dahil iniisip din nila ang kanilang mga naiwang trabaho, oo nga at may tiwala sila sa mga humahawak ngayon ng trabaho nila pero hindi sila mapanatag na hindi sila ang gumagawa ng trabaho nila ng sobrang tagal.
Nasa veranda ngayon ng lumang bahay sila mika, may kanya kanyang pwesto sila habang nagkukwentuhan, ang tatlong babae ay nakaupo sa sofa sa gilid, sina michael at renz ay nakaupo sa pasimano ng veranda, si vincent nakahiga sa upuang kawayan malapit sa pinto at kaharap nila renz, si jeremy na naka-upo sa high stool sa gilid ng sofa at si raymond na nakasandal sa pasimano malapit sa pwesto ni renz.
"Gaano katagal pa ba tayo mananatili dito? I miss my kids!" inis na saad ni mika sabay pabagsak na sumandal sa inuupuang sofa
Alam naman ni mika na matatagalan sila sa probinsya pero hindi nya pa rin mapigilan mainis dahil sa pagkamiss nya sa sariling pamilya.
"Oo nga, miss ko na din ang mga bata" nakangusong pagsang-ayon ni alexis sa pinsan
"Ako nga kinukulit na ni Red kung anong balita dito, wala naman ako masabi dahil wala pa naman tayong balita" malungkot na saad naman ni rain habang kinakalikot ang kanya phone
"I miss Ally and the kids! Gusto ko na silang mayakap" malungkot na sabi naman ni michael na nakatingin sa wedding ring nilang mag-asawa
Hindi kasi sila sanay na malayo sa mga anak nila lalo na medyo mga bata pa ito at asawa lang nila ang nag-aalaga sa mga ito, nakasanayan na din nila na lagi sila magkakasama maliban na lang kung tungkol sa business ang pag-alis nila. At kung aalis man sila dahil sa business isa hanggang tatlong araw lang hindi ganitong katagal.
"Hindi naman kasi natin sila pwedeng tanungin dahil hindi rin naman sila sumasagot" napabuntong hininga na lang si jeremy
Ilang beses na nilang tinanong ang mga magulang nila pero hindi sila sinasagot ng mga ito at iniiba ang usapan.
"Alam naman natin na nabigla sila pero nabigla rin naman tayo sa nangyare, mahirap bang magsabi ng totoo?" naiinis na tanong naman ni alexis sa lahat
Naiinis na sya sa mga magulang nila dahil nahihirapan na sila sa sitwasyon pero parang walang pakialam ang mga ito sa kanila.
"Hindi lang trabaho ang napapabayaan natin kundi pati na rin ang pamilya natin" yamot na sabi naman ni vincent
Gusto na nyang umuwi dahil gusto na nyang alagaan ang mga anak nya lalo na't may baby pa syang anak.
"Ano ang pwede natin gawin para sabihin na nila ang dapat natin malaman?" naiinip na din si michael kakahintay na magsalita ang mga magulang nila tungkol sa problema ng pamilya nila
"Kulitin na natin sila mommy, mga kuya" pamimilit ni mika sa mga pinsan, gusto na nya talagang makauwe sa pamilya niya
"Kailangan na natin silang kausapin sa ayaw at sa gusto nila. Gusto ko na rin umuwi sa pamilya ko" matigas na sagot ni renz katulad ng mga pinsan gusto na nya din umuwi sa pamilya nya
"Ako din Kuya Renz, gusto ko na umuwi. Pero kelan natin sila kakausapin?" nag-aalangan na tanong naman ni michael sa pinsan
"Tonight!" simpleng sagot ni raymond na nakikinig lang sa usapan ng mga pinsan kanina, nagtanguhan naman ang mga pinsan nya bilang pagsang-ayon sa kanya
Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap at nagplano na rin sila kung paano kakausapin ang mga magulang nila mamaya.
.
.
.
GABI NA'T nasa hapagkainan na sila kasama ang mga magulang kumakain ng hapunan, tulad ng napag-usapan nila kanina sa ayaw at gusto ng parents nila tatanungin na nila ang mga ito.
Pagkatapos na pagkatapos nilang kumain, nagtinginan sila na magpipinsan at palihim na nagtanguhan sa isa't isa. Tumikhim muna si renz bago sinimulan ang pagtatanong sa mga magulang nila.
"Mom ginagalang po namin kayo, pero sa ayaw at sa gusto nyo kailangan na namin magtanong" huminga muna ng malalim si renz bago tumingin sa magulang nya "Ano po ba ang kailangan namin malaman? At ano po ba ang laban na sinasabi sa sulat?"
Napatigil ang mga magulang nila, nagtinginan lang ang mga ito at walang balak sagutin ang tanong nila.
"Tapos na ba kayong kumain? Sige na magpahinga na kayo, alam namin na pagod kayo" malumanay na utos ni rainelyn sa kanila at iniiwas ang tingin sa anak na titig na titig sa kanya
Rainelyn "Lyn" Garcia Millares, pangalawa sa magkakapatid na Montecia at tumutulong sa kompanya ng asawa.
"Please! Sagutin nyo na lang po ang tanong ni Kuya Renz" pakiusap na ni rain sa magulang, gustong gusto na nya talaga makauwi
"Tayo na at magligpit, maya maya magpapahinga na din yang mga bata" pagbabaliwala naman ni michelle sa sinabi ng pamangkin
Michelle "Elle" Garcia Reyes, bunso sa magkakapatid na Montecia at tumutulong sa asawa sa pagpapatakbo ng mga supermarket.
Nagtayuan na ang kanilang mga magulang upang magligpit ng pinagkainan nilang lahat pero napatigil din agad ang mga ito sa gulat sa pagsigaw ni mika.
"MOMMY PLEASE SABIHIN NYO NA PO ANG DAPAT NAMIN MALAMAN!" sigaw ni mika sa mga magulang nila "GUSTO KO NA PONG UMUWI SA MANILA, MISS NA MISS KO NA ANG ASAWA AT MGA ANAK KO! SANA NAMAN MAINTINDIHAN NYO YUN!!!" nilapitan naman sya ng kanyang kuya at niyakap sya para pakalmahin
"Nakikiusap po kami sa inyo sabihin nyo na po ang dapat nyong sabihin, gustong gusto na po namin umuwi sa pamilya namin" pakiusap na rin ni jeremy sa mga magulang
"Alam namin na masakit sa inyo na malaman na nawawala sina lolo at lola, masakit din naman po samin yun... Swerte nga po kayo kumpleto tayong pamilya at may nasasandalan kayo pero pano naman po kami? May sarili din po kaming pamilya na kailangan namin sa ganitong sitwasyon" inis na sagot ni michael sa mga magulang habang yakap ang kapatid na umiiyak pa rin
"Mommy please nakikiusap po kami sa inyo, miss na namin ang pamilya namin" pagmamakaawa na ni rain sa magulang "Si Red nangungulit na kung ano ang balita dito, ang sakit lang sa pakiramdam na wala kang masabi sa asawa mo at hindi mo masabi yung nangyayari dahil yun ang utos nyo" umiyak na din sya pakiramdam nya kasi na nagtatago sya ng sikreto sa asawa nya
"Ang sabi nyo po wag kami magsisikreto sa mga asawa namin at alagaan namin sila pero ngayon nagagawa na po namin ang magsikreto ng dahil sa inyo" umiiyak na saad ni alexis dahil gusto nya na ring umuwi
"Mom miss na miss ko na ang pamilya ko, hindi ko na nagagampanan ang pagiging tatay ko sa kanila lalo na sa anak kong 2yrs old" naluluha na din si vincent dahil pakiramdam nya napapabayaan na nya ang mga anak nya at ang asawa nya
"Gustong gusto ko na mayakap ang asawa ko mommy, oo nga po nandyan po kayo pero iba pa rin po ang yakap ng asawa sa ganitong sitwasyon" umiiyak na paliwanag ni mika sa mga magulang
Ang kailangan nya sa ganitong mga problema ang prisensya at yakap ng asawa nya. May kakaiba kasing pakiramdam pag ang asawa nya ang kasama nya para bang kaya nya lahat kahit gaano pa kaliit o kalaki ang problemang dumating sa buhay nya.
"Bilang pangalawang nakakatanda sa kanila kung ayaw nyo pong sabihin ang dapat na sabihin, may malaman man kami o wala ay uuwi na kami bukas... Mas nakakapagod po kasi yung ganitong nag-iisip at naghihintay kung kelan nyo sasabihin ang dapat namin malaman kesa sa mag-alaga sa mga anak namin at magtrabaho ng buong araw" matigas na saad ni renz habang yakap ang kapatid, mismong sya gusto ng umuwi at mayakap ang asawa dahil yun ang kailangan nya
"Ako kahit konti ay may alam ako pero alam kong may dapat pa akong malaman.... Tama naman sila dad, oo at sanay na ako malayo sa pamilya ko pero mahirap din para sakin na malapit na sila sakin pero hindi ko man lang sila mayakap. Lalo na ang maglihim sa asawa ko, sobrang hirap" pagsang-ayon ni raymond sa mga pinsan nya, nasa kabilang bayan lang ang bahay nila pero hindi nya magawang umuwi dahil yun ang utos sa kanila ng mga magulang nila
"Malalaki na nga talaga kayo at matured" malungkot na saad ni michelle habang nakatingin sa mga anak
Nasaktan sya sa mga sinabi ng mga anak dahil noon sila ng asawa nya ang takbuhan ng mga ito pag may mga problema pero ngayon iba na, ang mga asawa na ng mga ito ang kailangan nila pero kahit ganun naiintindihan nya iyon dahil ganun din sya.
"Tama nga si kuya oras na para malaman nyo ang lahat" sabi naman ni rainelyn habang nakatingin sa mga anak
Kahit sya ay nasaktan sa mga sinabi ng mga anak para bang hindi na sila kailangan ng mga ito pag may dumadating na problema pero naiintindihan nya rin ang mga ito.
"Walang uuwi bukas, sasabihin na namin sa inyo ang totoo" sabay ngiti ni jerry sa mga bata baka sakaling mapagaan nya ang mga nararamdaman ng mga ito
Jerryson "Jerry" Montemayor Garcia pangatlo sa magkakapatid na Montecia, nagpapatakbo ng mga hotel.
"Pero hindi bukas, may aantayin lang tayong dumating at lahat ng dapat nyong malaman ay sasabihin namin sa inyo" pahayag naman ni raymundo na seryoso lang nakatingim sa mga bata, kahit sya ay tinamaan sa mga sinabi ng mga ito
Raymundo "Ray" Montemayor Garcia, panganay sa magkakapatid na Montecia, isang Lieutenant General sa army.
"Ayan na naman po kayo, hanggang kelan po ba kami mag-aantay" reklamo agad ni vincent sa mga tiyuhin, palagi na lang kasi sila nitong pinag-aantay
"Pagod na kami mag-antay at mag-isip ng kung ano ano" pagod na sagot ni jeremy habang yakap ang kapatid
"At ano naman po ang kinalaman nyang taong yan sa pagkakawala nina lolo at lola?" galit na tanong ni renz dahil paghihintayin pa rin pala sila ng mga magulang nila
"Listen kids maghintay na lang tayo, para isang sagutan na lang lahat ng tanong nyo" maotoridad na utos ni raymundo sa magpipinsan, kahit sino ay matatakot sa boses nito dahil kapareho sila ng tatay nya
Pero sila hindi nakaramdam ng takot dahil galit at inis ang nararamdaman nila, mas priority nila ang makauwe sa pamilya nila kesa matakot sa mga magulang nila.
"No tito! Sorry po pero papuntahin nyo na lang po ulit kami dito pagdumating na yung taong hinihintay nyo, our decision is final. We will go home tomorrow afternoon whether you like it or not" pagkontra agad ni renz, tumayo na ito at inakay paalis ang kapatid
Ayaw nya ng makipagtalo pa sa mga magulang nila dahil baka kung ano pa ang masabi nya, basta nasabi na nila ang plano nila sa mga ito ay okay na sya duon.
"Kami rin po mom, uuwi na bukas" pagsang-ayon ni jeremy sa pinsan, inalalayan nya ng tumayo ang kapatid
"Tama po sila" tumayo na rin si michael kasabay ng kapatid nya at inalalayan itong maglakad
"Me too dad!" tumayo na rin si raymond at sumunod sa mga pinsan
Umalis na silang magpipinsan sa kusina, nagkanya kanya na ng pasok at pahinga sa mga kwarto nila. Nakapagpaalam na sila, sa pumayaga man o hindi ang mga magulang nila, wala ng magagawa ang mga ito dahil nakapagdesisyon na sila. Uuwi na sila kesyo may malaman sila o wala basta uuwe na sila bukas na bukas din.
Ang magkakapatid naman na montecia at ang mga asawa nito na naiwan sa kusina ay napapailing na lang sa nangyare, gusto man nilang magpaliwag sa mga anak, wala na silang magawa dahil nakaalis na ang mga anak nila.
Hindi na nila natuloy ang pagliligpit at napaupo na lang muli sa kanilang mga pwesto. Ilang minuto din sila naging tahimik bago may magsalita.
"Tama naman ang mga bata, may mga pamilya na sila na dapat nilang sandalan at alagaan. Alalahanin natin na hindi na lang tayo ang pamilya nila ngayon" pagsang-ayon ni dominick sa mga bata, nasasaktan sya na makita ang mga anak na ganung kalungkot
Dominick Millares, asawa ni Rainelyn, at kasamang nyang nagpapatakbo ng kompanya ang anak.
"Kahit papaano gumaan ang pakiramdam natin dahil kumpleto tayong pamilya na nandito pero sila, wala silang masandalan dahil malayo sila sa sarili nilang mga pamilya" pagkampi din ni mike sa mga bata, nasaktan din sya na makitang umiyak at malungkot ang mga anak
Mike Elton Reyes, asawa ni Michelle, nagpapatakbo ng mga supermarket sa buong pilipinas.
"Hindi na natin sila mapipigilan dahil nakapagdesisyon na sila" malungkot na saad ni rainelyn, alam nya na pag nagdesisyon na ang mga ito ay gagawin talaga ng mga ito
"Pero kailangan nilang manatili dito para sa kaligtasan nila" pagkontra naman ni victoria, ayaw nya lang naman na mapahamak ang mga bata
Victoria "Ria" Garcia Felix, pang-apat sa magkakapatid at nagtatrabahong head accountant sa isang kompanya.
"Ligtas nga sila pero pano naman yung pamilya nila sa Manila? Sa tingin nyo ba matutuwa sila pag nalaman nila na may nangyareng masama sa pamilya nila?" paliwanag naman ni darwin sa lahat, alam naman nya ang tinutukoy ng mga bata kahit sya ay naawa sa mga ito
Darwin Felix, asawa ni Victoria isang engineer.
"What should we do now?" malungkot na tanong ni Alice sa lahat, ayaw nya makita na ganito ang mga bata
Alice Garcia, asawa ni Jerry, head accountant sa hotel na pinapatakbo ng asawa.
"Gawin natin kung ano ang dapat gawin para manatili sila dito sa bahay" seryosong paliwanag naman ni raymundo sa lahat
Alam naman nila raymundo ang paraan na pwede nilang gawin para manatili pa ang mga bata sa lumang bahay, hindi lang nila ginawa noon pero ngayon gagawin na nila dahil sa nangyare.
Nalulungkot sila dahil nasaktan nila ang kanilang mga anak, ang iniisip lang naman nila ang kaligtasan ng mga ito, nakalimutan nila na hindi na nga pala bata ang mga anak nila at may mga sarili na itong mga pamilya.
Napabuntong hininga na lang silang lahat, mabigat ang pakiramdam nila dahil alam nila may nagawa silang kasalanan sa mga anak nila. Isa isa na silang tumayo, niligpit na nila ang lahat ng pinagkainan nila at nagplano para hindi na muna umalis ang mga anak sa bahay ng kanilang magulang.
.
.
.
.
.
KINAUMAGAHAN nagising na lang si mika na may mabigat sa tiyan nya at masikip ang kanyang kamang hinihigaan, unti unti sya nagmulat ng mga mata at nagulat sya sa nakita sa paligid nya.
Nakahiga sa ibabaw nya si anton, sa kaliwa nya ang kambal, sa kanan naman nya si kael at andrei lahat ay nakayakap sa kanya at tulog kaya napaluha sya dahil sa sobrang pagka-miss sa mga ito.
Napatingin sya kay anton ng gumalaw ito, nakita nya na gising na ang bunsong anak at nakatingin sa kanya.
"Goodmorning mimi!" nakangiting bati ni anton at niyakap sya ng mahigpit
"Goodmorning too bunso!" nakangiting bati din nya sabay halik sa noo ng anak
Dahil sa pag galaw nya, nagising ang mga nasa tabi nya at isa isang bumati sa kanya ang mga ito.
"Goodmorning mimi!" masayang bati ng kambal at niyakap din sya
"Goodmorning my beautiful mimi!" nakangiting bati naman ni kael sa kanya at niyakap din sya
"Goodmorning kids!" masayang bati nya sa mga anak na medyo naluluha pa dahil sa saya ng nararamdaman nya
Umupo sila sa kama, pinunasan nya ang tumulong luha at hinalikan isa isa ang mga anak sa noo.
"Gising na pala ang aking reyna at ang mga chikiting" bumangon si andrei at lumapit sa kanya "Goodmorning love!" malambing na bati sa kanya ni andrei sabay halik sa labi nya
Andrei Martin Gonzales, ang asawa ni mikaela. Ang COO ng Gon. Co.
"Didi too early to make love!" natatawang pagsaway naman ni kael sa kanilang dalawa
Nagtawanan silang pamilya kahit si anton na hindi alam ang sinabi ng kuya nya ay nakitawa na din.
"I miss you all!" masayang saad nya sa pamilya nya, almost 2 weeks nya rin hindi nakasama ang mga ito
"We miss you too mimi!/ love!" sabay sabay na sabi ng mag-aama nya sa kanya at sabay sabay syang niyakap ng mga ito
Gumaan na ang pakiramdam, hindi tulad kagabi bago sya matulog sobrang bigat talaga ang nararamdaman nya pero sa isang yakap at halik lang ng asawa't mga anak nya naging maayos na sya.
"Kelan kayo dumating?" takang tanong nya at yumakap patagilid kay andrei
Hindi man lang nya kasi naramdaman na dumating ang mga ito, siguro dahil sa pag-iyak nya kaya nakatulog sya ng mahimbing.
Niyakap din sya ni andrei "Kanina lang madaling araw, tinawagan kami nila mommy at pinapunta kami dito" nakangiting sagot nito sa kanya
"Mimi I'm hungry" pagsingit bigla ni anton na nakanguso at himas himas ang tiyan
"Okay let's go downstairs to eat breakfast!" natatawa sya sa kakulitan ng bunsong anak, okay na ulit sya nakita na nya ang pamilya nya at masaya na sya
Nagkanya kanya na silang ayos ng mga sarili pagtapos sabay sabay na silang bumaba. Naabutan nila dun ang kaniyang mga pinsan at pinsan ng mga anak nya na kumakain at nag-iingay.
Tulad ni mika hindi din makapaniwala ang mga pinsan nya na kasama na nila ang sariling mga pamilya at hindi din nila alam kung gaano kasaya ang nararamdaman nila. Parang kagabi lang pinag-uusapan nila kung gaano nila ka-miss ang pamilya pero ngayon nasa harap na nila ang mga ito.
Para silang may reunion sa dami at ingay nilang lahat sa kusina buti na lang may kalakihan ito at kasya silang lahat.
"Alam nyo buti na lang sabado ngayon, walang pasok ang mga bata at nakasama sila dito" nakangiting paliwanag ni cristel sa lahat habang kumakain sila
Cristella "Cristel" Martin Garcia, ang asawa ni jeremy.
"Sabay sabay ba kayong dumating dito?" tanong naman ni mika sa lahat na nagsasalin ng juice sa baso nya
"Mas nauna ata kami nila Ate Joyce at Ate Cristel dito" sagot ni cristal sa kaibigan/ sister-in-law nya, sila kasi ang magkakasabay na pumunta sa lumang bahay
Cristalline "Cristal" Gonzales Felix, ang asawa ni vincent.
Ma. Joyce Flores Millares, ang asawa ni renz.
"Nagulat pa nga ako ng pumasok sila sa kwarto niyakap ko talaga agad sila" masayang kwento ni renz sa mga pinsan nya, parang kagabi lang galit na galit sya pero ngayon wala ng bakas na galit sa mukha nya
"Sabay naman kami ni Ate Ally pumunta dito" sagot naman ni reiley na ngumunguya pa, matakaw talaga sya
Reiley Gonzales Mendez, ang asawa ni alexis.
Allison "Ally" Gonzales Reyes, ang asawa ni michael.
"Kami ni Andrei ang magkasabay pumunta dito, hindi ko lang alam kung sino ang nauna samin nila Reiley" sagot naman ni red sabay inom ng kapeng itimpla sa kanya ng asawa nya
Redbert "Red" James Buenavista, ang asawa ni rain.
Pagdating kasi nila walang tao, kaya dumeretso sila sa mga kwarto ng asawa nila. Siguro ganun din ang ginawa ng iba kaya hindi sila nagkita kita.
"I think mas nauna sila Ate Maliah dito kasi nasa kabilang bayan lang sila hahahaha" natatawang sagot naman ni rain sa mga pinsan, ngumiti lang naman si maliah sa kanya
Maria Alliah "Maliah" Ortiz Garcia, asawa ni raymond.
Nagtawanan silang lahat sa sagot ni rain. Parang kagabi lang galit na galit sila at nag-iiyakan pero ngayon nagtatawanan na sila at ang masasaya na sila. Iba talaga kapagkumpleto ang pamilya parang wala silang problema pag magkakasama.
"Pero Kuya Renz itutuloy pa rin ba natin yung pag-uwi mamaya?" nagdadalawang isip na si mika, nakapag-recharge na kasi sya dahil nakita na nya ang pamilya
"Well siguro, kasi hindi naman natin alam kung kelan ba darating yung inaantay nila mommy" nanghihinayang kasi si renz sa mga araw na nagdadaanan na wala silang ginagawa at naghihintay lang
"Pero dapat natin silang pasalamatan sa ginawa nilang pagpapapunta dito ng pamilya natin" nagalit man din si raymond sa magulang kagabi pero alam nya na dapat pasalamatan pa rin nila ang mga ito sa ginawang pagpapunta ng pamilya nila
"Pero nasan na nga ba sila?" tanong naman ni alexis sa lahat
"Ayan oh, papasok pa lang" sagot ni vincent at tinuro ang kanilang magulang na parating
"Goodmorning grannies!" masiglang bati ng mga anak nila sa mga ito
"Goodmorning kids!" bati naman ng magulang nila sa mga anak nila
"At hindi pa kami matanda kung makatawag kayo ng granny samin" nakangiting pagkontra naman ni raymundo sa mga apo
Nagtawanan silang lahat dahil dun.
Naupo na din ang magulang nila para makisabay mag-almusal sa kanila.
"Thank you!" sabay sabay na pasasalamat nilang magpipinsan, nagkatinginan pa silang lahat dahil hindi nila inaasahan na magsasabay sabay sila kaya nagtawanan sila
"Welcome kids!" nakangiting sagot naman ni raymundo sa kanila, kahit sya ay napasaya din ng magdatingan ang mga apo
"Sorry for what happen yesterday" paumanhin ni mika sa mga nakakatanda, nahihiya sya lalo na ang pagsigaw nya kagabi
"It's okay anak, alam naman namin yung pagkakamali namin" naiintindihan naman ni michelle ang nararamdaman ng mga anak at mga pamangkin kagabi
"Nakikita naman namin yung saya nyo ngayon, kung gaano nyo ka-miss ang pamilya nyo kaya gumawa kami ng paraan" nakangiting paliwanag ni raymundo sa magpipinsan, masaya sya na masaya na ang mga ito
"Kalimutan nyo na ang nangyare kahapon. Masaya kami na masaya kayo" sabay ngiti ni jerry sa mga anak at pamangkin
"Sige na magsikain na ulit kayo at kakain na rin kami" masayang saad naman ni rainelyn sa magpipinsan na nagsimula na magtimpla ng kape
Nagpatuloy na sila sa pagkain nila, parang wala talaga silang problema. Grabe kasi ang saya nila ng makasama ang kanilang pamilya. Ang simpleng umagahan nila nung nakaraang araw ay naging isang masaya at maingay na umagahan ang nangyare ngayon.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
End of Chapter six:
Misses Their Family!
Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!