CHAPTER 7

3089 Words
THE PAST Nasa veranda sila mika kasama ang kanilang mga asawa nag-uusap usap tungkol sa nangyare, nalaman na din ng mga asawa at ilan sa mga anak nila ang nangyare sa lolo at lola nila nagkaiyakan pa nga ang mga bata pero agad din naman nila itong pinatahan sa tulong ng kanilang mga magulang. At ngayon ang mga bata naman ay nasa sala naglalaro ang iba, ang iba naman ay nanonood at kung ano pa ang pwede nilang gawin sa loob ng bahay. "Hindi nyo naman masyadong na-miss ang isa't isa noh" panunukso ni vincent kina mika at andrei na magkayap na nakaupo sa sofa "Hindi ba halata?" natatawang sagot ni andrei na hinigpitan pa ang pagkakayakap sa asawa nya "Oo hindi halata........ Hindi halatang hindi nyo na-miss ang isa't isa" pamimilosopo naman ni michael sa asawa ng kapatid "Parehas talaga kayo nitong si Red, hindi rin halatang miss na miss ang kapatid ko" pagpaparinig naman ni renz kila red na nakayakap mula sa likod ng asawa nya malapit sa pwesto nila andrei "Parang isang taong hindi nagkita kung makalingkis sa mga asawa pati etong si Reiley" pang-aasar din ni jeremy sa kapatid, mga pinsan at sa mga asawa ng mga ito "Bakit ba kuya, bakit kayo hindi nyo ba na-miss ang asawa nyo at pinagdidiskitahan nyo kami" mataray na sagot ni alexis habang nakasandal sa asawa na nakaupo sa sofa "Ang inggitero nyo talaga kuya, ayan si Ate Joyce yakapin mo din" masungit na sagot naman ni rain sa kapatid "Ayan ang mga asawa nyo lambingin nyo din, hindi yung pinapaki-alaman nyo kami" mataray na sagot naman ni mika sa mga kasama "Buti nga asawa nila sweet, eh kayo walang ka sweet sweet sa katawan" panenermon naman ni cristel sa asawa tsaka ito inirapan "Ayan lagot ka kuya!" pananakot naman ni alexis sa kapatid nya at mahinang tumawa kasama ang asawa "Sana man lang kahit konti mahawaan nila kayo sa ka-sweetan nila" pagpaparinig naman ni joyce sa asawa na nasa tabi nya lang "Ayan kuya wag kasing lagi sila Jacob ang kasama mo" natatawang saad ni rain sa kapatid "Buti pa si Kuya Raymond sweet sa asawa nya. Kung ako may asawang hindi sweet nako iniwan ko na, diba Ate Ally?" pananakot naman ni mika sa kapatid at mga pinsang lalaki maliban kay raymond Si raymond kasi naka-akbay sa asawang si maliah at nakangiti lang na pinapanood ang mga nakakabatang pinsan nya na nag-aasaran. Sila renz, jeremy at vincent naman nakaupo lang sa tabi ng mga asawa nila. "Tama ka Mika!" pangsang-ayon naman ni allison sa kanya na pasimpleng tinignan ang asawang halatang kinakabahan na At dahil sa takot nila renz nagkanya kanya na din silang yakap sa mga asawa nila, nagtawanan naman ang mga girls dahil alam nila na natakot ang mga ito sa sinabi nila mika. Miss din naman nila renz ang kanilang mga asawa sadyang gusto lang nilang mang-asar sa kapatid at mga pinsan nila. Sa ganung posisyon naman sila naabutan ng mga magulang nila lahat sila nakadikit sa mga asawa nila at tumatawa. "Hmm kids may---" hindi na natuloy ni rainelyn ang sasabihin ng makita ang mga anak at pamangkin na nakadikit sa mga asawa nila "May mga kwarto kayo sa loob para sa lambingan nyo" biro naman ni jerry sa mga bata, mana talaga sa kanya ang panganay na anak Nagtawanan na naman ang magpipinsan at ngumiti lang ang mga magulang nila dahil alam naman nila na namiss lang ng mga ito ang asawa nila. "Ano po ang kailangan nyo?" natatawang tanong ni renz sa mga magulang nila "Sorry sa istorbo pero kailangan nyo nang pumasok sa loob at nandyan na yung hinihitay natin para sa mga katanungan nyo" nakangiting paliwanag ni raymundo sa mga bata Natutuwa sya sa mga nakikita sa magpipinsan, mahal na mahal talaga ng mga ito ang mga asawa nila. At alam naman nya ang pakiramdam pagkasama ang asawa dahil ganun din naman sya. "Kaya tama na yang lambingan nyo at pumasok na tayong lahat sa loob" natatawang dugtong naman ni michelle sa sinabi ng nakakatandang kapatid nya Kaya nagsitayuan naman na ang magpipinsan, sabay sabay silang pumasok lahat sa loob at naabutan nila ang mga bata na nakaupo na seryosong nakatingin sa mga bisita. Umupo na din sila, nagkanya kanya ng pwesto sa tabi ng mga anak at tumingin din sa mga bisita. Tindig at tayuan pa lang ng mga bisita nila, alam na nila na kagalang galang ang mga ito at matataas na tao, matanda na pero may mga dating ang itsura. "Kids this is Marcus Dela Vega, retired general of navy and best friend of your lolo" pagpapakilala ni raymundo sa isa sa bagong dating "Hi good afternoon!" seryosong bati ni marcus sa lahat, mas lumabas ang pagiging general sa pananalita nya "And this is Agustin Castillo, retired executive director of NBI and best friend of your lolo here in province" pagpapakilala naman ni jerry sa isa pang bisita nila "Good afternoon!" bati naman ni agustin, hindi naman seryoso ang boses nya pero mararamdam mo na may otoridad sa pananalita nya Nakilala na nila ang mga ito noong mga bata pa sila kaya lang matagal din na hindi nila nakita ang mga ito sa kanila kaya medyo limot na nila ang mga itsura, ang mga anak lang nila ang hindi masyadong nakakakilala sa mga ito dahil ngayon lang sila nagkita kita. "Good afternoon po!" bati ng lahat na parang estudyante at teacher ang mga nasa harapan nila "We all know what happened to your grandparents and we are here to help you to find them... We will having a meeting after dinner" halata talaga kay marcus ang pagiging sundalo sa salitaan nyang mababa at maotoridad "But we need to talk in private, no kids allowed 12yrs old and below for safety reason, okay?" paliwanag naman ni agustin sa lahat, kailangan kasi nila mag-ingat lalo na't may hindi maganda nangyare sa kaibigan nya "Okay!" sagot nila mika ng sabay sabay tsaka wala naman silang choice "But for now we need to go and get some documents, see you later after dinner Montecia childrens" pagtatapos na agad ni marcus sa usapan at ngumiti ito ng konti sa kanila Nagpaalam na sila sa bisita, hinatid muna ni raymundo ang mga ito sa labasan at bumalik din sa loob para kausapin ang mga anak at pamangkin. "Ayan masasagot na ang mga katanungan nyo mamaya" paliwanag ni raymundo pagbalik sa mga bata "Pero paano po ang mga bata mamaya?" iniisip ni jeremy na kung mag-uusap usap sila sino ang magbabantay sa mga anak nila "Pagsamahin na muna natin sila sa iisang kwarto at kausapin natin sina Miguel, Jeya, Railon, Jana at Andres para bantayan ang mga kapatid at pinsan nila" paliwanag naman ni jerry sa mga ito, yun lang ang paraan nila para kahit papaano ay mabatayan din nila ito "Saang kwarto naman po?" takang tanong naman ni vincent dahil may anak syang bata pa "Malapit sa office ng lolo nyo yung pinaglalaruan nyo dati, may projector naman dun para panoodan nila at may CCTV din dun para kahit papaano ay mabantayan pa rin natin sila" paliwanag naman ni victoria sa mga ito, may pinagawa kasing kwarto ang lolo nila na para lang sa kanilang magpipinsan tuwing iiwanan sila ng magulang sa lumang bahay "Ayan settle na ang lahat, aantayin na lang natin magdilim" nakangiting tumingin si michelle sa magpipinsan, hindi na sila mamomoblema na mainip ang mga ito sa pag-aantay Pagtapos ng pag-uusap na iyon ay nagkanya kanya na ulit sila ng ginagawa, bumalik ulit sa paglalaro at panonood ang mga bata at nag-usap usap ulit ang magpipinsan. . . . After nilang maghapunan ay dumating na sila marcus at agustin na may mga kasama. Pinapunta na nila ang mga bata sa isang kwarto at kinausap na din nila ang mga bata na dapat kausapin. Nang maayos na ang lahat ay nagpunta na sila sa office ni lolo pedro upang mag meeting. "Good evening Montecia childrens! Before we start I would like you all to meet again Elizabeth my great-grand daughter, Austin and Amanda, Agustin great-grand kids" pagpapakilala ni marcus sa mga kasama nila "Good Evening!" bati naman ng tatlo sa lahat at naupo na Kilala naman na nila ang mga ito lalo na nila jameson napakilala na kasi dati ng lolo pedro nila ang mga ito yun nga lang 8 years ago pa yun. "Si Elizabeth pala ay kasamahan ni Ace sa kampo!" dagdag pa ni marcus sa sinabi nya, na tumingin saglit sa binata "Ow sya pala yun kuya" pang-aasar namam ni megan sa kuya nya at tinusok tusok pa ang braso nito "Shut up Megan!" seryosong pagsaway naman ni ace sa kapatid, umayos naman ng upo ang kapatid dahil sa takot Nagtawanan naman ang mga magpipinsan dahil may alam sila tungkol dun. "Tama na yan at makinig na kayo" saway naman ni raymundo sa mga bata tapos umayos na ito ng upo at humarap na sa harapan "Bago tayo magsimula kailangan namin kayo bigyan ng code dahil madami kayo na apo ni Pedro. Kung ang mga magulang nyo ay ang Montecia siblings, kayo naman Renz na magpipinsan ay ang Montecia GenX at ang mga anak nyo naman ay ang Montecia kids" paliwanag ni marcus dahil sa sobrang dami silang apo ni Pedro para hindi din sila mahirapan na tawagin ang mga ito "And now let's start the meeting" anunsyo ni agustin na naupo na sa harapan, ganun din si marcus Umayos na ng upo ang magpipinsan, nagtinginan muna sila bago nagsimulang magtanong. "Siguro po nabasa nyo na ang sulat na nakita nila mommy dito sa bahay nung nakidnap po sila lolo. Ano po bang laban ang tinutukoy sa sulat?" pagsisimula ni renz sa pagtatanong, matagal na yan bumabagabag sa magpipinsan na hindi masagot ng magulang nila "Laban ng dalawang pamilya na mayayaman dito sa pilipinas" simpleng sagot naman ni agustin sa kanya, na ipinagtaka ng magpipinsan at anak nila "Oo alam po namin mayaman ang pamilyang Garcia, pero hindi naman po kami ang pinakamayaman sa pilipinas para kidnapin ng ganun sila lolo" pagkontra agad ni renz, dahil alam nilang may mas mayaman pa sa kanila tsaka simple lang namumuhay ang lolo nya para kidnapin "Makinig kayo.... Sasabihin namin ang history ng pamilya ng lolo at lola nyo, kung gusto nyo magtanong, pagtapos na ng kwento, nagkakaintindihan ba tayo?" paliwanag ni agustin, ayaw kasi nila na may sumasabat pag nagsimula na silang magsalita Nagtanguhan naman ang magpipinsan bilang sagot pati mga anak nila ay tumango din. "Ang Montemayor ang pinakamayaman sa Pilipinas at ang Lola Adelina ninyo ang nag-iisang anak ng mag-asawang Arthuro at Adelia Montemayor kaya ng mamatay ang kanyang magulang nya ay sa kanya na pinamana lahat ng kayamanan ng pamilya nila. Ang Alcaran naman ang sumunod sa pinakamayaman sa Pilipinas, si Anthonio Alcaran ang nag-iisang anak ng mag-asawang Thorinio at Annabel Alcaran at sa kanya din pinamana lahat ng yaman ng Alcaran sa Pilipinas. At ang mga Garcia ay walang yaman DITO sa Pilipinas" kwento ni marcus sa lahat, makahulugan yung sinabi nya nung dulo pero hindi yun napansin ng magpipinsan "Simula pa noon magkatunggali na si Anthonio at si Pederico ang lolo Pedro nyo sa lahat ng bagay, laging nangunguna si Pedro sa lahat ng bagay lalo na sa army at hanggang maging heneral na ito..... May gusto si Anthonio kay Adelina ngunit ang gusto nito ay si Pedro. Kaya mas lalong nagalit si Anthonio kay pedro dahil pati sa pag-ibig ay pumapangalawa pa rin sya, lalo na nang malaman nya na pinagkasundo ng tatay ng lolo nyo at ang tatay ng lola nyo sila sa isa't isa. At simula pa noon ay galit na ang mga Alcaran sa Montemayor sa pangunguna nila sa yaman at ang pamilyang Alcaran ang tinutukoy kong kalaban ng lolo nyo at malamang nagpadukot sa kanila" paliwanag naman ni agustin na may lungkot dahil alam nya ang pinagdaanan ng kaibigan noon "Matindi na ang galit ni Anthonio noong nasa kampo pa sila pero mas tumindi ang galit nya ng magka-anak na si Pedro at Adelina at muntikan pa nga makidnap si Raymundo nung bata pa sya dahil kay Anthonio..... At binalak din ng pamilya ng Alcaran na makuha si Rainelyn plinano nila na akitin at gawing asawa ni Arvino ang anak ni Anthonio si Rainelyn para lang makakuha ng yaman sa pamilyang Montemayor mabuti na lang hindi natuloy, at si Dominick ang nakatuluyan nya" dagdag na kwento ni marcus na tumingin pa sa mag-asawa tsaka sila kasi ang kasa-kasama ni pedro sa nga panahon na yan "Pwede na po bang magtanong?" tanong ni renz sa dalawang nasa harapan nila na nakataas pa ang kanang kamay na parang sasagot sa teacher "Sige pwede na kayo magtanong" sagot naman ni marcus at sumandal sa kinakaupuan nya "Dahil lang sa pagiging pangalawa at yaman nila lola kaya nila pinadukot ang mga ito?" nagtatakang tanong ni renz sa mga ito medyo naguguluhan pa sya sa mga nalaman nila ngayon "Siguro nga, pero hindi pa rin natin sigurado na yan nga lang ang dahilan nila, baka kasi may malalim pa silang dahilan na hindi natin alam" paliwanag ni agustin sa kanya, pero alam nya na may posibilidad na may iba pang dahilan ang mga alcaran "Kung mayaman nga po sila lolo nasan ang kayamanan nila, Eh parang hindi naman po ganun kasi kayaman sila lolo" naguguluhang tanong ni michael, dahil para sa kanila simple lang ang pamilya nila may mga negosyo pero hindi ganun karami "Nakatago lahat ng yaman nila sa isang lugar kung saan maraming nagbabantay at soon malalaman nyo rin" sagot naman ni marcus, nagulat naman sila at napa-isip mayaman pala talaga sila hindi lang nila alam "So mga Alcaran ang nagpadukot sa kanila. Mommy kabilang ba si Arvin sa pamilya nila?" tanong naman ni rain sa ina, naalala nya kasi yung nakaraan nya kung saan umabot sa kidnapan "Yes at sya ang kaisa isang apo ni Anthonio Alcaran" sagot ni rainelyn sa anak, nagulat naman si rain at natahimik sa nalaman "Diba napabalita po na druglord ang mga Alcaran? Bakit pa sila nagtitinda ng drugs kung pangalawa na sila sa pinakamayaman?" naguguluhang tanong naman ni alexis, nasa isip nya kasi bakit pa sila gagawa ng masama kung mayaman na pala sila "Oh baka naman yumaman sila dahil sa drugs" walang ganang sabi ni vincent, naguguluhan din sya sa mga nalaman "Mayaman naman sila pero mas yumaman nga lang sila dahil sa pagtitinda ng drugs" paliwanag naman ni raymundo sa kanila, matagal na din kasi nila ito iniimbestigahan Dahil may mga kapit sa gobyerno hindi nila ito makasuhan sa mga kasalanan ng mga ito. At kahit may sapat na ebidensya pa sila mahihirapan pa rin sila kalabanin ito, siguro kung walang kapit at hindi sila makakasuhan kung sakaling sugurin nila ang mga ito maaring napatay na nila or naikulong na nila ang mga ito. "Alam na po natin kung sino ang kumidnap sa kanila, bakit hindi pa po natin sila iligtas?" tanong naman ni mika, gusto na nya matapos ang lahat at makita muli ang lolo't lola nila "Oo kilala na nga natin pero hindi natin alam kung saan nila dinala ang lolo at lola nyo" sagot naman ni marcus sa kanya, napaisip naman ang magpipinsan "At kung alam naman natin kung saan kailangan pa rin natin magplano at mag-ingat dahil hindi basta basta ang kalaban natin" babala naman ni agustin sa lahat, alam nya kung gaano kahirap kalaban ang mga ito "Bakit yung mga anak namin na below 13yrs old ay hindi pwede dito?" tanong naman ni rain habang yakap si dana, nagtataka lang kasi sya na bakit ganun Nakikinig lang naman ang mga montecia kids sa pinag-uusapan ng lahat kahit papaano naiintindihan naman nila ang mga sinasabi ng mga ito. "Dahil once na tinanong sila at tinakot ng kalaban or ibang tauhan ng kalaban ay hindi sila makakalaban at baka masabi nila ang sikreto ng pamilya nyo, hindi tulad ng mga bata na nandito ay may kakayanan na lumaban at ipagtanggol ang sarili nila" paliwanag naman ni agustin at tinignan isa isa sila jameson, kael, dana, jossel at megan. Hindi na sya tumingin kay ace dahil alam naman nya na kaya nitong lumaban "Ang mga nalaman nyo dito ay dapat walang makakaalam at wala kayong pagsasabihang iba dahil pagnalaman ng ibang tao yan paniguradong mas malaking g**o ang haharapin natin" seryosong pagbibilin ni marcus sa kanilang lahat "Mas konting nakaka-alam mas maganda dahil kailangan natin protektahan ang pamilyang ito" alam kasi ni raymundo na kakaiba ang pamilya nila, hindi normal kagaya ng ibang pamilya "Opo naiintindihan po namin" sagot ni renz sa tiyuhin, naiintindihan naman nya pero may parte na naguguluhan pa rin sya "Pero paano po ka---" hindi na natuloy ni rain ang sasabihin nya ng makarinig sila ng ingay "Shhh! Quite guys" utos ni marcus sa lahat, sumunod naman agad sila BLAG! TUG! BLAG! TUG! Nakarinig sila nang sunod sunod na ingay na parang binabato ang bahay, habang tumatagal ay mas dumarami pa ang pagbabato sa bahay ng lolo nila. "Mommy I think there's something wrong in the other room, look at the screen" biglang nagsalita si jameson at sabay sabay silang tumingin sa tinuturo nitong screen Nakita nila na umiiyak yung mga bata na nasa isang sulok, pero prinoprotektahan naman sila nina railon, andres at miguel at may nagtatangka pa magbukas ng bintana, yung kabilang bintana naman ay binabato at malapit na itong mabasag. "s**t! THE KIDS!!!" sigaw bigla ni renz na nagmadaling tumayo At nagmadali silang lahat lumabas ng kwarto at pumunta sa kabilang kwarto, ang mga magulang naman nila ay lumabas kasama sila marcus at agustin upang tignan kung sino ang bumabato. "Kids are you all alright?" nag-aalalang tanong ni renz sa mga bata pagkabukas nya ng pinto "Mommy!/ Daddy!/ Mimi!/ Didi!/ Mama!/ Dada!/ Mamu!/ Papu!/ Nay!/ Tay!" sabay sabay na sigaw ng mga bata at naglapitan sa mga magulang "Don't worry kids, we are here now" pagpapakalma ni rain sa lahat habang yakap ang mga anak "Don't be scared kids" pagtatahan naman ni mika sa mga bata na umiiyak na nakayap sa kanila Tumigil naman ang mga bata sa pag-iyak at sa pag pa-panic. Pero nandun pa rin ang kaba sa kanilang katawan. Dumating naman na ang magulang nila na medyo hinihingal pa at medyo pawisan. "Ano pong balita?" kinakabahang tanong ni michael sa mga mga magulang nila "Hindi namin naabutan ang bilis nilang tumakbo" inis na sagot ni jerry sa pamangkin, naiinis sya kasi kahit isa hindi nila naabutan "Kailangan na natin matulog at magpahinga, Tito Marcus and Tito Agustin dumito na po muna kayo, may mga kwarto pa naman na available dito sa bahay" paliwanag ni raymundo na nagpupunas pa ng pawis at hinihingal May mga takot man na nararamdaman ang magpipinsan pati na rin ang mga asawa nila ay hindi na nila ito pinakita pa sa mga bata dahil baka mas lalong matakot ang mga ito. Dahil sa nangyare ay wala ng kumontra pa sa sinabi ni raymundo at nagkanya kanya na silang punta sa mga kwarto nila para magpahinga pero bago matulog nagdasal na muna sila sa kani-kanilang kwarto. *-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* End of chapter seven: The Past Of Their Family! Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD