CHAPTER 8

4311 Words
ARE WE STILL WON? Pagkatapos ng pangbabato sa lumang bahay, pinauwe na muna lahat ng manila dahil may mga trabaho at may pasok pa sila. Ang magkakapatid naman na montecia at mga asawa ng mga ito ay naiwan sa probinsya kasama sina marcus at agustin. Pero bago mag-uwian ang lahat kinausap sila, nila marcus na mag-ingat at kung ano ang mga dapat pa nilang gawin kung sakaling may mangyareng hindi nila inaasahan. Kaya ngayon bumalik na sa mga kanya kanyang trabaho sila mika at ang mga anak naman nila ay nasa eskwelahan naman. Nasa tambayan ngayon sila mikael kasama ang mga kaibigan nila na kumakain ng pananghalian dahil lunch break na. Ang mga nakakabata nilang kapatid naman nasa cafeteria kasama din ang mga kaibigan pero sina anton, david, alexa, alvin at renzo ay nakauwe na. "Nabalitaan ko na umuwi din daw kayo ng province nung weekend" pangchichismis ni lawrence sa magpipinsan sabay subo ng pagkain nya "Yeah umuwi nga kami" sagot ni jossel bago uminom ng juice "So kamusta naman? Anong balita?" seryosong tanong naman ni bobriel habang kumakain  Nagtinginan naman ang magpipinsan at naalala nila ang sinabi nila marcus sa kanila. Kids paalala lang lahat ng narinig at nalaman nyo dito ay mananatili lamang dito. Hindi dapat makalabas at malaman ng ibang tao ang tungkol dito dahil delikado.  "Nothing!" mabilis na sagot ni jameson na hindi tumitingin sa mga kaibigan "Just some property, they can handle it"  "Sila tito at tita nakauwe na rin ba?" tanong naman ni clarken sa kanilang magpipinsan Alam kasi nila na matagal na ang mga magulang nila na pumunta sa probinsya dahil napag-usapan nila minsan ng ma-miss nila ang mga magulang nila. "Yes! Sabay sabay kaming umuwi" simpleng sagot naman ni kael na hindi din tumitingin sa mga kaibigan Mahirap para sa kanila ang magsinungaling sa mga kaibigan nila kaya hindi sila makatingin dito lalo na si kael dahil nasa harapan nya lang si gab at ayaw nya magsinungaling dito kaya hindi sya makatingin. "Eh bakit ganyan itsura nyo kung wala naman problema at nakauwi na sila tito at tita?" pagtataka naman ni jairus sa magpipinsan Natural ng tahimik silang magpipinsan ngunit may angas at saya ang dating nila, pero ngayon tahimik at may kalungkutan na makikita sa mga mukha nila. "Just don't mind us, we only miss Lolo P and Lola A" sagot ni dana na double meaning para sa kanilang magpipinsan "Nakakamiss naman talaga ang mga lolo at lola natin" pagsang-ayon ni lawrence sa kanila, kahit sya namimiss nya ang lolo at lola nya Nginitian lang ng magpipinsan ang mga kaibigan nila, dahil akala ng mga ito ay namimiss lang nila agad ang lolo't lola nila pero ang totoo ay namimiss nila dahil nawawala ang mga ito at matagal na nilang hindi nakikita. "May mga gadgets naman para makausap nyo sila" sabay ngiti ni gail sa kanila "Yeah! But you know it's good if you see them personally" mas gusto kasi ni jameson na nakikita sa personal ang mga apuhan nila dahil nayayakap at nahahalikan nila ang mga ito Tsaka walang cellphone ang lolo at lola nila sa telepono lang nila ito nakaka-usap. Simple lang ang buhay ng apuhan nila kaya nagtataka pa rin sila kung bakit nakidnap ang mga ito. Kung meron man cellphone ang apuhan nila hindi pa rin nila makakausap ang mga ito dahil nakidnap nga at siguradong maiiwan sa bahay or itatapon ng mga kumuha sa apuhan nila ang cellphone. "You have a point!" pagsang-ayon naman ni lia sa kanya  "Let's stop this topic" pag-awat na ni kael "Let's go back to our classes, because lunch time is over" ayaw nya na muna pag-usapan ang tungkol sa apuhan nila dahil nasasaktan sya Sobra ang iyak nya ng malaman nawawala ang lolo't lola nila katulad ng mimi nya gusto nya din na mahanap agad ang mga ito yun nga lang wala syang magawa. Ganun din naman sina jameson, dana at jossel pero katulad ni kael wala din silang magawa kundi mag-antay. Nagsitayuan na sila at nagkanya kanya nang balik sa mga classroom nila at naghintay sa susunod na klase. . . . Pagkatapos ng klase nagpunta sila sa school gym, nagkayayaan lang sila magbasketball. Palagi naman sila biglaan kung maglaro kaya hindi na bago sa kanila yun at pwede naman nila gamitin ang gym anytime kung walang gumagamit. Habang naglalaro sila dumating naman ang mga kaaway nila, simula pa nung elementary sila. Noon everytime na magkikita sila at ang mga kaaway nila siguradong may g**o pero nang magtagal hindi na nila pinapansin ang mga ito at sila na ang umiiwas tulad ngayon. "ALL OF YOU! GET THE f**k OUT OF HERE!!" sigaw bigla ni luis pagkapasok sa gym na tinuro pa silang magkakaibigan Ang mga tao sa paligid na tumatambay at nanonood sa kanila ay nagkanya kanya takbo palabas ng gym, pwera lang sa kanilang magkakaibigan. Napatigil naman sila sa paglalaro at tumingin sa mga ito pero agad din sila bumalik sa paglalaro. "Why should we?" tanong ni jameson saglit tapos nagshoot na sya ng bola "Because we need this gym!" mayabang na sagot ni lex sa kanya "Whatever!" seryosong sagot naman ni kael habang nagdi-dribble ng bola Pinagpatuloy lang nila ang paglalaro at hindi pinansin ang mga bagong dating. Nainis naman sila luis kaya tinulak nya bigla si jameson ng makalapit ito sa pwesto nya, napatigil naman sila jameson sa paglalaro. "Hey! What the hell is your problem?" inis na tanong ni jameson habang nagpapagpag ng kamay at damit "Our problem is all of you" tinuro ulit sila ni luis "GET OUT OF THIS PLACE, NOW!!!" sigaw nito at masama ang tingin sa kanya "This is not yours, so don't be bossy Luis!" lumapit na si jossel sa pinsan at tinapatan si luis na seryosong nakatingin dito "Ang yayabang nyo talaga!" maangas na saad ni victor, tumabi sya sa kaliwa ni luis "Sumunod na lang kayo kung ayaw nyong masaktan" pagmamayabang naman ni arwin, tumayo ito sa tapat ni jameson na nakapoker face "Naglalaro kami kaya mag-antay kayo" matapang na sagot naman ni clarken sa kanila at tumapat kay victor "Hindi ba kayo nakakaintindi? Sabi ko umalis kayo dito!" galit na sigaw ni luis sa kanila at konti na lang mananakit na ito "Bakit kami aalis, eh nauna kami dito" palaban na sagot naman ni jossel at hindi natakot sa pagbabanta ng kaharap nya Alam nyang mas may karapatan sila dahil ang mommy ni bobriel ang dean ng school at ang tita lola nila ni clarken ang may-ari ng school. "Aalis kayo dahil kailangan namin itong gym" mayabang na utos naman ni marlon sa kanila "Kung kailangan nyo itong gym mag-antay kayong matapos kami" palaban din si lawrence na tumapat kay marlon at masama ang tingin sa isa't isa Lumapit na din ang iba sa kanila, magkatapat sina mikael at lex, jairus at mark, at si bobriel naman lumapit kila dana para maprotektahan ang mga ito kung sakaling magkagulo sila. "If you need this place, wait for your turn" mariin na sabi ni kael at masama na ang tingin sa kaharap nya "Wala kami pakialam sa inyo, basta umalis na kayo dito" pagmamayabang ni lex "We will get, what we want!" at mas lumapit pa ito sa kanya "You know what, don't push us to our limit, before you all regret what we can do" pagbabanta ni jameson sa mga ito at titig na titig sa kaharap nya Nagtitigan silang lahat, ang sasama ng tingin nila sa bawat isa na parang isang galaw lang ay magkakagulo na sila, pinapakiramdam naman nila bobriel at ng girls ang mga lalaki na nasa harapan nila na baka sa isang iglap lang ay magsuntukan na. At ayaw nila mangyare yun dahil malalagot sila sa mga magulang nila. "Guys we need to go, don't waste your time to them" pag-awat ni bobriel sa mga kaibigan, dahil naalala nya ang pinag-usapan nila ng parents nya Sya ang pinakamalalagot pag nagkagulo ang mga ito dahil sya ang pinakamatanda tsaka lagi sya pinagsasabihan ng mama nya tungkol sa ganitong pangyayare at ayaw nya makitang magalit ang mama nya dahil natatakot sya dito. "Guys hayaan nyo na sila. Clarken wag nyo ng patulan ang mga yan" umawat na din si abigail dahil ramdam na nya ang tensyon sa buong gym "Kael do not fight with them, Tita Mika will get mad and worried" paalala naman ni gab sa kaibigan na si kael Kaibigan nga lang ba? Let see... "Let's go guys, don't put down your level to them, remember what Tita Mina said. And kuya please I don't wanna see you get hurt, even all of you" pag-awat na din ni dana sa lahat at pinaalalahanan ang mga ito sa mga bilin ng nakakatanda sa kanila  Hindi nila tinatawag na lola si carmina samson dahil yun ang gusto nito, tita lang daw ang itatawag nila sa kanya. Bumuntong hininga na lang sila jameson. Wala na siyang magawa kundi ang hindi pumatol kahit inis na inis na sila sa mga kaharap nila. "Fine! Guys let's go!"  Pagsuko ni jameson sabay talikod sa kaharap, lumapit na sya kay dana, kinuha ang gamit nila at hinila na palabas ng gym ang kapatid. Ayaw nya na ng g**o, wala din naman sila mapapala kung labanan man nila o hindi ang mga ito dahil hindi naman mahalaga sa kanila ang mga yun. "We don't need to waste our time to them. Come on kuya's"  Sumunod naman agad si kael kay jameson, pagkakuha ng gamit ay marahan nyang hinila si gab palabas ng gym. Wala ng nagawa ang mga kaibigan nila kung hindi sumunod sa kanila, nakita pa ni bobriel kung paano ngumisi ang mga kaaway nila kaya napailing na lang sya. "Dami pang sinasabi aalis din naman pala" pagmamayabang na namam ni victor sa kanila na hindi nila pinansin "Mga duwag naman pala" pang-iinsulto naman ni arwin sa kanila "Goodbye loser!" sabay sabay na paalam nila luis at sabay silang nagtawanan ng mga kaibigan nya PUMUNTA na lang sila jameson sa CABs Jambayan na malapit lang sa school nila. Dumeretso sila sa pribadong kwarto na binigay ng magulang nila sa kanila na pwede nilang tambayan tuwing nandito sila. Pabagsak na naupo ang magpipinsan at pumikit, naupo din naman ang mga kaibigan nila malapit sa pwesto nila. "Hanggang kailan ba natin sila iiwasan? At hanggang kailan natin sila pagbibigyan sa lahat ng gusto nila?" nanggigil na tanong ni lawrence sa mga kaibigan, gustong gusto na nya patulan ang mga ito "Until we can" nakapikit at pagod na sagot ni jameson na para bang naubos ang lakas nya sa tensyon kanina "Sumosobra na kasi sila, hindi nila tayo titigilan hanggat hindi natin sila pinagbibigyan sa gusto nilang g**o" inis na inis naman si clarken dahil hindi pa rin sila tinitigilan ng mga ito "Tama si Clarken guys, iniinis lang naman tayo ng mga yun hanggang sa mapuno tayo at makipag-away sa kanila" pagsang-ayon ni jairus sa kaibigan, palagi na lang nila ito iniiwasan gusto na nya din ito patulan "Hindi sa lahat ng bagay away ang kailangan pairalin, hayaan nyo sila na inisin tayo ng inisin. Wag natin sila pansinin, pag ganon ang ginawa natin sila ang maiinis hindi tayo" paliwanag naman ni bobriel sa lahat, palagi yan kasi ang sinasabi ng mama nya sa kanya "Are we got lose in our fight against them, this time?" inosenteng tanong ni kael sa kanila, nainis kasi sila at masaya na naman ang grupo nila lex kaya naisip nya na natalo sila Yun kasi ang gusto talaga mangyare ng mga kaaway nila ang mainis at maasar sila, at ang magkagulo ang grupo nila at grupo nila lex. Dahil alam naman nyang nainis sila kaya akala nya natalo na sila. "No! We're still win against them Kael, until we not give what they want. We always win" para kay jameson hanggang hindi nila pinapatulan ang mga ito sila ang panalo "We will win until no one will not get hurt, and until we have a patience to understand them" paliwanag naman ni dana sa pinsan, para sa kanya panalo sila hanggat walang nasasaktan sa kanila "Dana is right, kulang lang sila sa pansin, kaya nagpapapansin sila sa atin. Intindihin na lang natin sila dahil tayo ang matino" pagsang-ayon naman ni abigail sa pinsan, mga kulang lang talaga sa pansin ang mga kaaway nila "Change topic guys. Ano na pala ang balak natin sa school fair? Saan tayo sasali?" pag-iiba ng topic ni dahlia, maiinis lang kasi sila pag pinag-usapan pa nila ang mga ito "The boys will join in the basketball game, I think you girls will join in the volleyball game or depends on your decision" paliwanag ni jameson Napagkasunduan nilang magka-kaibigan na lalaki, na sa basketball sila sasali dahil dun sila magaling. "Girls do you want to join the volleyball game? Or will we join in girls basketball?" tanong naman ni dana sa mga kaibigang babae "I'm joining to volleyball" masayang sagot ni abigail sa kanya "Me too"" may kasama pang pagtaas ng kamay na sagot ni gabriella "Yeah, me too!" nakangiting sagot naman ni dahlia sa kanya "I think I'm the only one who will join at girls basketball" nalungkot si dana dahil sya lang ang sasali sa basketball, eto kasi ang gusto nya "Hey Dana how about you join at volleyball too" suggestion ni jameson sa kapatid, ayaw nya maging mag-isa ang kapatid "Oo nga Ate Dana para magkakasama tayo sa team" pangungumbinsi ni gabriella sabay ngiti kay dana "But kuya I want to play basketball" pagkontra agad ni dana, mas marunong sya sa basketball kesa sa volleyball "Remember what mommy said, if we are not your playmate in basketball you can't play that" paalala ni jameson sa sinabi ng kanyang ina sa kapatid at ayaw din ng mommy nila na naglalaro sya ng basketball "Yeah I know" napabuntong hininga na lang si dana "Fine I go for volleyball then" pagsuko nya sabay irap sa kapatid, natuwa naman ang mga babae sa sinabi nya Nagtawanan naman ang lahat dahil wala ng choice si dana kundi sumali sa volleyball. "It's okay Dana I'll support you--- I mean we will support you in volleyball" nakangiti si bobriel pero nag-iwas sya ng tingin kay jameson ng mapansing nakakunot ang noo nito "Sus nandamay pa si Bobriel. Bakit kasi hindi ka pa umamin hahahaha" panunukso naman ni lawrence sa kaibigan "Hey men tell me the truth are you having a crush on my twin?" seryosong tanong naman ni jameson sa kaibigan Namula tapos umiwas ng tingin ang kakambal nya at hindi naman makasagot si bobriel sa tanong nya. Napailing na lang sya sa naging reaksyon ng dalawa. Alam naman nya na crush ng kaibigan ang kapatid nya, halata naman sa kinikilos nito, ina-antay nya lang umamin ang kaibigan nya sa kanila dahil nakakahalata rin naman ang mga kaibigan nila lalo na ang mga pinsan nya. Sabay sabay naman sila napatingin sa pintuan ng bumukas ito. "Hey kids! Nandito lang pala kayo, anak bakit hindi ka nagsasabi na pupunta kayo dito? Hindi ka man lang dumaan sa office?" tanong ni renz sa anak pagpasok sa kwarto, kung hindi pa sinabi ng mga staff nila, hindi nya malalaman na nandun ang anak nya "Sorry daddy nawala lang po sa isip ko magsabi" sa sobrang pagkainis ni jossel kanina nakalimutan na nya na magsabi sa magulang "Kael, Jameson and Dana your parents are here. Magpakita muna kayo sa kanila at pati kayo hindi din nagsabi na nandito kayo" baling naman ni renz sa mga pamangkin, ganun din ang tatlo nawala na sa isip nila magtext sa magulang nila sa sobrang inis "I'm sorry tito, we will go now to see them" sagot ni jameson sa tiyuhin tsaka sya tumayo kaya sumunod naman yung dalawa sa kanya Bago sila lumabas nagmano muna sila kay renz tsaka nagpatuloy sa paglabas. Nakita nila ang mga magulang sa may baba malapit sa kitchen kasama ang mga nakakabatang kapatid nila. "Hi my family!" masayang bati ni dana sa pamilya nya at isa isa hinalikan ang mga ito Ngumiti lang si jameson sa pamilya bago humalik sa mga ito. "Hi mimi, didi and to my siblings. I didn't know that you are going here" nakangiting bati naman ni kael sa pamilya nya, medyo nagulat pa sya na nandito ang mga magulang kanina "We didn't know too that you are here, Mikael" mataray na sagot ni mika sa anak, hindi naman kasi nagsabi sa kanya ito kaya medyo mataray sya sa anak "I'm sorry mimi, I forgot to tell you earlier" paumanhin ni kael bago humalik sa ina at sunod ang iba pang pamilya "And why?" tanong ni mika na nakataas pa ang isang kilay Alam nya na hindi malilimutin ang anak depende na lang kung sobrang busy ito o may bumabagabag sa isipan ng anak. Pasimpleng nagtinginan ang tatlo sa tanong ni mika pero napansin ito ng mga magulang nila kaya nakahalata ang mga ito na may problema sila. "Is there something wrong happening in your school?" tanong ni rain na nakakunot ang noong nakatingin sa mga ito Hindi naman nakasagot ang tatlo at nakatingin lang sa lamesa. Hindi nila alam kung sasabihin ba nila yung muntikan na g**o nila o mananahimik na lang sila. Ayaw lang kasi nila na mag-alala ang mga magulang at ayaw din nila mapa-away ang mga ito lalo na kung ang mga magulang ng kaaway nila ay ang kaaway din ng magulang nila. "So tell us what happened kids" utos ni red sa tatlo dahil alam na nyang may tinatago ang mga ito sa kanila "No one will leave this place, if no one explained what happened" maotoridad na utos naman ni andrei, gusto nya rin malaman kung ano ang nangyayare sa mga anak nila sa eskwelahan ng mga ito "Alam nyo wag nga kayo mag-english at paupuin nyo muna ang mga bata" pag-awat sa kanila ni joyce na kanina pa pala nakikinig sa kanila at hindi nila napansin na lumabas ito galing sa kusina "Hi Ate Joyce nandyan ka po pala" bati ni rain sa asawa ng kapatid nya at nakipagbeso dito pati na rin si mika "Okay sit down kids and tell us what happened" utos ni joyce sa mga bata na nakangiti, nahawa na din sya sa kanila mag-english "Oh akala ko ba wag mag english, eh bakit pati ikaw ay nag-english na" natatawa naman si red dahil kanina sinaway sila nito tapos ngayon mag-eenglish din pala ito Nagtawanan ang lahat. "Kayo kasi nakakahawa eh. Hahahaha kaya hindi nagsasalita ng tagalog ang mga anak nyo dahil kahit pagalitan nyo eh english pa rin" natatawang sagot naman ni joyce sa mga kasama nya Nakahinga naman ang tatlo dahil naiba ang usapan nila. Dahil hanggat maaari ayaw nila sabihin sa mga magulang nila ang mga away na nangyayare sa kanila sa school. "Okay na yung nakakaintindi sila ng tagalog para mas cool sila tignan" natatawanang biro naman ni andrei sa kaibigan "Kaya pati mga kaibigan nila napipilitan mag-english, isang beses nga nagreklamo sakin si Jossel kaka-english nila kung pwede naman daw sila magtagalog" pagsulpot naman ni renz kasama ang anak sa gilid nila Agad namam tumabi si jossel sa mga pinsan nya at naramdaman nya na nasa hotseat ang mga pinsan nya kaya napalunok din sya dahil pati sya damay. "Eh kuya hindi ko naman kasalanan yun, kahit kausapin mo ng tagalog ang mga yan english pa rin ang isasagot nila" natatawang sagot naman ni rain sa kapatid "Kahit kami sa bahay ganun din, kaya ang ending english na din ang salita namin" natatawang pagsang-ayon ni mika sa pinsan Nagtawanan naman ulit ang mga magulang nila. Nasanay na kasi silang tatlo mag-english lalo na't lumaki sila sa ibang bansa, pilitin man nila mag salita ng tagalog nauuwi pa rin sa pag-e english. "Pero mabalik tayo" humarap pa si mika sa kanilang apat "Ano ang nangyare sa school nyo at nakalimutan nyo magsabi?"  Napalunok naman sila, akala nila makakatakas na sila sa tanong ng mga magulang nila kanina. "The badkids showed up infront of us while kuya and his friend are playing basketball at the gym earlier" pag-amin naman ni dana, alam nyang hindi sila titigilan ng mga magulang nila "Speak in tagalog" utos ni rain sa magpipinsan, alam nyang mahihirapan ang mga ito pero parusa na nya rin ito dahil hindi sila nagsasabi sa kanila "Yung mga badkids po biglang sumulpot na lang when they playing basketball" sagot muli ni dana sa ina na pinililit magsalita ng tagalog "Hindi na po namin sila pinansin pero ginulo po nila kami, so we stop playing and we face them" sagot naman ni kael na napakamot pa sa ulo dahil sa sagot nya Hindi na sumagot si jameson dahil sigurado sya na mapapa-english din sya, kaya si jossel na ang nagpatuloy ng kwento dahil siguradong english story telling ang kalalabasan ng kwento. Napailing na lang ang mga magulang nila hindi lang dahil sa kinuwento nila tungkol sa badkids kundi dahil hindi sila makatagal na magtagalog. "Hindi pa rin pala sila tumitigil sa paghahari-harian sa S.A." nakataas pa ang isang kilay ni joyce habang nakatingin sa kanila "Matagal na ba nila kayong ginugulo? O ngayon na lang ulit? Magsabi kayo ng totoo" seryosong tanong ni rain sa mga bata, hanggat maaari ayaw nya matulad ang mga anak sa kanila noon "Matagal na po. Hindi na lang po namin p-pinapansin dahil yun po ang h-habilin ninyo po" napa-amin na rin si jameson dahil nagseryoso na ang mommy nya, mas natatakot sya sa mommy nya "Since when?" walang kaalam alam si mika na may nangyayare na pa lang g**o sa mga bata "Since the day that I punched Lex hard face" seryoso pero may pagyayabang na sagot ni kael, palihim naman natawa ang mga pinsan nya "So kelan nyo balak sabihin samin? Pag nagkagulo na ulit kayo at ipinatawag na kami ng principal nyo?" pagtataray ni joyce na nakataas pa rin ang isang kilay  "Hindi naman po sa ganun mom, ayaw lang po namin kayo ma-istorbo at mag-alala tsaka kaya pa naman po namin umiwas" paliwanag ni jossel sa ina, hanggat kaya nilang harapin ang mga ito hindi sila hihingi ng tulong sa mga magulang nila "Kahit na, dapat nagsasabi pa rin kayo samin kung ano man ang nangyayare sa inyo sa loob at labas ng school nyo. Maliwanag ba?" seryosong tanong ni renz sa apat, gusto nya lang na maging normal at masaya lang ang high school days ng mga ito "Yes tito!/ Yes dad!" sabay sabay na sagot ng magpipinsan "Pero very good kayo sa ginagawa nyo, hayaan nyo lang sila at magsasawa din sila sa ginagawa nila. Wag nyo na silang pagtuunan pa ng pansin at hindi naman sila mahalaga" proud si rain sa ginawa ng mga bata na hindi pagpatol sa mga kaaway nila at hindi pagpansin sa mga ito "Basta hanggat kayang umiwas ay umiwas kayo, kayo na ang umintindi sa kanila dahil kayo ang mas nakakaintindi sa mga taong tulad nila na kulang sa atensyon" dagdag naman ni mika sa sinabi ng pinsan, ayaw nya din na mapaaway ang mga bata  "Yes po!" sagot ng magpipinsan na nakangiti "Mana talaga ang mga batang yun sa magulang nila, ang hilig manggulo at magpapansin" iiling iling si joyce ng maalala ang mga nangyare sa pagitan nila at ng badguys "Mana din naman ang mga batang ito sa daddy nila lapitin nang g**o yun nga lang hindi pumapatol" sabay tingin ni rain sa asawa na ngingiti ngiti na nakatingin sa mga bata "Si Kael sigurado ako na hindi papatol basta basta yan katulad ni Andrei. Si Jameson naman siguradong makakapagtimpi yan dahil noon ay hindi palapatol si Red sa mga kaaway nya pero si Jossel ewan ko lang, kung nagmana talaga sya sa ama nya eh si Renz ay palapatol, minsan nga sya pa ang nagsisimula ng g**o" nakataas ang isang kilay ni joyce habang nakatingin sa asawa "Myloves grabe ka naman samin ng anak mo, oo pumapatol ako noon nung badboy pa ako pero nagbago na naman ako dahil sayo" ngiting ngiti naman si renz habang nagpapaliwanag sa asawa "Wag ka pong mag-alala mom dahil sayo po ako nagmana hindi kay dad" pang-aasar naman ni jossel sa daddy nya sabay yakap sa mommy nya "Hoy loko kang bata ka!" reklamo naman ni renz sa anak sabay kurot sa pisngi nito Nagtawanan sila sa asaran ng mag-ama, ganyan sila kasaya pagmagkakasama, simple lang at masaya ang pamilya nila. "Jossel kamusta na nga pala kayo ni Iris?" pag-iiba ng usapan ni renz at ang tinutukoy nya ay yung kasintahan ng anak "Okay naman po kami, nung huling beses po na nagpunta tayo sa probinsya nagkita po kami kahit sandaling oras lang po.... But I miss her so much" nakangiting kwento ni jossel sa magulang "Ayyyyiiiiiieeeee!" panunukso nina kael, dana at jameson sa pinsan nila "Eh ikaw naman Kael?" tanong ni andrei sa anak, nakakunot noo naman tumingin si kael sa kanya "What about me didi?" nagtataka naman si kael sa tanong ng daddy nya sa kanya "About Ate Gab, kuya" pagsabat ni andrea sa usapan na nakangiting mapang-asar sa kuya nya "She's fine and she's here too with our friend in the room" sumeryoso naman si kael dahil alam nya na tutuksuhin lang sya ng mga kapatid "So Kuya Bobriel is here too, Ate Dana?" tanong naman ni david na may kasamang panunukso "Y-yes he's here!" nahihiyang sagot naman ni dana at umiwas ng tingin sa mga kapatid nya "David stop teasing your ate, hindi pa sya pwedeng magkanobyo" saway ni red sa bunsong anak, lumabas na ang pagiging protective nya "Yes she can't, even a suitor" seryosong sagot naman ni jameson, ayaw nya pa na magkaboyfriend ang kakambal nya "Protective ang mag-ama hahahaha, ganyan din kami kay Andrea eh" tatawa tawa naman si andrei na inakbayan ang babaeng anak na nakanguso "Hahahahaha! Oo nga pala nandito din sila, sandali at tatawagin ko ang mga bata" tatawa tawa naman tumayo si renz para tawagin ang mga kaibigan ng anak at mga pamangkin Pagdating ng mga bata ay nagmano sila kila rain at naupo na rin sa bakanteng upuan na pinaayos ni joyce ng umalis ang asawa nya kanina. "Kamusta kayo? Alam ba ng mga magulang nyo na nandito kayo?" tanong ni joyce sa magkakaibigan na bagong dating "Yes po tita!" nakangiting sagot ni bobriel "Nabalitaan kong muntik na kayong mapaaway kanina" paliwanag naman ni rain sa mga bata titignan nya kung magsasabi ito ng totoo Tumingin muna sila sa magpipinsan para humingi ng permiso, baka kasi hindi pa pala sinasabi ng mga ito sa magulang at mapagalitan pa dahil sa pag-amin nila pero nang pasimpleng tumango naman si jameson tsaka lang sila sumagot. "Yes po tita, pero hindi naman po namin sila pinansin, nagpaubaya na lang po kami na lagi naman po namin ginagawa" sagot naman ni lawrence, yun naman kasi ang ginawa nila kanina at yun ang totoo "Good to hear that! You are all matured enough" masaya si red sa pag-iwas ng magkakaibigan sa pakikipag-away sa mga kaaway nila Ayaw nya lang na matulad ang mga anak nila sa nangyare sa kanila noon kung saan ang mga kaaway nila ang magulang ng kaaway ng mga anak nila.  Pero hindi na sya magtataka pag nabalitaan na lang nila na nakipag-away na ang mga anak nila dahil papansin talaga ang lahi ng badguys. "So let's eat alam kong gutom na kayo kids, pa-serve na natin ang mga pagkain" tumawag ng isang waiter si renz at nag-utos na magdala ng pagkain sa table nila Ilang saglit lang ay dumating na ang mga pagkain nila, inasar pa nga ng magkakaibigan si lawrence ng manguna ito sa pagkuha ng pagkain. Nakikitawa lang naman ang magulang nila sa kanilang mga asaran magkakaibigan na ang laging kawawa ay si lawrence. **************** End of Chapter eight: Are We Still Won? Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter! Please Vote and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD