g**g?
Jameson POV
It's weekend and my friend want to go out. They want to try this new trending unlimited food, so we're going to samgyup place near at our place. We can't go far away in our place, without one of our parent with us.
We are in a long table with three grills here in samgyup city, one grill for lawrence, jairus and clarken in the middle the girls abigail, dahlia, gab and dana the other one me, jossel, kael and bobriel.
Clarken- Jairus Dana-Gab Mikael-Me
Gril Grill Grill
Lawrence Gail-Lia Boriel-Jossel
"Si Lawrence lang ang pinakamasaya sa atin dahil unlimited ang pagkain" pang-aasar ni jairus sa pinsan nya habang hinihintay namin yung mga pagkain na iluluto namin
"Ikaw magluto ng kakainin mo Lawrence, hindi yung kain ka lang ng kain mamaya" nakisali na rin si clarken sa pang-aasar kay lawrence
"Ako na naman ang nakita nyo, oo ako ang magluluto ng kakainin ko, ubusin ko lahat para hindi na kayo makapagluto at makakain whahahaha" tumawa ng tuwama si lawrence sa sinabi nya, nagreklamo naman agad yung dalawa, napailing na lang ako sa pagiging isip bata nila
Isa yun sa dahilan kaya tatlo lang sila sa isang grill dahil katumbas ni lawrence ay dalawang tao na sa katakawan nya hindi naman sya tumataba, sabagay nagte-training nga pala kami.
May lumapit na saming waiter at sinerve na sila ang mga karne (pork, beef, chicken) with flavors (plain, bbq, sweet, spicy) tapos mga sidedish (lettuce, kimchi, potato, toge, carrots, egg, cheese etc.) at ng mga drinks (water with lemon, ice tea, calamansi juice) pwede rin umorder sa kanila ng softdrinks or soju kung gusto ng customer.
Nagsimula na kami maglagay ng mga karne sa grill habang nagku-kwentuhan kaming apat puro sa basketball lang naman ang topic namin tapos maya maya napatingin kami kila lawrence dahil ang ingay sa pwesto nila.
Yung dalawa panay ang reklamo na nakikipag-agawan pa, si lawrence naman panay lang ang luto at kain na walang pakialam sa dalawa, nakita ko pa nga na paubos na ang karne nila.
"Paglutuin mo naman kami Lawrence, halos ikaw na lang ang nagluluto lahat ng karne" reklamo ni clarken na nakikipag-agawan sa karne na niluto ni lawrence
Pagdating sa pagkain malakas talaga kumain si lawrence walang makakatalo sa kanya, palagi mo syang makikitang may kinakain minu-minuto na parang hindi nabubusog.
"Insan tig-dadalawa pa lang ata ang nakakain namin, nasayo na ang lahat ng karne. Pakainin mo naman kami" pagrereklamo naman ni jairus na sinisilip pa yung plato ng pinsan nya na madaming laman na karne
Pero parang walang naririnig si lawrence kain lang sya ng kain, tapos nang may dumaan na waiter ay nagpa-refill na sya ng karne.
Grabe ang takaw hindi ko alam kung saan nya nilalagay ang mga kinakain nya at wala syang kabusugan, kami nga apat na naghahati sa mga karne hindi pa nauubos tapos sya nagparefill agad, lugi talaga sa kanya ang mga kainan na unlimited.
"Hey Lawrence can you slow down to cook and to eat. Wala naman aagaw sayo nyang pagkain mo" pinagsabihan ko na sya dahil may laman pa yung bibig nya tapos susubo na sya ng isa pa
Tumingin sya samin sandali tapos bumalik na ulit sa pagkain, napailing na lang ulit ako. Wala talagang makakapigil sa kanya pagdating sa pagkain. Kahit sila tita lhean hindi sya mapatigil sa pagkain pag may iuutos sya kay lawrence.
"Hindi halatang gutom na gutom ka, hindi ka ba pinakain ni Tito Jacob kanina. Hinay hinay lang wala ka sa pabilisan kumain" sermon naman naman sa kanya ni bobriel
Hindi ko din naman masisi si lawrence dahil minsan lang kami kumain sa ganito at masarap ang mga pagkain dito. Pero hindi pa rin tama ang ginagawa nya kahit masarap pa ang mga pagkain na kinakain namin.
"You know what Lawrence, eat all you want but don't complain later if your stomach is hurt, we will don't care for you"
Simple lang naman ang sinabi ni kael pero napatigil sa pagkain si lawrence at napangusong tumingin samin.
"Ang sama talaga ng ugali nyo magpinsan, ako na naman ang nakita nyo" reklamo naman ni lawrence samin sabay kain nya ulit ng niluto nyang karne wala syang pakialam kung mainit yun o hindi
Hindi naman nya napansin na naibigay na ng waiter ang inorder nya kanina dahil sa amin sya nakatingin, si clarken ang kumuha at nagsimula na silang dalawa ni jairus magluto.
Nice move kael!
"We're not, we're only care for you and for your health" sagot ni kael na hindi tumitingin sa kanya sabay inom ng tubig
"Ow I love you Kael!" ngiting ngiti naman si lawrence sa sinabi ni kael sa kanya, hindi nya alam na inuuto lang sya ng pinsan ko
"I love my self too!" seryosong sagot naman ni kael at naglagay ng karne sa grill, hindi nya talaga tinitignan si lawrence
"Thank you kael, nakakain rin kami sa wakas" pinindot ni clarken ang buzzer at may lumapit sa kanyang waiter "Kuya pa refill po 2 plain pork and 2 sweet chicken" inabot nya sa waiter ang plato na wala ng laman
"Andaya nyo, inubusan nyo ako, saglit lang ako nakipag-usap eh" pagmamaktol naman ni lawrence na parang bata
Ang usapan kasi nila luto mo kain mo eh wala syang nailuto kaya mag-aantay pa sya na dumating yung order nila bago sya makakain.
Nagtawanan kami.
Naisahan sya ng dalawa, yun naman talaga ang plano ni kael ang utuin sya para makakain yung dalawa. Palagi naman nauuto ni kael si lawrence kaya nga sya palagi ang trip ng pinsan kong inisin dahil madali itong mapikon.
Nagpatuloy kami sa pagkain namin, madalas pa rin magtalo talo ang tatlo dahil kay lawrence, kami naman ay tahimik lang na kumakain.
Sa sobrang tahimik namin ay naririnig na ko yung pinag-uusapan sa kabilang table ng mga lalaki malapit sa pwesto namin.
"Nabalitaan nyo na ba na magbubukas na daw bukas ng gabi ang underground war"
"Talaga? Bakit wala pa sinasabi sa atin si boss. Kasali ba tayo dun?"
Pasimple naman akong tumingin sa pwesto nila, naka all black na damit sila simula sa sapatos hanggang sa tshirt nila at parang ka edad lang nila daddy.
"Palagi naman tayo kasali sa mga laban sa underground war"
"May bagong laban daw na gaganapin ngayon, laban para sa mga kabataan"
"So makakalaban na pala ang mga bata sa grupo natin, mabuti naman para masubukan na natin ang mga lakas nila"
"Tara na, nagtext na si boss mukhang ngayon nya pa lang sasabihin sa atin yung tungkol sa underground g**g war"
Sinundan ko lang sila nang tingin na palihim simula sa pagtayo nila hanggang sa makalabas na sila dito sa shop.
What the hell! A g**g War? Is it really exist a g**g now a days? How? Where? When?
Napatingin naman ako sa mga kasama ko sa table, nagulat pa ako ng makita ko na nakatingin na rin sila sakin pero hindi ko pinahalata, ibig sabihin narinig din nila ang usapan ng mga lalaki kanina.
"Did you here what the four men talking about?" paninigurado ko, baka kasi hindi nila narinig baka masabi ko pa sa kanila yung tungkol sa gang
"Yes about a underground war and a gangster. Is that still existing now a days?" pareho pa kami ng iniisip ni kael, hindi makapaniwala na may mga g**g war pa ngayon panahon
"Ewan? Baka? Siguro? Hindi lang natin alam dahil ang madalas na g**g war ay patago at lahat ng gangster ay tago rin" paliwanag naman samin ni bobriel sabay kain nya ng karne, nalipat naman sa kanya ang atensyon namin magpipinsan
"How did you know that?" pagtataka ko dahil paano nya malalaman kung patago nga ang mga ito
"Nabasa ko lang sa internet na may mga ganster pa rin ngayon pero palihim ang pagre-recruit nila ng mga tao. At nabasa ko rin na may mga patago ngang mga g**g war na nangyayare at malaki daw ang premyo pag nanalo ang g**g na kinabibilangan mo" paliwanag ulit ni bobriel samin napatuloy pa rin sa pagkain
Ganun pala yun siguradong pera ang premyo sa mga ganung laban. Alam ko kasi na pera na ang madalas ipapremyo ngayon sa kahit na anong patimpalak. Hindi ko nga lang alam kung gaano karaming pera ang premyo nila sigurado akong malaki yun.
"Sa tingin nyo saan kaya ginaganap ang mga laban nila? Paano sumali sa g**g at g**g war? At paano natin malalanan na gangster pala ang isang tao?" sunod sunod na tanong ni jossel na halatang nakuha talaga ng atensyon nya ang tungkol sa mga gang
Hindi naman kami nangangamba na may makakarinig sa usapan namin at hindi kami mapapansin ng mga kasama namin dahil mahina lang ang usapan namin at kumakain din kami.
"Hindi ko alam, wala naman akong nabasa tungkol sa kung paano ang pagsali sa g**g. Pero malalaman mo lang daw kung ang isang tao ay gangster kung alam mo ang lahat ng g**g names dito sa Pilipinas"
Medyo madami ding alam itong si bobriel sa mga gangster na yan, hindi halatang nabasa nya lang basta basta ang tungkol dun ng hindi sinasadya. Parang pinag-aralan pa nga nya ang tungkol sa mga iyon dahil sa dami ng alam nya.
"Curiousity will kill you Kuya Jossel, baka mapahamak ka nyan" babala bigla ni kael kay jossel na hindi tumitingin dito at patuloy lang sa pagkain
Para talaga syang si tito drei pagseryoso tapos yung mga words of wisdom nya pa parang mas matanda pa sya samin, minsan pa tagos talaga hanggang puso ang mga sinasabi nya at minsan hindi ka pa makakapaniwala na masasabi nya ang isang salita dahil sa edad nya.
"Kael has a point but it's not bad if we search the names of all g**g here in the Philippines, right?"
Nagtinginan naman silang tatlo sa tanong ko, na-curious lang din ako sa g**g na yan dahil ngayon ko lang narinig ang tungkol sa mga yon.
Sa mga movies at books ko lang nababasa at naririnig ang mga g**g hindi naman ako naging interesado kasi alam ko naman na gawa gawa o imahinasyon lang yun pero ngayon totoo pa lang may mga ganun.
"I think it's okay to search it. But remember what Kael said curiousity will kill us, if we step out to the bounderies" paalala naman ni bobriel sa amin, wala naman masama kung aalamin namin yung mga grupo ng g**g na mayroon sa pilipinas
"Ate Dana is looking at us, we need to stop talking about the g**g, her twin radar is on hahahaha" pagbibiro ni kael na hindi tumitingin sa kabilang pwesto patuloy lang sya sa pagluluto ng mga karne
Natawa naman kami sa sinabi nya, napatingin naman ako sa table ng mga babae tama sya nakatingin nga si dana sa amin, kaya nginitian ko na lang sya.
"What's funny topic you talking about boys?..... Why the four of you are laughing?" seryosong tanong samin ni dana at nakakunot pa ang noo nya, katulad talaga sya ni mommy
"Nothing Dana it's a boys talk, so don't ask anymore" inunahan ko na sya minsan kasi matanong din sya katulad talaga ni mommy dahil hanggat hindi sya nakukuntento sa sagot mo hindi ka nya titigilan
"Boys talk? Bakit hindi kami kasali kung usapang lalaki pala yan?" pagsabat naman ni lawrence sa usapan namin magkapatid, ang chismoso talaga nya ang layo na nga ng pwesto nya narinig nya pa rin kami nag-uusap
"Yes boys talk. Bakit lalaki ka ba para makisali sa amin?" seryoso ang itsura ni jossel pero mapang-asar yung tanong nya
Nagtawanan naman kami.
"Ang bully nyo talagang magpipinsan. At lalaki ako hindi ako bakla sapakin pa kita dyan!" pagbabanta naman ni lawrence samin
Napakalakas ng boses nya, napatingin tuloy samin ang mga taong kumakain malapit sa pwesto namin.
"Your too loud Lawrence, keep your tone down. Para kang babae sa lakas ng boses mo, hindi lang tayo ang tao rito" sermon naman sa kanya ng kakambal ko, natahimik tuloy sya sabay nguso habang nagluluto
"Sabi ko na nga ba hindi ka talaga totoong lalaki, napaka-ingay mo kasi at panguso nguso ka pa dyan" pang-aasar muli ni jossel sa kanya, mana talaga kay tito renz mapang-asar talaga
Nagtawanan naman kami.
Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin, marami din kaming nakain pero mas madaming nakain si lawrence dahil sumakit na ang tiyan nya bago pa kami makauwi.
Pagkauwi namin lahat, tinawagan ko na agad sila bobriel para sa gagawin naming research tungkol sa gangster. Plinano talaga namin na mag-uwian muna bago sila pumunta sa bahay para hindi sila makita nila lawrence dahil siguradong manggugulo lang ang mga yun at masakit na rin ang tiyan nilang tatlo dahil katatawa at kabusugan.
NASA kwarto ko na kami ngayon at may dala silang sariling mga laptop. Hindi din alam ni dana na nandito yung tatlo sa kwarto kasama ko, si mommy lang ang nakakaalam.
Nagsimula na kaming magsearch sa internet kanya kanya kami ng pwesto, ako nasa kama ko nakadapa, si kael nasa study table, si jossel nasa sahig nakasandal sa kama at si bobriel naman nakahiga sa sofa, isang oras din kaming tahimik at tutok sa paghahanap tungkol sa g**g bago mag-usap usap.
"Do you see anything? May nahanap ba kayo?" pagbasag ko sa katahimikan namin, tumingin naman sila sa akin at lumapit dala ang mga laptop nila
"Well according to my research, gangster have an own logo or symbols, every member of one g**g have the same symbols like a tatoo, necklace, bracelet, ring or anything that describe their group" paliwanag samin ni kael habang nakatingin sa laptop nya at nagpipipindot pa rin
"According to me pwede bang tagalog ang usapan natin, para hindi kayo english ng english lalo ka na Kael" sermon naman samin ni bobriel kaya napabuntong hininga na lang si kael, samin tatlo nila dana sya ang madalas na mag-english at medyo hirap sa tagalog
"Ang nakita ko naman ay kung saan ginaganap ang mga g**g wars. Madalas daw sa mga abandunadong buildings or warehouse pero may isang lugar kung saan ginaganap ang mga g**g war ng mga malalaking grupo ng gangster. Yun nga lang walang exact name at place kung saan yun. Hindi ka rin basta basta makakanood ng laban kung hindi ka member ng g**g or wala kang kasama o kakilalang g**g boss" paliwanag naman ni jossel at pinakita nya pa sa amin yung mga picture ng mga naglalaban na gang
"Ang nakita ko naman ay yung tinatanong ni Jossel kanina paano sumali sa isang g**g war. May registration para sa lahat ng gustong sumali sa g**g war maliit na grupo man o malaki basta may kakayahang lumaban at ayon sa internet may challenge pa daw bago makalaban sa totoong g**g war" paliwanag naman ni bobriel, para din palang sa basketball may registration at may try-out bago makapasa at makapasok
"May nabasa pa ako na may mga g**g group daw na binabayaran para manatok, gumanti at pumatay. Binabayaran sila sa malaking halaga para gawin ang mga yan. Karamihan din sa mga namumuno ng g**g ay may mga pasugalan at may mga illegal na ginagawa like pagbebenta ng drugs. Karamihan sa druglord ay miyembro ng g**g upang maproteksyunan sila pero meron ding g**g na mababait bilang nga lang" patuloy na pagpapaliwanag ni jossel
Sino sino naman kaya iyong mabubuti na yon, anong mga kabutihan ang ginagawa nila at sa anong paraan.
Habang nagpapaliwanag sila patuloy lang din ako sa pagre-research hanggang sa makita ko ang top 10 g**g groups sa pilipinas.
"Men tignan nyo ito, nakita ko na ang Top 10 g**g groups sa Pilipinas. At ayon dito ito ang pinakamalalakas at malalaking g**g sa bansa"
Tumingin naman silang tatlo sa laptop ko at pinindot ko na yung website. Lumabas ang site, kulay black ang background medyo nakakatakot ang itsura dahil may dugo dugong design at mga armas.
Top 10- 143 g**g or I Kill You Gang
Top 9- Red b****y Gang
Top 8- SilentKiller Gang
Top 7- Devil Soldier Gang
Top 6- b****y Blood Gang
Top 5- Dark Government Gang
Top 4- GrimReaper Gang
Top 3- AL CRime Gang
Top 2- El Familia Gang
Top 1- MG Tuela
MG Tuela.... Hmm parang may kakaiba akong naramdaman ng mabasa ko ang pangalan na yan pero hindi ko alam kung ano yun.
Halo-halo ang nararamdamn ko, natatakot na kinakabahan na kinikilabutan na namamangha na natutuwa na excited basta hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang nararamdam ko sa grupong MG Tuela.
"Kung sino pa yung mga nakakataas sila pa yung pangalan na hindi nakakatakot at mapagkakamalang g**g, kung tatanggalin ang word na g**g. Dahil simple lang lalo na yung TOP 1 ang MG Tuela"
May point si jossel sa sinabi nya, two letters lang yan pero kailangan na pa lang katakutan at iwasan dahil baka mapahamak kami at hindi ko alam kung nasa mabuti o masama ba ang kinabibilangan ng grupong yon.
"Simple pero delikado sila, two letters lang yan pero mapapahamak ka na pag nakalaban mo sila, kaya mag-ingat tayo sa mga yan" parang kinilabutan ako sa sinabi ni bobriel, kailangan ba namin mag-ingat sa kanila pero hindi naman namin sila kilala
"Hindi naman siguro sila basta basta mananakit ng mga taong inosente katulad natin diba?" tanong ko sa kanila, medyo kinabahan ako dahil baka isang araw makasalubong namin ang mga yan ng hindi namin nalalaman at patulan kami
"Hindi naman siguro wag lang nila tayo pagti-tripan. At lalo na wag natin sila gagalitin para hindi tayo patulan.... Siguro kung may mag-uutos sa kanila na saktan tayo ay sasaktan nila tayo ng walang pag-aalinlangan" madami talagang nalalaman si bobriel sa g**g, saan nya kaya nalaman ang mga yan
"Look at these, nakita ko na ang mga simbolo ng mga g**g group na nasa top 10" pinakita sa amin ni kael yung mga picture ng pagkakakilanlan ng mga g**g groups
Simple but deadly ang simbolo ng nasa Top 5 na g**g groups. Pero lahat ng simbolo may knife or sword or g*n na nakalagay talagang katatakutan mo pag nakita ang mga simbolo nila lalo na pag kilala mo ang mga g**g group sa bansa.
"Bakit kaya hindi natin subukan sumali, diba sabi nung apat na lalaki kanina may bagong laban para sa mga katulad nating bata sa g**g war. Try lang natin para malaman natin kung ano meron sa g**g war" nakangiting suggestion ni jossel samin, napailing na lang ako sa sinabi nya
"Katulad nga ng sabi ni Kael kanina curiousity will kill you baka ikapahamak pa natin yan, at hindi tayo basta basta makakasali sa mga g**g war na yan. Baka ikamatay pa ng isa sa atin kung sasali tayo dyan. Hanggang dito na lang ang maari nating malaman at gawin" seryosong paliwanag ni bobriel at pinatay nya na yung laptop nya.
Tama naman sya baka mapahamak pa ang isa sa amin or worse ikamatay pa namin kung hindi pa kami titigil usisain ang tungkol sa mga g**g na yan. At tsaka wala kaming laban sa kanila skills man kami pero sigurado akong mad magagaling ang mga yun sa amin.
"Alam nyo po parang nakita ko na ang simbolo ng top 1 at top 3 g**g groups hindi ko lang maalala kung saan, kailan at kung kanino" pagsingit ni kael kaya napatingin kami sa kanya dahil sa sinabi nya, nakakunot ang noo nya at napapakamot sya sa kilay at sentido nya ibig sabihin may iniisip sya o nag-iisip sya
"Sigurado ka ba? Kung ganun kung saan mo man nakita ang simbolo na yan ibig sabihin kabilang sya sa mga g**g group at ibig sabihin delikado sila"
Kung nakakita nga si kael ng ganung simbolo kailangan pala namin mag-ingat dahil medyo malapit lang samin ang taong yun.
"Alalahanin mo Kael, para maka-iwas tayo sa mga taong yun dahil baka mapahamak tayo. Marunong man tayo lumaban pero hindi tayo bihasa katulad ng mga gangster na yan" paliwanag samin ni bobriel, natahimik kaming lahat at halatang may kanya kanyang iniisip
Pero napa-isip din ako sa sinabi ni jossel, ano kaya meron sa mga gangster at ano ang ginagawa sa mga g**g war. Katulad ba yun ng mga away kanto lang o baka mas brutal pa dun.
Sobrang delikado nga ba ang sumali dito? Ano kaya ang mga ginagawa ng mga g**g tuwing walang g**g war? Simpleng tao din kaya sila kagaya namin at simple din kung mamuhay? Paano kaya ang mga Pamilya nila gangster na rin na tulad nila?
Nagulat na lang kami ng bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napabaling dun ang atensyon namin tapos pumasok ang dalawang kapatid ko.
"Kuya let's eat din---" hindi na natuloy ni dana ang sasabihin nya ng makita ang mga kasama ko natulala sya sandali bago yumuko sa hiya at pinaglaruan na ang daliri nya
Sa mga kasama ko nga ba sya nahiya o sa isang tao lang, tumingin ako kay bobriel tapos umiwas sya ng tingin sakin nang magtama ang tingin namin tapos yung dalawa naman ay nakangisi lang na nakatingin sa kanya.
Iwas pa more hahahaha!
"Hi kuya's! We don't know that you're here but i'm happy to see you all, let's play basketball later" masayang pag-aaya naman ni david sa mga kasama ko, dumiretsong pasok sya sa loob ng kwarto at sumilip sa laptop ko kaya sinarado ko agad
"Let's go guys, wag natin pag-intayin ang pagkain, lalo na si mommy" tumayo na ako, kaya tumayo na rin sila nauna na akong lumakad sa kanila at hinila na palabas ang kakambal ko at si bunso
Baka makita pa nila ang mga ginagawa namin at magsumbong kila mommy mapapagalitan ako sigurado tapos maba-ban sa internet at maga-grounded.
Pagdating sa kusina nandun na ang lahat, naupo na kami pero konti lang ang kinain namin dahil busog pa naman kami dahil sa kinain naming unli kanina, mas kinain namin ang dessert para tanggal umay.
Pagtapos namin kumain ng dinner, nagpahinga lang kami saglit bago maglaro ng basketball para lang mapagbigyan si bunso pero sandali lang naman kami naglaro tapos umuwi na rin silang tatlo agad.
Pagkatapos ko sila ihatid sa labas pumasok na rin ako sa loob ng bahay sa kwarto ako dumeretso, naglinis lang ako ng katawan bago mahiga sa kami at inisip ko ang tungkol sa mga g**g hanggang sa makatulog ako.
****************
End of Chapter 9:
A g**g?
Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!
Please Vote and Comment down below.