MAN IN MASK
Mikael POV
Napapaisip pa rin ako hanggang ngayon kung saan ko nakita yung simbolo ng top1 and top3 Gangs, hindi ko malaman kung sino at saan pero alam kong nakita ko na ang mga yun.
Haaaays!
Nasa park kami ngayon magpipinsan, hinihintay ang iba naming mga kaibigan na dumating para sabay sabay na kami pupunta sa pavillion nila kuya jameson.
MG Eco Park!
Nakaupo kami sa bench, kuya jossel then me then kuya jameson and ate dana, one week na rin ang nakalipas ng malaman namin ang tungkol sa mga g**g.
"What's new?" I ask them while we're waiting to others, late na naman ang mga yun sa bagay mas malapit kami sa park na ito kaya lagi kami ang nauuna sa mga kaibigan namin
"Nothing but Dana's knew what our research all about last time, she saw the website in my laptop and you know the twin radar is always on"
Natawa kami sa huling sinabi ni kuya jameson, sakin nila nakuha ang word na yun. Tuwing nag-uusap usap kasi kaming tatlo bigla bigla na lang susulpot or sisingit si ate dana tapos kasali na rin sya sa usapan, kaya sabi ko the twin radar is on.
"I knew it!... We can't hide something to her because the twin radar is always on and she know when we talking something different" natatawang paliwanag naman samin ni kuya jossel
Mabilis kasi makaramdam si ate dana lalo na pag kaming tatlo lang magpipinsan ang nag-uusap alam nya agad na may kakaiba na kaming pinag-uusapan. Pero sa tingin ko lahat naman kami mabilis makaramdam ng kung ano ano sa paligid namin.
"What's on your mind to research about a g**g hmm?" mataray na tanong ni ate dana samin, alam nya na delikado ang g**g at ayaw nya na may mapahamak sa amin o masaktan
CURIOUSITY!
"Last time we ate at samgyup city, we heard the four men talking about the underground g**g wars... The curiousity build on us then we planned to research about g**g and g**g wars" kinuwento ko kung ano ba ang nangyare at bakit kami nagresearch about g**g, wala naman problema sa amin kung malalaman nya
Kahit sino naman ay mapapaisip pag nakarinig ng salitang g**g lalo na sa panahon ngayon parang hindi na kapani-paniwala na may mga g**g pa rin hanggang ngayon pero ang totoo ay meron pa nga talaga.
"Sorry na late ako, kanina pa ba kayo rito? Wala pa rin ba sila Lawrence?" biglang sulpot ni kuya bobriel na kinagulat namin, hindi nya naman napansin na naupo sya sa tabi ni ate dana
Napangiti ako ng palihim at umiling ng kaunti bago tumingin sa kanya.
Alam naman namin kung ano ang nararamdaman ni kuya bobriel kay ate dana pero hindi lang namin masyadong pinapansin dahil bawal pa magboyfriend si ate dana at alam nya yun.
"You know them late as always nothing new, but why are you late this time?" palagi namang late sila clarken kahit saang lakad namin lalo na ang magpinsang lawrence at jairus, kaya hindi na bago sa amin yun
"Nothing new too, pahirapan magpaalam sa bunsong kapatid dahil gustong sumama sa akin, kuya's girl kasi si Briana" paliwanag naman ni kuya bobriel samin, lagi yan ang rason nya pag late sya sa usapan na nakasanayan na rin namin
"Andrea too, she want to come with me earlier. I think let's make a plan that our siblings can come with us in our hang-out"
Kailangan na talaga namin magplano para hindi magtampo ang mga nakababatang kapatid namin sa amin dahil kami na lang palagi ang nagba-bonding hindi na namin sila nakakasama. At minsan lang mangyare na magsama sama kaming lahat kaya dapat na kaming magplano.
"I think that is a good idea. Even Jana and David wants to come with us, earlier" pagsang-ayon ni kuya jameson sakin, palagi na lang din nasa bahay ang mga kapatid namin at bihira na namin maka-bonding
"Sa bahay na lang nila Jameson tayo magbonding tutal bahay nila ang pinakamalaki sa ating lahat sumunod lang yung bahay nila Kael" pagbibiro pa ni kuya jossel at nagtawanan kami
Pero totoo naman yung sinabi nya mas malaki ang bahay nila kuya jameson sa bahay namin at sa kanila ang pinakamalaking bahay sa amin lahat.
Engineer at Architech ba naman ang magulang mo talaga mapagpaplanuhan nila ng maganda ang bahay nila tsaka mayaman si tito red kaya malaki ang bahay nila, well mayaman din naman sila didi pero mas mayaman sila tito red.
"Sure why not... There's no problem with my parents, if we do that" pagpayag ni kuya jameson na akala mo sya may-ari ng bahay nila at nakapagdesisyon na agad sya hahahaha
"Nandito na kami, sorry natagalan traffic pag labas ng village may ginagawa kasing kalsada" pagsulpot naman ni clarken na kasama si ate gail
"Wala pa si Gab?... Sabi nya kanina malapit na daw sya dito" nakita ko sa gilid ng mata ko na pasimpleng tumingin sakin si ate gail pero hindi ko sya tinignan pabalik
"I'm here! Sorry I'm late there's a road construction on the way here" pagsulpot ni gab sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya
Napansin ko na medyo hinihingal pa sya "You can take a sit first, while we wait for others" tumayo na ako at pinaupo ko sya sa sa pwesto ko, tumabi ako kila clarken na nakatayo sa likuran namin kanina
"Si Gab pinaupo samantalang kaming naunang dumating hindi man lang pinansin" pagpaparinig bigla ni clarken sakin at nakita ko naman sila ngumiti ng mapanukso sakin
Here we go again! Tsk!
"Edi umupo din po kayo!" seryosong sagot ko sa kanya, inggitero talaga para syang babae kung magreklamo
"Patay ka Clarken, purong tagalog ang sinabi ni Kael badtrip na yan" pananakot naman ni ate gail sa boyfriend nya na halatang kinabahan naman
"Sorry na Kael, biro lang naman yun. Wag ka na magalit" paumahin ni clarken sakin halatang natakot, kaya nagtawanan kami
Ewan ko ba pag nagseseryoso na kaming magpipinsan eh kinakabahan at natatakot na sila. Nasa pamilya na siguro namin ang ganung aura pag nagseryoso na natatakot na yung kaharap namin. Halimbawa na lang si mimi pag nagseryoso na sya natatakot na kami magkakapatid at pati si didi takot na din.
"We are here! Sorry late kami sobrang traffic malapit sa labas ng village nila Clarken"
Pagdating naman nila lawrence kaya napatingin kami sakanya at kasama nya lia at jairus.
"Sinisi mo pa yung traffic eh palagi naman kayong late magpinsan dinamay nyo pa si Lia sa pagiging late nyo" sermon sa kanila ni clarken na akala mo naman hindi late dumating, eh silang tatlo nga ang dakilang late samin magkakaibigan
"Tama na yan, tara na tayo na---" napatigil si kuya bobriel sa pagsasalita ng biglang sumingit ako
"Kayo na daw Ate Dana sabi ni Kuya Bobriel" panunukso ko sa kanilang dalawa, nagtawanan naman sila kuya jameson
Nakita kong nahiya silang parehas at sinamaan ako ng tingin ni kuya bobriel, matatakot sana ako kaso namumula tenga nya gusto ko tumawa pero pinipigilan ko lang.
"Stop it Mikael, that's not funny" sita sakin ni ate dana na hindi makatingin sakin dahil mahahagip nya ng tingin si kuya bobriel
"Im not joking ate... Kuya Bobriel are you joking? I think you're not" patuloy na panunukso ko sa kanilang dalawa, nakakatuwa lang kasi silang tuksuhin talagang parehas pa sila nahihiya tapos tatahimik
"Stop it guys. We need to go to the pavillion before you three going to rumble" pag-awat sa amin ni kuya jameson na medyo natatawa pa
Wala naman sa kanya kung tuksuhin namin yung dalawa, minsan nga sya pa ang nangunguna sa panunukso sa kakambal nya.
Kaya tumigil na ako sa panunukso sa kanila at nakikita ko na rin kay ate dana ang itsura ni tita rain pag naiinis na at pag hindi pa ako tumigil malalagot na ako sa kanya.
Nagpunta na kami sa pavillion at pagdating dun, nagkanya kanya na kami ng pwesto. Kaming magpipinsan magkakatabi sa mahabang sofa, sina gab, ate gail, at ate lia naman ang magkakatabi sa isa pang sofa sa gilid namin, nasa sigle sofa naman si bobriel at lawrence sa tapat namin, sina clarken at jairus ay nakaupo sa bean bag sa gilid nila bobriel.
Dito sa pavillion para syang pabilog na bungalow house pero madaming bintana, may sariling CR at kusina, walang aircon pero tatlong electric fan na minsan lang gamitin dahil mahangin naman dito. Binigay na sa amin ang pwestong ito ni tito red para daw may tambayan kami. Mayroon na kasi silang bagong tambayan mas malaki dito, may mga picture pa rin sila dito na nakadisplayed pero mas madami na yung picture namin magkakaibigan.
Palagi naman kaming magkakasama pero ang dami pa rin nilang kwento na parang matagal na kami hindi nagkikita kita, nakikinig lang naman kami palagi magpipinsan sa kanila paminsan minsan nagkukwento din kami pero madalas mang-aasar lang kami sa kanila hahahaha.
Puro kwentuhan, tawanan at asaran lang naman ang ginawa namin tuwing magkakasama na parang mga bata, syempre hindi mawawala ang kainan lalo na at kasama namin si lawrence.
.
.
.
MADILIM na ang kalangitan ng magkayayaan kami umuwi habang papalapit kami sa kung saan naka-park ang mga sasakyan, nakita namin na may mga tao na nagtatanggal ng side mirror at gulong sa kotse nila kuya jameson, kuya bobriel at lawrence, magkakatabi kasi ang mga kotse nila, may nagtatangka pa ngang buksan yung kotse ni kuya jameson.
"HEY!" malakas na sigaw ni kuya jameson dahan dahan lang naman kami lumalapit sa pwesto ng kotse dahil baka may mga armas sila
Tumingin naman samin yung mga lalaki sa tingin ko kaedaran lang namin dahil kasing tangkad lang namin sila, akala ko nga tatakbo na sila pag nakita nila kami pero nagkamali ako dahil unti unti silang lumalakad papunta sa amin, nagkatinginan kami magkakaibigan na agad din binalik sa mga kaharap namin.
Lahat sila ay naka-itim simula sa sapatos pataas at nakasuot sila ng black mask na tumatakip sa buong mukha nila mata lang ang nakikita sa kanila.
Nang tumigil kami sa paglapit ay tumigil din sila mga ilang dipa ang layo sa amin, pinagmasdan ko sila maigi sigurado ako hindi nagkakalayo ang mga edad namin sa kanila.
"I think this is our first fight, let's show them what we learn with Coach George" mahinang paliwanag ni kuya jameson na sakto lang para marinig namin magkakaibigan
Tumango lang kami bilang sagot at tinago namin ang mga girls sa likuran namin, humarap na sila sa mga lalaki tapos humarap muna ako sa girls.
"Stay here in our back girls, we got them" pagkatapos ko magpaliwanag ay humarap na din ako sa mga lalaki, sakto lang ang bilang nila sa bilang naming mga boys
"Be careful Kael, please don't get hurt" rinig kong bulong ni gab sa likuran ko, pasimple akong tumingin sa kanya mula sa balikat ko at tumango
Gusto kong mangiti ang sarap kasi sa pakiramdam nung sinabi nya pero hindi pwede, hindi ito ang tamang oras para kiligin.
Pagtingin ko ulit sa mga lalaki ay may napansin akong parang nakikilala ko at tinitigan ko ito mabuti kung sya nga yun. Tayuan, itsura at kulay ng buhok, korte ng katawan at tangkad.
Madalas na tahimik lang ako na parang walang pakialam pero hindi nila alam na pinagmamasdan o pinag-aaralan ko na ang mga taong lumalapit samin o sakin at ang mga taong nasa paligid ko na walang nakakapansin.
Habang nakatingin ako sa kanya gumagana na ang utak ko para tukuyin ang taong iyon. Inisip kong mabuti kung sya nga ang nasa harapan namin, ilang segundo pa ang lumipas bago ko matukoy kung sino yun.
"Are you a thief..... Arwin?" pagkakakilala ko sa lalaking nasa gitna na parang leader nila
Sinundan naman nila kuya jameson yung tingin ko at pinakatitigan nila ito.
"Wala kang pakialam, lagot kayo sakin ngayon" pagkumpirma ni arwin sa sarili nya na kinagulat ng mga kasama ko sabay hakbang palapit samin
Shit! I knew it!
Napahakbang kami patalikod ng umabante din ang mga kasama nya dahil dun may napansin ulit akong bulto sa kanila.
"You too..... Luis and... Lexter?" gulat na tanong ko ng makilala ko sila lex na nasa harapan ko at katabi nya si luis
Mas nagulat pa kami ng magtanggal sila sabay sabay ng mask, the badkids and....
Hindi maari ito, hindi ako makapaniwala na kasama sya sa grupo nila arwin dahil kilala ko ang magulang nya at kaibigan iyon nila mimi. Sobrang bait ng magulang nya tapos mapapasama lang sya sa mga kaaway namin, alam ko naman na hindi kami okay na dalawa pero hindi talaga ako makapaniwala ngayon.
"Ambriel?"
"Kilala mo sya Ambriel?" tanong ni arwin kay ambriel na ngumisi habang nakatingin sakin
"Yes!... Daddy nya ang tumayong papa ko nung mga bata pa kami akala kasi ng daddy nya anak nila ako ni mama pero niloloko lang sya ni mama tsk! Tanga kasi ang daddy nya"
Naikuyom ko ang kamo ko sa inis dahil sa sinabi ni ambriel. kailangan ba talagang ikwento nya pa ang tungkol dun, hindi ba sya nahihiya sa mga makakarinig at makakaalam ng pangyayareng yun.
Ako tuloy ang nahiya sa mga sinabi nya, wala pa naman alam ang mga kaibigan ko tungkol dun napabuntong hininga na lang ako at napailing.
Mabuti na lang hindi na nagtanong ang iba tungkol sa issue na iyon, masyado na kasing pribadong pag-usapan yun. Kahit sila mimi at ang mga kaibigan nila hindi na pinag-uusapan ang tungkol dun pero sya ang lakas ng loob nyang ipaglandakan.
"Ibalik nyo sa amin yang mga kinuha nyo sa kotse namin, para maka-alis na kami... Hindi na namin kayo isusumbong basta ibalik nyo ang mga kinuha nyo" pakikipag-usap ni kuya bobriel sa kanila pero tumawa lang sila ng sabay sabay
Nababaliw na talaga sila.
"Kahit magsumbong kayo wala kami pakialam at sinong maniniwala sa inyo wala naman kayong ebidensya" pagmamayabang ni arwin, hindi na talaga mawawala sa katawan nya ang kayabangan
Napatingin ako sa paligid tsaka ko lang naalala na wala nga palang cctv sa pwesto namin ngayon at may kadiliman kaya pala malakas ang loob nila magnakaw.
"Okay keep that sidemirror to you and go away, we will go home now... Let's go guys"
Pinabayaan na lang ni kuya jameson yung mga sidemirrors para wala na lang away sa pagitan namin at wala nang mapahamak pa.
Dating gawi hindi na lang namin sila papatulan at papabayaan na lang namin sila kahit na gusto na patulan nila lawrence dahil kanina ko pa sila nakikita na nakatiim bagang pero kailangan nilang magtimpi at pigilan ang galit nila.
Naglakad na kami papunta sa gilid para dun dumaan dahil nakaharang sila sa gitna pero agad din kaming napatigil ng harangin nila kami.
"Hanggang ngayon ba naman mga duwag pa rin kayo at takot makipaglaban sa amin? Mga bakla ata kayo" pang-aasar sa amin ni luis, wala naman maasar sa amin ewan ko na lang kila lawrence
"Mabuti na yung duwag kesa pumatol sa mga kagaya nyong feeling mayaman, magnanakaw naman pala" biglang sagot ni lawrence sabi na nga ba papatulan nya ang mga ito, yun na ang kinainit ng ulo nila arwin kaya naman sumugod sila agad sa amin
Pasaway talaga si lawrence, mapapasabak tuloy kami ngayon, hinanda ko na ang sarili ko sa pag sugod nila sa amin.
Akala ko nung una si ambriel ang makakatapat ko pero nagulat ako ng si lex ang nasa harapan ko.
Sumuntok sya ng sumuntok pero inilagan ko lang ang mga yun, nang makatyempo ako sinuntok ko sya sa tagiliran nya kaya napaatras sya pero agad din sumugod ulit, nagsuntukan na kami parati ko man sya natatamaan pero natatamaan nya din ako pa minsan minsan.
Habang nagkakagulo kami may nakita akong lalaking naka-mask na black at red sa may taas ng puno na nanonood sa amin, ilang beses ko na syang nakikita na nakatingin sa amin, binabalewala ko lang pero anong ginagawa nya dito ngayon.
Ouchhh!
Nasuntok ako ni lex ng malakas sa braso, ang sakit nun kaya napatingin na ulit ako sa kanya, susuntok ulit sya ng saluhin ko ang kamao nya at iikot ang braso nya papuntang likuran nya.
"Why are you doing this?" galit na tanong ko pero hindi sya sumagot at tinapakan ako sa paa kaya nabitawan ko sya
Shit!
Hindi ko na hinayaang sumugod sya, inunahan ko na sya ng suntok sa dibdib sabay sipa sa tiyan nya ng malakas kaya bumagsak sya at namilipit sa sakit.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko nakita ko na may mga pasa sa mukha si lawrence, hawak naman ni clarken ang tiyan nya ganun din si jairus, si kuya bobriel naman hawak nya tagiliran nya at sina kuya jameson at jossel may dugo sa labi halatang dun sila nasuntok.
Tumingin naman ako kila arwin nakita ko putok ang labi nya at kilay nya, sina victor at marlon ay nakaluhod na at parehas hawak ang binti at tagiliran, sina mark at ambriel naman ay nakahiga at namimilipit sa sakit sa tiyan, si luis naman hawak ang braso at may pasa sa mukha.
Lahat kami pagod na pagod, hinihingal at may iniindang sakit, nakakapagod din pala makipag-away halos lahat ng lakas mo mauubos tapos masasaktan ka pa. Dahil sa nangyare ayoko na makipag-away pa ulit pero alam kong hindi maiiwasan ang mga ganitong pangyayare.
"I told you last time don't push us to our limit but you didn't listen to me, so that's your consequence..... Let's go guys" nauna nang lumakad si kuya jameson papuntang kotse nya sumunod naman agad kami sa kanya, masama pa nga ang tingin nila sa amin nung dumaan kami sa harapan nila
Face your consequence badkids!
Pinasabay na namin sina gab, gail at clarken sa kotse ni bobriel dahil nagtaxi lang sila papunta rito. Hindi na rin namin kinuha yung mga sidemirror na hawak nila arwin dahil baka magkagulo pa ulit kaming lahat.
Bumyahe kami ng tahimik walang nagsasalita at walang pansinan kaming magpipinsan, hindi namin talaga akalain na mapapalaban kami kanina.
Pagdating namin sa bahay nila kuya jameson nagulat pa kami ng makita namin sila mimi at sila tito renz, napatigil pa kaming apat sa pagpasok magtatago pa sana kami pero huli na at napansin na nila kami.
"What happen to your faces?" nag-aalalang tanong ni tita joyce pagkakita sa amin, naglapitan naman sila mimi sa amin
"My God! What happened?" ganun din si tita rain tapos inakay kami papuntang sala at pinaupo tsaka tumabi samin
Nag-aalalang tumingin sakin si mimi at hinawak ang braso ko sakto pa kung saan ako sinuntok ni lex.
"Ouch! Mimi it's hurt" daing ko, napabitaw naman agad sya at tinignan ang mukha ko kung may pasa pa
Nagkatingan sila mimi at mga tita at tito namin, sabay sabay sila napabuntong hininga. Tumayo si tito red papunta sa kusina pagbalik nya may dala na syang first aid kit at inabot yun kay tita rain.
Sinimulan na nila kami gamutin, nilagyan ni mimi ng benda yung braso ko at nilagyan ng ointment yung maliliit na pasa ko sa katawan habang ginagamot kami walang nagsasalita, sobrang tahimik namin lahat hanggang may nag ring na phone.
"Bob is calling, sagutin ko lang sandali" paalam samin ni tito renz tsaka sya pumunta sa kusina
Nagkatinginan naman kaming apat na magpipinsan, siguradong tungkol yun sa mga sugat na nakuha ni bobriel.
Tapos na kaming gamutin ng mga mommy namin ng bumalik si tito renz at kinausap muna sila didi at tito red tsaka tumayo sa harapan namin magpipinsan.
"Sabi ni Bob may mga pasa din daw si Bobriel, tumawag din sila Jacob may mga tama din daw ang mga anak nila nung umuwi" paliwanag ni tito renz na nakatingin sa mga mommy namin na halatang nagulat sa mga narinig nila
Alam naman namin yung dahilan na pagtawag nila dahil magkamasama kami nakipag-away kanina, pero kinakabahan pa rin kami at natatakot na baka kami ang pagalitan nila mimi dahil lagi nila pinapaalala samin na umiwas sa g**o.
"So what happened kids? Bakit nakipag-away kayo?" nag-aalalang tanong ni tito red samin at tumingin sya sa kambal sila ang matanda saming apat kaya parang responsibilidad nila magpaliwanag
Si kuya jameson na ang nagkwento pero hindi nya sinabi na kakilala namin ang naka-away namin kanina dahil siguradong magkakagulo din sa school guidance pag nagkataon tsaka para hindi na lumaki ang g**o kami na lang ang magpapasensya na lagi naman namin ginagawa.
Habang nagkukuwento si kuya jameson, nakita ko ang mga gulat sa mga itsura nila mimi at galit naman kila didi at pare-pareho silang hindi makapaniwala sa nangyare kahit kami ganun din. Pagtapos magkwento nagtinginan silang lahat bago tumingin ulit samin.
"Bakit hindi man lang kayo tumawag sa amin nung may pagkakataon kayong tumawag lalo ka na Dana" sermon sa amin ni tito red pero nandun pa rin yung pag-aalala sa mukha nya
"Daddy nawala na sa isip ko dahil sa pag-aalala sa kanila, hindi ko alam ang gagawin ko first time mangyare samin yun" paliwanag naman ni ate dana na halatang natatakot pa rin, hindi sya sanay sa away parang si tita rain
"I'm sorry, are you okay my princess?" nilapitan naman sya ni tito red at agad na niyakap, alam kasi nila na ayaw ni ate dana ng away o gulo
"I'm a little bit scared but I'm okay now daddy" yumakap din sya kay tito, nabigla lang siguro si ate dana sa nangyare samin kanina
Lahat naman kami nabigla dahil ang saya saya namin kanina tapos bigla kami mapapa-away at mapapalaban dis oras ng gabi, ang masama pa yung kaaway pa namin sa school ang nakalaban namin.
Napatingin naman ako kay didi ng maupo sya sa mga paa nya sa harapan ko at pinasadahan ng tingin yung braso kong may benda at ang mga pasa ko bago tumingin sa mga mata ko.
"How about you little buddy, how are you?" pag-aalala nya sa akin, ngumiti ako sa kanya para hindi na sya mag-alala pa, ayoko sa lahat yung malungkot at nag-aalala sila sakin lalo na si mimi
"I'm fine didi, my left arm is hurt but I'm okay" niyakap naman nya ako pagtapos ko magsalita, I feel safe and relax now
Thanks for the hug didi!
"We need to report this incident to the police, call Gabriel now love" utos ni tita rain kay tito red na agad naman sumunod sa kanya
Pero bakit sa dami ng pulis na kakilala nila sa daddy pa ni gab tumawag pwede naman sa ninong ni mimi si lolo tim okaya sa kahit sa hindi namin kakilala.
Eh bakit ba parang issue sakin yun, hindi naman nila ipapatawag si tito gabriel para sakin kundi para makausap nila tsaka malamang si tito gabriel ang tatawagan nila dahil kaibigan nila yun. Napailing na lang ang sa mga naiisip ko.
"Okay naman kayong lahat magkakaibigan, Jossel?" tanong naman ni tito renz kay kuya jossel at tumabi din sya dito
"Yes dad, hindi naman po kami napuruhan" sagot ni kuya jossel habang nakayakap kay tita joyce na hinahaplos ang braso nya
"But we proud of you kids! Prinotektahan nyo ang isa't isa lalo na ang mga babae, pero sana hindi na mauulit ito maliwanag?" tumabi na sakin si didi, kinandong nya ako at niyakap na para bang sa ganon nya ako mapoprotektahan
Okay na yung sinabihan kami ni didi na proud sila sa amin, nakakataba ng puso para bang isang achievement ang nakuha namin. Kahit na mali ang ginawa namin pakikipag-away.
"Yes Didi!/ Yes Tito Drei!" sagot namin magpipinsan
Sana nga hindi na maulit ayoko na din mapalaban lalo na kung makakaharap namin sila arwin, tsaka sana tigilan na rin nila kami para hindi na masundan ang mga ganitong pangyayare.
"Kumain na muna tayo, alam namin na gutom na kayo kaya tara na sa kusina" aya samin ni tita rain, tinawag nya na rin yung mga kapatid namin na nasa movie room pala nila
Nagulat pa nga ang mga kapatid namin at nag-alala din sila ng makita kaming ganito may sugat at pasa pero sinabihan namin sila na wag mag-alala dahil okay lang kami tapos niyakap at hinalikan nila kami kaya nabawasan ang pagod at sakit na naramdaman ko.
Pagtapos namin kumain dumating na sila tito gabriel nagulat pa ako ng kasama si gab, dumeretso na sila sa sala at pinatawag naman kami ni tito red para makipag-usap kay tito gabriel.
"Anong nangyari sa kanila?" gulat na tanong ni tita yasmin kila mimi pagkakita sa amin
"Wala pang naikukwento si Gab sakin pero nabanggit nya na napa-away nga daw sila Kael"
Sa dami namin bakit yung pangalan ko pa yung sinabi ni tito gabriel, napayuko tuloy ako sa hiya.
"Are you okay Kael?" nag-aalalang tanong ni gab sakin
Napatingin ako sa kanya na nasa tabi ko lang, nakatingin sya sa braso kong may benda tapos bigla nyang inangat ang paningin sa mukha nagulat pa ako pero hindi ko pinahalata.
"Yes I'm okay now, don't worry thanks for your concern" nginitian ko sya at ngumiti din naman sya sakin
One smile of yours and i'll fine.
Sila didi na lang ang nagkwento kila tito gabriel nakikinig lang kami sa usapan nila. Halata naman na nagulat sila sa nangyari sa amin at kinamusta kaming lahat.
"So ano ang pwede natin ikaso sa mga gumawa nito sa mga bata kung sakaling mahuli ang gumawa nito sa kanila?" tanong ni tito red, handa talaga sila magsampa ng kaso sa nangyare, kahit sino naman siguro yun ang gagawin
"Robery, child a***e at physical injurie pwede pa yun madagdagan pag lumabas yung mga nabiktima pa nila" paliwanag ni tito gabriel, madami din palang pwedeng ikaso sa kanila yung nga lang mga under age pa sila
"Sa tingin po namin ka-edaran lang po namin ang mga iyon" pagsingit ni kuya jossel sa usapan, napatingin naman sila samin na parang nakakagulat ang sinabi ni kuya jossel
"Nako mahirap yan kung mga bata pa pala yung naka-away nila, hindi pa sila pwedeng makulong pero pwede silang dalhin sa DSWD or sa boys town" paliwanag ulit ni tito gabriel, bagay sila arwin sa boys town dahil nandun ang mga ka-uri nila mga napariwarang bata
"Sige hanggang dito na lang pare, salamat sa oras mo sana matulungan mo kami mahanap ang gumawa nito sa mga bata" nagtinginan kami magpipinsan sa sinabi ni tito red desidido talaga siyang magsampa ng kaso
"Welcome! Basta sabihan nyo lang ako pag kailangan nyo ng tulong" nakipagshake hand na si tito gabriel kila didi, nakipagbeso naman si tita yasmin kila mimi
"Goodbye guys! See you on monday take care" paalam na din sa amin ni gab at nagbeso na sya kay ate dana
Umalis na sila gab, nagpaalam na rin kami at sila kuya jossel na uuwi na para makapagpahinga na rin daw kami.
Pagdating sa bahay dumeretso na ako sa kwarto ko nagbihis bago mahiga at napaisip hindi sa nangyare kundi sa lagi kong nakikita.
Sino nga ba ang lalaking yun? Ilan beses ko na syang nakikita na nakatingin samin magkakaibigan sa malayo. Sa training center, sa labas ng school, sa parking lot ng school kahit sa field ng school nakita ko na din sya tapos ngayon sa park.
Nakikita ko sya pag magkakasama kaming magkakaibigan. Sya kaya ang may pakana ng nangyare sa amin kanina? Isa kaya syang g**g at miyembro sya sa top10 g**g groups? Kung ganun saang grupo sya kabilang? At anong pakay nya sa amin magkakaibigan?
Hindi ko na namalayan nakatulog na ako kakaisip at sa sobra na ding pagod dahil sa nangyare samin kanina.
Zzzzzzzzzzzzzz!
****************
End of Chapter 10:
Man In Mask!
Hope you like it! Thank you for viewing and reading! Enjoy the next Chapter!
Please Vote and Comment!