NAGPAHINGA ako kanina sa kuwarto. Doon na rin ako kumain ng lunch ko. So far, wala pa namang nangyayari sa amin dito sa mansyon nina Rage. Payapa pa ang buhay namin at hindi ko alam kung hanggang kailan magiging payapa ito. Huminga ako nang malalim. Hinanap ko si Silver. Nabanggit sa akin ng isang kasambahay na nakasalubong ko na kasama ni Silver sina Rage at Hades sa likod ng bahay. Roon na ako dumiretso. Naabutan ko silang nakaupong tatlo at sa gitnang lamesa ay may mamahaling alak at mga pagkain. Mukhang nagpapalipas pa ng oras ang mga ito bago tuluyang maghiwa-hiwalay. Akala ko pa naman ay masosolo ko na ang asawa ko. “Good evening, gentlemen.” Niyakap ko ang suot kong cardigan dahil naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin bago ako maglakad papalapit sa asawa ko. Hinila ni Si

