THINGS are really different now. Like the world turns upside down in an unexpected way for us. Iniisip ko noon na baka manibago si Silver lalo na’t hindi naman ganitong payapa at tahimik na buhay ang nakagisnan niya. He lived in a world full of violence and adrenaline. Akala ko ay darating ang araw na maririnig ko na lamang sa kanya na pinagsisisihan niyang…pinili niya akong protektahan. But Silver told me he never regretted anything. Sabi niya nga, kung para sa akin ay willing siyang isakripisyo ang lahat para lamang masigurado na maayos ang kalagayan ko, and I’d never felt so happy before that. Ito na iyong buhay na minsan kong pinapangarap kasama si Silver. Iyong buhay na tahimik, payapa, at kaming dalawa lang. Malayo sa gulo at sa madugong mundong ginagalawan namin noon. But I am no

