I’M TREMBLING. Silver is answering calls over the past couple of minutes. Hindi ko alam kung sino ang mga tinatawagan niya. Nakaupo ako ngayon sa kama habang tulala. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggal si Silver sa posisyon niya, but Silver is acting like it wasn’t a big deal. Right now, anyone can just harm us, and no one will protect us. Hindi ko iniisip ang sariling kaligtasan pero iniisip ko ang kay Silver at sa baby ko. Ano na kayang mangyayari sa amin? Nang bumalik si Silver sa kuwarto mula sa balcony ay nagtaas ako ng tingin sa kanya. Napatigil din ito at lumapit sa akin. “Why are you still awake?” tanong niya sa akin. “Hinihintay kita. Isa pa…I don’t think I can sleep.” Sa rami ng tumatakbo sa isipan ko, hindi ko alam kung patatahimikin ba ako nito at makakatulog na l

