Hindi ko alam kung ilang beses na akong tinanong ng class president namin about our plans para sa darating na Valentines Party. Kami kasing mga officers ang naka-assign para sa pagpaplano. So, Araw ito ng mga Puso. Dapat Love is in the Air. For those who are in love. Paano naman kung broken hearted ka? Paano ka magcecelebrate?
“Ha? Ano nga iyong sinasabi mo Kristel? I’m sorry, wala kasing nagsisink-in sa utak ko. Pasensya na may problema lang sa bahay kaya di ako maka-focus.” Kailangan kong mag-alibi. Feeling ko ay lumulutang ang utak ko.
“Okay, this meeting is adjourn. Bukas na lang natin i-finalize ang plans natin for the event. Siguro naman okay ka na bukas Rhiane? I’m sorry, but we have to finished this until tomorrow.” Salamat na lang maunawain ang class president namin. Wala talaga ako sa mood. Why am I being broken hearted eh wala naman akong jowa? Ang weird. Ni hindi ko pa nga nasisigurado na may something between Caloy and Shirley. Ang hirap mag-isip ng mga bagay na hindi mo pa confirm pero pakiramdam mo ay totoo naman talaga. And speaking….papalapit na siya. Paano ba ako babati. Hello! Hi! Musta?! Bahala na nga.
“Panget, samahan mo naman ako mamaya. After class. Hindi kasi ako makapili at hindi ko din naman alam ang bibilhin. Okay lang?” Si Caloy na naman. Bakit ba parang walang nangyari kahapon? Sabagay, wala naman nga talaga. Ako lang naman ang apektado. Be natural self. Kaya mo to. Push lang.
“Sige ba. Saan ba? At ano bang gagawin ko? At ano yung pipiliin? Wag naman sobrang dami ng choices ah..weakness ko kasi ang multiple choice.” I tried to tell a joke. Hoping na matatawa sya. And boom, natawa nga sya. Everything goes back to normal, I think. Siguro nga move-on, move-on na lang. I don’t know kung gaano katagal pero alam ko makakamove-on din ako.
Lumipas ang maghapon na okay naman kaming tatlo. Nagkukuwentuhan, sabay-sabay nag-recess at nag-lunch. Uwian na. Nauna ng umuwi si Shirley sa amin. May bisita daw sila kaya need niyang umuwi nang maaga. So, kami ni Caloy, itinuloy ang plano na samahan siya at tulungan sa sinasabi niya kanina.
“Gift shop!? Anong malay kong pumili ng regalo? Hindi ako sanay na nireregaluhan ha. Sanay lang ako na inililibre.” Bakit kasi nasa Gift Shop kami. Ano yun? Ako ang pipili ng regalo nya para kay Shirley sa Valentines Party namin. Wow!!! Ang hirap maging friend ng mahal mo na may mahal na iba.
“Sa palagay mo, alin ang magndang pangregalo?” Ano ba naman ang mokong na to? Sa akin pa talaga nagtanong. Hindi ako makakasagot nang ayos. Wala ako sa mood. “Sige na, alin ba dito ang maganda sa palagay mo?”
“Importante ba ang opinion ko? I mean, kahit ano naman ang iregalo mo, magugustuhan niya yan. Kasi galling sa puso at sincere. Mas importante ang intensiyon kaysa sa mga bagay na ibinigigay. Kaya, ikaw na ang bahalang pumili.” Kahit ano naman ang regalo, basta galling sa taong mahal mo ay maganda at talagang ite-treasure. Kung ako ang reregaluhan ni Caloy, kahit yata yung pinakamurang panyo, tatanggapin ko at baka i-frame ko pa. But,I’m sure, para kay Shirley yun. How lucky Shirley is para mahalin ng tulad ni Caloy. He’s a man of everything, not with the material things, pero yung buong pagkatao nya. Napakaswerte ng babaeng mamahalin nya. Napakaswerte ni Shirley. At ako..maswerte din na magkaibigan kami.
Hindi ko din naman natulungan si Caloy sa regalong bibilhin niya. Pero alam ko may napili na siya. Habang papalapit ang aming Valentines Party, palungkot naman ng palungkot ang nararamdaman ko. Feeling ko, there is something extra ordinary that will happen sa party. Aabangan ko na lang kung ano ba iyon.