Chapter 4

634 Words
Valentines Party na. Tulad ng napag-usapan naming magkakabarkada, kina Shirley ang meeting place at doon na din mag-aayos ng mga sarili. Sabay-sabay pupunta sa venue. Napakagwapo ni Caloy sa suot niyang simpleng long sleeves na maroon at black na pants. Si Shirley naman napakaganda niya sa suot niyang dress na kulay pula na ang haba ay hindi pa umabot sa ibabaw ng tuhod. In love na in love ang awra. At ako? Bakit ba kasi ito ang napili kong damit? Para naming pang-opisina. Kulay brown pa. Hindi ko alam kung bagay sa akin. Hindi naman ako sanay magsuot ng ganitong mga kasuotan. Medyo nakakaasiwang kumilos. Kaya lumayo muna ako para samahan ang mga kapwa ko officers. “Nice. Bagay pala sa iyo ang naka-make-up eh. Ang cute mo. Bagay din sa iyo ang damit mo ha. Dapat laging ganyan ang datingan.” Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may magsalita sa aking likuran. At kahit yata nakapikit ako, makikilala ko ang boses na iyon. Si Caloy. Tama ba ng nadinig ko. Pinupuri nya ako sa suot ko. Kilig ng konti. Hindi ko na namalayang nakasunod pala siya sa akin. Gusto ko lang naman ng space between them. Kaya lang pagharap ko nakita kong kasama niya si Shirley. And what would I expect? Pilit akong ngumiti at pinilit ko ding magbiro. “Ano ako papasok sa school na naka-dress at naka-make up? Hindi na. Eh di nagtrending ako sa school?” With matching pilit na tawa. Para di masyadong obvious ang selos. Biglang nagpatugtog si Kuyang Operator ng Love Song. Panira talaga si kuya. Alam ko naman na yayayain niya ni Shirley na magsayaw. Pero tinukso ko pa rin sila. “Uy, Caloy, yayain mo naman si Shirley magsayaw, sayang yung outfit nyo pareho. Pang Mr. and Ms. Valentines kayo.” Ang galling kong umarte. Pero bakit nakakapanikip naman ng dibdib. Yung alam mong obvious na pero nagpapanggap kang wala pang alam. Lahat na yata ng klase ng tugtugin ay napakinggang ko nang gabing iyon. Ang saya-saya nilang lahat. Enjoy na enjoy ang gabi. Niyaya ako ng mga kabarkada naming sumayaw. Hanep ang tugtog. Stupid Love. Siguro nga when you fall in love to the right person, magiging stupid ka din. I’m really stupid falling in love with my bestfriend. Yung linyahan lang ni Jolina kay Marvin sa movie nila. At ito namang si Caloy, bakit ba di ko naisip na hindi naman niya kasalanang hindi ako ang magustuhan. Na nakalaan talaga siya para sa iba..hindi sa akin..kay Shirley. Ang saya na ng aming pagpaparty sa gitna ng sayawan. Bad trip lang itong si Kuyang Operator. Nagpatugtog na naman ng love song. Oo na po, Araw ngayon ng mga Puso. Dapat happy lang. So, ano pa, I decided na maupo na. Kakapagod ding magtatalon habang kumakanta. Nakakagulat lang na bilang may humila ng kamay ko. Si Caloy. “Pwede bang isayaw kita ngayong gabi, Panget?” Shock, as in di ko inaasahan. Buong gabi kaya silang magkasama at magkakuwentuhan. So bakit bigla naman akong isasayaw. Okay na ako eh. Natanggap ko na ng paunti-unti. Kaunting-kaunti na lang. Tapos, bigla heto ka, niyayaya mo akong magsayaw. Favorite song ko kaya yan. “Brown Eyes”.. Kanta ko yan para kay Caloy. Pero di nya alam. Hindi ko alam kung sino ang unang dapat magsalita sa amin. Ang tahimik. Parang hindi ko madinig yung lyrics ng kanta. Tik, tok, tik, tok…Ano na? Magtatanong na ba ako? Ngayon na ba? Wait paano ko ba itatanong na hindi naman obvious? Bahala na. “Caloy…” “Rhiane..” At sabay pa nga kami. Nagbigay ako. “Sige, go ahead, ikaw muna.” Kinakabahan naman ako. Para siyang manliligaw na magtatapat na ng kanyang damdamin. Pero di sa akin.. Ready na ako.. alam ko ready na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD