"Auntie, bakit hanggang ngayon hindi ka pa po nagaasawa?" Tanong ko sa aking Tita. Maganda naman siya,mayaman ngunit bakit tila ayaw niyang mag-asawa? Tumingin ito ng diretso sa'kin at ngumiti. "Because of you Harmony." Malamig at seryosong sagot nito. Halos nakonsensiya ako sa kanyang sinabi ngunit nagtataka ako kung bakit ako ang dahilan. "A-ano p-pong i-ibig n-nyong sabihin tita" nauutal kong tanong. Nakita ko ang biglang pagkalungkot sa kanyang mga mata. Matamlay itong tumingin sa akin. "May lalaki akong minahal ko noon. He's my boyfriend at 5years na kami. Okey naman ang lahat pero nagbago ang lahat nung ipinakilala ko siya sa pamilya ko." Paliwanag nito. "Ayaw po ba sa kanya nila lolo't lola tita?" Tanong ko dito. Umiling ito at ngumiti. "Gustong-gusto nila ang boyfriend k

