Nandito ako sa bahay ng tita ko for vacation. Kanina habang nanonood kami ng tv, hindi naming maiwasang magkwentuhan ni Tita. Close ko si Tita. Kaya hindi talaga kami mawawalan ng kwento sa isa't-isa. Hanggang sa napagkwentuhan namin ang tungkol sa buhay nila dati. Hanggang sa lalong mas lumalim ang pagkwekwentuhan namin. "Liah, may sikreto akong gustong sabihin, sikreto na dapat tayong dalawa lamang ang nakakaalam. Ahm No! Alam nato ng mama mo pati ng mga tita't tito mo. Sa inyong magpipinsan, ikaw pa lang ang dapat makaalam nito. Gusto mo bang malaman?" seryosong tanong nito. Nacurious ako tungkol dito dahil mukhang sikreto ito ng pamilya namin. "Promise tita. Secrets is still a secrets" nakangiting sagot ko dito. Huminga muna ito ng malalim at tsaka nagsalita. "Ang lola at

