"Magandang umaga." bati ng aming guro pagpasok nito sa aming classroom. "Bago tayo magsimula sa ating tatalakayin ngayon, Ano muna ang inyong masasabi sa Henerasyon na kinabibilangan ninyo ngayon?" seryosong tanong nito habang diretsong nakatingin sa'min. Mabilis na tumayo si Alex. Ang aming president at Top1 sa classroom. "Para sa akin, ang henerasyon ngayon saming mga kabataan ay nananatili pa ding pag-asa ng bayan" taas noong sagot nito. Mabilis akong tumayo sa aking upuan at tumingin ng diretso kay Alex. "Pag-asa ng bayan? Masasabi mo pa bang pag-asa ng bayan ang mga kabataan na patuloy na sumisira ng ating bansa na kinalakihan? Na mas inuuna ang kalandian kesa sa paggawa ng magandang kinabukasan? Pati ang mismong sariling wika ay kinamumuhian at mas pinipiling talakayin ang leng

