Kanina nasa bahay ako ng pinsan ko.
Nanonood kami ng Tv sa sala non tapos biglang dumating si Tita. Nakasimangot tapos parang galit HAHA. Dumiretso siya sa kusina. Tapos bumukas ulit yung pinto tapos iniluwa si Tito. Kumaway lang ako sa kanya tapos ngumiti lang din siya sakin tapos pumunta na siya kay Tita na nasa kusina.
"Aysus nagaway na naman 'tong dalawang feeling teenager" sigaw nung pinsan ko HAHA.
Tapos hinila niya 'ko papunta malapit sa kusina.
"Tara panoorin mo kung pa'no sila mag away"
Edi ako sunod naman sa kanya.
Tapos narinig ko si Tita sumigaw,
"Nako Rodolfo! Huwag kang lalapit sa akin kung ayaw mong masaksak kita netong kutsilyo!"
Tapos sumagot naman si Tito,
"Hon, bati na tayo. Please"
Tas sumigaw ulit si Tita,
"Magsorry ka don sa babae mong estudyante!"
Tapos sagot ulit si Tito.
"Hon naman, estudyante ko yon kaya malamang kakausapin ako"
Tapos sigaw ulit si Tita,
"Ang sexy sexy non! "
Tas si Tito biglang niyakap si Tita. Hugback ganon HAHAHA.
"Hon naman, mas sexy ka don. Sorry na. "
Tapos si Tita sumigaw lt HAHAHAHA sabi niya,
"Gago nararamdaman ko yung ahas mo sa likod ko!"
Natawa kami non ih. Nakatago lang kami don sa likod ng Ref kaya 'di kami kita.
Tapos si Tito nagsalita,
"Magusap tayo sa kwarto baby"
Mapapa-sanaol ka nalang talaga sis HAHA.
Tapos sumagot ulit si Tita,
"Nako Rodolfo! Dadagdagan mo na naman yung anak naten!"
Sagot naman ni Tito,
"Hanggang kaya pa, magparami pa tayo baby"
Awit sayo tito HAHAHAHAHAHA.
Tapos sagot naman ni Tita,
"Sige na nga, tara na, baka makita pa tayo ng mga anak mo. Andyan pa naman pamangkin mo!"
Tapos naglakad sila papunta sa taas habang hawak ni Tito si Tita sa bewang tapos si Tita naman pakembot-kembot pa HAHAHAHAHAHA.
Kaya 'di na talaga ako magtataka na sampo na mga anak nila eh HAHAHAHAHAHAHAHAHA sanaol.