Kuhaan namin ng card ngayon. Pinapunta ko si mama.
Nagsimula na ang bigayan.
Gladly, naging mataas naman ang mga marka.
Line of 8 and 9 pero may isang 79.
Syempre nalungkot ako tas nagsorry ako kay mama.
"Ma sorry, di'ko naabot expectations mo" ngumiti lang si mama tsaka kinurot yung pisngi ko.
"Okey lang nak, alam ko namang nagawa mo na yung best mo".
Niyakap ko si mama.
Maya-maya narinig kong humihikbi yung kaklase ko habang kausap niya yung mama niya.
"M-ma g-ginawa k-ko n-naman po lahat" saad ng kaklase ko habang umiiyak.
Nagulat na lang kami nang biglang sumigaw yung nanay niya.
"Sigurado ka?! Masaya kana sa puro line of 8? Ha?! Masaya ka na?! Masyado ka kaseng pakampante! Wala kang kwentang anak! Sana naman naisip mo kami ng papa mo! Puro kasi pagc'cellphone ginagawa mo! "
Sigaw nito tapos hinampas sa anak niya ang hawak niyang report card. Umalis yung mama niya tas naiwan yung kaklase ko na sobra yung pag-iyak.
Napaupo nalang siya tapos nilapitan namin siya. Sobra yung iyak niya.
Tapos sabi niya.
"Hindi ko na kaya. Walang nakaka appreciate ng pagod ko. Ayoko na. ".
There are two types of parents.
First is my mom, never na akong finustrate pagdating sa grade. Basta alam ko yung limitasyon ko.
Second is my classmate's mom, hindi niya matanggap na ganon lang ang nakaya ng anak niya. Gusto niya na maabot nito ang expectations niya.
Hindi naman natin sila masisisi. Pero sana ma appreciate na lang nila yung pagod ng mga anak nila.