"Josh!" tawag ko sa crush ko na kasalukuyang nagsusulat.
Lumingon lang ito sa akin at agad na ibinalik ang atensyon sa pagsusulat. "Nyenyenye ang sungit!" sigaw ko ulit dito.
"Jesiah!" rinig kong tawag sa akin ng kaibigan ko.
Lumingon ako dito at lumapit.
"Sali ka Truth and Dare tas ikaw taya"
Dahil boring ako, sumali ako. HAHAHA.
"Okey! Dare!" sigaw ko sa kanila.
"Sabihin mo kay Josh na bakla siya" bulong sa'kin ni Keith.
W-wait. W-what? Sasabihan ko ng bakla si Josh? No!
"Ayawq!" Pagtutol ko dito.
Aalis na sana ako ng biglang hinila ni Keith ang braso ko.
"May price" pangaakit na saad nito.
Waaahh? May price? Go sige.
Agad akong lumapit kay Josh
"Hoy Josh! Bakla ka!" sigaw ko dito.
Nanlaki naman ang mata nito sa sinabi ko.
Tumayo ito at hinarap ako.
"Anong sabi mo? Paki ulit nga? "seryosong saad nito.
"A-aa a-ano" kinakabahan nakoooo HAHA.
Naalala ko ulit yung price kaya agad inilabas ng mga bibig ko ang salitang, "Bakla! Bakla ka Josh! Bak--" napatigil ako sa pagsigaw ng bigla niya akong hinalikan. Tengene. Ang init ng mga labi niya.
"So tell me! Bakla ako?"
"J-josh"
"Tell me!"
"Oo bakla ka!" sigaw ko ulit at bigla ulit akong hinalikan nito . Wahhhh jusko lorddd.
Natulak ko naman ito at agad na naghiwalay ang aming mga labi. "B-bastos!" Sigaw ko dito.
Napatawa naman ito.
"Papanagutan kita Jesiah! I got your first kiss so be my girlfriend and be my wife soon" saad nito. Nagulat ako sa kanyang sinabi.
Maya maya ay tumawa ito sabay sigaw,
"Sabi ko na barbie eh! Sabi ko na! HAHAHAHAHA"
"Let's go my girlfriend. Let's talk" mariing saad nito at hinila ako palabas sa room. H-hala? Ito na ba yung priceee. Ackkkk! I want moreee Dareee HAHAHAHA.