Chapter 29 "Hindi ka dapat umiiyak habang kumakain ng ice cream," ani Rusell, pinunasan niya ang luha ko sa mukha. Nakanguso ko siyang nilingon. "Bakit naman?" Masama bang kumain ng ice cream habang umiiyak? Bawal ba iyon? Natawa siya saka ginulo ang buhok ko. "Kasi comfort food mo 'yan, kaya kapag kumakain ka niyan, dapat kahit papaano ay sumasaya ka, hindi 'yong lalo ka pang nalulungkot dyan." Matunog akong bumuntong-hininga. "Sino ba naman kasing hindi masasaktan at malulungkot doon?" tanong ko. "Kung 'yong sa paghalik lang ni Jaida, baka matanggap ko pa, pero the fact na hindi niya itinulak agad? Masakit na." He sighed. "Mag-usap kayo, paniguradong may rason siya." "Hindi ko na alam, nitong mga nakaraang araw, hindi na kami masyadong nakakapagusap at nagkikita." "Oh kaya nga

