Chapter 28 Napatitig ako sa pintuang nilabasan ng aking ina. She just went here to give me some supplies. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa kanya para gawin 'yon, dahil hindi naman siya ganoon sa akin. Hindi niya 'yon ginawa kahit minsan. Miski ang bisitahin ako sa London ay hindi niya rin nagawa kaya nagtataka talaga ako. Bukod sa pagdadala ng mga iyon ay kinausap niya rin ako tungkol sa naganap na fixed marriage sa amin ni Creed. She explained everything to me. Sinabi niya na ginawa lang nila 'yon para masecure ang future ko, na para rin sa akin itong ginawa nila. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pasalamatan doon. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kasi napunta ako sa tamang tao, kay Creed na ngayon ay mahal na rin ako o dapat akong malungkot kasi f

