Chapter 26 "You're the only one I crave for." "Really?" nakangisi niyang tanong, bahagya niya pang iniangat ang baba ko. Ang kanyang hinlalaki ay pinadaan niya sa aking ibabang labi, marahan niya iyong hinaplos. "Hindi mo alam kung gaano kalaki ang epekto mo sa akin." Hindi na ako nakapaghintay pa. Pinalis ko ang hinlalaki niya sa parteng iyon ng aking labi. Siniil ko siya ng halik, iyong malalim at natitiyak kong hahanap-hanapin niya. Pinangko niya ako at iniupo sa lamesa, sa gitna mismo, pero ilang minuto palang akong nandoon ay nahiga na ako. Ako na ang nagmistulang pagkain nang mga oras na iyon. At habang ginagawa namin 'yon ay nakitaan ko siya ng kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Sandali siyang tumigil at pinasadahan ng tingin ang hubad kong katawan. Kahanga-hangang nagawa

