Chapter 25 "Ella, sumunod kana roon ha?" ani Leigna. Narito na kasi kami sa may tabing dagat. Ang iba naming tropa ay nauna ng lumusong sa tubig, habang ako at si Leigna ay naiwan pa rito sa cottage. She was putting some sunblock pa kasi kanina and I was busy with a phone call. Iyong manager ko kasi ay biglang tumawag. Hindi naman pu'pwedeng hindi ko sagutin dahil paniguradong importante 'yon. And yes! Kahit nasa bakasyon ako ay sasagot at tatanggap pa rin ako ng calls regarding work. But if it is not important, hindi ko naman pagtutuonan ng pansin at paglalaanan ng oras. Bahagya kong ibinaba ang phone ko. Nilingon ko siya at nginitian. "Sige, susunod ako," sagot ko. Hindi na siya sumagot pa at ngumiti nalang. Maya maya'y naroon na rin siya sa tubig kasama ang iba pa naming tropa.

