Chapter 24 Gaya ng sinabi ko at gusto ni Bryan ay ako na nga mismo ang nagayos ng kanyang mga gamit. Ilang minuto rin ang tinagal namin doon sa kanilang silid. Lalo kaming tumagal dahil panay ang biro at tukso niya sa akin. Sa inis ko ay nahampas ko siya ng sunod-sunod, dahilan para lalo kaming magtagal pa. Naabutan pa kami ni Rusell. Dahilan para matigil kami sa paglolokohan at biglang magseryoso at ituloy na ang gagawin. "Tsk, e, 'di nakatapos kayo riyan," naiiling na ani Rusell nang sa wakas ay matapos kami sa pagaayos ng ganyang mga damit sa cabinet. Ngumuso ako saka sinamaan ng tingin si Bryan na ngayon ay nakangiti na naman ng nakakaloko sa tabi ko. "Si Bryan kasi!" Talagang itinuro ko pa siya. "Pikon ka kasi, matampuhin," sagot niya at nagawa pa akong kurutin sa pisngi! Grabe!

