Chapter 21 Inis akong bumalik sa condo unit namin ni Creed. Naiinis ako! How dare he! Pinapafall niya ako sa mga matatamis niyang salita pagkatapos ay may iba pala siyang babaeng kinikita?! Hindi pa nga ako nakakaalis nakahanap na siya ng pamalit sa akin? Ang selfish niya rin e 'no? Ayaw niyang mapawalang bisa ang kasal namin pero heto siya, nakikipagkita sa ibang babae! I went to his office earlier. The other staffs and employees recognized me, they knew me as Creed's wife. Iyon nga lang hindi ako nakapasok sa kanyang opisina dahil nandoon daw 'yong Pia! The hell is Pia right?! Ilang araw ko ng naririnig 'yang Pia na 'yan! Creed has his own rules, hindi raw ito nagpapapasok sa kanyang opisina lalo na kapag may bisita o kliyente kaya 'ayun, pinaghintay ako ng secretary niya, pero no'ng

