Chapter 22 "Yuhuuu? Earth to Ella," ani Cae kaya napunta sa kanya ulit ang atensyon ko. Iniisip ko pa rin kasi 'yong sinabi ni Creed no'ng isang araw e. Nagconfess siya sa akin, sinabi niyang mahal niya ako, hindi ako nakasagot no'n kasi baka mamaya may karugtong pala 'yong charot, mahirap na. Pero hindi naman nasundan ng gano'n, ewan ko ba, pagkatapos no'n naging sweet at clingy na siya lalo. Hindi naman sa ayoko ng gano'n, hindi lang kasi ako sanay, mas gusto ko na ako 'yong clingy at sweet sa aming dalawa. Nakipagkita ako kay Cae para sabihing hindi na ako makakasama sa kanya sa US, nang dahil sa pinagsasasabi ni Creed ay nagbago ang isip ko, parang gusto ko nalang bigla na manatili sa tabi niya, ayoko ng umalis at lumayo sa kanya. Bigla na namang sumagi sa isip ko 'yong si Pia

