Chapter 2

2114 Words
Chapter 2 Sabado ngayon so I decided to went out and have some fresh air. Wala rin kasi akong magawa sa condo kaya naisipan ko nalang na magpahangin, and then habang magisa akong kumakain kanina, naalala ko bigla iyong mga kaibigan ko. And yeah, I gave them a call. "Wow Ella salamat!" tuwang tuwa sila nang ibigay ko isa isa ang mga pasalubong nila, nahiya pa 'yong mga boys, hindi pa sana nila tatanggapin pero pinilit ko. Hays, hindi pa sila nasanay sa akin. Alam naman nilang noon palang mahilig na akong magbigay ng kung ano anong regalo. I'm with my friends right now, iyong mga kaibigan ko no'ng high school. Nagulat pa sila nang bigla akong magyaya, buti nalang daw at libre sila ngayon kaya napuntahan nila ako. They didn't expect na uuwi ako. Well, hindi rin kasi ako nagpasabi. "How are you guys?" tanong ko sa kanila, ako na ang nagtanong para hindi na nila ako masyadong tanungin mamaya, para-paraan lang. The last time we seen in each other was few years ago. Grabe, ang bilis ng panahon! Parang kailan lang. "Okay lang, wala namang bago," sagot ni Mary na ngayon ay kumakain na ng chocolates. Buti nga at bago makauwi ay nakapamili pa ako ng mga pasalubong, bigla ko rin kasi silang naalala. Panay ang kantyaw nila no'n sa 'kin. Bumaling naman ako kay Leigna. "Ayos lang, busy sa business," sagot nito. "Ako naman ay tumutulong sa bahay," sagot naman ni Arbie na ngayon ay ikinakabit na ang keychain sa zipper ng kanyang bag. Bumaling naman ako sa mga boys na ngayon ay kumakain na rin ng chocolates, tinaasan ko sila ng kilay. "ML is life," si Bryan na ang sumagot sa kanilang apat. Yeah right, ML naman lagi e. Nagaaral palang kami, mahilig na silang maglaro no'n. Ewan ko ba, kapag siguro talaga lalaki, mahilig sa mga games. "E, ikaw Ella? Kumusta ka?" tanong bigla ni Rusell. Gosh, I can't lie to this man. He knows me very well! "I'm fine," sagot ko sabay ngiti. Siguro'y kapag kaming dalawa nalang, saka ako magkekwento. "Uy! Ang ganda naman ng singsing mo," nakangiting ani Leigna. Dumako naman kaagad ang tingin ko sa singsing na suot. Binili ko ito sa London dahil nagandahan talaga ako. Ito kasi talaga ang luho ko, mahilig ako sa mga alahas simula pa noon. "Yeah, maganda nga simple lang pero ang elegante ng dating," sabi ko habang nakatingin sa aking kamay. Pumunta kami sa bahay nina Arbie pagkatapos para doon tumambay saglit. Nakakamiss din pala, dati rati ay dito lang kami tumatambay tuwing uwian, saka kapag may groupings. "Magtatrabaho ka ba rito?" tanong ni Mary. Nilingon ko siya dahil doon. Natigilan ako at sandaling napaisip. Kung magtatrabaho man ako ay ayoko sa kumpanya namin. Gusto ko sa iba, dahil tiyak na kapag pumasok ako roon, sa itaas kaagad ako ilalagay ni Daddy, walang kahirap hirap. Syempre, unfair naman iyon sa iba. Alanganin akong ngumiti. "Hindi ko pa alam," sagot ko. Lalong lumapad ang ngiti sa labi niya matapos ko 'yong sabihin. "O my! May karamay ako! Hindi ko pa rin kasi alam kung magtatrabaho na ako ulit!" Natawa ako sa isinagot ni Mary. Hindi ko inaasahan na ganoon pa ang irereact niya. Nang sumapit ang tanghali ay umuwi ako sa condo. Naabutan ko pa si Creed na kabababa lang ng elevator, balita ko'y pupunta siya ng grocery kaya naisip kong sumabay nalang since wala pa akong stock ng foods sa condo ni kuya, tinatamad na rin kasi akong magdrive hehe. "I'll just change, will you wait for me?" tanong ko nang nasa lobby na kami. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko. "Why do you need to change? Maayos naman ang suot mo," komento niya. Ngumiwi ako. "Baka mabaho na ako?" Lumapit siya sa akin at inamoy ang leeg ko. Natigilan ako sa ginawa niyang paglapit. Nagdulot 'yon ng kakaibang pakiramdam sa akin. Wala pang lalaki ang gumawa no'n sa akin dahil naiilang ako, pero no'ng siya ang gumawa ay parang ayos lang at kumabog pa ang dibdib ko. What is happening to me? Why is my heart beating so fast? May sakit na ba ako sa puso? Should I go to the doctor? Normal pa ba 'to? "Mabango ka naman," bulong niya na siyang nagdulot ng kiliti sa akin. Itinulak ko siya ng bahagya. "Okay fine, let's go," sabi ko at nauna nang maglakad palabas. Sumakay kami sa gray niyang ferrari, siya ang nagdrive no'n, doon kami pumunta SM Marikina. Nasa parking na kami nang bigla niya akong lingunin. "Mauna kana sa loob," aniya na hindi manlang inalis ang tingin sa harapan. Sinundan ko ang tingin niya. He's looking at the girl in front of us. Hindi ko lang makita ang kabuuan ng mukha niya dahil medyo nakatalikod siya sa gawi namin. Kilala ba ni Creed 'tong babae na 'to? Tinanggal ko ang seatbelt. "Why? You know that girl?" tanong ko. Tumingin siya sa akin. "What?" "That girl, kilala mo ba siya?" tanong ko at itinuro 'yong babaeng tinitignan niya kanina. Tumango siya. "Yeah, asawa ng kuya ko." "Ohh, I see, sige mauuna na ako sa loob, sumunod ka agad ha?" sabi ko pa at binuksan na ang pinto ng sasakyan. "Sige," tipid niyang sagot at ibinalik na ang paningin doon sa babae. Nang makababa ay agad akong pumunta sa entrance ng mall, naabutan kong huminto si Creed sa harap no'ng babae, paano ba naman kasi, nabunggo siya no'ng mga babae na nakikipagunahan sumakay ng jeep. Tuloy ay natapon ang dala niya sa daan. Tinulungan naman siya ni Creed na damputin ang mga 'yon. Narinig ko pang sinabi ni Creed na ihahatid niya na 'yong babae at pumayag naman ito. Tsk, bakit parang nainis ako sa ideyang 'yon? There's something with that girl, iba 'yong way kung paano siya tignan ni Creed. O my gosh! May gusto si Creed sa asawa ng kuya niya? Napangiti ako ng mapakla bago sila talikuran at tuluyang pumasok sa loob ng mall. Nang makarating sa supermarket ay agad akong kumuha ng push cart at isa isang pinagkukukuha ang nasa listahan ko. Nasa kalagitnaan ako nang pagkuha ng gatas nang biglang may tumusok sa tagiliran ko. "Hey!" gulat kong sinabi at saka nilingon ang gumawa no'n. Kinawayan niya ako. "Hey, I'm here," aniya na may dala na ring push cart. Tsk, wala pang kalaman laman 'yon. "Yeah, obviously," masungit kong tugon at ibinalik na ang paningin sa mga gatas na nasa harapan ko. "Sorry natagalan ako, did you wait for me?" tanong niya at basta nalang kumuha ng dalawang box ng fresh milk. Tumaas ang isa kong kilay. "Why would I wait for you? Makakapamili naman ako kahit wala ka." He chuckled. "Pero sinabi mo lang kanina na sumunod ako agad? What happened now?" Natigilan ako at hindi nakasagot. He caught me off guard! Nakakainis! "Naihatid mo na ang asawa ng kuya mo?" tanong ko at saka itinulak ang push cart, nanatili naman siyang nakasunod sa akin. "Wait..." Natigilan siya. "You saw us?" tanong niya. Nilingon ko siya. "Yes, of course." He sighed. "Hindi niya ako nakilala." Nangunot ang noo ko. "Baka may amnesia?" Impossible naman kasi na makalimutan siya no'ng babae, unless may amnesia o kaya naman matagal silang hindi nagkita, na sa sobrang tagal ay nagkaroon na ng pagbabago sa kanyang itsura, dahilan para hindi na siya makilala nito. "Impossible naman yata," sabi pa niya habang naiiling. Nagkibit balikat ako. "Who knows right?" "Yeah, I'll ask my parents kapag nakauwi ako sa amin," sagot niya at huminto sa section ng mga canned goods. "Hindi ka pa umuuwi sa inyo?" tanong ko. Huminto rin ako para kumuha ng mga delata. Umiling siya at ngumiti. "No, balak ko sana next week, isusurprise ko sila." Hindi ko na siya sinagot pa at binalingan nalang ang mga delata sa harapan. Kailangan ko ng maraming ganito dahil may mga oras na tamad ako magluto. "That's not good for the health baby," bulong niya na naman. Tuloy ay natigilan ako sa pagkuha. Imbes na bente pataas ang kukuhanin ko ay naging sampu nalang. And did he just call me baby? Ayaw na ayaw ko ng endearment na 'yon pero no'ng sa kanya nanggaling ay parang okay lang at ang ganda pa sa pandinig. What the f**k am I thinking? Nababaliw na ba ako? Get back to your senses Ella! "That's good, masunurin ka naman pala," aniya at ginulo pa ang buhok ko. Why is he being like this towards me? Pafall naman! "You like that sister in law of yours?" tanong ko nang huminto kami sa section ng mga tinapay. Natigilan siya at dahan dahang nag-angat ng tingin sa akin. He sighed heavily. "Yeah gano'n ba kahalata?" tanong niya, tumango ako. "But she doesn't know and I don't think I stand a chance," dagdag niya. "Why?" "'Cause she loves my brother so much," sabi pa niya at nag-iwas ng tingin. Hindi ko na dapat tinanong 'yon eh! I'm so stupid! But he has a point, he doesn't stand a chance, wala siyang laban lalo na kung kasal ang babaeng 'yon sa kuya niya at mahal na mahal pa nila ang isa't isa. Magkakasira lang silang magkapatid kung ipagpipilitan niya. Marami namang babae riyan na mas deserving sa pagmamahal niya. For sure, makakahanap din siya ng para sa kanya, not now but maybe soon right? "Sorry," sabi ko nang makarating kami sa parking, ilalagay lang muna namin itong mga pinamili namin sa sasakyan pagkatapos ay babalik kami sa loob upang kumain. Nilingon niya ako at kinunotan ng noo. "Why are you saying sorry all of a sudden?" Nakagat ko ang ibabang labi. "Wala lang, I felt bad for asking that question earlier." Ngumiti siya. "Hey, it's okay, normal lang 'yon." "You sure?" "Yeah, so come, I'm hungry," aniya at hinila na ako pabalik sa loob ng mall. We decided to eat at McDo, ako ang nagdesisyon na kumain doon at hinayaan niya lang ako. Katwiran niya'y hinayaan ko raw kasi siya no'ng nakaraan na pumili ng kakainan kaya ako naman daw ang masusunod ngayon. "Creed, my man!" anang lalaki na nasa harap na pala namin. Dumako ang tingin ko roon pagkatapos ay kay Creed. "Kilala mo?" bulong ko. Tumango si Creed at saka binalingan ang lalaki. "Calix, what are you doing here?" So Calix ang pangalan nitong lalaki na 'to? Hmm gwapo! "Buying something, how about you?" tanong ni Calix at pinagpalit-palit pa ang tingin sa amin ni Creed. "Nag-grocery kami kanina," sagot naman ni Creed. "Oh is she your girlfriend?" tanong ni Calix na ikinabigla ko. Nasamid tuloy ako sa iniinom kong coke! Inabutan naman kaagad ako ni Creed ng tissue. "Thanks," sabi ko at pinunasan na ang aking labi. "Is she?" tanong ulit ni Calix. Sandali akong sinulyapan ni Creed bago ibinalik sa kaibigan ang paningin. "She's not my girlfriend." "Oh, who is she?" tanong na naman ni Calix. Sinenyasan siya ni Creed na maupo dahil tiyak na mangangawita siya kung tatayo siya hanggang mamaya. Besides it's kinda weird na nakaupo kami ni Creed habang nakatayo siya right? "This is Dauntiella," pagpapakilala sa akin ni Creed. Nilingon naman ako ni Calix at nginitian. "Hello, I'm Calix," pagpapakilala niya at naglahad pa ng kamay. Nakangiti kong tinanggap ang kamay niya. "Nice to meet you." So yeah, Calix joined us for lunch. Panay lang ang usap nila ni Creed about some random stuffs, hindi naman ako masyadong na-oop dahil hinahayaan nila akong sumali sa usapan nila. "By the way Creed, dinig ko'y sikat na si Ash ah?" ani Calix nang makalabas kami ng McDo. "Yes I heard," sagot naman ni Creed. "Yeah, grabe 'no? Sikat na sikat siya, hindi ko nga naisip na magmomodel siya e." Calix. "He has the looks, hindi kataka taka 'yon." Creed. "Yeah," ani Calix at inakbayan pa si Creed. Natigil lang sila sa paguusap nang makarating kami sa may parking. Hinarap kami ni Calix. "Creed, Dauntiella, mauuna na ako, thanks for today, see you soon," aniya at niyakap pa kaming parehas ni Creed. "See you man." Tinapik ni Creed ang balikat ni Calix bago ito tuluyang maglakad palayo. Matapos 'yon ay sumakay na kami sa sasakyan. "Seatbelts, Dauntiella," aniya at isinenyas ang seatbelt. Hinila ko 'yon pero nastuck, inis akong bumuga ng hangin bago ulit 'yon hinila, pero nawalan na ako ng pag-asa nang ayaw talaga. Natawa si Creed at lumapit sa akin. Siya ang humila ng seatbelt, nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Grabe ang lapit lapit namin! Amoy na amoy ko ang pabango niya! "Thanks," sabi ko sabay iwas ng tingin. My heart is beating so fast na naman, napahawak tuloy ako sa dibdib ko. What is wrong with me? ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD