Chapter 3
Lumipas ang mga araw at mas madalas pa kaming nagkasama ni Creed. Miski sa pagkain ay sabay kami, may mga oras din na kapag lalabas siya ay niyayaya niya pa ako. Pakiramdam ko tuloy, attach na siya sa akin.
Napapadalas din ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Dahil do'n ay napilitan akong magpacheck up. Kinabahan kasi talaga ako, baka mamaya ay may sakit na ako hindi ko pa alam.
Ang sabi no'ng Doctor na tumingin sa akin ay wala naman akong sakit at normal lahat ng test results ko. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit gano'n.
"Doc Keshia, sure ka ba na wala talaga akong sakit?" tanong ko sa Doctora na sumuri sa akin.
Natawa siya at umiling. "Wala talaga Ms. Lee."
Ngumuso ako. "E, bakit po gano'n ang nararamdaman ko?"
Nangyayari lang naman 'yon kapag kasama ko si Creed e. Pero bakit kapag wala naman siya ay hindi ko 'yon nararamdaman? Ang weird talaga! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito!
Sumilay ang ngiti sa labi ni Doctora. "Baka naman kasi may nagugustuhan kana."
Natigilan ako. Naramdaman ko na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Ako? May nagugustuhan na? Sino? Si Creed? Gano'n kabilis? E, parang ilang linggo palang kaming nagkakasama ah? Possible ba 'yon?
"Possible ba 'yon Doc e, ilang linggo ko palang nakakasama 'yong lalaki na 'yon eh?" Napakamot ako sa sariling noo.
Natawa na naman siya at prenteng sumandal sa kangang swivel. chair. "Oo naman, possible 'yon."
Ngumiwi ako. "Hindi ako naniniwala sa gano'n."
"So anong tawag mo riyan sa nararamdaman mo ngayon?" tanong niya.
Hanggang sa makauwi ay pala-isipan pa rin sa akin ang sinabi ni Doctora Keshia. Hindi ako mapakali. Sa sobrang curious ko ay nagsearch pa ako ng mga signs sa google.
Signs that you like someone.
1. You're happy and just a little bit nervous.
2. Everything feels new and exciting.
3. Your relationship feels easy.
4. This person is on your mind literally all the time.
5. You get just a little jealous.
6. You become more affectionate towards them.
Pinakiramdaman ko ang sarili. Masaya ako kapag kasama ko siya, pero habang tumatagal, mas sumasaya ako, minsan naman kinakabahan ako. Hindi ko maexplain!
And yes! Everything feels new and exciting when we're together at sa kanya ko lang talaga 'yon naramdaman.
We got comfortable with each other, may mga bagay na napagkakasunduan namin.
Madalas ko rin siyang isipin lalo na kapag may araw na hindi ko siya nakikita. I even tried to search for his account online pero hindi ko naman alam ang apelido niya. Tanging Creed lang ang alam ko e, ang daming Creed sa mundo hindi ba?
Nakaramdam din ako ng inggit o selos! No'ng hinatid niya 'yong asawa ng kuya niya! Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko! Pero who am I to act like this right? Wala naman kaming relasyon.
At last, kada makikita ko siya ay parang mas gumagwapo siya sa paningin ko. Kahit pagod siya at stress, gwapong gwapo pa rin siya para sa akin.
Nasapo ko ang noo nang magpositive ako sa lahat ng signs! So I really like him? This can't be! Masyado talagang mabilis! Saka wala naman akong pag-asa kasi mahal niya nga 'yong asawa ng kuya niya.
Kailangang mawala nitong nararamdaman ko at isa lang ang paraan para makalimutan ko 'yon! Pupunta ako ng bar!
Napangisi ako at agad na nagtungo sa pinakamalapit na bar. Napakaraming tao, natural bar e.
Dumiretso kaagad ako malapit doon sa bartender.
"I want a glass of tequila," sabi ko roon sa lalaki nang makaupo.
Agad naman siyang tumango at sumunod. Maya maya lang ay inilapag na niya sa harap ko 'yong baso. Walang pagaalinlangan ko 'yong ininom.
Nang hindi makuntento ay umorder pa ako ng ilang baso no'n. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng hilo, pero wala akong pake.
Pumunta ako sa dance floor at doon nakipag sayaw. Natigil lang ako sa pagsasayaw nang biglang may humila sa akin at dalhin ako sa isang gilid.
Inis kong tinignan ang lalaking humila sa akin. "What's your problem?"
Nakitang nagsasaya ako pagkatapos ay bigla siyang susulpot dito at hihilahin ako? Nabuhay na naman tuloy ang inis sa loob ko. Nakakainis naman siya oh! Lalo niya akong pinahihirapan sa ginagawa niya.
"What are you doing here?" tanong niya. He removed his jacket at isinuot sa akin.
"I'm having some fun," mataray kong tugon.
Matunong siyang bumuntong hininga saka iginala ang paningin sa kabuuan ng lugar. "Tss, not in here woman," bulong niya at hinila ako palabas ng bar.
Pinilit kong kumawala sa kanya pero hindi niya naman ako hinayaan. Hanggang sa makarating kami sa labas, naramdaman ko na ang paginit ng sikmura ko. Dali dali akong nanakbo sa isang gilid at dahil nakahawak siya sa akin ay nasama siya. Tsk, ayaw mo kasing bumitaw e.
Nagsuka ako, maya maya lang ay naramdaman ko nang hinagod niya ang likuran ko. He even handed me his handkerchief right after I vomitted. Agad ko naman 'yong kinuha at pinunasan ang bibig ko.
"Lalabhan ko nalang 'to," sabi ko habang nakangisi, nakatitig sa kanyang panyo. Gosh napakabango no'n!
I tried to move pero s**t lang dahil umiikot pa rin ang paningin ko!
"Sa 'yo na 'yan," sagot niya habang nakapamulsa. Ang paningin niya ay nasa akin lang.
Ngumiwi ako. "Sure ka?"
"Yeah," sagot niya at dinilaan ang kanyang ibabang labi.
Tss! Too sexy! Lalo akong mafafall niyan e!
"Don't do that," sabi ko at ngumuso.
Nangunot ang noo niya. "What?"
Nag-iwas ako ng tingin. "Wala."
"Can you walk?" tanong niya.
Hindi ako sumagot at tumango nalang. Sinubukan kong maglakad pero nakakailang hakbang palang ako ay natumba na ako. Buti nalang at nasalo niya ako kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.
"Careful," bulong niya at hinawi ang iilang hibla ng buhok sa aking mukha.
"Bakit ka nandito?" tanong ko nang alalayan niya ako papunta sa sasakyan ko.
"I'm with Calix, pero nang makita kita ay iniwan ko siya saglit," sagot niya.
"Then go back inside. I can go home naman," sabi ko at kinuha ang susi sa bag ko.
"No, I'll take you home, wait here," aniya at kinuha ang cellphone sa bulsa.
Tinawagan niya si Calix. Sinabi niya na hindi na siya makakabalik sa loob dahil ihahatid niya ako pauwi. Binilinan niya rin ito na ipahatid nalang 'yong sasakyan niya sa condo mamaya.
Nang matapos silang magusap ni Calix ay nilingon na niya ako ulit."Let's go, I'll drive you home," sabi niya at inalalayan ako papasok sa shotgun seat.
"Look, hindi mo naman ako kailangang ihatid e," sabi ko agad nang makasakay siya sa driver's seat.
Tumiim ang kanyang bagang. "Ihahatid kita, tapos ang usapan," aniya at pinaandar na ang sasakyan.
Panay lang ang tingin ko sa labas ng bintana habang nasa byahe kami, hanggang sa tuluyan na akong hilahin ng antok.
Kinabukasan ay nagising ako sa isang kulay puting kwarto. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan no'n. Hindi 'to unit ni Kuya ah? So, nasaan ako kung ganoon?
Natigilan ako nang may makitang gamot sa side table at juice. Kinuha ko 'yon at ininom.
Nasapo ko ang noo nang maalala ang nangyari kagabi. I went to a bar at nagkita kami roon ni Creed, siya pa ang naghatid sa akin!
Naputol lang ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto ng banyo at iluwa nito si Creed. Nakabihis na siya, kaya batid kong bagong ligo lang siya.
"Hey, good morning," bati niya sa akin habang nakangiti.
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. "Good morning," nahihiya kong bati.
Napayuko ako dahil sa hiya pero gano'n nalang ang gulat ko nang makitang iba na ang suot kong damit! s**t! May nangyari ba sa amin?
"Walang nangyari sa atin," sabi niya na para bang nabasa ang tumatakbo sa isipan ko.
Nahihiya akong nag-angat ng tingin sa kanya. "So we just slept then?" tanong ko sa mahinang boses.
Tumango siya at natawa. "Oo naman, besides I won't take advantage of you."
Tsk, bakit parang nanghinayang ako na walang nangyari sa amin? Gosh what am I thinking?
Pabuntong hininga akong tumango. "Ikaw ang nagbihis sa akin?" tanong ko maya maya.
"Yeah, wala naman akong choice," sagot niya. Nandoon na siya ngayon sa harap ng salamin. Tinutuyo ang sariling buhok gamit ang puting twalya.
"Saan ka natulog?" tanong ko.
Itinuro niya ang kabilang parte ng kama na kinaroroonan ko. s**t! Natulog kami ng magkatabi! Nakakahiya!
"Sana hinayaan mo nalang ako sa sofa, nakakahiya naman sa 'yo," sabi ko at kinagat ang ibabang labi.
"I won't let a woman sleep in the couch," sabi niya at saka ako nilingon.
Nagtama ang mata naming parehas. Ilang sandali kaming nagkatitigan. Pero ako na rin ang kusang umiwas nang makaramdam ng hiya.
"Bakit pala dito ako sa condo mo natulog?" tanong ko nang makarating kami sa dining.
He invited me to eat breakfast with him kaya naman hindi na ako tumanggi, besides I'm so hungry na rin. Napangiti ako nang makitang kami sa dining. Agad na dumako ang paningin ko sa mga pagkain na nasa lamesa, pangdalawang tao ang inihanda niya, nakakatuwa naman.
"I can't find your key last night," sagot niya at ipinaghila ako ng upuan.
Nakangiti ko siyang nilingon bago naupo roon. "Thank you talaga."
"Hmm, bakit ka nga pala nasa bar kagabi?" tanong niya sabay simsim sa kanyang kape.
Natigilan ako nang maalala ang rason kung bakit ako pumunta roon. Oo nga pala, dahil gusto ko siyang makalimutan. Ayokong mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Hmm?" aniya nang hindi ako makasagot agad.
I faked a laugh. "Matagal na kasi akong hindi nagbabar kaya ayon," pagsisinungaling ko.
Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Matapos kumain ay nagvolunteer akong maghugas since siya naman ang nagluto. Pumayag naman siya at hindi umapela.
Maya maya'y nagpaalam siyang aalis sandali at may bibilhin sa labas.
Umalis kaagad ako ng condo niya nang mahugasan ang lahat ng pinagkainan namin. Dumiretso kaagad ako sa banyo at naligo.
Pagkatapos ay agad kong nilabhan ang damit niya na ipinasuot sa akin, miski ang panyo niya na sinabi niyang sa akin nalang.
Hindi ako lumabas ng condo nang araw na 'yon. Nagpahinga lang ako at nahiga sa kama buong araw. Nang kinagabihan ay nagdesisyon akong puntahan si Creed. Tuyo na kasi 'yong damit at panyo niya na nilabhan ko kaya naisip kong ibalik na agad.
Pero nadismaya lang ako nang malamang wala siya roon. Bumalik muna ako sa condo ko. Maya't maya ako kung lumalabas at sumisilip, nagbabakasakaling nakauwi na siya pero hindi 'yon nangyari.
Inabot na ako ng alas dies pero wala pa rin siya. Hindi yata siya uuwi...
Babalik na sana ako sa condo nang biglang may humila sa akin sa braso.
~to be continued~