Chapter 4

1941 Words
Chapter 4 Agad kong nilingon ang humila sa braso ko. "Unnie, what are you doing here?" tanong ko. Hindi ko na ipinahalata pa ang gulat na nararamdaman ko. Kung bakit naman kasi bigla bigla nalang may hihili sa braso ko ng ganitong oras e. Kaagad naman niyang binitawan ang braso ko at inakbayan ako. "Dito muna ako matutulog ha?" aniya habang nakangiti. Nangunot ang noo ko roon pero kaagad din naman akong tumango nang makita siyang nakangiti at hinihintay ang magiging sagot ko. "Okay." Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinaunang pumasok. Sandali ko pang sinulyapan ang pinto ng condo ni Creed bago tuluyang pumasok sa loob ng sariling unit. Siguro'y bukas ko nalang ibibigay 'yong mga gamit niya, kapag nandyan na siya. Pagpasok ko, inilapag ko na muna sa lamesa 'yong gamit ni Creed, naabutan ko pa si Ate na nandoon sa kusina, inilalabas isa isa 'yong dala niyang pagkain. "What happened?" tanong ko at pwumesto sa harapan niya. Tinapos niya ang ginagawa saka nag-angat ng tingin sa akin. "I just want to spend the night with you," sagot niya sabay ngiti. Tss, duda ako ro'n, kilala ko ang mga kapatid ko, hindi naman 'yan pupunta dito kung wala lang. I rolled my eyes. I don't believe her. So not buying it. "Tell me unnie, something's up e, I can feel it." Lumabi siya. "Wala nga." "Okay, spend the night here then," sabi ko at nginitian siya. I don't want to force her, panigurado namang malalaman ko rin 'yon, hindi makakatiis si Ate at sasabihin niya rin sa akin ang nangyayari. Naupo kami sa sofa, kasalukuyan kaming nanonood ng netflix series habang kumakain. Nang matapos sa kinakain ay pumunta si ate sa kusina para kumuha ng maiinom. Sakto namang may kumatok sa pintuan ko. Sandali kong sinulyapan si ate bago tuluyang tumayo. I opened the door. And to my surprised, it's Kuya! "Oppa," tawag ko rito, gulat pero ngumiti rin naman agad. Ngumiti lang siya at inangat 'yong wine na dala niya. What's with my siblings? Bakit nila naisipang pumunta rito ng ganitong oras? "Sino 'yang kumatok-oppa!" nakangiting ani Ate Amber. Ngumiwi si Kuya. "Hindi niyo manlang ba 'ko papapasukin?" Nagkatinginan kami ni ate at natawa. "Sige pumasok kana," sabi ko. We spent the night together. Nasa tabi ko ngayon si ate dahil dito niya balak matulog, habang si Kuya naman ay doon sa kabilang kwarto namalagi. I miss this, I miss being with them. Kung hindi lang talaga dahil sa kanila ay hindi ako uuwi ng bansa. "Sis," biglang ani Ate. Kaagad ko siyang nilingon. Gising pa pala siya, akala ko'y tulog na. She just smiled at me. Hinaplos niya ang pisngi ko. "I miss you," bulong niya. I flashed a smile. "I miss you too, kayo ni oppa." "Thanks for coming home," sabi niya ulit. Nakangiti akong tumango. Hinawakan ko 'yong kamay niyang nasa pisngi ko. "Oo naman, anything for you and oppa." She sighed. "Sorry about Mom and Dad." Umiling ako at ngumiti. "Shhh, sanay na ako." "Mahal na mahal ka namin, baby sis," ani ate Amber at niyakap ako. I hugged her back. Kinabukasan ay nagising ako na walang katabi. Kaagad akong nagtungo sa banyo upang magmumog ng tap water. Paglabas ko palang ng kwarto ay may naamoy na akong mabango. Someone's cooking hmm. Nakakamiss gumising na may nakahanda ng almusal sa lamesa. "Ang bango naman niyan," nakangiti kong sinabi nang matunton ang kusina. Nakangiti akong nilingon ni ate Amber. "Good morning, maupo kana riyan," aniya at isineyas ang upuan. Nakangiti akong lumapit sa dining. Ipinaghila naman ako ni Kuya ng upuan. Nagulat pa ako nang bigla siyang sumulpot, akala ko'y tulog pa siya hahaha! "Thanks oppa," sabi ko nang makaupo. Tinanguan lang ako ni Kuya at nginitian. Maya maya lang ay inihain na ni ate 'yong niluto niya. Masaya namin 'yong pinagsaluhan. Nang sumapit ang tanghali ay nagyaya sina ate at kuya na umalis. Ginamit namin 'yong Ford Mustang ni Kuya, siya ang nagdrive, katabi niya si ate at ako naman ay nasa passenger seat. Una naming pintuhan ang department store, bumili kami ng kanya kanyang damit at mga sapatos, ang mga kapatid ko ang gumastos ng mga 'yon. Nang matapos sa pamimili ay kumain naman kami sa Jollibee, dito kami madalas kumain no'ng mga bata. We ordered chicken joy, spaghetti, burgers, fries and sundaes. Natawa pa kami nang balikan ang ilang alaala noon. Grabe ang bilis ng panahon. Hindi na kami mga bata. Parang kailan lang, puro laro lang ang iniintindi namin, pero ngayon napakarami na. Pagkatapos sa Jollibee ay nagyaya si ate sa salon. Nagpagupit siya, hanggang balikat at bahagyang ipinakulot ang ibabang parte ng buhok. Si Kuya naman ay nagpagupit din. Tuloy ay lalo siyang gwumapo. Ako naman ay pinagupitan din ni ate, pinakulot niya rin ang ibabang parte ng buhok ko at pinakulayan. Nagpa-pedicure at manicure kami ni ate habang si Kuya ay nasa isang gilid lang, kinukuhaan kami ng litrato habang naghihintay. "Thanks for these," nakangiti ko silang niyakap na dalawa nang makarating kami sa condo. Nginitian nila ako at tinanguan. "Anything for our baby sister," ani Kuya Keen at ginulo ang buhok ko. Nang sumapit ang gabi ay sabay sabay kaming nagdinner, nagpaalam na sina Kuya at Ate matapos 'yon. Tuloy ay naiwan na naman akong mag-isa. Hays, talaga palang pumunta sila rito para makasama ako, makabonding gaya dati, akala ko naman ay may nangyari talaga sa bahay. Lumabas ako sa teresa ng condo. Bahagya kong dinama ang lamig ng hangin sa aking balat. Nakapikit pa ako habang nasa gano'ng posisyon. Nang magmulat ako ay napakaraming bituin ang nakita ko sa kalangitan. Napakaliwanag din ng buwan. Naputol lang ang pagmumuni-muni ko nang biglang may bumato sa akin. Dinampot ko ang tansan na tumama sa braso ko. Inis kong binalingan ang taong nagbato no'n. "What the hell?" asik ko. Natawa siya sa reaksyon ko. "Sorry about that." Tumaas ang isang kilay ko. "Sinadya mong tamaan ako?" Nagkibit balikat siya at saka ngumisi. I gritted my teeth saka binato sa kanya 'yong tansan na binato niya sa akin. Awtomatiko naman siyang nahinto sa pag-inom. Yup, he's drinking. Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na. Ngumisi ako. "Oops, sorry." Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Really hmm? You don't sound sincere." "Ohh, paano ba dapat?" maarte kong tanong. Natawa siya sa paraan ko ng pagsasalita. "Don't talk like that," naiiling niyang sabi at uminom ulit. Natawa rin ako. "Why?" "It's not bagay," komento niya na nagpatawa ulit sa akin. "Conyo ka pala?" tanong ko. "Kinda?" "Not sure huh?" Nagkibit balikat siya. "Iyong damit ko pala nasaan na?" pag-iiba niya sa usapan. Bigla ko namang naaalala 'yong gamit niya na nilabhan ko at dapat ng ibabalik sa kanya pero wala siya kaya tinago ko nalang ulit. "Wait lang!" sabi ko at agad na nagtungo sa loob, kinuha ko 'yong damit at panyo niya. Kinuha ko pa 'yon doon sa cabinet ko. Nakaayos pa ang pagkakatupi no'n. Inamoy ko rin muna kung mabango ba, bago ako lumabas ulit. "Eto na po," sabi ko nang makalabas, bahagya ko pang inangat ang damit at panyo para makita niya. "Sa 'yo na 'yan," sabi niya at uminom ulit. Naramdaman ko na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Nakagat ko pa ang ibabang labi para pigilang ngumiti. "Sure ka?" kunyari pang tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "Oo naman, isa pa marami naman akong damit," sabi niya, wala sa tonong magyabang. Kakaiba talaga ang isang 'to! Lalo yata akong nahuhulog sa kanya. "Sige, sabi mo e...salamat pala," sabi ko nalang sabay ngiti. Hindi ko na napigilan! Masyado na akong natutuwa at kinikilig! Nginitian niya ako ulit. Hilig namang ngumiti! Nakakafall siya lalo! "Papasok na ako sa loob," paalam ko pa at itinuro ang loob ng condo. "Huwag muna," pigil niya kaya natigilan ako sa akmang pagkilos. "Bakit?" "Stay, I need someone to talk to," sabi pa niya at muling uminom. Pangalawang bote na niya 'yon. Gano'n kabilis niyang naubos 'yong una. Hindi na ako kumilos pa at naupo nalang sa sahig ng teresa. Nilingon ko siya. "So, what do you want to talk about?" He sighed. "Pumunta ako sa amin kahapon, tapos kanina pinuntahan ko si Kuya sa opisina." "What happened?" tanong ko, interesadong interesado sa ikekwento niya. "Sinabi ko sa kanya na mahal ko ang asawa niya," seryoso niyang sinabi. Tuloy ay hindi ako nakaimik. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib. Nang lingunin ko siya ay nakatingin na pala siya sa akin. "Ituloy mo na," sabi ko. I tried to faked a smile. Napunta ang tingin niya sa boteng hawak at saka natawa. Pero 'yong tawa na 'yon, ramdam ko 'yong pain niya. "Nagalit si Kuya malamang, pero hindi ko lang kasi maintindihan..." aniya habang umiiling. "Ang alin?" "Hindi niya naman mahal si Lauri at wala siyang pakialam do'n," huminto siya at tinignan ako. "Pero bakit gano'n nalang ang galit niya no'ng sinabi ko na mahal ko ang asawa niya?" nag-iwas siya ng tingin matapos 'yong sabihin. Hindi ko alam kung magbibigay ako ng opinyon, hindi ko naman alam ang side ng kuya niya at ni Lauri e. Mas mabuti siguro kung makikinig nalang ako. "Pero hindi ko susukuan si Lauri," aniya bago tuluyang ubusin ang laman no'ng ikalawang bote. "Ikaw ang bahala," sabi ko pa, muntikan na akong pumiyok s**t! "Dauntiella..." "Hmm?" "Anong tingin mo sa akin?" tanong niya na ikinagulat ko. I wasn't expecting that. Pero kung totoong sagot ang kailangan niya, sasabihin ko ang sa tingin kong karapat dapat, iyong totoo talaga. "Seryoso ka?" tanong ko. Naninigurado. Tumango siya. "Oo naman, curious din ako sa kung anong tingin mo sa akin." Ngumiwi ako at umaktong nag-iisip. "Hmm..." "Hmm?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. "No'ng una kitang nakita ay nainis at nayabangan ako sa 'yo," pag-amin ko. Naalala ko na naman ang una naming pagkikita sa airport. I heard him chuckled. "Nasungitan nga ako sa 'yo no'n, ikaw palang ang nagbato sa akin ng sapatos." "Pero..." Ngumiti ako. "Pero?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin. Nakipagtitigan din ako sa kanya. "Pero no'ng nakilala kita, nagbago 'yong tingin ko sa 'yo." Ngumiti na naman siya. "Same here." Nag-iwas ako ng tingin at iniyakap ang braso sa aking sarili. Mas lumamig yata ngayon. "Nilalamig ka?" tanong niya. "Oo." "Here, catch," aniya at ibinato ang isang itim na jacket. Kinuha ko naman 'yon kaagad. Kunot noo kong tinignan ang jacket niya. Mamahalin 'to, halata sa brand e. "Anong gagawin ko rito?" "Wear it, para hindi ka lamigin," sabi niya at tumayo na. Pumasok na siya sa loob dala 'yong dalawang bote na ininom niya. Nang mawala siya sa paningin ko ay isinuot ko agad ang jacket niya, inamoy ko pa 'yon! Grabe ang bango! Nakangiti kong niyakap ang aking sarili habang suot 'yon. Pakiramdam ko ay yakap niya na rin ako hehe. Natigilan lang ako sa ginagawa nang makarinig ng katok mula sa pintuan. Agad naman akong tumayo para pagbuksan iyong kumakatok. Nanlaki ang mata ko nang maabutan si Creed sa labas ng pintuan ko, naghihintay. "Anong kailangan mo?" tanong ko, hindi ko ipinahalata iyong gulat at saya ko. Kukuhanin na ba niya agad 'yong jacket? "Thank you," sabi niya saka lumapit at yumakap sa akin bigla. Gulat man ay tinapik tapik ko ang kanyang likod. "Wala 'yon," sagot ko. Tumango lang siya at ngumiti bago tuluyang bumalik sa kanyang unit. Nakagat ko na naman ang ibabang labi para pigilang ngumiti ng malapad. Nang makapasok sa loob ng condo ay muli kong niyakap ang sarili. Hays, hulog na hulog na yata ako sa 'yo Creed. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD