Chapter 5

1924 Words
Chapter 5 Inis akong bumuga ng hangin bago tuluyang isara ang pinto ng condo unit ni Kuya. I needed to go home right now. Tinawagan ako mismo ni Mommy at pinauuwi nila ako. I don't know what's going on, pero bahala na. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko. Kakaunting damit lang ang dinala ko dahil wala rin naman akong balak magtagal doon. Nasa tapat na ako ng elevator, hinihintay itong magbukas. Nang maburyo sa paghihintay ay binuksan ko nalang ang phone ko. I checked some of my notifications online. Wala namang masyadong bago, puro reacts at comments lang from my friends.  I posted a pic last night, I'm wearing a black one piece sa litratong 'yon. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gano'n nalang karami ang reacts and feedbacks. The swim suit that I wore is from a famous shop in London. They wanted me to become their model so yeah, pinagbigyan ko sila ng isang beses. Marami akong pinagkakaabalahan sa London actually. Naging tutor ako, model at kung ano ano pa. Nang bumukas ang elevator ay saka pa lamang ako nag-angat ng tingin. Nagulat pa ako nang makitang si Creed ang sakay no'n. Nasa kanyang bulsa ang parehong kamay. Nanatili siyang nakatingin sa akin, gano'n din ako sa kanya. "Saan ka pupunta?" tanong niya. Iniharang niya ang kamay sa pinto ng elevator para 'wag 'yong sumara. "Uuwi ako sa amin," kaswal kong sagot. Sandali kong binalingan ang phone ko at inilagay na 'yon sa aking bulsa. Nanatili pa rin siyang nakaharang sa may pintuan ng elevator. "You want a ride?" alok niya. Gulat ko siyang tinignan. Bakit ba siya ganyan? Palagi nalang niya akong ginugulat! Mabilis akong umiling. "Hindi na, dadalhin ko 'yong kotse ko e." "Okay, ihahatid nalang kita sa ibaba," aniya at inalis na sa pinto ng elevator ang kamay. Tumango ako at saka pumasok sa loob no'n. "Saan ka pala galing?" tanong ko. Hindi kasi siya umuwi kagabi e. Yup, inabangan ko siya, pero nabigo na naman ako. Pero nabanggit niya naman sa akin na nagsimula na siyang magtrabaho sa kumpanya nila kaya may mga oras na doon siya uuwi sa bahay nila. "Galing ako sa bahay," sagot niya. Tumango ako at hindi nalang ulit nagsalita. "Pauwi na ako kagabi nang maisipan kong dumaan kina Kuya, pero pagdating ko doon, tumambad sa akin si Lauri na walang malay," pagkekwento niya. Hindi na naman ako nakaimik. Pinagmasdan ko lang siya habang nagkekwento. May kakaibang kislap sa mga mata niya kapag binabanggit si Lauri. "Sa sobrang taranta ay dinala ko siya sa bahay, then dumating si Kuya kinabukasan, nagkasagutan kami," pagpapatuloy niya sa kwento. "Pero alam mo 'yong masakit?" tanong niya at tumitig sa akin. Nakangiti siya pero samu't saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Kung kanina ay kakaibang kislap ang nakikita ko roon, iba na ngayon. "Ano?" tanong ko, nanatili akong nakatingin sa kanya. "Pakiramdam ko, nagugustuhan na ni Kuya si Lauri, lalong wala na akong pag-asa," aniya, nakita ko pang namasa ang kanyang mata bago siya nag-iwas ng tingin. "Pero hindi ako titigil, hangga't hindi ako tinatapat ni Lauri, hindi ako susuko," dagdag niya. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang elevator. Nasa lobby na kami. Binalingan ko siya. "Bumalik kana sa itaas, kaya ko na," sabi ko, pero hindi siya sumagot kaya nagdire-diretso na ako palabas. Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla na naman 'yong kumirot. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilang maiyak.Talagang mahal niya si Lauri at ang sakit isipin na parang wala akong pagasa sa kanya. Na malabong magustuhan niya ako. Ayoko rin namang ipilit dahil hindi ko 'yon ugali. Lalabas na sana ako ng building nang biglang may humila sa braso ko. "Creed," halos pabulong ko 'yong sinabi. Hindi siya nagsalita at basta nalang akong niyakap. "Ingat ka," bulong niya bago ako tuluyang pakawalan. Ginulo niya pa ang buhok ko bago ako tinalikuran. Sandali akong natulala sa kinatatayuan ko, pinagmasdan ko siyang maglakad palayo. Nawala lang ang paningin ko sa kanya nang pumasok na siya sa elevator at bumalik sa itaas. Dumating ako sa bahay matapos ang ilang minuto na pagdadrive. Inasikaso ako kaagad ng mga maids. Sinabihan pa nila akong magpahinga saglit at kumain. Tuloy ay nagtaka ako. "Anong mayroon manang?" Hindi ko na napigilang magtanong. Akala ko kasi, pag-uwi ko ay makakapagpahinga ako, pero hindi pala, mukhang may kailangan pa akong puntahan. Lumapit sa akin si Manang Susan at hinaplos ang buhok ko. "Ipinahahanda ng Daddy mo ang mga gamit mo, magbabakasyon daw kayong pamilya." Nangunot ang noo ko. Akala ko naman, kaya nila ako pinauwi ay dahil may emergency pero mukhang mali ako. Naguguluhan na ako sa kanila. Magmula nang dumating ako ay parang bumait sila sa akin. Ano namang naisipan ni Daddy at nagyayang magbakasyon? "Saan daw po ang punta namin?" tanong ko, nakakunot pa rin ang noo. Ngumiti si Manang. "Sa Seoul daw." "Seoul? Bakit daw?" Tsk, matagal na simula no'ng huli kaming umuwi roon. Yup, taga do'n talaga kami. Doon na kami halos lumaki at nagkaisip, kinailangan lang naming umalis dahil nagkaroon ng problema sa pamilya nina Daddy. "Hindi ko alam e, mabuti pa't bilisan mo nalang dyan dahil hinihintay kana nila, doon nalang daw kayo magkita sa airport," aniya bago ako tuluyang iwan. Pumunta ako ng kwarto pagkatapos kumain at naligo. Nang makababa ay isinukbit ko ulit sa aking balikat ang bag ko. Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na ako sa airport. Nandoon na sina Kuya, hinihintay ako. "Buti naman at dumating ka," ani Daddy at niyakap ako. Tumango lang ako at nilapitan na ang aking mga kapatid. "Bakit naisipang umuwi ni Daddy?" tanong ko kaagad. "Gusto lang ni Dad na bisitahin sina Lola, alam mo naman, may katandaan na," nakangiting tugon ni Ate saka hinaplos ang buhok ko. Nakarating kami sa Seoul matapos ang ilang oras. Doon kami namalagi sa bahay nina Daddy. As usual malaki ang pinagbago ng lugar, ilang taon ba naman ang lumipas e, hindi na kataka-taka 'yon. Wala akong masyadong ginawa sa araw na 'yon kundi manatili sa kwarto. Kinabukasan naman ay nagyaya silang mamasyal, hindi naman dapat sana ako sasama, kaya lang pinilit ako ng mga kapatid ko. "Don't be sad, paniguradong magiging masaya 'to," bulong ni ate. Ngumuso ako. "Sana nga ate." Kung saan saan kami nakarating noong araw na 'yon, binilhan ako nina Mommy ng mga bagong damit at accessories, si Daddy naman ay dinala kami sa paborito naming kainan noon. "Matagal tagal na rin pala simula no'ng huli tayong kumain dito," ani Daddy nang makahanap kami ng mauupuan. Tumango si Mommy at ngumiti. "Oo nga e, nakakamiss." "Buti nalang talaga at naisipan ni Daddy na umuwi rito," ani Kuya habang nakangiti. Binalingan naman ako ni Ate. Iniabot niya sa akin 'yong menu. "What do you want to have?" Tinignan ko ang menu, nang may mapili ay sinabi ko kaagad kay Ate. Ang isang linggo sana naming pananatili rito ay naging tatlong araw lang. Nagkaroon kasi ng emergency sa kumpanya, tuloy ay kinailangan naming umuwi agad. Not bad, dahil nakapagenjoy kami kahit papaano. Sulit din naman. Nang makauwi sa Pilipinas ay ilang araw pa akong namalagi sa bahay namin. Pinakiusapan kasi ako nina ate at kuya, hindi naman ako makatanggi. "Lumabas ka naman ng kwarto mo," ani ate at bahagya pa akong niyugyog. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at abalang nanonood sa netflix ng the girl from nowhere. Umiling ako at sumubo ng pop corn. "No thanks, tinatamad ako." Ngumuso si Ate. "Tsk, nandito ka nga pero panay naman ang kulong mo dito sa kwarto," komento niya bago kumuha ng pop corn at kumain. "Tinatamad akong lumabas ate," sabi ko pa ulit. "Bakit ka naman tinatamad? Inaasahan ko, kapag nakauwi ka rito ay panay ang gala mo pero heto ka at nagkukulong, kabaliktaran sa naisip kong gagawin mo," tuloy tuloy niyang sinabi. Tsk grabe! Nilingon ko siya. "Gusto ko lang magpahinga ng magpahinga." Tumaas ang isa niyang kilay. "Iyon lang ba ang balak mong gawin habang nandito ka?" Ngumisi ako. "Kung possible bakit hindi diba?" Pinalo niya ako sa braso. "Tss, wala na akong masabi." "Buti naman." "Ano?" "Wala, sabi ko manonood nalang ako." "Nga pala..." "Ano 'yon?" tanong ko, nasa tv pa rin ang paningin. "May party tayong dadaluhan," nakangiti niyang tugon. "Oh, hindi ako sasama," kaswal kong sinabi at sumubo ulit ng pop corn. Hinampas na naman ako ni ate! Aish, nakakarami na siya! Masakit kaya! Sumama ang mukha ko. "Masakit ha!" reklamo ko habang hawak hawak 'yong parte ng braso ko na hinampas niya. Ngumiwi siya. "Ikaw kasi e, sumama ka." "Bakit ako sasama?" "Dahil kailangan," mariin niyang sinabi. Tumaas ang isa kong kilay. "Bakit kailangan? Ano namang mapapala ko roon? Tiyak na mapapagod lang ako." "May mapapala ka roon," Pinandilatan niya ako. "Kasi may makikilala kang mga tao." Umiling ako. "Hindi na kailangan, tinatamad talaga ako." "Sinabihan na ni Daddy ang kaibigan niya na makakapunta tayong pamilya." "E, di problema na ni Daddy 'yon." "Ah basta, sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo, nakapili na nga si Mommy ng gown mo e," aniya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Naihilamos ko ang parehong palad sa aking mukha. Nakakainis naman! Bakit kasi kailangan pang sumama? Hindi ba pwedeng sila nalang? Makakaraos naman sila na wala ako diba? Inis kong kinuha ang remote at pinatay ang tv. Nawalan na ako ng ganang manood. Kahit kailan talaga ang sakit nila sa ulo! Desidido naman akong hindi pumunta pero kasi...nakapili na raw ng gown si Mommy! Tiyak na masasayang 'yon kung hindi ko gagamitin, saka baka mapahiya rin sila dahil inaasahan na ng kaibigan ni Daddy na buong pamilya kaming pupunta roon. Nang sumapit ang hapon ay tinawag ako ni Manang Susan para bumaba, kaya naman agad akong sumunod sa kanya. Pagbaba ko, naabutan ko si Mommy na may kausap na lalaki, nakasalamin 'yon at may hawak na parang brochure. "Ma'am Daniella, nandito na po si Dauntiella," ani Manang Susan. Kaagad namang lumingon sa gawi namin si Mommy at ang kausap niya. "Oh, my youngest daughter is here," aniya at lumapit sa akin. Pinakatitigan ako no'ng lalaki na kausap ni Mommy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko. "Napakaganda ng anak mo," komento niya. Pasimple akong ngumisi nang sabihin 'yon no'ng lalaki. Hmm, maganda naman talaga ako. Hindi kataka taka 'yon dahil may pinagmanahan ako. Gwapo ang daddy ko at maganda ang Mommy ko. "Of course, kanino ba naman magmamana?" nakangiting tugon ni Mommy. "Hmm, mukhang babagay sa kanya 'yong gown na napili mo," nakangiting sinabi no'ng lalaki. Nangunot ang noo ko. "Anong gown po ba 'yon? Gusto ko sanang makita." Ngumiti na naman ang lalaki at iniabot sa akin ang hawak niyang brochure. Itinuro niya sa akin ang isang kulay itim na gown. Napakasimple no'n pero elegante ang dating. "Maganda ba?" tanong bigla ni Mommy at hinaplos pa ang buhok ko. Tumango tango ako bago ibinalik sa lalaki 'yong brochure. "Yes." "Perfect, susukatan na kita ngayon para magawa na natin 'to agad." Tumango lang ako at ngumiti. Natapos ang araw na 'yon na wala kaming ibang ginawa kundi asikasuhin ang mga gagamitin para sa party. Dinig ko'y sikat ang pamilyang 'yon kaya gano'n nalang kung maghanda ang pamilya ko. Nang mapagod ay umakyat kaagad ako sa kwarto. Nahiga ako sa kama at dinampot ang phone ko na nasa ibabaw ng side table. It's past 8:00 pm, kumain na kaya si Creed? Kumusta kaya siya? Aish, bakit iniisip ko na naman siya? Namimiss ko ba siya? ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD