Chapter 6

2089 Words
Chapter 6 Nang hindi makatiis ay kaagad akong bumangon. Babalik ako sa condo. Gusto ko talaga siyang makita. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na ako nagbihis pa. Tanging maong short at plain shirt lang ang suot ko then slippers. "Oh, where are you going?" tanong ni Mommy nang makababa ako sa hagdan. "Babalik ako ng condo," sagot ko agad. Tumango siya at ngumiti. "Okay, take care." Hindi na ako sumagot pa at lumabas na sa garahe. Mabilis akong sumakay sa BMW ko at pinaandar 'yon papunta sa condo. Dumiretso kaagad ako sa elevator. Nang marating ko ang floor namin ay kaagad akong lumbas. Pumunta ako sa tapat ng pintuan niya at kinatok 'yon. Pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring nagbubukas. Hindi na naman ba siya uuwi ngayon? Naibagsak ko ang parehong balikat sa sobrang disappointment. Naglakad na ako papunta sa condo ni Kuya pero hindi ko pa 'yon tuluyang nabubuksan nang biglang may tumawag sa akin. "Dauntiella," tawag ng isang pamilyar na lalaki. Kaagad ko siyang nilingon. "Rusell? Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong. Is this really true? Am I not imagining things or what? Talaga bang nandito siya sa harapan ko? Gosh! What is he doing here? Sinundan niya ba ako o coincidence lang ang lahat? Parang kakakita ko lang sa kanya last time ah? Nakangiti siyang naglakad palapit sa akin. "I visited a friend, e ikaw?" Oh he visited a friend pala, so coincidence nga. "I live here now," sagot ko, medyo nahihiya pa. He nodded. "Labas tayo?" pag-aaya niya. Nangunot ang noo ko. "Ngayon na?" "Oo," maagap niyang sagot. Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya hindi ba? I mean para hindi naman sayang ang ipinunta ko rito tutal wala naman pala si Creed. "So ano tara?" tanong niya. "Sure." Pumunta kami ni Rusell sa isang coffee shop. Siya ang namili no'n, siya rin daw ang manlilibre. Nang makuha ang order namin ay naupo na siya sa harap ko. "Kumusta ka?" tanong niya agad. "I told you, I'm okay," sagot ko at sinimulan ng inumin ang kape ko. Ngumiwi siya. "I don't buy that, kilala kita, you're not okay." Sa isip isip ko'y napangiti ako nang sabihin niya 'yon, hearing this from someone...it felt sweet and means a lot. I sighed. "I'm not okay, ni hindi ko alam kung bakit nila ako pinauwi, nakakailang linggo na ako pero wala pa rin akong nalalaman." "Baka naman kasi namimiss ka lang nila." "They're not like that," depensa ko, naiiling pa. "Maraming taon na ang lumipas, malay mo nagbago na sila." Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, baka mamaya may pinaplano pala sila." "Huwag mo kasing pangunahan, I told you, go with the flow," pagpapaalala na naman niya sa akin. Ngumuso ako. "Fine, I'll go with the flow." "Good." Ngumiti siya. Matapos magkape ay nagyaya si Rusell sa timezone. Naglaro kami ng arcade at basketball doon. Aalis na sana kami nang bigla akong makakita ng claw machine. Napahinto ako at tumitig doon. Gusto kong makuha si stitch! "I'll get it for you," ani Rusell at basta nalang naghulog ng token. Gulat akong tumingin sa kanya pero kaagad din namang ngumiti. "Thank you na agad." Wala pa man ay nagpapasalamat na ako sa kanya. Tumango lang siya at sinimulan ng galawin ang claw. Titig na titig ako sa kanya habang naglalaro siya. Seryosong seryoso siya ro'n. Gano'n niya kagustong makuha si stitch para sa akin? I smiled at that thought. "Nakuha mo!" masaya kong sinabi nang lumabas si stitch doon sa pinakang butas. Nakangiti niya akong binalingan bago kuhanin si stitch at iabot sa akin. Kinuha ko naman 'yon agad at pinagmasdan. "Para sa akin talaga 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko, ang paningin ay nandoon pa rin kay stitch. "Oo," sagot niya naman. Nakangiti akong nag-angat ng tingin sa kanya, pero mas lalo pang lumapad 'yon nang makita ko rin siyang nakangiti. "Thank you talaga dito," sabi ko saka bahagyang iniangat si stitch, hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko. Nandito na kami sa may lobby, inihatid niya ako. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Anything for you." "Itatago at iingatan ko talaga 'to promise." "Good to know." "Alam mo ba, 'yong flower na binigay mo no'ng high school, 'yong gawa sa colored paper, nasa akin pa rin," pagkekwento ko. Yup, he gave me a flower no'ng high school, pero gawa 'yon sa colored paper at stick. Siya ang kauna-unahang nagbigay ng gano'n sa akin kaya tuwang tuwa talaga ako. Sabi ko pa, iingatan at itatago ko 'yon, hindi naman ako nabigo dahil hanggang ngayon ay okay pa naman siya at nandoon sa taguan ko sa bahay. "Really? Ang tagal na no'n ah." "Oo nga, wala e, iningatan ko talaga kaya tumagal," sagot ko. "Sure ka bang ayaw mo ng magpahatid sa itaas?" pag-iiba niya sa usapan. Tumango ako. "Kaya ko naman na, isa pa...gabi na, kailangan mo ng umuwi." "Okay, see you soon," aniya at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya kaya natagalan bago ko siya yakapin. Ilang segundo pa ang lumipas at siya na rin ang kusang humiwalay. Pinagmasdan ko siyang umalis sakay ng kanyang kotse. Muli kong binalingan si stitch at nginitian. Hanggang sa pagpasok at paglabas ng elevator ay nakangiti pa rin ako. Natigil lang ako nang biglang may lalaki na humarang sa daraanan ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay si Creed ang nakita ko. "You look happy," aniya, parang hindi maipinta ang mukha. Tumango ako at ngumiti. "Oo, dahil dito," sabi ko at ipinakita sa kanya si stitch. Nangunot ang kanyang noo. "Masaya kana riyan?" patuya niyang tanong. "Oo naman." "Who gave you that?" bigla niyang tanong. "Si Rusell," sagot ko agad. Tumaas ang isa niyang kilay. "Who's that guy? Your boyfriend?" "Ah hindi, kaibigan lang," pag-amin ko. "You don't have a boyfriend?" "Wala e, bakit ikaw?" He shrugged. "A boyfriend? Wala." Natawa ako. "I mean girlfriend," paglilinaw ko. "I don't have one right now." "How about that Jaida you're talking about?" "She's not my girlfriend, baliw na baliw lang talaga siya sa akin." Ngumiwi ako. "That's scary you know?" "Yeah?" "Kasi hindi mo alam, baka nakasunod siya sa 'yo kahit saan." "Wala siya rito." "Wala naman akong sinabi na nandito siya," pamimilosopo ko. His brows furrowed. "Yeah, kasi nasa ibang bansa siya." "Oh, bakit alam mo? Baka naman ikaw ang baliw sa kanya?" panunukso ko. Biglang dumilim ang kanyang mukha. "I know exactly who I want," aniya na titig na titig sa akin. Tss pafall! Nag-iwas ako ng tingin. "Okay, good for you," sabi ko at nilagpasan na siya pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay hinila na niya ako sa braso. "Bakit?" tanong ko. "Text me next time." "What?" naguguluhan kong tanong. "Alam kong ako ang pinunta mo rito." Hindi ako nakaimik. Nakagat ko ang ibabang labi sa hiya. Paano niya nalaman? Nakita niya ba ako? May nagsabi ba sa kanya? "Ako ang pinunta mo pero iba ang sinamahan mo." "Ano?" "Tss." "Paano kita maitetext e, hindi ko naman alam ang number mo," asik ko at inirapan siya. He licked his lips. "You already had my number." "Ano?" naguguluhan kong tanong. Paano ako magkakaroon ng number niya e, hindi ko naman matandaan na binigay niya? Pinaglololoko niya ata ako e. "I saved it on your phone," aniya at itinuro 'yong phone ko sa bulsa. Agad ko naman 'yong kinuha. Pumunta kaagad ako sa contacts at hinanap ang pangalan niya, pero hindi ko 'yon nakita. "I can't find it, baka naman niloloko mo lang ako." ngumuso ako. Umiling siya at kinuha sa kamay ko ang phone. Maya maya'y ipinakita niya sa akin ang number niya. Pero hindi 'yon ang mas ikinagulat ko. Nanliit pa ang mata ko nang makita na iba ang pangalan niya sa contacts ko! Kaya pala hindi ko makahanap kasi Handsome Neighbor ang nakalagay! Kinuha ko ang phone sa kanya. "Kailan pa 'to nakasave dito?" "No'ng nagbar ka." "Paano mo nabuksan ang phone ko?" "Wala namang password e," pagdadahilan niya. Nakagat ko na naman ang ibabang labi sa hiya. Oo nga pala, walang password ang phone ko no'ng nakaraan! Nito lang ako naglagay! "Don't do that," bigla niyang sinabi at nag-iwas ng tingin. "The what?" tanong ko. "That!" inis niyang sinabi at itinuro ang labi ko. Napahawak naman ako roon. "Wala naman akong ginagawa?" "Stop biting your lower lip." "Eh?" "Just don't do that." "Why?" "'Cause guys may get the wrong idea." "What idea is that?" "They might think that you're teasing them." "What? Kinakagat ko ang labi ko kapag nahihiya ako," depensa ko. Natawa siya. "Pero hindi 'yon alam ng iba." "Ewan ko sa 'yo, babalik na ako sa loob," nakanguso akong tumalikod. Pero nakakailang hakbang palang ako ay hinila na naman niya ako. Inis ko siyang tinignan. "Ano na naman?" "May first kiss kana?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Wala pa akong first kiss sa buong buhay ko. Weird as it may sound pero wala pa talaga. Nag-iwas ako ng tingin nang maramdamang nag-init ang mukha ko. "Wala pa." "Really?" tanong niya na naman. "Wala pa nga, bakit ba ang dami mo laging tanong?" "Because I'm curious." "Tsk, curiousity kills." "Yeah? Glad you know that." "Pati ba naman first kiss? What the hell?" 'ayun na naman ang pagsusungit sa boses ko. Nakakainis naman kasi. Lagi nalang ang daming tanong. Ako nga, nahihiya pang magtanong sa kanya pero kung makatanong siya ay parang ayos na ayos pa. "Bakit nga ba wala ka pa no'n?" tanong niya at inilapit ng bahagya ang mukha sa akin. Hindi ako nakasagot. "Baka naman hindi ka marunong humalik?" panunukso niya. Sa inis ay itinulak ko siya. "Excuse me? Sino ka para sabihin 'yan?" "Who knows right? Ang weird lang na wala ka pang first kiss e, ang tanda tanda mo na," naiiling niyang sabi. I gritted my teeth. "26 lang ako!" "Oh 28 na ako eh." "Wala akong pake sa edad mo!" "You sure? Baka mamaya crush mo na ako?" Crush? Aba oo! Bwiset ka! Sana lang aware ka. "Bwiset ka!" "So crush mo ako?" tanong niya na may nakakalokong ngiti. "Ang feeling mo amaw!" Nangunot ang noo niya. "What's amaw?" "Aba malay ko. Naririnig ko lang sa kaibigan ko 'yan e," nakanguso kong tugon. Napakamot siya sa kanyang ulo. "Nagsasalita ka ng hindi mo naman alam ang ibig sabihin." "Ano na naman sa 'yo?" "Wala lang. Baka kasi mapahiya ka kapag may nagtanong tapos hindi ka nakasagot." "Tsk, napakarami mong sinasabi," sabi ko at itinago nalang ang susi ng condo ni Kuya sa bulsa. Sa bahay nalang ako matutulog ngayong gabi, naiinis ako sa kanya. Hindi ko na siya kinausap pa at basta nalang nilagpasan. Naramdaman ko pa nang humabol siya. "Where are you going?" tanong niya habang nakasunod sa akin. "Uuwi ako sa amin, nainis ako bigla sa 'yo," sagot ko, hindi manlang siya nilingon. "I'm sorry na, dito kana matulog." Hinawakan niya ako sa kanang braso kaya naman dumako roon ang paningin ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Ayoko, uuwi nalang ako." "Dauntiella!" tawag niya sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Papasok na sana ako ng elevator nang bigla niya akong hilahin. "Kanina ka pa hila ng hila ah," sabi ko at binawi ang braso kong hawak niya na naman. "I'm sorry," halos pabulong niyang sinabi. "Sige, uuwi na ako," sabi ko at akmang tatalikod na nang bigla na naman niya akong hilahin. "Ano na naman?" Naiinis na ako ah! Mababali na 'yong braso ko sa ginagawa niya! Hindi na nakakatuwa. Kung nasa kdrama ako, baka kinilig na ako, pero iba 'to e. "Akala ko dito kana matutulog kasi okay na?" "Doon pa rin ako uuwi sa amin," sagot ko, hindi makatingin sa kanya. "Bakit?" tanong niya at iniangat ang mukha ko. Tinignan ko siya sa mga mata, saka ako naglakas loob na sabihin ang gusto ko. "Kasi doon ko gustong matulog." He sighed. "Okay, fine." Damang dama sa boses niya ang pagsuko. "Bye," sabi ko at tuluyan ng pumasok ng elevator. Pero ilang segundo palang 'yong sumasara ay pinindot ko na ulit. Gulat na mukha ni Creed ang bumungad sa akin, marahil hindi niya inaasahan na babalik ako. "Sige na, dito na ako matutulog," sabi ko at palihim na ngumiti. Lumabas na ako ng elevator, naramdaman ko naman siyang nakasunod sa akin. We spent the night eating and watching movie. Bumalik lang siya sa kanyang condo nang matapos kaming manood at kumain. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD