Chapter 7

2138 Words
Chapter 7 Nagising ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa aking balat. Nagkusot-kusot pa ako ng mata bago tuluyang bumangon. Pero gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Creed na nandoon sa tabi ng bintana. So siya ang nagbukas ng kurtina? "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, ang gulat ay nandoon. Paano siya nakapasok dito? May susi siya? Ngumiti siya at lumapit sa akin. "I cooked breakfast for you." Nangunot ang noo ko. "E, bakit?" I mean, bakit naman siya magluluto ng breakfast para sa akin? Anong mayroon? Ngumuso siya at naupo sa harapan ko. "Ayaw mo ba?" Natigilan ako. "Hindi naman sa ayaw ko, pero bakit ka nga nagluto?" tanong ko. Umalis na ako sa kama at pumasok na ng banyo para magtoothbrush. "Pambawi ko sa 'yo," nakangiti niya 'yong isinagot. Nagawa niya pang sumunod sa akin hanggang sa banyo. At dahil hindi naman nakasara iyong pinto ay doon siya sumandal. Mula roon ay nakikita niya ang ginagawa ko. Nagkatinginan kami sa salamin. Inalis ko sandali ang toothbrush sa aking bibig. "Bakit ka babawi?" Bakit nga ba? Anong rason niya? "Nainis kita kagabi e, peace offering," aniya, nanatili pa rin sa kanyang pwesto. Tuloy ay hindi ko maiwasang mailang. Pinapanood niya akong magsepilyo! Naramdaman ko na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Hays this is not good anymore! Natapos akong magsepilyo at maghilamos. Iginiya na niya ako sa dining nang makalabas kami ng kwarto ko. Gulat man pero hindi ko ipinahalata. Napakaganda ng preparation ng pagkain. Nakaayos ito at kumpleto. Nang balingan ko si Creed ay nakangiti na ito ng napakalapad. Tuloy ay lumitaw ang napakalalim niyang dimple. "You liked it?" tanong niya. Tumango ako at naupo na. "Saan mo natutunan ang mga 'to? Ang galing naman," komento ko. Kumuha na ako ng isang pirasong pancake at inilagay sa aking pinggan. Nilagyan ko pa 'yon ng maple syrup. Natawa siya bago naupo sa harapan ko. "I have to be independent e, kaya ayan, natuto ako." Tumango tango ako at sumubo no'ng pancake. Napakasarap no'n! Lalo na at may chocolate chips! May maple syrup pa! Gosh, mouth watering! Mukhang hahanap-hanapin ko 'to! "Hmm, ang sarap," sabi ko habang ninanamnam sa bibig ko 'yong pancake na niluto niya. Ngumiti siya at basta nalang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang hinlalaki. "Kalat mong kumain," naiiling niyang sinabi bago simulang kainin ang pancake niya. Natigilan ako at paulit ulit na ipinikit at iminulat ang mga mata, totoo ba talaga siya? Nageexist ba talaga siya? Hindi siya parte lang ng panaginip ko? "Saang bansa ka nga galing?" tanong ko. Bigla kasi akong may naalala. Parang nakita ko na siya sa London noon, hindi ko lang matandaan kung kailan at saan banda. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Uminom muna siya ng kape bago sumagot. "London." "London?" pag-uulit ko pa. Tumango siya. "Yes why? Ikaw ba, saang bansa ka galing?" I cleared my throat. "Sa London." Gulat siyang tumitig sa akin. "Really?" "Oo, kaya pala sabi ko parang pamilyar ka, 'yon pala'y nakita na kita sa London." "Maybe we're destined," aniya at kumindat. 'Ayun na naman ang kabog ng dibdib ko, sobrang bilis. Sa simpleng ganyan niya lang, iba na ang epekto sa akin. Nako naman, imbes na mapigilan, mukhang mas lalo pa akong mahuhulog sa kanya. "Pafall ka amaw," bulong ko bago ulit sumubo ng pancake. Natigilan siya sa pagkain. Nangunot ang noo niya. "May sinabi ka?" "Ha? Ako?" tanong ko, itinuro ko pa ang aking sarili. "Oo, alangan naman ako?" "Wala ah," tanggi ko agad. Natapos kaming kumain at siya na ang naboluntaryo na maghuhugas ng pinggan kaya hinayaan ko na. Pambawi na naman daw niya sa 'kin. Grabe pala siya kung bumawi 'no? Kakaiba. Habang naghuhugas siya ay nagpunta ako sa living room at naupo sa sofa, kinuha ko ang phone ko at binuksan 'yon. Isa isa kong binasa ang mga comments sa picture kong nakaswimsuit. Natigil lang ako sa ginagawa nang biglang makarinig ng doorbell. Ako na ang kumilos para buksan 'yon dahil abala si Creed sa paghuhugas. Nang buksan ko ang pinto ay 'yong delivery man ang nakita ko. Hindi naman ako umorder ng pizza ah? Kaya paanong may delivery man sa harap ko ngayon? "Ah kuya, baka namali ka ng napuntahang unit, hindi naman ako umorder ng pizza," sabi ko habang nakangiti. Hindi naman kasi talaga! Baka nga nagkamali lang. "Kayo po si Dauntiella?" tanong no'ng lalaki. Tumango ako. "Oo, ako nga." "Para sa inyo raw po 'to, bayad na po 'yan," aniya kaya wala na akong nagawa kundi kuhanin 'yon. Sino naman ang umorder ng pizza para sa akin? Bumalik na ako sa loob na dala 'yong dalawang box ng pizza, naabutan ko pa si Creed na nandoon na sa sofa. Hawak ang phone ko at parang may tinitignan. Nakakunot pa ang kanyang noo, tutok na tutok siya roon kaya hindi niya naramdaman ang paglapit ko. "Ano 'yan ha?" tanong ko at naupo sa tabi niya. Inilapag ko muna 'yong mga box ng pizza sa lamesa. Nilingon niya ako. "Model ka?" "Sa London? Yup, pero isang beses lang." "Oh, bumili ako no'ng magazine na naglabas ng pictures mo, kaya pala pamilyar ka," aniya at ibinalik na ulit sa phone ko ang paningin. What did he just say? Bumili siya ng magazine na naglabas ng pictures ko? s**t! Natigilan ako sandali saka dahan dahang tumingin sa kanya. "Bumili ka ng magazine na naglabas ng pictures ko?" tanong ko. Tumango siya. Ang paningin ay nandoon pa rin sa phone ko. Buti nalang, dahil kung nakatingin siya sa akin, baka nakita na niya kung gaano ako kaapektado sa kanya. "Nga pala, 'yong nagdoorbell, delivery man, may umorder daw ng pizza para sa akin," pagkekwento ko pa at binuksan na ang isang box ng pizza. Ham and cheese ang flavor no'n. Grr! Kagutom. Kumuha ako ng isang slice at agad na kinagatan 'yon. "Ang sarap." "Subuan mo 'ko, share nalang tayo," ani Creed, sandali niya akong nginitian bago ulit ibalik sa phone ko ang paningin. Natigilan na naman ako pero kaagad ding inilapit sa kanya 'yong pizza na kinagatan ko. Awtomatiko namang bumuka ang bibig niya. "Alam mo ba kung sinong umorder ng pizza na 'yan?" tanong ko, nakakadalawang slice na ako ng pizza, partida hati pa kami roon dahil masyado siyang nagpapababy. "Ako ang umorder niyan, pambawi ko pa rin sa 'yo," sagot naman niya. "Salamat kung gano'n, nga pala...tapos kana ba sa phone ko?" Kanina pa kasi niya 'yon hawak. Nagtataka na ako kung ano pang tinitignan niya e wala namang kainte-interes sa mga 'yon. Umiling siya at basta nalang nagtipa ng kung ano roon. Sa sobrang curious ay pasimple kong sinilip ang ginagawa niya, pero kaagad niya namang inilayo ang phone at itinalikod sa gawi ko para hindi ko 'yon makita. Tumaas ang isa kong kilay. "Seriously? Ano bang ginagawa mo sa phone ko?" "Chill baby," aniya at kinindatan ako. I gritted my teeth. Nagsisimula na naman akong mainis. "Akin na nga 'yan," sabi ko pa at akmang kukuhanin na sa kanya 'yong phone nang bigla siyang tumayo at nagpunta sa kusina. Inis akong bumuga ng hangin. Bahala na nga siya riyan! Manonood nalang ako sa netflix. Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv, nang makapasok sa netflix ay namili ako ng panonoorin. Napili ko 'yong kissing booth 2. Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang biglang tumabi sa akin si Creed. Hawak niya pa rin 'yong phone ko. Sandali ko siyang tinignan at ibinalik na sa pinanonood ang tingin. Magsawa siya riyan, manonood nalang ako. Ibabalik niya rin naman 'yan kapag natapos siya. Nang sumapit ang tanghalian ay nagpadeliver ulit kami ni Creed ng pagkain. Ako na sana ang magbabayad pero huli na dahil nabayaran na niya ang mga 'yon. Gusto ko na tuloy mahiya, napakarami na niyang ginawa para sa akin ngayong araw. Parte pa ba 'to ng pagbawi niya? Kasi kung oo, sobra sobra na e. Saka simpleng sorry lang ayos naman na, hindi na kailangan ng mga ganito pa. Hanggang sa pagkain ay abala pa rin siya sa cellphone ko. Hinayaan ko nalang ulit, baka mainis lang ako kapag tumanggi na naman siyang ibalik. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin, siya naman ay nandoon sa living room. Nang matapos sa paghuhugas ay bumalik na kaagad ako sa living room. "Nasaan ang phone mo?" tanong ko nang maupo sa tabi niya. Wala akong magawa, ayoko naman ng manood dahil nagsawa na ako. Itinuro niya ang kanyang bulsa kaya dinukot ko roon ang phone niya. Ngumuso ako nang makitang may password ang phone niya. Tsk kahit sino naman ay may password diba? Hindi na dapat ako magtaka right? "May password," sabi ko at inilahad ang phone sa kanya. Inaasahan kong kukunin niya 'yon at siya mismo ang magbubukas pero nagkamali ako. Hindi niya 'yon kinuha, pinanatili niya pa rin ang paningin sa phone ko. "Type London06," aniya na kaagad ko namang sinunod. Bumukas ang phone niya. Ngumisi pa ako nang makitang maraming apps doon. Nilaro ko 'yong 4 pics one word. Napangiti ako ng sunod sunod na masagot ang mga 'yon, tuloy ay umabot kaagad ako sa level 100. Ginugol lang namin ang oras sa paggamit ng phone ng isa't isa nang hapon na 'yon. Hindi siya umalis sa tabi ko, ganoon din ako. "Wala ka yatang pasok?" tanong ko nang sumapit ang gabi. Nandito na ako sa kusina ngayon. Balak ko sana siyang ipagluto para makabawi rin ako. Sobra sobra naman kasi siya kung bumawi. Ibang level sis! "I didn't go to work," sagot niya mula sa living room. "Why?" tanong ko at sinimulan ng igisa iyong bawang at sibuyas. I'm planning to cook afritada. That's one of my specialties. Natutunan ko 'yon habang pinapanood si Manang Susan na magluto sa kusina. "Hindi naman ako kailangan do'n palagi, isa pa, nandoon naman si Kuya, siya ang namamahala roon," ramdam kong palapit ng palapit ang boses niya. Kaya hindi na ako nagtaka nang maramdaman siya sa aking tabi. "What are you cooking?" tanong niya. Hindi na niya hawak ang phone ko. Sa wakas natapos din siya! Malalaman ko rin mamaya kung anong pinaggagagawa niya roon. "Afritada," sagot ko at inilagay na ang meat. "Hmm, mukhang masarap ah, I can't wait to taste it," aniya na nakahawak pa sa kanyang tyan. Natawa ako. "Hindi lang mukha, kasi masarap talaga siya." "Where did you learn to cook?" tanong niya. Nandito pa rin siya sa tabi ko, nakamasid sa bawat galaw o hakbang na gagawin ko. "Natuto ako habang pinapanood si Manang Susan," sagot ko habang hinahalo iyong mga inilagay ko sa kawali. "Hmm. Maid niyo sa house?" "Yes." "May mga babae akong kilala na hindi marunong magluto." "May gano'n talaga, pero ako? Bata palang sinanay ko na ang sarili kong magluto." "Why?" "Para kapag nag-asawa ako," kaswal kong sagot at nginitian siya. Tumango tango siya. "Swerte naman ng magiging asawa mo." "Bakit naman? Paano mo nasabi?" tanong ko, natatawa na naman. "Kasi marunong ka sa gawaing bahay kahit na lumaki kang mayaman." "Ikaw din naman diba? You know how to cook," sabi ko at sandaling tinakpan ang kawali. Inilagay ko 'yong mga pinaggamitan kong lagayan sa lababo. "Yes pero may mga bagay akong hindi alam." Siya? May mga bagay na hindi alam? Parang wala naman na. Kasi parang nasa kanya na lahat. "Like?" "Maglaba at magplantsa." "Really?" tanong ko, hindi makapaniwala. Nakakagulat na hindi siya marunong no'n. I mean sabi niya kasi kanina independent siya so hindi ko inaasahan na hindi niya alam ang mga bagay na 'yon. "Yeah, nagpapalaundry lang ako sa London e." "Okay lang 'yan, natututunan naman ang mga 'yon." Nang matapos sa pagluluto ay masaya naming pinagsaluhan ang niluto ko. Hinintay ko pa siyang sumubo bago ako kumain. I want to know his reaction, kung masarap ba, kung pasado ba para sa kanya. "Ano? Masarap ba?" tanong ko, ang paningin ay hindi manlang inaalis sa kanya. Paulit ulit siyang ngumuya bago ulit sumubo ng meat. Nahampas ko siya nang hindi siya sumagot. "Hoy, magsalita ka nga riyan!" Nilunok niya ang kinakain at saka uminom ng juice. "Yeah, masarap, solid 'to," komento niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Akala ko'y hindi niya magugustuhan e. Buti nalang talaga at success! Matapos kumain ay nagvolunteer na naman siyang maghugas, kaya hinayaan ko nalang. Habang wala siya ay pasimple kong kinuha ang phone ko sa lamesa. Binuksan ko 'yon. Pagbukas ko, nakaopen pa rin 'yong pic ko at panay pa rin ang dagsa ng reactors. Isa isa kong binasa ang mga comments pero gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang may mabasa na hindi inaasahan. Sinagot sagot ni Creed 'yong isang lalaki na nagcomment ng bastos. Ginamit niya 'yong acc ko pero nagpakilala siya. Natuptop ko ang bibig nang makita ang iba pang tao na nireplayan niya sa comment section. Grabe! ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD