Chapter 8

2009 Words
Chapter 8 Hinintay kong matapos si Creed sa paghuhugas bago ko siya kinausap. Nandito ulit kami sa living room, nakangisi pa siya habang sinasamaan ko ng tingin. Kakaiba, paano niya 'to nagagawa? Ganoon ba siya kaconfident? "Chill, I didn't do something bad," aniya at itinaas pa ang parehong kamay, sa ganoong paraan niya pinapatunayan na inosente siya. Tumaas ang isa kong kilay. "Hindi mo nalang sana nireplayan," sabi ko saka pinagkrus ang parehong braso sa dibdib. Tumiim ang kanyang bagang. "Nabastusan ako e, hindi niya dapat sinabi 'yon, pinagtanggol lang kita." Pinagtanggol niya ako? Ginawa niya iyon dahil may pakialam siya sa akin ganoon ba iyon? I sighed. "Look, kapag talaga nagpost ng ganyan, hindi maiiwasan 'yong mga taong nagcocomment ng bastos," paliwanag ko. Totoo naman, oras na pinasok mo ang industriya ng pagmomodel o kahit pagaartista, hindi maiiwasan iyong mga bashers, kadalasan mga malalaswang comments. Pero syempre, dahil professional ka at matured na, imbes na patulan at palakihin ay hindi mo nalang papansinin. Hahayaan mo nalang, kasi once na pinatulan mo, lalo lang lalaki at ikaw pa ang magmumukhang masama bandang huli. Sumama ang kanyang mukha. "Tss, hindi ba pwedeng pasalamatan mo nalang ako sa ginawa ko? I did that dahil hindi ko kayang makita na may bumabastos sa 'yo," aniya saka ako binalingan. 'Ayun na naman ang heartbeat ko, napakabilis. Akala mo'y nasa karera. Hays Creed, huwag kang ganyan, baka bigyan ko 'to ng malisya at kahulugan. Hindi ako sumagot at ngumiti nalang sa kanya. I understand him, nagpapasalamat ako sa ginawa niyang 'yon. For the second time, naramdaman kong may tao na handang magprotekta sa akin laban sa mga masasamang tao. "Parang kapatid na ang turing ko sa 'yo," aniya at lumapit bigla sa akin. Hinalikan niya ako sa noo, na siyang ikinagulat ko. Hindi ko 'yon inaasahan! "You're like a my little sister." Nakaramdam ako bigla ng kirot sa aking dibdib matapos 'yong marinig sa kanya. Iyon na mismo ang dahilan kaya niya ginagawa ang lahat ng ito sa akin. Dahil kapatid ang turing niya sa akin, more like a little sister. Gusto kong maiyak no'ng oras na 'yon pero pinigilan ko. Hindi niya pwedeng makita na nasasaktan ako at mas lalong hindi niya pwedeng malaman na gusto ko siya. Baka masira ang samahan naman kung gano'n. Mas okay na ako sa ganito, atleast nakakasama at nakikita ko pa rin siya. Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Creed na uuwi muna sa amin. 'Ayun, naginsist na naman siya na ihahatid ako, pero gaya no'ng ginawa ko no'ng nakaraan, tinanggihan ko siya. Nakarating ako sa bahay at sinalubong ako ni Kuya Keen. Halatang kagagaling niya lang sa study room, nakasuot pa siya ng salamin e. Lumapit siya sa akin at yumakap. Mahigpit ang yakap na 'yon, dahilan para unti unting bumuhos ang luha ko. "What's wrong?" tanong ni Kuya nang pakawalan niya ako. Nag-iwas ako ng tingin at kaagad na pinunasan ang luha ko. "Wala 'to oppa," pagsisinungaling ko. Matunog siyang bumuntong hininga. "Don't lie to me, kuya mo ako, tell me what's wrong?" tanong niya, sa base ng pananalita niya ay mukhang wala siyang balak na tigilan ako hangga't hindi niya nalalaman kung ano talagang problema ko. Hindi pa man ako nakapagsasalita ay tumulo na naman ang luha ko. Agad naman 'yong pinunasan ni Kuya. "Tell me baby," bulong niya. "Iyong taong gusto ko, may mahal na iba," sabi ko at mapaklang ngumiti kasabay ang pagtulo ng luha ko. Kuya sighed. He held both of my hands. "Ganyan talaga sa pagmamahal e, pero wala tayong magagawa kung hindi talaga tayo ang gusto o mahal." Pinunasan muli ni Kuya ang pisngi ko. "Hindi natin pwedeng pilitin ang puso na mahalin ang hindi nito gusto." Hindi ako sumagot at yumakap nalang ulit kay Kuya, patuloy lang siya sa paghagod sa likuran ko. Sa paraang 'yon, gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. "Marami pa namang iba riyan, 'yong deserving sa pagmamahal mo," aniya habang nakaakbay sa akin. Nang kinagabihan ay sabay sabay kaming nagdinner nina Daddy, Mommy, Kuya at Ate. Pinagusapan nila 'yong tungkol sa party, malapit na pala 'yon, halos nakalimutan ko na. "Bukas ay nandyan na ang gown mo Dauntiella," ani Mommy at nginitian ako. Tumango ako at binalingan si Daddy. "Dad, pwede bang hindi nalang ako sumama?" Natigilan si Daddy sa pagkain at tumingin sa akin ng seryoso. "Kailangan mong sumama, marami kang makikilala roon." "Okay Dad," sabi ko nalang, kahit na sa loob loob ko'y gusto ko pang tumanggi. Gaya ng sinabi ni Mommy ay dumating nga kinabukasan ang gown ko. It's a black evening gown. Sa sobrang excited ni Mommy ay ipinasukat niya 'yon agad sa akin. Sumunod nalang ako para matapos na at hindi na niya ako kulitin pa. Nang makalabas nang banyo ay tinawag ko si Mommy. Gano'n nalang ang lapad ng kanyang pagkakangiti nang pasadahan ako ng tingin. "You look perfect," komento niya. "Thank you po," sagot ko at bahagyang inayos ang laylayan ng gown ko. "Pero may kulang eh," sabi pa niya at may kinuha na kung ano sa isang box. Nangunot ang noo ko. Pumunta ako sa harap ng salamin at tinignan ang kabuuan ko. Ayos naman ah? Anong kulang ang sinasabi ni Mommy? "Ano pong kulang?" tanong ko, nandoon pa rin sa harap ng salamin. Nakita kong lumapit si Mommy mula sa likuran ko. May dala na siyang kwintas at hikaw. Dumako roon ang paningin ko. "Mommy, parang hindi naman bagay 'yan sa akin." Pakiramdam ko ay hindi nga iyon babagay sa akin. Masyadong maganda ang mga alahas na 'yon. Hindi sumagot si Mommy at basta nalang 'yong isinuot sa akin. Nang matapos sa ginagawa ay tinignan niya ang kabuuan ko mula sa salamin. Nakangiti niya pang idinikit ang mukha sa akin. Naninibago talaga ako! Pero sasakyan ko nalang ang trip nila! "Napakaganda mo talaga," bulong niya habang pinagmamasdan ang aming mukha sa salamin. "Hmm, gwapo si Daddy at maganda ka, hindi kataka taka 'yon," sagot ko habang nakangisi. Maya maya'y lumabas na si Mommy sa kwarto ko. Pagbalik niya ay kasama na niya si ate Amber. Gaya ni Mommy, napakalapad din ng ngiti niya. Lumapit sa akin si ate. Inikutan niya pa ako para makita ang kabuuan ng suot kong gown. "Grabe, sobrang ganda, wala na akong masabi." Natawa ako. "Mas maganda ka sa akin." Umiling siya. "Mas maganda ka kaya, pinaghalong mukha ni Daddy at Mommy ang itsura mo." Tumaas ang isa kong kilay. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Oo nga at pinaghalong mukha ng magulang ko ang mukha ko. "Hmm, sabi mo e." "Si Kuya Keen ay si Daddy ang kamukha, ako naman si Mommy, pero sa 'yo halo," ani Ate. "Hindi na ako makapaghintay na makita kang suot 'yan sa party, paniguradong mas maganda ka kapag nakaayos ang buhok at may kakaunting make up." "Tsk, sige na , magbibihis na ako," sabi ko at naiiling na bumalik sa banyo upang magbihis. Nang kinahapunan ay nakareceive ako ng text kay Creed. He wants to see me. So I texted him my address, maya maya lang ay nasa labas na siya. Nagpaalam ako kay Manang Susan since wala naman sina Kuya. Pagkalabas ng gate, naabutan ko si Creed na nakasandal sa kanyang ferrari. Nginitian niya ako bago pagbuksan ng pinto. Nakangiti naman akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. "Why do you want to see me?" tanong ko nang makasakay siya sa driver's seat. "Let's talk about it later, by the way, nice house," aniya bago sinimulang paandarin ang sasakyan. Nagstop kami sa isang convenient store, si Creed lang ang bumaba, pagbalik niya may dala na siyang tatlong paperbags. Pagbukas ko, puro junk foods at canned beer ang laman no'n. Kunot noo ko siyang binalingan. "Mag-iinom ka na naman," naiiling kong sinabi. He sighed. "Yeah, may problema ako e, pero mamaya ko na sasabihin kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin." Tumango ako at hindi na muli pang nagsalita. Nakarating kami sa sinasabi niyang lugar. Napakaganda roon, mahangin at kitang kita ang view. Naglabas siya ng isang blanket at inilatag 'yon sa sahig, inanyayahan niya akong maupo roon nang matapos. Inilabas niya isa isa 'yong laman ng paperbags. Maya maya'y kumuha siya ng isang canned beer at binuksan 'yon. "Tell me, anong problema?" tanong ko at nagbukas na rin ng isang canned beer. Uminom muna siya bago ako binalingan. "I got a text from kuya earlier." "Oh, and then? Anong sabi?" tanong ko, kinuha ko 'yong clover at sinimulan na 'yong kainin. Inalok ko siya pero tumanggi siya at isinenyas ang beer. Tsk so hindi siya kakain? Puro lang inom? Ngumiwi ako. "That's not good for the health." Natawa siya. "Hayaan mo na, minsan lang naman." Inirapan ko siya. "Minsan? para ngang napapadalas e." He sighed. "Sabi ni Kuya kanina sa text, wala na raw siyang pakialam kay Alex dahil si Lauri na ang gusto niya," aniya at muling uminom. I saw pain in his eyes again. I wanted to say something pero minabuti ko nalang na manahimik. Mapakla siyang ngumiti saka nilaro sa kanyang kamay iyong beer. "Syempre, nasaktan ako, kasi nagkatotoo 'yong kinatatakutan ko." I sighed. Binitawan ko ang hawak na clover at inakbayan siya. "It's okay, cheer up, I told you marami pang iba riyan." Kung bakit kasi, nagkakagusto tayo sa mga taong hindi naman tayo gusto o mahal e. 'Ayan tuloy, nasasaktan tayo, nawawasak tapos hindi na naman alam kung paanong magiging buo. Umiling siya. "No, hindi ako titigil, titigil lang ako kapag sinabi na mismo sa akin ni Lauri na mahal na mahal niya si Kuya." "Ang rupok mo naman," sabi ko at bahagya siyang tinapik sa balikat. Hindi pa ba obvious iyong kilos? Kailangan talaga sabihin pa? Jusko naman baka abutin siya ng siyam siyam diyan. Nagkibit balikat siya. "Wala e, mahal ko talaga siya." Mapakla akong ngumiti. "Hindi pa ba sapat sa 'yo 'yong actions niya towards your brother? Kailangan talaga sabihin pa sa 'yo?" tanong ko at inalis ang brasong nakaakbay sa kanya. Kinuha ko ulit 'yong canned beer at muling uminom doon. Parang kahapon lang umiiyak ako dahil sa kanya, pero heto ako ngayon, kasama niya na naman, nakikinig sa mga hinaing at saloobin niya sa kanyang kapatid at minamahal. Ako yata itong marupok e. "Naranasan mo na bang magmahal o magkagusto sa isang tao?" bigla niyang tanong, hindi ko inaasahan. Natigilan ako at dahan dahang ibinaba 'yong canned beer. Ngumiti na naman ako ng mapakla. "Oo naman." "How was it?" tanong niya, ang paningin ay nasa akin lang. Ibinaba na rin niya ang kanyang iniinom. "No'ng una masaya...tapos ngayon, masakit na," sabi ko saka nag-iwas ng tingin. Hinuli niya ang mukha ko at pilit akong iniharap sa kanya. Nagkatitigan kami, samu't saring emosyon na naman ang nakikita ko sa kanya, paniguradong gano'n din siya sa akin. "Hindi niya ako gusto." My voice cracked at kasunod no'n ang pagtulo ng luha ko. Nataranta siya at kaagad na pinunasan ang mga luha ko sa mukha. Hindi siya nagsalita at basta nalang akong niyakap. "Shh, I'm sorry," bulong niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "I'm sorry for causing you pain." Natigilan ako sa sinabi niya. He knew? Masyado bang halata? Alam na ba niya na gusto ko siya? I'm so dead! "You don't have to say sorry," mahina kong sinabi at mas isiniksik pa ang mukha ko sa kanyang leeg. "Kung hindi ko sinimulan ay hindi ka iiyak at masasaktan," aniya at hinalikan ako sa ulo. Para akong nakahinga ng maluwag nang sabihin niya 'yon. Hindi niya pa alam ang nararamdaman ko. Wala siyang alam, buti nalang! Akala ko pa naman ay alam na niya. "Ayos lang, damayan naman tayo rito," sabi ko. I even faked a laugh para hindi siya masyadong mag-alala. Pinakawalan na niya ako at pinunasang muli ang mukha ko, maya maya'y kinuha niya ang canned beer na iniinom namin, inilagay niya sa kamay ko 'yong sa akin. "Cheers," nakangiti niyang sinabi at pinagdikit pa ang pareho naming inumin. "Cheers," sabi ko bago ulit tuluyang uminom. Cheers for the people that we can't have. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD