Chapter 9

2010 Words
Chapter 9 Inihatid ako ni Creed sa bahay namin nang dumilim. Inanyayahan ko siyang kumain ng dinner sa bahay pero tumanggi siya, katwiran niya'y kailangan niya pang magpahinga. "Sigurado ka bang ayaw mong pumasok sa loob?" tanong ko ulit, naninigurado. Baka kasi mamaya'y nagugutom na siya pero nahihiya lang magsabi, saka malungkot kumain magisa, kahit pa sabihin mong sanay kana, iba pa rin iyong may kasama ka. Mas maganda pa rin iyong may kasalo ka at kausap sa hapag. Umiling siya at ngumiti. "Hindi na, kailangan ko na ring bumalik sa condo para makapagpahinga." Nakagat ko ang ibabang labi. "E, paano 'yan, nakainom ka...baka mapaano ka sa daan." Iniisip ko lang naman siya. Baka ano pang mangyari sa kanya, medyo marami pa naman ang nainom niya. "Nakapagdrive naman ako papunta dito hindi ba?" tanong niya habang nakangiti. Hays, umiral na naman ang kanyang kayabangan. Pero kasi kanina, kasama niya ako, pero ngayon, kapag umuwi siya magisa nalang siya. "Oo nga pero baka bigla kang mahilo sa daan, paano 'yon? Baka maaksidente ka?" Tuloy tuloy ko 'yong sinabi. Kinapos tuloy ako ng hininga. Natatawa siyang tumitig sa bibig ko. Parang hindi pa makapaniwala na mabilis kong sinabi ang mga 'yon sa kanya. Ngumuso ako. "Ano? Tatawa tawa ka riyan, nagaalala na nga sa 'yo." "Thank you sa pagaalala pero kaya ko talagang umuwi," sabi niya at ginulo ang buhok ko. Maya maya'y lumabas si Manang Susan, dala dala niya 'yong garbage bag. Nagulat pa siya nang makita ako sa labas na may kasamang lalaki. Marahil hindi niya inaasahan na uuwi ako na kasama si Creed. Hindi naman kasi ako kadalasang naguuwi o nagpapapunta ng kaibigan dito o kahit sino pang lalaki kaya hindi ko rin siya masisisi. "Good evening po," magalang na bati ni Creed kay Manang Susan. Nakangiti siyang binalingan ni Manang at nginitian. "Magandang gabi rin hijo." "Dauntiella, bakit hindi mo papasukin sa loob ang bisita mo?" tanong ni Manang nang mailagay sa gilid 'yong basura. Nagkatinginan kami ni Creed. "Ayaw niya raw Manang e," sabi ko habang nakangiwi. Binalingan ulit ni Manang si Creed. "Bakit ayaw mong pumasok sa loob?" Ngumiti si Creed. "Ah hindi na po, uuwi na rin ako e." "Ay sige, mag-iingat ka," ani Manang. Tumango si Creed at ngumiti. Papasok na sana si Manang nang bigla kong pigilan. Kaagad naman niya akong nilingon. "Ano 'yon?" "Manang, pakisabi naman kina Mommy na sa condo ako uuwi ngayong gabi," sabi ko at saka sinulyapan si Creed na ngayon ay mababakasan sa mukha ang gulat matapos marinig ang sinabi ko. Sinulyapan ni Manang si Creed bago ngumiti at tumango sa akin. "Sige, mag-iingat kayo ha?" Tumango ako. "Salamat Manang, uuwi nalang ulit ako sa isang araw." Nang makapasok si Manang sa loob ay nauna na akong sumakay sa kotse ni Creed. Naiiling naman siyang sumakay sa driver's seat. "You're really unbelievable," aniya habang nakatingin sa akin. Tinawanan ko siya. "Swerte mo sa akin." "Yeah, sobra," sagot niya, nagkatinginan na naman kami. Kita ko sa mga mata niya na masaya talaga siya. Nakakatuwa naman! "Gusto mo ako na magdrive?" tanong ko, panigurado kasing napagod siya sa layo ng pinuntahan namin kanina. Natigilan siya. "You will do that for me?" tanong niya, hindi na naman makapaniwala. Nakangiti akong tumango. "Oo naman, why not? For sure napagod ka sa byahe kanina, so ako na muna." Nakangiti siyang umiling. "You're really something." Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Something huh?" He licked his lips. "Well, you're..." "I'm what?" tanong ko, hinihintay ang sasabihin niya. "You're unique," komento niya. Kahit naman sino ay unique sa sarili nilang paraan. Natawa ako at binuksan na ang pinto ng shotgun seat. "Palit na tayo, ako na ang magdadrive." "Sure ka riyan?" tanong niya, parang nagaalinlangan pa. "Oo naman, sige na baba na." Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko. Tuloy ay ako ang nagdrive hanggang sa makarating kami sa condo. Nang lingunin ko siya ay mahimbing na ang kanyang tulog. Nakangiti ko siyang sinulyapan. Marahan ko pang hinaplos ang kanyang pisngi. Napakagwapo talaga! Walang kupas! Sana icrushback mo 'ko char. Tinanggal ko ang seatbelt niya at bahagya siyang niyugyog para magising. "Wake up, nandito na tayo," bulong ko. Agad naman siyang nagmulat ng mata at iginala ang paningin sa labas. Nag-ayos pa siya ng upo at binuksan ang pinto ng shotgun seat nang makitang nasa may condo na kami. Sabay kaming sumakay ng elevator, nakaalalay ako sa kanya incase na matumba siya. Hanggang sa pagpasok sa kanyang unit ay sinamahan ko siya. Inalalayan ko siyang mahiga sa kanyang kama. Kumuha rin ako ng pamalit niyang shirt sa cabinet. Pagbalik ko, napakahimbing na ng tulog niya sa kama. Naupo ako sa tabi niya at dahan dahang hinubad ang suot niya, hindi naman siya umapela kaya mabilis ko siyang napalitan ng damit, isa pa, sinadya ko talagang bilisan dahil hindi ako masyadong komportable na nakakakita ng hubad na katawan. Lalo pa iyong sa taonv gusto ko, iba ang pakiramdam e. Pumunta ako ng banyo pagkatapos para kumuha ng basin at towel. Inilublob ko ang towel sa tubig at saka siya pinunasan. Hindi na ako bumalik sa unit ko matapos 'yon, naisip ko kasing baka kailanganin niya ako kaya dito nalang muna ako matutulog. Nahiga ako sa sofa na hindi kalayuan sa kama niya at sandaling inalala ang mga ginawa namin kanina. Narealize ko na kontento na ako sa gano'n, 'yong hanggang kapatid at kaibigan nalang, atleast nakakasama ko pa rin siya. Mas mahalaga naman 'yong samahan namin kaysa sa mga label na 'yan. Pero kung sakali man na mafall siya sa akin, swerte nalang kung matatawag iyon. Bonus kumbaga. Lumipas ang ilang minuto at nakaramdam na ako ng antok. Nagising lang ako nang makarinig ng kalabog. Mabilis akong bumangon at lumapit roon sa kinaroroonan ni Creed, naabutan ko siya sa banyo na nagsusuka. Hinagod ko ang kanyang likuran, kumuha na rin ako ng tissue at iniabot 'yon sa kanya matapos siyang magmumog ng tap water. "Thanks," sabi pa niya. Tumango lang ako at inalalayan na ulit siyang mahiga sa kama. Aalis na sana ako, kaya lang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Nilalamig ako," aniya na parang nahihirapan. Mabilis kong kinuha ang remote ng aircon sa side table at hininaan 'yon. Hinipo ko ang noo ni Creed nang mas ibalot niya pa sa sarili 'yong kumot. May lagnat siya o my gosh! "Nilalamig ka pa ba?" tanong ko. Tumango siya at hindi manlang binitawan ang kamay ko. Napakalamig no'n! Kailangan niya ng body heat! Anong gagawin ko? Tatabihan ko ba siya sa kama? Wala namang malisya hindi ba? May sakit siya! Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinawi ko nang kaunti ang kumot para makahiga ako sa tabi niya. Hinubad ko 'yong tshirt ko at agad na yumakap sa kanya. Lalo naman niyang isiniksik ang sarili sa akin. Hindi ako nakatulog ng maayos nang sumapit ang madaling araw, maya't maya ko siya kung icheck, bahagya namang bumaba ang lagnat niya kaya nakahinga ako ng maluwag at nakampante kahit papaano. Kinabukasan ay maaga akong nagising, kulang man ang tulog ay pilit akong bumangon para ipagluto siya ng agahan. Nagluto ako ng sopas. Kinailangan ko pa ngang mamili sa ibaba para mailuto 'yon. Nagtimpla ako ng kape para mahimasmasan siya, miski gamot ay inihanda ko na rin. Kinumpleto ko talaga ang mga 'yon para sa kanya. Nang matapos sa paghahanda ay isa isa ko 'yong inilagay sa tray. Naupo ako sa tabi niya at bahagya siyang tinapik. Maya maya lang ay gising na siya, inalalayan ko siyang maupo ng maayos sa kama. Pinasandal ko siya roon sa unan niya. "Masakit pa ulo mo?" tanong ko at hinipo ang kanyang noo. Bumaba baba na ang lagnat niya, salamat naman. Dahan dahan siyang tumango. "Thank you, Dauntiella," aniya at hinawakan pa ang kamay ko. Dumako roon ang paningin ko, pero pagkatapos ay nakangiti ko siyang tinanguan. "Saka mo sabihin 'yan kapag magaling kana, oh siya kainin mo na 'to," sabi ko pa at inilapit sa kanya 'yong tray na naglalaman ng mga pagkain. Tinulungan ko siyang kumain. Miski sa pag-inom ng kape at gamot ay nakaalalay ako. Nang bumaba saglit ang kanyang kinain ay pinabalik ko na siya sa pagtulog. Ako naman ay bumalik sa kusina para kumain at magligpit ng pinaggamitan ko kanina. Pumunta ako sa condo unit ni Kuya sandali para maligo at bumalik din sa unit ni Creed pagkatapos. Naabutan ko siyang tulog na tulog, kaya hinayaan ko nalang. Nang sumapit ang tanghalian ay nagluto ulit ako at inihanda ang gamot niya. Gano'n lang ang nangyari sa araw na 'yon at sa sumunod pa, hindi ako nakauwi gaya ng sabi ko dahil inalaagan ko si Creed, buti nalang at naintindihan nina Kuya at hinayaan lang ako. Nagising ako kinabukasan na nasa kama na. Bumangon kaagad ako nang may maamoy na nagluluto. Naabutan ko si Creed na abalang nagluluto ng agahan. Lumapit ako sa kanya. Hinipo ko 'yong noo niya. Wala na siyang lagnat, buti naman. "Wala na akong lagnat," sabi niya at ngumiti. "Buti naman, dalawang araw ka ring nilagnat e," sabi ko at kumuha na ng tasa. Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa. Inilagay ko 'yon sa lamesa pagkatapos. "Thank you, Dauntiella," sabi niya nang tuluyang mailagay sa lamesa lahat ng niluto niya. Gumawa siya ng french toast at nagluto ng bacon and eggs. "Wala 'yon," sabi ko at kumuha na ng french toast. Naupo na siya sa harapan ko. "No really...thank you." Ngumiwi ako. "Oo na nga." "Hindi ka nakauwi dahil sa akin, magdamag mo akong binantayan." Nginitian ko siya. "Wala 'yon, nagpaalam naman ako at pumayag sila." "Hmm, babawi talaga ako." Umiling ako. "Hindi na kailangan, ano ka ba." "Pero ang dami mo ng nagawa para sa akin," aniya bago sumimsim ng kape. Tinapik ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. "Ginusto ko namang alagaan ka." "Mabilis akong gumaling dahil magaling ang nurse ko," aniya at kumindat. Nang sumapit ang tanghalian ay ako na ulit ang nagluto, hindi ko na siya pinagalaw pa dahil baka mabinat at bumalik na naman bigla ang lagnat niya. Dumating ang kuya niya no'ng hapon. Pinasalamatan pa ako nito nang malamang ako ang nagbantay sa kanyang kapatid. Bilib din ako sa samahan nila, kahit na may gusto sila sa iisang babae ay isinasantabi nila 'yon lalo na sa ganitong sitwasyon. Tuloy ay hindi ko maiwasang humanga. Bibihira nalang ang gano'n. "Dauntiella, aalis na si Kuya," ani Creed mula sa living room. Agad naman akong pumunta roon. Nginitian ako ng kuya niya. "Thanks for taking care of my brother," ani Kuya Tusher. Yup, I know his name, nagpakilala siya sa akin kanina. "Wala po 'yon," sagot ko at ngumiti. Tinapik niya ang balikat ni Creed. "Pagaling ka bro, see you sa party." "Sige kuya, umuwi kana baka hinahanap kana ni Lauri," ani Creed at pilit na ngumiti. Nang makaalis si Kuya Tusher ay lumapit kaagad ako kay Creed. "Anong pinag-usapan niyo?" pang-uusisa ko. He sighed. "He told me na unti unti na silang nagiging maayos ni Lauri." "Be happy for them," sabi ko at at ikinawit ang sariling braso sa kanyang braso. Inihilig ko pa ang ulo sa kanyang balikat. That's my way of comforting him. Hindi naman siya tumanggi at hinayaan lang ako. "Last na talaga, kapag tinapat na ako ni Lauri, susuko na ako." Hindi ako umimik. Nanatili kami sa gano'ng posisyon ng ilang minuto. Hindi na ako pinagluto ni Creed, kaya nagpadeliver nalang kami. Magana kaming kumain sa living room habang nanonood ng Letters to Juliet. Isa 'to sa mga fave movies ko no'ng bata ako. Hindi ako nagsawang paulit-ulitin 'to. Pero sa kaso ni Creed, mukhang ito ang first time niyang manood nito. Ang daming lessons ang matututunan sa movie na 'yon. Pinatunayan no'ng palabas na kahit gaano katagal pa kayong hindi magkita, magbago man ang inyong itsura, makikilala at makikilala niyo pa rin ang isa't isa. I envy those na people na masaya sa piling ng mahal nila ngayon. How I wish gano'n palagi diba? Para hindi sana tayo nasasaktan. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD