Chapter 10

1919 Words
Chapter 10 Napabalikwas ako sa aking hinihigaan nang bigla akong gisingin ni Mommy. Tsk ang aga aga naman manggising! Anong oras na nga ako umuwi kagabi e, late na rin ako nakatulog pagkatapos ay maaga pa akong gigisingin? Nasaan na naman ang hustiya roon? Deserve ko ang mahabang tulog ngayon! Naramdaman kong tumabi sa akin si Mommy. "Wake up, baby," malambing na aniya at hinawi pa ang iilang hibla ng buhok ko na nagtatakip sa aking mukha. Muli akong pumikit. Inaantok pa talaga ako! "Mom, pwede bang mamaya mo nalang ako gisingin?" "Anak, anong oras na, aayusan ka pa para sa party." Oh yeah, mamaya na nga pala ang party! Kung bakit naman kasi kailangang kasama pa ako, pwede namang dito nalang ako sa bahay, mas gusto ko pang matulog kaysa pumunta roon e. Hindi ako sumagot at basta nalang nagtalukbong ng kumot. I heard my Mom sighed. Tinanggal niya ang kumot na nagtatakip sa akin. "Dauntiella Lee, alas dos na ng hapon." Alas dos na pala? Parang hindi naman halata. Pakiramdam ko nga ay umaga pa rin. Napakalamig kasi rito sa kwarto ko e, kaya mas lalo kong gustong matulog at manatili rito sa kama ko magdamag. Nakapikit akong umiling. "Ayoko nga Mommy, hindi na ako sasama sa inyo." "Sayang naman ang gown mo." Iminulat ko ang isa kong mata at bahagyang sinilip ang reaksyon ng aking ina. Halatang naiinis na siya. Nagpapasensya nalang. "Pwede ko pa namang magamit sa ibang okasyon 'yon Mom," sabi ko at nagtakip ng unan sa mukha. "Maligo kana, nandyan na ang make up artist sa ibaba." Iyon lang ang sinabi niya saka umalis sa kama ko. Maya maya'y naramdaman ko nalang ang pagsara ng pinto. Hindi pa rin ako bumangon. Ipinagpatuloy ko ang tulog ko dahil inaantok pa talaga ako. "Sis. Wake up ano ba!" dinig kong ani Ate Amber, nakakailang yugyog at hampas na siya sa akin. Inis kong iminulat ang mga mata ko. "Unnie, inaantok ako ano ba, let me sleep," asik ko. "Sleep?" Pinandilatan niya ako, tinignan niya pa ang suot na relos saka bumaling ulit sa akin. "Anong oras na sleep pa rin?" tanong niya, naiinis na. Ngumuso ako. "E, sa gusto ko pang matulog unnie," katwiran ko, pero inirapan niya lang ako. "Pumunta kana sa banyo, huwag mong paghintayin ang mga mag-aayos sa 'yo," aniya at umalis na. Inis kong ginulo ang sariling buhok. Hinawi ko ang kumot ko at saka ako pumunta ng banyo. Nang matapos sa pagligo ay agad na pinaakyat ni Mommy sa kwarto ko 'yong mga mag-aayos sa akin. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang sila sa kanilang ginagawa. Alas otso na nang matapos akong ayusan ng buhok, miski make up ay tapos na rin. Hindi ko masyadong pinakapalan dahil hindi naman ako sanay sa gano'n. Pumunta ako sa banyo para magbihis. Paglabas ko, bahagya pa nilang inayos ang gown na suot ko. Maya maya pa'y pumasok si Mommy dala dala 'yong kwintas at necklace na isinuot niya sa akin no'ng nakaraan. Tuwang tuwa siya nang pagmasdan ang kabuuan ko mula sa salamin. Sabay kaming bumaba matapos 'yon, naabutan pa namin sina Ate, Kuya at Daddy na naghihintay sa ibaba ng hagdan. Lahat sila ay nakatingin sa amin hanggang sa makababa. Nilapitan ako ni Kuya at pinuri, gano'n din sina Daddy at Ate. Tanging tango at ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Nakarating kami sa venue nang alas nuebe ng gabi. Marami-rami na ang tao roon. Halatang kanina pa rin nagsimula. Hinintay ko pa ngang sisihin ako nina Mommy pero hindi 'yon nangyari. Panay lang ang sabi nila sa akin na ngumiti sa camera habang naglalakad sa red carpet. Naninibago talaga ako pero sinakyan ko nalang ang trip nila. "Unnie, pwede bang mauna na kayo sa loob?" tanong ko sa aking kapatid na babae. May nakalimutan kasi ako sa sasakyan e. Gusto ko sanang balikan. Tumaas ang isang kilay niya. "At bakit? 'Wag mong sabihin na balak mong tumakas?" Awtomatikong sumama ang mukha ko. "Sa tingin mo, gagawin ko 'yon?" Nakangiwi siyang tumango. "Oo naman, ikaw pa ba? Palagi mong sinusuway sina Mommy." "Tsk, sige na susunod ako sa loob." Bahagya ko pa siyang itinulak palayo sa akin. "Siguruduhin mo lang," aniya at pinanlakihan pa ako ng mata bago tuluyang pumasok sa loob. Pumunta ako sa may parking at kinuha ang clutch kong naiwan. Nang makuha 'yon ay kaagad din akong bumlik sa loob, pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang biglang makasalubong sina Kuya Tusher at Lauri. Magkahawak kamay sila. Kung hindi pa ako tinawag ni Kuya Tusher ay baka hindi ko sila napansin. "Dauntiella, nandito ka pala," nakangiting ani Kuya Tusher. Nakangiti akong tumango. "Opo, nandyan sa loob ang family ko." "Oh gano'n ba? What's your surname by the way? Baka kilala ko ang pamilya mo?" sunod sunod na tanong ni Kuya Tusher. Si Lauri naman ay nanatiling nakatingin sa akin, nakangiti. Napansin ko rin 'yong suot niyang necklace. Sumagi tuloy sa isip ko na baka bigay 'yon ni Creed, nabanggit niya kasi sa akin na bibigyan niya ng kwintas si Lauri, possible kayang 'yon 'yong suot niya ngayon? Pero who knows diba? Baka rin kay kuya Tusher iyon galing. "Lee po ang surname ko," kaswal kong sagot at inalis ang paningin sa kwintas ni Lauri. "Lee? Ikaw ang bunsong anak nina Vinzon at Daniella Lee?" tanong ni Kuya Tusher. Hmm he knows my parents pala. Tumango ako. "Opo, ako nga." Bahagyang umawang ang bibig ni Kuya Tusher pero kaagad ding ngumiti. "By the way Dauntiella, this is Lauri, my wife," pagpapakilala niya sa kanyang asawa. Dumako tuloy ang tingin ko kay Lauri. Nakangiti naman siyang lumapit sa akin at yumakap. "It's nice to meet you, napakaganda mo ngayong gabi." Nginitian ko siya. "Thank you, ikaw din." "Paano ba 'yan Dauntiella, mauuna na kami? Enjoy the party, nasa loob si Creed," ani Kuya Tusher bago sila tuluyang nagpaalam ni Lauri. Pagpasok ko sa loob, naabutan ko sina Daddy at Mommy na may kausap, batid kong hindi nagkakalayo ang edad nila. Kung hindi lang ako tinawag ni Mommy at sinenyasang lumapit sa kanila ay nakaupo na talaga ako. "Grace, Alfred, this is Dauntiella, my youngest daughter," pagpapakilala sa akin ni Mommy doon sa mga kausap nila ni Daddy. Nakangiti nila akong sinuyod ng tingin. "Hello Dauntiella, napakaganda mo," papuri ni Tita Grace. Nahihiya ko siyang nginitian. "Thank you, kayo rin po." Maya maya'y nagusap na sila tungkol sa business. Tuloy ay hindi ko na nagawang umalis, hindi nila ako hinahayaan. Ang mga kapatid ko naman ay abala rin sa pakikipagusap sa iba pang tao na nandito. "Wala yata ang bunsong anak mo Grace?" biglang tanong ni Mommy kay Tita Grace. "He's here..." sagot ni Tita Grace at inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. "Son, come here," tawag niya sa kanyang bunsong anak na batid kong naroon sa hindi kalayuan. Hindi ko na sila pinansin pa at inabala nalang ang sarili sa pagkain. "This is Creed, my youngest son," ani Tita Grace. Batid kong nakangiti siya ngayon. Teka Creed ang pangalan ng bunso ni Tita Grace? Coincidence ba 'yon o iyong Creed na kilala ko ang anak niya? Saka hindi naman malabong nandito nga si Creed, nandito lang kanina ang kuya niya e. "Good evening po," dinig kong bati nito sa amin. Pero bakit ang pamilyar masyado ng boses? Natigilan ako sa pagkain at dahan dahang nag-angat ng tingin sa anak ni Tita Grace. Nanlaki pa ang mata ko nang makumpirmang si Creed ang anak na tinutukoy niya. "Napakagwapo ng anak mo," ani Daddy na sinangayunan naman ni Creed. Tss yabang kahit kailan! Sabagay, iyan naman ang gusto niya, iyong pinupuri ng pinupuri. "May pinagmanahan e," sagot ni tito Alfred saka natawa. Sandali silang natahimik bago tumingin sa gawi ko. "Creed, this is Dauntiella," pagpapakilala sa akin ni Tita Grace. Hindi ako nakaimik at nanatili lang ang paningin kay Creed, gano'n din siya sa akin. "We know each other Mom," sagot nito, dahilan para mapunta sa akin ang paningin ng aking mga magulang. "Is that true?" tanong ni Mommy, hindi makapaniwala. Tumango ako at uminom ng tubig. Ang liit naman ng mundo kung ganoon. "That's good," ani Tita Grace at nakipagtanguan pa sa aking magulang. Nanatili si Creed sa tabi ko nang gabing 'yon, panay lang ang usap naming dalawa habang ang magulang namin ay abalang abala sa paguusap tungkol sa business. Natigil lang kami sa pag-uusap nang bigla kaming tawagin sa entablado kasama ang aming pamilya. Nanatili akong tahimik nang makarating doon, pinaupo nila kami sa isang mahabang lamesa at sa tapat namin ay may ballpen at isang folder. Kunot-noo kong binalingan si Mommy pero tango lang ang isinagot niya. Pero ang ipinagtataka ko ay ako, si Creed at tanging magulang lang namin ang pipirma. Bakit hindi ang mga kapatid ko? Bakit ako? Ano bang alam ko rito? Tsk, duda ako sa oras na 'to. Tutok sa amin ang lahat ng naroon kaya wala na akong nagawa kundi basta nalang pumirma, ni hindi ko na 'yon nagawang basahin dahil sobrang haba. Isa pa, sinabi naman ng emcee kanina na partnership 'to ng pareho naming kumpanya nina Creed kaya hindi ko na rin idinouble check pa. Matapos 'yon ay nagkaroon ng sayawan. Lahat sila ay nagsasayaw, ako ay nanatiling nakaupo sa isang tabi, pinagmamasdan ang mga tao sa gitna. "Let's dance," anang lalaki sa likuran ko. Nilingon ko siya. "Tinatamad ako," walang kagana-gana kong sagot. Natawa siya at pilit na kinuha ang kamay ko. Pumwesto kami sa gitna, kasama ng iba pang mga nagsasayaw. "I'm happy that you're here," bulong niya habang kami'y nagsasayaw. Tumaas ang isa kong kilay. "Really? Bakit naman?" Inilapit niya ng bahagya ang labi sa pandinig ko. "Kung hindi ka dumating ay baka kanina pa ako umalis," sagot niya. Ngumiwi ako. "E, bakit na naman? Anong trip mo?" Natawa siya pero maya maya'y bumuntong hininga rin. "What's with the sigh? Ang lalim ah," panunukso ko. Lumungkot bigla ang kanyang mukha. "Kinausap ako ni Lauri kanina, diniretso na niya ako," aniya at doon na tuluyang tumulo ang kanyang luha, hindi ko inaasahan 'yon. Nataranta ako at agad na pinunasan ang kanyang luha. Mabilis ko siyang niyakap. Isiniksik niya naman ang ulo sa aking leeg. Doon siya umiyak ng umiyak. "Everything will be alright," bulong ko at hinagod ang kanyang likuran. Kung titignan ay mukha lang kaming nagsasayaw. Hindi mahahalata na umiiyak siya at nagtatago lamang sa may leeg at balikat ko. Naramdaman ko siyang tumango. "Of course," mahina niyang sagot. "I'm just here okay? Hindi kita iiwan," bulong ko at malungkot na ngumiti. Naramdaman kong pinunasan na niya ang kanyang mga luha. Umayos siya ng tayo at saka tumingin sa akin. Nanatili lang din akong nakatingin sa kanya. Sa oras na 'yon, nawalan ako ng pake sa mga tao sa paligid, ang atensyon ko ay nasa kanya lang, sa aming dalawa. Sasagot na sana siya nang bigla nalang tumapat sa amin ang spotlight, lahat ng tao ay nasa amin na ang paningin. "Thank you," bulong niya at hinaplos ang pisngi ko. Nakangiti akong tumango. "No problem." "Ladies and gentlemen, Creed and Dauntiella De La Vega," anang baklang emcee. Gustuhin ko mang kontrahin dahil hindi niya sinabi ang apelido ko pero hindi ko na nagawa. Naagaw na ni Creed ang atensyon ko. He cupped my face. Maya maya lang ay naramdaman ko na ang paglapit ng kanyang mukha sa akin. Then the next thing I knew is magkadikit na ang labi naming pareho. May first kiss na 'ko! s**t! ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD