Kasalukuyang tumitipa sa keyboard ng computer si DJ ng bumukas ang pintuan at pumasok si Jazzie bitbit ang mga resume ng mga nais mag-apply bilang sekretarya niya. Naglakad ito palapit sa kaniya at ibinaba ang mga iyon sa kaniyang mesa. Ang kapal niyon. Hindi niya kayang isa-isahin iyon. Mas mainam na si Jazzie na ang tumingin sa mga iyon. Malaki ang tiwala niya rto kaya noong nagtayo siya ng main branch dito sa Maynila ay kinuha niya agad ito. Maayos ito magtrabaho at hindi niya penepersonal ang pagtratrabaho dahil kaibigan ito ni Desiree. "Ikaw na ang tumingin niyan, Jazzie. Wala akong panahon na isa-isahin pa ang mga iyan," sabi niya. "Hm, sir. May i-re-recommend po sana ako na maging sekretarya ninyo," sabi nito. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ito. Kumunot ang noo niya. "Sin

