"Miss, nandito na tayo," anang konduktor kay Desiree at bahagya pa siyang niyugyog sa balikat. Dahan-dahan na iminulat niya ang kaniyang mga mata. Nasa terminal na nga sila ng bus. Kinuha niya ang travelling bag saka bumaba ng bus. Dito siya susunduin ni Jazzie. Iyon ang usapan nila. Nag-stay siya sa terminal saka inilabas ang cellphone sa kaniyang bag at idinial ang numero ng kaibigan. "Hello, Des! Nasaan ka na?" tanong nito. "Nandito na ako sa terminal. Ikaw nasaan ka na?" tanong niya. "Give me ten minutes para makarating diyan." ani nito. Matapos sumang-ayon, pinatay na niya ang tawag. Nagtungo siya sa mini store na nasa malapit at bumili ng inumin saka bumalik sa puwesto. Hindi nagtagal ay dumating na si Jazzie sakay ng kaniyang kotse. Lumabas ito at sinalubong siya ng mahigpit na y

