Makalipas ang pitong taon... Kasalukuyang nire-review ni DJ ang report na ibinigay sa kaniya ng kaniyang sekretarya ng biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok doon si Antonette, bagong girlfriend niya. Hindi niya alam ung pang-ilang girlfriend niya na ito. Basta nagtatagal lang ang girlfriend niya ng hindi lumalampas ng apat na buwan. Hindi na rin niya matandaan kung ilang beses na niyang na-i-kama ang babaeng ito. Dalawang buwan na silang magkasintahan ni Antonette at magkasundo sila sa lahat ng bagay. Gusto na rin niya ng seryusong relasyon lalo at hind na siya bumabata. Siguro, tama na iyong pitong taon na pagiging babaero. Baka nga si Antonette ang para sa kaniya. Biglang sumagi sa isip niya si Desiree. Kamusta na kaya ito? May pamilya na rin kaya ito? Bigla siyan

