Chapter 34-Learn to forgive

1075 Words

"Oh eh di mabuti! Bisitahin ko nga siya bukas," masiglang sabi ng kaniyang ina na ikinakunot ng noo niya. "Hindi po kayo galit sa kaniya, mom?" naguguluhan niyang tanong. Natawa ito. "Bakit naman ako magagalit sa kaniya? Walang dahilan para magalit ako sa kaniya. Malay mo may rason siya kaya niya iyon ginawa, 'di ba? Tanungin mo siya. At anong dahilan para bumalik uli siya sa 'yo at ginusto na maging katulong mo? Malay mo may reason kaya niya iyon ginagawa 'di ba?" paliwanag ng kaniyang ina. Sabagay, tama nga naman ito. Pero hindi magbabago ang katotohanan na iniwan siya nito na hindi man lang nagpapaliwanag! "Masakit lang para sa 'kin na ginawa niya iyon sa kabila ng kabutihan ko sa kaniya. Kung ipinaliwanag niya lang sana sa 'kin kaysa umalis, baka naresolba na namin ang problema," an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD