"Bye, girl! Ingat ka..." paalam ni Danica kay Ma-an nang makababa ito ng taxi na sinasakyan nila. Sa kanilang tatlo kasi si Ma-an ang may pinakamalayong inuuwian kaya siya ang huling bababa sa kanila. Pumara na lang sa kanto si Danica dahil ayaw na niyang maabala ang taxi driver at papuntahin pa ito sa tapat ng bahay nila. Isa pa, alam niyang pagod na rin si Ma-an kaya minabuti niyang padiretsuhin na lang ang driver kung saan bababa si Ma-an. Habang naglalakad si Danica ay nakaramdam siya ng mga yapak ng paa mula sa likuran niya. Nangibabaw ang takot na nararamdaman dahil iilan lang ang poste ng ilaw sa kanto kung nasaan ang bahay nila. Dahan-dahan siyang naglakad upang makiramdam. Totoo, may sumusunod nga sa kanya ngunit nang lumingon siya ay wala naman siyang napansin. Pero alam niya na

