Kaagad na umuwi ang ang mommy ni Az matapos mabalitaan ang nangyari sa anak. Nagpabook kaagad ito ng flight kinabukasan. Alalang-alala ang mommy ni Az sa kanya matapos ang nangyari. Kaagad naman nitong ginawan ng paraan ng mommy ni Az. Isang araw matapos niyang makarating ng bansa ay isinagawa kaagad ang blood transfusion niya sa kanyang anak. Kinailangan niya muna kasing magpahinga ng isang araw sa biyahe bago gawin 'yun. "Okay na po, ma'am,"wika ng nurse sa mommy ni Az na nag-a-assist sa blood transfusion. "Thank you." Matapos 'yun ay lumabas na ang mommy ni Az sa emergency room. Sinalubong naman siya ng mga kaibigan ni Az kasama si Danica. "Tita, kumusta?" tanong ni Marvin. "I think he's okay now. Mamaya lang din siguro ay ililipat na ulit siya sa room niya," paliwanag ng mommy ni

