Chapter 23

1407 Words

Unti-unti nang nakaka-recover si Az. Masugid kasi itong binabantayan at inaalagaan ni Danica. Nag-file muna kasi ng leave si Danica sa school para mas mabantayan niya si Az. Nagpaalam na rin siya sa kanyang ina matapos ang nangyari. Samantala, nasa kulungan pa rin sina Paul at ang mga kasamahan nito. Nang mabalitaan kasi ni Belinda ang nangyari ay kinausap niya ang isa sa mga kaibigan niyang pulis at agad na ipinahuli sina Paul. May mga dumadalaw na rin kay Az. Ilang araw na lang kasi at lalabas na si Az sa ospital. Pinapagaling na lang niya ang natamong sugat at mga galos na dala ng pagkakabugbog sa kanya. "Konting tiis na lang, makakalabas ka na," wika ni Danica matapos painumin si Az ng gamot. "Thank you kasi nandito ka," nakangiting tugon ni Az kay Danica habang hawak nitonang kamay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD