Nakaramdam si Danica na tila nakayakap sa kanya si Az mula sa kanyang likuran. Ramdam niya ang mainit na bisig ni Az na nakapulupot sa kanyang bewang habang ang isa naman niyang braso ay nasa ulonan niya. Umaga na pala at namalayan na lang niya ang sarili na halos magkadikit na pala si Az. Ngunit sa halip na kontrahin o magpumiglas sa kanyang kinahihigaan ay ninamnam na lamang niya ang bawat saglit at namalayan na lamang niya ang sarili na nakangiti. Saglit niyang pumaling sa harap ni Az. Ramdam niya ang init ng hininga nito na kasalukuyan pa ring natutulog. Minasdan niya ang kabuuan ng mukha nito. Kahit nakapikit ay kitang-kita pa rin ang napakaamo nitong mukha. Ngayon lang niya napansin ang mahabang pilik mata ni Az at ang makapal nitong kilay ina-appreciate niya ang bawal parte ng mukha

