Naging bukas ang isipan ni Danica sa maaaring mangyari sa pagsama niya kay Az. Ngunit naging matapang siya sa pagkakataong 'yon. Naging handa siya sa pagharap sa hamon ng pag-ibig. "Saan ba tayo pupunta?" usisa ni Danica dahil halos isang oras nang nagmamaneho si Az ng sasakyan. Ngunit tanging ngiti lang ang itinugon ni Az. Ramdam niya ang saya dahil kasama niya ang babaeng mahal niya. Hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti. Wala mang tugon na natanggap si Danica sa tanong ay buo ang naging tiwala niya kay Az. Alam niya kung gaano niya kamahal ang lalaking halos ibuwis lahat makasama lang siya. Ganoon nga siguro kapag nagmahal ka. Madali mong mapapatawad ang mahal mo at magiging matapang kang harapin lahat para ipaglaban siya. No words can explain how much they love each other and no can

