"Manong, bayad po," wika ni Danica at pagkatapos naman ay bumaba na sa taxi. Hindi niya napansin na nasa harap pala ng bahay nila ang sasakyan ni Az dahil nagtetext ito habang nasa loob ng taxi kanina. Kaya nagulat siya nang makababa ng sasakyan. "Danica," nagulat si Danica nang tumambad sa harapan niya ang presensya ni Az. Tila kumabog ang dibdib ni Danica sa nakita. "Anong ginagawa mo rito?" usisa ni Danica. Nabanaag sa kanyang muka ang galit ngunit hindi niya magawang saktan ang lalaking nasa harapan niya. Palagi niyang tinatanong sa sarili kung bakit nagiging marupok ang damdamin niya sa tuwing masisilayan niya ang malalim na mata ni Az na sa tuwing tumititig sa kanya ay parang sinasabi nito na punung-puno ito ng pagmamahal para sa kanya. Pilit niyang dinidiktahan ang pusong huwag ma

